Chapter 65

Chapter 65 Soft

"Dude she kissed me."Pagkukwento ni Tywin habang nagdidribble ng bola.Napailing siya nang hindi ito pumasok sa ring.Nilingon niya ko at hinintay ang reaksyon ko.

"Mmm??"

Kumunot ang noo niya."Aren't you supposed to be mad at me?"Tanong niya at pinulot ang bola.

"Bakit naman??"Tanong ko at pinasa niya sakin ang bola.I dribbled it at tumalon para ipasok sa ring.

"I thought you like Brittanny??"

"Not my type."Sagot ko nalang na kalaunan ay tinanguan niya.

"She kissed me in my cheek man,i was shocked...."Pagkukwento niya ulit at ngumisi naman ako.Nilapat niya ang dalawang palad at tumingin sa mga ito.

"Too shocked that i touched her boobs."

"Ohhh."I reacted at natatawang kinuha sa kaniya yung bola."Congrats."Nangaasar kong sabi at tinawanan niya lang ako.

Matapos naming naglaro ay nagaya sina Alira at ate Jahara na maligo dun sa sapa na kinwento ni Alira.Agad namang pumayag si Tywin at malapad ang ngiti kay Alira.

Tumaas taas pa ang kilay ni Alira kay Tywin at pasimple silang nag apir.Agad namang inutusan ni ate ang mga katulong na maghanda ng pagkain para samin.

"Malinis yung tubig don."Kwento ni Alira habang naglalakad kami sa malawak na tinutubuan ng mga damo."Wala naring makapal na talahib sa paligid nung sapa,nilinis na ni Tata Selo."Dagdag niya pa.

Bumungad samin ang pond na kumikinang sa linis ang tubig.Pinalilibutan ito ng mga puno at kagaya ng sinabi ni Alira ay wala ng mga talahib.Maliliit nalang na damo ang bumingad samin at malinis rin ang kapaligiran

Nilapag namin ang nga towels na dala sa isang lamesa na may silungan.Naghubad ahad ng pangitaas si Tywin at nauna ng lumusong.

"Wow,may isda!!"Masayang sabi niya at tumuro sa isang direksyon.Naghubad narin ako ng
pangitaas at lumusong na sa tubig.

"Ingat Jao."Ani ate.

"Oh come on."Reklamo ko at natawan naman siya sakin.Nginiwian ko lang siya at lumusong na sa malamig lamig na tubig ng sapa.

Buhay na buhay ang tubig dahil sa mga maliliit nitong isda at kulay asul na kompleksyon.Hindi rin masyado nakakapaso ang sinag ng araw,everything was nice even the weather.

"Cannon ball!!"Sigaw ni Alira at tumalon sa sapa.Tumatawa itong umahon at nagapir pa sila ni Tywin.Inalalayan ko naman si ate na lumusong suot suot ang maikling short at sando.

Ilang oras kaming nagbabad sa sapa habang nagkukwentuhan.Natigil lang kami ng dumating ang mga pagkain na pinahanda ni ate.

Umahon na kami sa sapa at kumain magkakasama.Umupo kami sa isa pang table at naghila kami ng mga upuan.

Naging masaya ang araw nayon at napagdesisyunan naming ulitin iyon sa susunod na linggo.

Sabado ng umaga at inaantok akong bumangon sa kama.Bumaba ako papunta sa kusina at nakaupo na sa long table sina Alira at ate.

Naguusap ang dalawa habang kumakain na ng almusal.Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa isang baso.Pagkatapos uminom ay umupo ako sa tabi ni ate.

Pinagserve naman ako ng almusal ng mga katulong at nagsimula nading kumain.Nakikinig lang ako sa dalawa na naguusap tungkol sa eskwela.

"Dadating mga classmates namin mamaya."Ani Alira sakin."Si Tywin?Papuntuhin mo ah,para marami tayo sa sapa!!"Masayang sabi niya na tinaguan ko bago siya kumain.

