Pulse of Honesty
Dedicating this to kulinnn_ and anjabellz.
via request
A side story for Silent Seranade.
They say that a person's pulse can't lie.
If a person is lying, their heart beats faster, their blood pressure rises and a person increases perspiration-- physiologically this is to be expected.
In Psychology, there are three signs that gives you a hint whether someone is lying or not.
1. The rise and fall of their tone.
2. Avoiding eye contact.
3. Excess fidgeting.
Pero para sa tulad kong bingi, paano ko maririnig ang totoo sa hindi?
Oo at minsan ay nasasamantala ako ng mga tao dahil sa kapansanan ko, pero mas pinipili ko na lang ang maging mabait sa kapwa ko dahil iyon ang laging bilin sa akin ng Lolo ko.
Ngunit, tao lang din naman ako. Nasasaktan, umiiyak at napapagod. Ika nga ng iba, mas katanggap tanggap kung ibang tao ang mananakit sa iyo dahil hindi mo naman sila dapat asahan na pakinggan at uunawain ka. Pero ang abandunahin ka ng sarili mong mga magulang dahil lang sa may kulang sa iyo, napakasakit lang tanggapin sa murang edad.
Si Papa, hindi ko alam kung nasaan siya dahil ang sabi sa akin ni Mama ay hindi na siya babalik pa dahil napagod siya sa amin.
Tapos si Mama, nag-asawa ulit siya ng iba at nagkapamilya. Iniwan niya ako kina Lolo at Lola dahil naaalala lang daw niya sa akin si Papa.
Those were the painful truths that I heard all my life because after what happened, all the people around me lies just to make things easier for me to comprehend.
Kung tutuusin, utang na loob ko kay Lola na may bahay akong tinitirahan at may pagkain akong nakakain sa araw-araw. Sapat na iyon, pero ang pinapadalang pera ni Mama ay hindi lahat napupunta sa akin dahil halos lahat ng pangsustento ni Mama para sa akin ay si Lola ang nakikinabang. Hindi na lang ako nagsalita, dahil hindi rin naman ako maririnig ni Mama, mas pinili niya ang huwag akong pakinggan dahil ako ang sinisisi niya sa pag-iwan sa kanya ni Papa.
Ibang-iba si Lola kapag kausap namin si Mama sa Skype, lagi niyang sinasabi na inaalagaan niya ako ng maayos kahit pa ang totoo ay tinitipid niya ako, sinusupladahan at binubulyawan kapag nahingi ako ng pera para sa panggastos sa school. Hindi ko pa alam kung tama yung nabasa ko sa bibig niya na: 'Para kang Mama mo!'
Ang tanging kakampi ko lang sa bahay tuwing nauwi ako ay si Lolo, pero hindi na siya umabot noong nakapagtapos ako ng highschool.
Nagbago rin naman ang relasyon namin ni Lola matapos mawala ni Lolo. Hindi man siya humingi ng tawad sa akin, pero ramdam ko naman na kahit pa paano ay pinapahalagahan niya rin ako, lalo na noong nalaman kong kaya niya ako tinitipid ay dahil minsan nang nasabi ni Mama na may hangganan ang pagsusustento niya sa akin. Na iniipit-ipit ni Lola ang pera na pinadala noon ni Mama para sa paghahanda sa kolehiyo ko dahil ayaw niya akong magaya sa Mama ko na maagang nag-asawa at hindi nakatungtong ng college.
Kaya nang makatungtong ako ng college, talagang nagsumikap ako dahil pinangako ko kay Lola na magtatapos ako at mag-uuwi ng diploma. Pangako ko rin kay Lolo na magsusuot ako ng toga sa kolehiyo at papatunayan sa mga taong nanliit sa akin na may mararating ang binging katulad ko.
Mahirap man, pero natuto akong makipagsabayan sa mga taong hindi ko katulad. Hindi man ako matalino, pero mabilis naman ako matuto.
Matagal kong napag-aralan ang basahin ang bibig ng tao kaya kahit papaano, sa paraang alam ko ay nababasa ko ang sinasabi ng professors namin, isa pa nakikita ko rin naman sa mga libro ang tinuturo nila. Sa totoo nga lang, mas naiintindihan ko pa ang explanation sa libro kaysa sa isang professor namin na puro reporting lang ang ipinapagawa sa klase. Lalo na at may mga kaklase akong hindi rin naman maayos mag-explain.
Noong nag quiz kami ibang formula ang ginamit ko dahil mas efficient naman ang nabasa ko sa libro. Pero nasabihan akong cheater ng kaklase ko na dahilan kung bakit nagalit si Apollo sa kanila at muntikan pa siyang mapa-away.
Sa labas ng bahay, si Apollo ang naging kakampi ko sa school. Hindi ko alam kung gusto niya ang kinuha niyang kurso dahil madalas niyang dala dala ang gitara at laptop niya para mag-mix ng mga kantang minsan niyang pinaparinig sa akin tuwing break sa tambayan imbis na mag-aral kami sa library. Kapag nasa library kasi kami, madalas siyang nagsisiesta. Swertihan na lang kung nasa mood siyang mag-aral.
Mabait at matalino naman si Apollo, napakasuplado lang sa hindi niya kaibigan. Siya yung, hindi ka niya kakausapin, kung wala naman kayong pag-uusapan.
