Chapter-15 (UTUSAN NIYA)
(IAN)
Alam ko naman na mang yayari yon. Yung nangyari kanina eh tinanggal ko lang saglit yung suot suot kong saklob biglang may nanghigit na saakin, Kung hindi ko sana tinanggal yung saklob edi sana hindi ako nagalit kay sam.
Tas nadamay pa yung babae. Hindi dapat ako magalaitin masisira ang pangalan ko nito eh..... ho!..... easy lang ian.
Biglang may pumasok sa loob kaya umupo na ako, mukhang siya yung first subject namin.
Ilang minuto ay pina punta ako ni miss sa unahan para mag pakilala daw ako. sino ba tao ang hindi makakakilala sa akin diba wala, lahat ata nga sila kilala ako.
Wala ako magagawa teacher siya kaya dapat ako sumunod.
---------
(SAM)
"Okay class may new transfer tayo. Kilala na ninyo ata siya pero hayaan na nating siya mag introduce ian" tawag ni miss kay ian na siya namang sigawan ng mga kaklase namin.
Kaya pumunta si ian sa unahan at nag pa kilala.
Anong meron namna sa kanya ano isang sikat na estudyante na galing sa ibang school katulad nalang noong apat na mokong...
"Bago ko pala pakilala ang sarili ko. Sorry nga pala duon sa babae kanina mainit lang kasi yung ulo ko" sabi niya at binigyan ng nakakalokang ngiti si april na siya naman nagpapula sa mukha ni april.
Ay langya naman to ah.
Saka niya itinuloy ang pag papakulala niya.
"15 years old, I am sky ian santos You can call me ian" sabi niya na may napaka gandang ngiti kaya napasigaw ang halos lahat ng babae.
Parang walang nangyari kanina ah, ano nag ka amnisya sila?.
Saglit nga lang sky? Hmmmmm...... parang narinig ko na yung pangalan na sky ah!, Ay baka hindi.
Pag katapos niya mag pakilala ay bumalik na siya sa kanyang upuan na nakangiti parin ang creepy naman nito, Pero ng dumaan siya sa akin ay binigyan niya ako ng napakasamang tingin na naka simangot at ng hindi na siya nakatingin sa akin ay bumalik ulit siya sa kanyang magandang ngiti.
wow ha plastic lang ang peg ni kuya.
---------
(Lunch)
lalabas na sana ako para matulog diba nga wala ako pag kain pati wala akong pera pambili, Ng tawagin ni ian ang pangalan ko.
Ano nanaman ba. Kanina pa kasi siya tawag nang tawag kala mo ba yaya ako ano panibagong kong madam ha hindi lang isa ang madam ko dalawa na.
Pumunta ako sa kanya para itanong kung ano kaylangan niya sa akin.
"Ano iyon?" tanong ko sa kanya.
"Samahan mo ako sa canteen" sabi niya sa akin.
"Diba alam mo na kung saan yung canteen kayang kaya mo na iyan mag isa" sabi ko sa kanya.
Aalis na sana ako ng bigla niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang canteen.
Nasa canteen na kami at nakita ko ang mga masasamang tingin ng mga estudyanteng babae dahil ata hawak ni ian ang kamay ko kaya agad ko binutawan ang kamay niya at nag hanap ng mauupuan namin.
Porket barino siya sa akin kanina at kay langan daw bumawi ako sa kanya kaya dapat daw lahat ng iuutos niya ngayong araw na ito ay susundin ko.
lumapit sa akin si ian at umupo sa tabi ko.
"Oh order kana" utos niya sa akin at may inabot siya sa akin na pera.
Mukhang yaya nga ako nito ah.
Tumayo na ako at pumila para bumili ng makakain namin.
Ng makaorder na ako ng pagkain ay bumalik na ako sa aming upuan.
Malapit na ako sa upuan namin ni ian ng bigla ako matisod kaya yon, natapon yung inumin.
inumin lang namin ang natapon dahil na hawakan ko ang try at yung inumin lang talaga ang nahulog. Buti nga hindi ako napasubsob sa sahig kung hindi ang sakit noon at buti rin hindi natapon yung pagkain namin pati yung inumin ay hindi natapon sa pagkain sa floor siya natapon.
Narinig ko naman ang mga tawanan nila tawanan diyan... doon....dito.
Alam ko na may tumisod sa akin hindi ko nalang pinansin kung sino man ang sira ulong tumisod sa akin.
Wag nang pansinin sam, wag mo nang pansinin ang mga tawanan nila.
