Signal No.1
The storm
Isang kulog ang nagpabigla saakin kaya napatingin nalang ako sa labas. Halos nawawala na ang asul na langit at napapalitan ito ng maiitim na ulap kasabay nang mga kulog. "Uulan na" narinig kong sabi ni mama. "Kyle, nagdala ka na ba ng payong mo?" nag-aalala lang tanong ni mama. Isang ngiti lang ang sagot ko dahil sa pressure na nararamdaman ko ngayon. Lilipat na kasi ako ng matutuluyan kaya kinakabahan ako.
Tuluyan nang pumapatak ang ulan kaya mas lalo akong nangamba, uso pa naman ang disgrasya ngayon. shoo! Negativity shoo! Pag suway ko sa sarili ko. Naka-impake na lahat, ang pag-alis ko nalang ang kulang. Kinuha ko sa bag ko ang isang grey na jacket at marihin na sinuot ito dahil ramdam ko na ang malamig ng hangin. "Sige ma, aalis na po ako" pag-papaalam ko. Masakit saakin iwan sila mama at ang kapatid ko. 18 years ko na silang kasama kaya maskit isipan na iiwan ko sila.
Naghintay ako ng mga ilang minuto bago dumating ang isang tricycle. Dumiretso ako sa isang bus station at doon bumaba. Marami naring tao, at lahat sila ay may sarili-sariling ginagawa. Napabuntong hininga ako habang hinihintay ang sasakyang bus. Mas lumakas ang bagyo pati narin ang hagupit ng hangin. Tinago na nila ang mga ginagawa nila at mas lumapit sa masisilungan. Lalo akong napahawak sa jacket ko at tuluyang tumakbo patungo sa loob ng bus stop.
Halos lahat na ng tao ay nasa loob kaya mahihirapan ka ng huminga. Tumingin ako sa orasan sa itaas at malapit nang dumating ang bus.
"Magandang Umaga mga kababayan, tayo'y makakaranas ng isang malakas na bagyo lalo na sa parte ng Maran at Keriol kaya kung maaari ay magdala po tayo ng kapote at payong" napabunting hininga ng malalim. Dapat pala hindi na ako umalis o di kaya dapat mas inagahan ko kung ganito ang sitwasyon.
Dumating na ang bus at naki-unahan ako sa upuan. Umupo ako sa malapit sa harap dahil nahihilo ako kapag hindi ko nakikita ang daan. Nagsimula nang umandar ang bus dahil mabilis na itong napuno dahil na rin sa dami ng tao.
Halos wala ka nang makikita sa labas dahil sa napaka-itim na ng langit. Nilabas ko ang earphones ko at kinabit sa bawat tenga ko. Tumingin ulit ako sa tv at tungkol sa bagyo ang binabalita ngayon. Nakakapag-taka rin, kasi kahapon ubod ng init at wala pang binabalita tungkol sa isang bagyong paparating kaya laking gulat ko nalang noong halos liparin na yung bahay namin kaninang umaga.
Hiniga ko ang ulo ka sa bintana at tahimik na nanunuod sa tv dahil may movie na pinapalabas. Tinanggal ko ang earphones ko at mas piniling panoorin ang movie.
Isang liwanag ang bumalot sa langit dahilan ng pagka-gulat ko. Tuloy tuloy ang pagtama ng mga kidlat at paglakas ng kulog. Karamihan saamin ang nagulat at karamihan din saamin ang tulog. Mainam kong ibinalik ang earphones ko sa bag at itinago ang cellphone ko.
Nanuod nalang ako sa tv para magpalipas ng oras. "Therese, mahal na mahal kita" pag-aamin ng lalaki. Ang ngiti niya ay abot langit na animo'y mahal din siya ng babae. Hawak-hawak niya ang kamay ng babae habang nakatingin sa mga mata nito. Another moves strike, inilapit niya ang mukha niya sa babae at hinawakan ang pisngi nito. I started to cover my eyes dahil automatic na ang mamangyayari. But before it happened, nawalan ng power kaya tumigil ang bus.
Tanging flashlight lang ang pinagmumulan ng ilaw. "Wala po bang nasaktan sainyo?" Pagtatanong ng kundoktor. Walang sumagot saamin kaya nagbakasakali ang lahat na wala. "We're sorry for the inconvenience but the engine broked and all of you have to take the next bus" maraming nadismaya sa ibinalita nito. Ikaw panaman ang nagbiyahe sa kalagitnaan ng bagyo tapos bababa ka nalang kung saan-saan, malamang sino bang hindi madidismaya doon.