Pagkatapos magalmusal ay naligo lang ako sa kwarto habang hinihintay na dumating si Tywin.Pagkababa ko ay mga katulong lang ang sumalubong sakin.

"Jao!!"Kumaway si Tywin na nasa veranda habang nakaupo.Nasa siya sa may sofa at nilapitan ko siya dala dala ang saksakyan ko na remote control .

Pinatong ko sa glass table ang remote at sasakyan bago kami magfist bump.Tumayo naman siya at inabot ang helicopter niya na remote control din.

"Palit muna tayo??"Tanong ko habang tinitignan ang helicopter na kulay pula.Inabot naman niya ang remote sakin bago ngumisi at nagthumbs up.

Kinuha na niya ang sasakyan ko at remote bago kami maglakad sa wide space ng mansyon.Pinalipad ko ang helicopter habang si Tywin ay pinaandar ang sasakyan sa lupa.

Ilang minuto lang ay nakita na namin sina ate at Alira na may mga kasamang babae.Galing siguro sila sa gate at ngayon ay madadaanan nila kami.

"Wow ang galing."Puna nung isa sa kanila habang nakatingala sa helicopter ko.Tumingin siya sakin kalaunan.

"Ang taas mo magpalipad ah."Nakangiting komento niya.Umangat ang gilid ng labi ko at tinanguan siya.

Bagsak ang buhok niya na may kulot sa dulo.Umaabot ang kulay brown niyang buhok sa sa bewang,maliit nga lang siya pero maputi.

"That's my little brother Jao."Ani ate sa mga kasama.Agad na sinipat nila ang kabuuan ko at ngumiti ng matamis sakin.Tipid na ngumiti ako pabalik at lumapit naman yung isa sakin.

"Hi Jao,i'm Aeren."Nagpakilala yung pumuri ng helicopter ko kanina.Nagkamayan kami at nagpakilala din ako.

"Heto naman si Tywin."Malapad na ngumisi si Alira kay Tywin at inakbayan ito."Mwehehehe."Nagfist bump din sila.

Matapos ay dumeretso na kaming lahat sa sapa nang magpahanda ulit ng pagkain si ate.Sunod sunod sakin si Aeren habang naliligo kami sa sapa.

Ngumingiti lang ako at tumatango sa mga kinukwento niya tungkol sa kung ano anong bagay.She's talkative at hindi siya nahihiyang banatan ako ng mga cheesy lines.

"So may girlfriend kana??"Nakangising tanong niya.I chuckled at umiling lang ako."Mag aaply sana ako."Humalakhak siya at nginisian ko naman siya.

"Patulong."Aniya at tinaas ang dalawang kamay.Hinala ko naman siya para makaahon sa sapa."Ahh!!"Tili niya ng madulas siya at bumagsak sakin.

Napayakap siya sakin sa gulat at sabay kaming naupo sa damuhan."Ayos ka lang??"Tanong ko nang nakita ko siyang ngumiwi sa sakit.

"Nagasgas yung tuhod ko."Mahinang sabi niya at inupo ko naman siya ng maayos.May sugat nga yung kanang tuhod niya,siguro nagasgas sa isang bato.

Maliit lang naman.

Lumapit ang isa nilang kasama samin at tinulungan na siyang tumayo.

"Ayos ka lang??"Mahinhin nitong tanong kay Aeren na nginitian kaming dalawa.

"Medyo mahapdi lang Clair."Ani Aeren dun sa Clair na tumango at naglakad na sila.

Tinignan ko ng mabuti si Clair na naka black shorts at puting t-shirt.She's kinda curvy at sobrang puti niya.Maikli ang itim niyang buhok at  mas nakakaganda sa kaniya ang itim na spectacles.Soft ang features niya.

"Uy hindi ka sasabay??"Lumingon si Aeren sakin at tumayo na ako.Nagpamulsa akong sumabay sa kanila.

"Let me help you."Sambit ko at hinawakan sa kaliwang braso at kamay si Aeren.Nagtama naman ang paningin namin nung Clair.

Nahihiya itong ngumiti sakin at marahan na nagiwas ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top