Chapter-14 (THE TRANSFER STUDENT)

(SAM)

NAKO PO LATE NANAMAN AKO WAAAAAAAHHHHH!!!!!!

Agad ako bumangon sa akin higaan, sinuot ang salamin at saka bumaba para maligo, ng pag kababa ko sa hagdanan ay nag kamali ako ng apak kaya nag dagasa ako.

"Aray ko po" sakit ah....

"Tsk. Late na kasi gumising"
sabi ng familiar na boses

"Oh salamin mo. ingatan mo nga yang salamin mo basag na nga gusto mo pa ata matuluyan" sabi ulit noong familiar na boses

Sinuot niya sa akin ang salamin.

Ah si ian pala, Mukhang hindi pa talaga ako sanay na may kasama ako sa bahay.

"Tumayo ka na nga diyan baka malate paako" sabi niya kaya tumayo na ako.

Pag katapos namin kumain ay naligo na ako.

Saglit lang ako naligo dahil late na kami. pumunta na ako sa aking kwarto para kunin ang mga gamit ko at saka ako bumaba.

"Bat ganan ang suot mo?" tanong ko kay ian na ang suot niya ay naka saklob siya tas maong and a long sleeve na color black and white.

"Wala pa kasi ako uniform" sabi niya sa akin at lumabas na kami.

Pag katapos ko saraduhan at ilock yung bahay ay nag lakad na kami.

"Pwede namang suma-" pinutol ko na ang sasabihin niya alam ko na kasi ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya.

"Alam mo exercise to no!" sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang cell phone ko sa aking bag para tignan kung ano oras na.

Hala 7:30 am na hala nako po patay ako nito.

Kinuha ko ang kamay ni ian na siyang ikinagulat at saka ako tumakbo hanggang sa school.

Bawal ako ma late nito.

7: 39 am ay nasa may gate na kami ng school na hingal na hingal ako.

"Bakit mo naman ako hinigit langya ka yan tuloy pawis na ako" pag rereklamo ni ian na hinihingal din.

Ng hindi na ako hinihingal ay nag salita na ako.

"Ganito yan ian. Yung room ng black rose ay sa second floor sa dulo sa left. tumingin ka sa building namin tas sa pinakang dulo sa may left tas yun na yung room" sabi ko sa kanya.

"Bakit mo sinasabi sa akin yan diba mag kaklase tayo?" tanong naman niya sa akin.

"Oo alam ko. may pupuntahan lang ako kaya umuna kana sa room" sabi ko sakanya at tinulak na siya sa loob para mag lakad na siya papuntang building. marami na kasi nakatingin sa amin dito sa labas ng gate kaya pina una ko na siya pati.......

Nag hintay muna ako sa labas at saka ako pumasok sa loob ng nasa loob na si ian ng building.

Pumunta na ako sa lagi ko position, ang garden para mag linis.

Ng matapas na ako sa pag lilinis sa garden ay pumunta na ako sa canteen para mag linis.

"Good morning po manang " bati ko kay manang na nag aayos ng kanyang paninda. Kinuha ko sa kanya ang mga panglinis at saka ako nag linis.

Nakakapag taka naman bat wala atang tao sa canteen hindi tulad dati pag nag lilinis ako dito mga 30 estudyante ay nandito na.

Ano meron?

May program ba?

Habang nag lilinis ako ay nag tanong ako kay manang kung ano meron at bakit walang estudyante sa canteen.

"Manang bat wala po ata mga eatudyante dito. Ano po meron?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko kanina nga ng wala kapa marami ang tao diyan tas bigla nalang sila nag takbuhan parang may nakita silang multo eh hahahahah" natatawang sabi ni manang.

Hmmmm.... Nakakapagtaka naman.

"Manang tapos na po ako mag linis" sabi ko sa kanya at binigay ko na sa kanya ang mga panlinis.

"Sige sam mamaya ulit. May papatikim pala ulit ako sayo na ulam tikman mo kung masarap ha" sabi ni manang kaya napangiti ako.

"Sige po manang" sabi ko at umalis na ako.

---------------------

Habang papunta ako sa akin room ay ang mga masasamang tingin nanaman nila lagi nalang ay, Ayos lang yan sam.

Malapit na ako sa room ko ng makita ko parang may pinag kakaguluhan sa may pintuan ng room namin, kaya agad ako pumunta at tinignan kung sino pinag kakaguluhan nila.

Hala hindi ko kita bat kasi ang tatangkad ng mga babae ito....... ah bakit naman pala eh nakatakong tsk mag dagasa sana kayo.

"Excuse me po" sabi ko sa mga tao nakaharang sa pintuan na parang hindi ako naririnig.

Kaya mas lalo ko nilakasan ang boses ko.

"EXCUSE-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang sila nag si tabihan.

Bakit naman pala sila nag si tabihan gawa pala ni sed ang cold prince ng school namin daw ha!.