Isa-isa kaming bumaba ngunit bago man kami nakababa lahat ay mas lumakas ang hagupit ng bagyo. Mas lumakas ang kulog at kidlat. Parang nagkaroon ng fireworks dahil sa mga kidlat na naglalaro sa himpapawid. Maraming napapasigaw saamin sa bawat tama ng kidlat at kulog. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Dapat ba akong magulat? Matakot? blangko ang utako ko at wala akong magawa kundi manatili sa kinalalagyan ko.
"Ayoko pang mamatay" sigaw ng isang babae habang naghahagugol sa likod. Yakap-yakap niya ang bag niya habang umiiyak. "Sa ngayon, huminahon muna tayo, may dadating na tulong para iligtas tayo" pag-papakalma ng driver. "Huminahon?! Mamatay na ka--" Lahat ay napatingin sa kaliwa dahil sa sigaw ng babae. "May patay!" na-alarma kaming lahat sa sinabi niya. Tinitignan niya ang isang katawan sa labas habang umiiyak kaya lahat kami ay kinakabahan.
May nagpresenta upang suriin ang katawan at tulad ng sinabi ng babae ay patay na ito. Palakas ng palakas ang bagyo at ayaw parin tumila. Dalawang ilaw ang tumama sa bus kaya lahat sila napasigaw---sa tuwa. Isang pulang truck ang dumating para tulungan kami. Sinimulan na ang paglilipat ng tao, from bus patungo sa truck. "Okay, cut-off muna kami, pangako babalikan namin kayo" umalis ang truck kahit marami pa kami dito. Naiwan ako dahil sa sobrang daming taong nag-unahan ay wala akong lakas para labanan sila.
"Ano nang gagawin natin? Alam naman nating matagal pa sila babalik" sabi ng lalaking nasa harapan. Gulo na ang buhok nito, basang basa narin ang berdeng damit nito. "Ayokong manatili dito habang yung iba naliligtas na" dagdag niya.
Halos walang umiimik saamin tanging hangin at ulan lang ang sasagot saiyo. "What if, mag-hanap na tayo ng tulong, kaysa nakatunganga tayo dito" maarte sabi ng babaeng nakapula. Papayag na sana ang lahat ngunit may tumaliwas. "Paano kung bumalik na sila dito? Mas mabuti kung hintayin nalang natin sila" pagsasalungat niya sa plano. "Maghintay? Tapos ano? Isa-isa na tayong mamatay dito?" bumaba siya kasama ang mga taong sumama sa panig niya. "Paano kapag dumating na ang tulong? Paano na sila?" pag-aalala ng sumalungat. "Wala tayong magagawa, pinili nila yan. Kaya panindigam nila.
Tumingin ako sa labas at nawala na sila sa paningin ko kaya panigurado ay nakalayo na sila. "Paano na yan?" bumuntong hininga ako habang nagiisip ng maaaring gawin. Ang tanda ko na pero wala akong maisip na paraan. Napaka-wala kong kwenta.
"Mabuti ngang dito mu--"
Isang kidlat ang tumama malapit sa likod ng bus. Napadapa kaming lahat at nakaamoy ng usok. "A-apoy" nangangambang sabi ng katabi ko. Tumakbo kami palabas ng bus habang palakas ng palakas ang apoy.
"Nadala niyo 'ba yung bangkay?" pagtatanong nang isa.
"Oo, nadala namin"
Napaupo ulit kami dahil sa pagtama ng kidlat sa harapan namin.
"A-ah, m-may tao"
Tumingin kami lahat sa harap at may nakatayong lalaki sa harapan. Paano? Galing siya sa kidlat? Nakatayo lang siya sa harap, we can't see his face for it's to dark. Para kaming nasa horror movie at nakita na namin ang multo. Tinitigan ko siya. surprisingly, bigla akong kumalma, huminahon ang puso kong kanina pa tumitibok ng mabilis. Our eyes met, dahil sa muling pagtama ng kidlat sa lupa, nailawan ang mga mata niya. Our gaze didn't broke. His eyes are so Godly.
Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Bigla akong nahilo. Kagagawan niya ba ito. Tumama muli ang kidlat ngunit mas malakas pa. Napatakip ako ng mga mata. Muli ko siyang tinignan ngunit wala na siya.
"Maliligtas na tayo!" rinig kong sabi ng isang babae. "Maliligtas na tayo!" maligaya niyang pag-uulit. Dumating na ang pulang truck. Finally, we're safe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top