Luna's Lantern


"Luna bebi, di ka pa uuwi?" napabaling ang inaantok na si Luna sa kaibigan nitong si Fely. Palabas na ito ng opisina dala ang bag at ilang papeles.

"As usual beb, kailangan ko pa kasing tapusin itong financial report for this month." sagot nya at nag inat-inat muna ng braso bago nagtipa ulit sa keyboard.

"Isang malaking good luck nalang sayo, girl! Alam ko namang di kita mapipigilan pagdating dyan!" naiiling na tugon ng kaibigan na mahina nyang tinawanan.

     "O sya, mauna na ko sayo't may usapan pa kami ni Gavin na dinner." kinikilig na paalam sa kanya nito.

Napangiti sya nang hindi na nito hinintay ang sagot nya sa sobrang pagkaexcite sa hula nya'y date nito kasama ang ilang taon na nitong kasintahan. Bahagya tuloy siyang napailing nang mapaisip nanaman sya kung ano kaya ang pakiramdam ng may 'love life'

Luna is at her 24 years of living in this chaotic world pero ni minsan ay di nya pa naranasan ang magkaroon ng kasintahan. Hindi naman sa walang nanliligaw sa kanya, sa katunayan nga ay dalawang inhinyero ang nireject nya nito lang nakaraang buwan.

Its just that, she doesn't feel even one of those special feelings na dapat daw maramdaman ng isang 'in love' na ibinahagi sa kanya ni Fely.

You know? the butterflies, the giddiness, yung spark? She just couldn't feel those kapag kasama nya ang mga lalaking nagkainteres sa kanya noon.That's why rejected silang lahat.


"Manong dyan nalang po sa gilid." aniya sa tricycle na sinakyan nya pauwi.

Nang silipin nya ang pampulsuhan nyang relo ay napailing nalang sya nang makitang alas 11 nanaman sya ng gabi magsisimulang maglakad sa makipot at makahoy na daan pauwi sa kanilang tahanan.

"Lets go, Luna!" bulong nya sa sarili bago mahigpit na hinawakan ang strap ng shoulder bag nya at ang makapal na brown folder naman sa kaliwang kamay nito.

Nang makapasok sa daan ay segu-segundo siyang napapapikit dahil sa mga munting ingay ng mga dahon at mga insektong pang gabi.

Napakagat labi nalang sya ng may marinig pang palaka. Jusko! Kung bakit ba naman kasi wala na syang makasabay sa paglalakad dito kapag ganitong oras!

She was about to run her way home pero natigil sya nang muling makita ang maliit na ilaw na madalas nyang masumpungan sa daan sa tuwing ginagabi sya ng uwi. Napaangat ang sulok ng labi niya nang mapansing tila hinihintay nanaman sya nito sa tapat ng puno ng mangga kung saan nya ito gabi gabing nakikita.

Labis siyang nahihiwagaan sa munting liwanag pero sa di malamang dahilan ay napapanatag ang loob nya sa tuwing nakikita nya ito sa gitna ng madilim na daan. Pakiramdam nya ay ligtas na siya at walang anomang elemento ang makakapanakit sa kanya kapag natanawan nya na ang ilaw na ito.

Crazy for her to feel that pero yun talaga ang nararamdaman niya.

Hindi nya maiwasang mamangha sa tuwing kumikislap ang liwanag nito na para bang inaakit ang mga mata niyang tumitig. Para itong mga mata ng isang tao na labis syang pinapamangha.

Madalas pa nga at hindi nita na namamalayan na sa sobrang paninitig nya dito ay nakarating na din pala sya sa tapat ng kanilang bahay. Katulad nalang ngayon gabi.

Ang pinagtataka nya lang ay kung panong nawawala ito na parang bula sa tuwing bubuksan nya na ang pinto ng tahanan. Para bang hinatid lang talaga sya ng ilaw na tinuring nya nang isang kaibigan.

"Good night, my little lantern." bulong nya na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kawalan bago tuluyang isarado ang pinto.

Kinabukasan ay nahuli siya sa pagpasok sa opisina. Masyado kasi syang napagod at napuyat dahil pinagpatuloy pa niya sa bahay ang mga paper works niya.

"Uy Luna, nameet mo na ba yung bagong member ng finance team?" nangingiting tanong ng kaibigan nyang si Fely.

Nagsalubong ang kilay nya at dahan dahang umiling.