Pumunta na ako sa upuan namin at binigay kay ian yung pagkain niya at sukli.
Nag umpisa na siyang kumain, kaya umupo na din ako at nag umpisang na din ako kumain.
Mukha hindi niya yon nakita ah buti naman.
Kaylangan ko na umiwas sayo ian baka bugbog sarado nanaman ako nito pati baka madamay ka lang sa kamalasan ko.
Habang abala ako sa pagkain ay may pinakita saakin si ian na picture na aking ikinasamid.
"Burahin mo nga iyan!" Galit na sabi ko na narinig ng ibang estudyante dahil napatingin sila sa akin, Kaya napatungo nalang ako.
Paano naman kasi hindi ako magagalit eh kinuhanan pala ako ng picture ni mokong kanina na natalisod ako at nakanganga na nakatingin sa may pagkain.
Nakakainis naman oh.
"Burahin mo nga iyan" Ulit na sabi ko sa kanya, pero ngayon mahina na ang boses ko.
"Ayoko nga, Ang cute mo kaya dito"
"Anong cute? anong cute diyan ha" Pag rereklamo ko sa kanya.
"Ang pangit nga eh kaya pwede ba burahin mo na" Sabi ko sa kanya.
"Wew nice photo" Nagulat ako sa nag salita sa may gilid ko.
Kaya napatingin ako at si nicko lang pala.
Ng mag salita si nicko ay walang nang nag salita sa aming dalawa ni ian nanahimik nalang kami ng bigla mag salita ulit si nicko.
"Ow oo nga pala I am Nicko new transfer rin ako mga 15 day na ata" sabi niya kay ian.
Bigla naman nag salita si ian, Aba nakikinig din naman pala siya habang nakain.
"Nice to meet you nick" wow kakakilala palang may nickname na agad si ian kay nicko.
"Hahaha astig naman may nickname na agad ako sayo. Pwede bang makiupo?" tanong ni nicko kay ian.
syempre umoo si ian kaya umupo si nicko sa tabi ko kaya umisod ako ng kaunti sa may sulok.
Habang abala ako sa aking pagkain ay nakikinig ako sa kanilang kwentuhan.
Tawanan sila ng tawanan na parang wala ako, ang astig nga eh babago lang si ian may ka close na siya ako nga eh ilang taon na ba ako dito hindi ko alam kung ilan taon na ba ako dito eh wala parin ako ni isang ka close.
Ng matapos na ako kumain ay binigay ko na kay manang yung pinggan ko at pumunta na ako sa class room mukha kasi ang ganda ng pinag uusapan nila, ayoko naman mangepal sa kanila kaya umalis na ako.
-----------
(NICKO)
Mag isa ako pumunta sa canteen hindi daw kasi kakain yung tatlo busog daw ba.
Bumili nalang ako ng tinapay at umalis na ng makita ko si ian at si suplada.
Hanggang ngayon hindi ko parin alam yung pangalan niya.
pumunta ako sa upuan nila at nagulat ako sa nakita ko bwahahahhaha nakakatawa yung picture ni suplada.
Kaya nag salita ako at bigla naman sila nanahimik ah oo nga pala bago nga pala si ian kaya hindi ako kilala si miss suplada naman ay walang paki, Kaya nag pakilala ako kay ian at yon binigyan niya agad ako ng nickname.
Nag kwentuhan lang kami nag kwentuhan ng bigla siya nag paalam dahil nawala daw bigla si sam kaya nag taka ako kungsino si sam. Ah so ang pangalan pala ni suplada ay sam also know as a nerd or nerdy.
umalis na siya na hindi man lang namalayan ni ian na naiwanan niya ang cell phone niya sa lamesa, tatawagan ko sana siya ng bigla naman siya tumakbo kaya kinuha ko nalang yung cellphone niya para ako na ang mag bibigay sa kanya mamaya.
Hindi ko naman sinasadyang mapindot ang cell phone niya para makita ko ang wallpaper niya.
May tupak rin pala yung isang yon, Paano ko nasabi ginawa ba niyang wallpaper yung picture ni sam. kaya may na isip ako kalokohan kinuha ko ang cell phone ko at pinicturan ko ito.
Tsk hahhaha. Maganda ito pag malungkot ka titignan mo lang yung picture niya tatawa kana agad.
Umalis na ako at nag lakad na papuntang class room.
To be continue......
-----------
Vote and Comment😊
October 27 17
Hi i am your nicko
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top