Marami ang takot sa kanya tinawag siya cold kasi hindi ko alam hahahahha.......

Hindi ko na sinayang ang pag kakataon na makapasok ako sa loob kaya sumabay ako sa pag pasok niya.

Pumunta na ako sa aking upuan at inilagay sa may gilid ang bag ko saka ako umupo.

Sino kaya pinag kakaguluhan nila.

Nasaan pala si ian hindi ko pa siya nakikita ah.

Baka naligaw ata yun ah.

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!" napatayo ako dahil duon sa babae sumigaw sa may labas hindi lang ako ang napatayo yung iba hindi lang napatayo pumunta pa sa may pintuan para alamin kung ano iyon.

"WAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!! ANG CUTE NIYA!!!!" Hay ano ba iyan akala ko kung ano. mukhang may lalaki nanaman silang pinag kakaguluhan umupo nalang ako at tumingin sa may bintana.

"PAPA IAN!!!" napatingin ako sa labas dahil duon sa sumigaw ng pangalan ni ian.

IAN?????? Hindi ko maipinta ang aking pag mumukha.

Ian ikaw yung pinag kakaguluhan nila????

Ng tumingin sa akin si ian ay binigyan ako ng masamang tingin. abat ano naman ang nagawa ko.

Agad siya pumunta sa akin ng makawala siya sa mga babaeng sumalubong sa kanya sa may pinto.

"Hoy babae!!" sigaw niya sa akin. Kaya napatingin saamin ang lahat ng estudyante na nasa loob ng room pati nadin ang mga estudyante na nasa labas.

Kainis ano pa problema nito.

"Ba-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba-"

"Hindi ko pa alam" pag bibiro sabi ko pero hindi ako tumawa o ngumiti.

"Hindi pa ako tapos eh!. alam mo ba parang ako nirape noong pag pasok ko sa building ha! may nang higit saakin na bakla buti nalang at nakatakas ako tas pinag kaguluhan pa ako sa may office tas ngayon naman sa may pinto ng room ha!!!" galiiting sabi niya sa akin at inayos niya ang saklob niya, Hindi pala yung saklob na pinaheram ko sa kanya.

Napansin ko yung mga tao nakatingin sa amin kanina ay sa akin na nakatingin at ang sasama ng mga tingin nila. Hahahha alam ba nila na hindi ako masarap kainin.

pero hindi ako nag patalo sa kanya.

"So kasalanan ko?" mataray na tanong ko sa kanya na nakahalumbaba parin ako.

"Aba oo kasalanan mo kung hindi mo ako pinauna kanina edi sana hindi ako nahigit hindi mo ba alam ha!. Napakakilabot kinilabot ako kanina dahil duon ha!!!" Parang babae kung magalit ay siguro meron ito.

"Hindi ko iyon kasalanan kung naging elerto ka sana edi sana hindi ka nahigit diba" Mahinahong sabi ko sa kanya.

"Abat tsk ewan ko sayo!" galit na sabi niya sa akin at umupo na siya sa may tabi ko.

Nawala na ang masasamang tingin ng mga kaklase namin sa akin at may biglang lumapit kay ian na babae.

"Hi i am April" ah si april lang naman pala.

"Hindi ako nakikipag kilala sa isang katulad mo malande!" Malamig na sabi ni ian sa babae. wow ian astig ah ayos yan sige pa manglait ka pa bili na. Hindi masamang manlait pa ramihan mo pa hangat gusto mo.

wahahhahahah......Natatawa nalang ako sa loob looban ko dahil sa ginawa ni ian kay april.

"Tsk. kala mo kung sino gwapo. makaalis na ngalang" sabi niya at bago siya umalis ay sinipa niya ang bag ko kaya tumalsik ito sa unahan malakas ata yung pag kaka sipa niya bat ganon.

So sa akin niya binubuhos ang galit niya wow ha.

Tumayo ako para kunin yung bag ko ng bigla pigilan ako ni ian at sinabunutan si april na aking ikinagulat hindi pala kaming lahat ikinagulat namin ang ginawa niya kay april.

"Ano ba! Bitawan mo nga yung buhok ko!" Maarteng sabi ni april kay ian na hawak hawak parin ang kanyang buhok.

Ng bigla mag salita si ian.

"Alam mo ang ganda mo sana kaso ang sama ng ugali mo eh!" sabi niya na aking ikinagulat ulit hindi pala namin ikinagulat ulit namin ang ginawa niya.

Lumapit si ian sa tenga ni april at may sinabi siya dito na ikinatakot ni april.

Saka binitawan ni ian ang buhok ni april at sinimot ni april ang bag ko at binigay niya ito sa akin.

Kitang kita ko ang mga mata ni april na natatakot.

Bumalik na ako sa aking upuan pati si ian dahil pumasok na ang teacher namin sa Tle.

To be continue.....

--------

Vote and Comment 😊

October 27 17

Hi i am your prince ian.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top