"Damn girl! Smokin' hot ang kuya mo! Chinito na matangkad pa! Yun nga lang yellow haired pero keri na, bagay kayo girl!"

Namilog ang mga mata niya dahil sa kalokohan ng kaibigan. "Gaga ka baka may makadinig sayo!" nginitian nya ito at humarap nalang sa monitor para magsimula na ulit magtrabaho.

Nang pauwi ay agad na nalukot ang mukha niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Gabing gabi na at wala syang dalang payong!

Napakafucking malas, ganun niya ilarawan ang sarili dahil sa sitwasyon. Napagdesisyunan nya na sanang magpaulan nalang ngunit ganon na lamang ang pagtataka nya nang wala syang maramdamang tulo nito sa katawan nya.

Nang tumingala siya ay isang see-through umbrella ang tumambad sa kanya. Hawak ito ng isang lalaking may dilaw na buhok. Ito ang bago nyang katrabaho, si Lantern.

Bahagyang natikom ang bibig nya dahil sa pagkabigla at dahil na din sa pamilyar na pakiramdam na namayani sa dibdib nya nang mapagmasdan nya sa malapitan ang binata.

"You'll be sick if you'll soak yourself in the rain." aniya sa isang mababang boses.

Awkward siyang napangiti at napaiwas ng tingin, napalunok pa sya dahil sa lakas ng pakiramdam nya na nakita na niya ito dati sa kung saan. Hindi lang basta nakita, pakiramdam niya, isa syang malaking parte ng buhay nya.



"Heto nanaman tayo." kagat labing sabi ni Luna nang makatapat nanaman sila sa bukana ng madilim na daan. "Are you ready?" tanong nito sa kasama.

Dahil parehas ang daan nila pauwi ay palagi na silang magkasabay ng binatang si Lantern, kahit pa lagi syang nag oovertime ay sinasabayan siya nito para lamang magkasama silang umuwi.

Kung iba sigurong tao ay magdadalawang isip sya sa pagsama nito sa kanya palagi, pero dahil si Lantern ito na kapangalan pa ng kanyang kaibigan ay hindi sya nag-abala pang umarte.

Tumaas ang sulok ng labi ng binata, "Ready huh? let me guess, may bigla nanamang papasan sakin mamaya pag may lumabas na palaka sa daan." anito na may halong pang aasar kaya inungusan nya ito at tsaka sabay silang natawa.

Hindi nya maipaliwanag pero kahit ilang linggo palang silang nagkakilala ay sobrang gaan na agad ng loob nya sa binata.

"You know what, I used to have a friend along this dark scary path." kwento nya habang naglalakad. "You might laugh at me pag sinabi kong hindi sya tao ni hindi din ako sigurado kung ano bang nilalang siya."

     "I saw him here in this dark path every night. He was my little light in this dark scary alley. He was my peace sa tuwing inaabot ako ng kaba sa pagdaan dito."

     "Pero hindi ko na sya nakikita this past few weeks." malungkot niyang dugtong.

"Do you miss that friend?" biglang tanong ni Lantern, "Nung una, pero alam mo, nakakatawa lang kasi, nung unang gabi na nawala sya, ay siya ding gabi na una kitang nakasabay sa pag-uwi." napaangat ang sulok ng labi nya sa sariling sinambit.

"And you know what?" tumigil sya sa paglalakad kaya tumigil din ang binata. She bravely stared at his eyes and he did the same too.

"I hate to say this but ... nung unang araw na nakita kita, pakiramdam ko, kilala kita." pag amin nya na siyang kinatahimik nilang dalawa.

Ilang beses na kumurap ang binata bago nakahanap ng salita. Tila ba may gusto itong sabihin pero nangapa pa ng mga tamang salita para ipahayag sa kanya.

"Luna ... would you believe me if .." utal na sagot nito. Pinakatitigan nya ito at hindi nya alam pero bahagya syang kinabahan sa maaring sabihin ng kaharap.

"If what, Lantern?"

"If ... I would say that ... I am that 'lantern' whom you bid your silent 'good nights' every night before?" seryosong tanong nito na ikinabilog ng mga mata niya.

She found that idea insane pero hindi nya maintindihan kung bakit feeling nya, masaya sya if ang binata nga ang kaibigang yun.

"Luna, kung malaman mo na isa akong aghoy .... ganito padin ba tayo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top