Chapter 63

Chapter 63 Baby

Hinihingal kong pintalbog sa lupa ang bola na hawak ko habang papalapit sa kinauupuan ni Tywin.Pawisan din siyang umiinom sa tumbler niya dahil sa katatapos lang naming maglaro sa likod ng mansion namin.

Unang sabado ito ng pasukan at balak talaga niyang tumambay sa mansyon namin.Hindi kasi naging madalas ang pagdalaw niya dito  nung nakaraang bakasyon.

Nasa maynila siya habang kami ay nag out of town.Siya lang naman kasi ang nagiisang lalaki na malapit sakin,hindi ko kasundo yung iilan kong kaklase.

Yung ilan ay takot,yung ilan naman ay parang naiinis sakin at gusto ng suntukan.Well if thats what they want,i can give that.

I took off my black jersey shirt at tanging sando nalang ang suot.Kunot noo akong sinipat ni Tywin.

"You traitor,did you do gym already?"Kunot noong tanong niya habang kinakalkal ko ang bag ko.

"Nope."Sagot ko at uminom ng malamig na tubig sa tumbler na dala ko.

"I think you did."Kunot noo niya kong inilingan at  naglaro muna sa cellphone niya.I look at my arms and legs,sinipat ko din ang loob ng sando ko.

I'm not that ripped but i think mas lamang nga ang katawan ko kesa sa kaniya.Nagmumukha siyang payat kapag katabi ako.

Sabay kaming pumunta ng veranda at nakita doon sina ate at Alira.Nagbabasa ng libro si ate habang kumakain naman ng meryenda si Alira na nagbabasa rin.Nakaupo sila sa sofa na nasa gilid ng veranda.

"Uyy,meryenda."Inalok ni Alira ang kamoteque na nilalantakan niya at ang orange juice na iniinom.Agad namang napatingin samin si Ate.

I just nodded at Alira na nginitan ako.Nahihiya namang umupo sa tabi ni ate si Tywin habang ako ay nagdribble sa harap nila.

"Pawis na pawis ah."Komento ni Alira.

"Basketball."Sagot ko.Napatingin ako kay Tywin na pasimpleng inamoy ang sarili at marahang lumayo kay ate.

"Kumain kayo ng meryenda."Alok din ni ate at inabutan si Tywin ng kamoteque.Nahihiyang tinanggap naman ito ng kaibigan ko at ngumiti.

Bumuntong hininga lang ako at binitawan ang bola.Kumuha ako ng baso at nagsalin dito ng orange juice saka uminom.

Hinila ko ang isang upuan at naupo doon.

"Luto yan ng nanay ko,masarap yan."Tumaas tumaas ang dalawa kilay ni Alira kay Tywin na ngumiti habang ngumunguya.

"After this maligo kayo ah."Ani ate na umiinom ng orange juice.'Mmm' lang ang sinagot ko at tumango.

Muli na namang sininghot ni Tywin ang sarili at gulat na napatingin sa kaniya si ate.Nagtinginan naman ang dalawa.

"No,thats not what i meant."Gulat paring sabi ni ate.

"Akala ko kasi mabaho kami hehehe."Nagkamot ng batok si Tywin at nangaasar na tumawa naman si Alira.

"Pagakatapos nating magmeryenda,ligo tayo dun sa may sapa."Naeexcite na sabi ni Alira."Maganda dun promise."Humagikhik siya.

"Baka may snakes dun,maraming talahib."Ani Jahara."Baka makagat tayo."

"May movie akong napanuod na kumakain ng tao yung ahas."Biglang kwento ni Tywin.

"Ang OA niyo,edi pasama tayo kay Tata Selo."Buong kompyansang sabi ni Alira at nagtaas noo."Ang hindi sumama magkakabalat sa pwet."

"Gross."Natatawang sabi ko.

"Eww Alira."Asik ni ate na tinawanan nung dalawa.Ngumisi lang ako.

"Masarap ba ang meryenda??"Nakangiting tanong ni Lola Alita na nanay ni Alira.Siya din ang mayordoma ng mansyon namin.Malaki ang tiwala ng pamilya namin sa kaniya.

Nilingon namin siya na nakatayo sa front door.Tumango kami at nagpasalamat si Tywin sa meryenda.Nakangiting lumapit siya samin at umupo sa tabi ko.

Agad na napalingon si Lola sa paanan ko at gulat na tumingon don."Sus maryosep!!"Gulat na asik niya.

It was baby na nakaupo sa sahig habang yakap yakap ang bola ko.Nakawhite shirt at blue shorts ito habang sinusupsop ang pacifier sa bibig.

Nanlaki bigla ang mata ko sa gulat.Ni hindi ko alam na may baby na pala sa paanan ko,i didn't heard any noise from the baby.I think the baby is in 2 years old.

Mahaba at bagsak ang buhok nung baby na umaabot sa balikat.Maputi ang balat nito at namumula ang magkabila niyang malulusog na pisngi.Kulay brown ang mata ng bata at mapupulang labi na hugis puso.

"Natuliro ka naman??"Kunot noong tanong sakin ni Alira at lumapit sa baby.I looked at her na natawa sa itsura ko."First time mo lang ba makakita ng baby??"

Narinig ko bigla ang mahinang pagtawa ni Tywin pero hindi ko yon pinansin."I was just...shocked.Hindi ko kasi narinig."Sabi ko na tinanguan ni Alira.

Kinuha ni Alira ang bata na tinutulak yung bola.Inosento nitong tiningala si Alira na hinalikan siya sa noo at pisngi.Umupo muli si Alira at pinatong ang baby sa lap niya.

"Ang cute niya."Nakangiting sabi ni Tywin at hinawakan sa pisngi ang bata.Humagikhik naman ito at inabot ang mukha ni Tywin.

Bumuntong hininga naman si Lola."Hay nakung batang ito."Umiiling na wika niya.

"She likes you."Natatawang sabi ni ate kay Tywin.

"Buti pa yung baby gusto ako."Ngumiti ng malapad si Tywin at nakipagusap dun sa baby.

"At least may baby."Ngumisi si Alira kay Tywin na tumawa lang.Nakitawa naman si ate at ngumisi lang ako.

Tumingin ako sa baby na kinakausap nung tatlo at napatingin ito sakin.Kumurap kurap ito at ngumanga na nakipagtitigan din sakin.

"Hala naglaway."Ani Alira at kinuha yung pacifier na muntikang malaglag sa bibig nung baby.Agad na naglabas ng panyo si ate at inabot iyon kay Alira.

Kumunot ang noo ko nang malukot ang mukha nung baby habang nakatingin sakin."Wahhhh!!"Umiyak ito bigla at mabilis na pinunasan ni Alira ang bibig niya.Sobrang lakas din ng pag iyak niya.

Kinabahan ako bigla nung ituro ako nung baby habang umiiyak."M-mommma!!P-popppaaa!!"Umiiyak na palahaw nung baby.

I looked at Lola na tumayo at kinuha kay Alira yung bata."Tahan na,hindi ka naman inaaway ng kuya Jao mo."Marahang sabi ni Lola.

"K-kkuyyaa!!K-kkuuyaaa!!"Umiyak na kumawag ito at gulat namang inalo siya ni Lola.

"Anyare kay Amber ma??"Nawiwirduhang tanong ni Alira at lumapit kay Ambrielle.

I stood up and looked at the baby sniffing.Unti unti itong pumikit at nakatulog na sa mga bisig ni Lola Alita.

"What's her name??"Tanong ni ate kay Lola.

Ngumiti si Lola habang nakatingin sa baby at sumagot."Ambrielle,hija."

Ambrielle...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top