Noong bata pa kami, minsan ko siyang nahuli na pinagmamasdan ako mula sa malayo, kahit na agad din siyang naiwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung may inis siyang nararamdaman sa akin noon kasi madalas niya akong sungitan. Pero noong napagtripan ako sa school dahil sa kapansanan ko, doon ko siyang unang beses na makitang nagalit at napaaway dahil sa akin.
Masama siyang magalit at agad-agad siyang nananapak, dahil bakit pa raw siya magpapaliwanag sa mga taong sarado ang isip sa kundisyon ko. Lalo na at nabitawan niya ang mga salitang hindi ko inaasahan na mababasa mula sa bibig niya na, "Hindi ginusto o kasalanan ni Whitney ang maging bingi siya kaya huwag niyo iyon isumbat sa kanya."
Bukod kay Lolo; siya na hindi ko inaasahang maintindihan ako, naunawaan ako.
Hindi ko man narinig ang boses niya, pero nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya nagalit para sa akin at matapos noon ay nagulat na lang ako nang mag-sign language siya at sinabihan akong, 'Huwag ka kasi masyadong mabait, Whitney.'
Sa unang pagkakataon, may taong nakaunawa sa akin bago pa ako magsulat sa notebook noon.
Sa sobrang tuwa ko, naikumpas ko ang mga salitang, 'Salamat, kaibigan.'
Nang makilala ko ang Nanay niya na pipi, doon ko pa siya mas naunawaan. Nalaman ko mula sa Nanay niya na madalas akong ikwento ni Apollo tuwing nauwi siya galing eskuwela. Na kaya hanggang sulyap lang daw siya sa akin, ay dahil sa hindi niya alam kung paano ako kakausapin. Lalo na sa tuwing lalapitan ako ng mga taong patalikod akong kinukutya.
Nabawasan man ang kaibigan ko noong bata pa ako, ngunit napalitan naman iyon ng iilang totoo kahit pa bilang lang sila sa kamay ko. At isa na si Apollo doon.
Ngayon at college na kami, yung ibang kaibigan namin ay nag-ibang bansa na. Nakakalungkot man, ngunit tuloy lang ang buhay. May ibang means of communication naman.
Pero sa tuwing nakakausap ko ang mga kaibigan ko sa ibang bansa, natataon na may tampuhan kami ni Apollo. Talaga naman nahihiwagaan ako doon lalo na at kamakailan lagi akong mine-message ni Bruce at kinakamusta, miski sila Diana, Keaton at Margie updated din sa alitan namin ni Apollo.
Ngunit parang napuno na ang pasensya ng kaibigan naming si Bruce dahil sa siya lang daw ang pinaka kinukulit ni Apollo sa tropa, kaya naisiwalat niya ang sikreto na matagal nang tinatago tago ni Apollo sa akin.
Doon ko na lang napagdugtong dugtong ang biglaang pagbabago ng mood niya sa tuwing kasama niya ako.
Kung hindi ko pa nalaman sa kaibigan namin kung ano o bakit may nagbago kay Apollo, hindi ko pa talaga mauunawaan kung bakit siya nagtotopak minsan.
Kaya pala sa tuwing tinutukso ko siya sa iba, nayayamot siya. Kaya pala sa tuwing may lalaki na lumalapit sa akin, siya ang nakikipag-usap dahil ang palusot niya ay: bingi ako, at kung nalaman ko lang ang palusot na ginamit niya, baka sobra akong naasar sa kanya.
Pero paano naman ako maaasar sa taong hindi umalis sa tabi ko mula pa noon hanggang ngayon?
Na kaya pala lagi niyang dala ang gitara at laptop ay dahil iniipunan niya ako ng kanta doon.
Dahil sa mga awitin lang na iyon niya napapadama ang tunay niyang nararamdaman sa akin.
Hindi ko na rin pinatagal ang distansya namin ni Apollo ng ilang araw. Magkasama naman kasi kami, pero pinapadaan niya pa sa mga kaibigan namin ang pangangamusta sa akin.
Nag-usap kami, pero bakas sa mukha niya ang halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag dahil hindi niya rin masabi sa akin ng maayos ang totoong saloobin niya.
Ika nga ni Diana noong nagkausap kami, nagpapakatorpedo raw si Apollo imbis na magtapat sa akin.
Balak ko sana tanungin agad kay Apollo ang nalaman ko kina Bruce at Diana nang maging kumportable na ang takbo ng pag-uusap namin, pero binago niya ulit ang usapan namin dahil may bago daw siyang kanta.
Pumayag ako at pinabayaan siyang gawin ang gusto niya, dahil sa ganitong paraan lang niya naaayos ang mga salitang gusto niyang sabihin sa akin.
Hindi ko man marinig ang boses niya, pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya nang ilapat ko doon ang kanang kamay ko habang tumutugtog ang gitara niya.
Ngayon at tapos na siya kumanta, nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pulso niya na dahilan kung bakit mas dumoble ang bilis ng tibok nito, kasabay ng pagbabago ng tibok ng puso ko.
Tiningnan ko siya sa mata at tinanong, 'Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa awiting iyon, Apollo?'
Akala ko muli siyang iiwas ng tingin, magsisinungaling o iibahin na naman ang takbo ng usapan namin, pero dahan dahan man niya akong tiningnan pabalik na parang nag-iipon siya ng lakas ng loob at binitawan ang mga salitang, 'Whitney... gusto kita... matagal na...' he raised three fingers up, his thumb, his index and pinky.
Natatawa ako kahit na pinipigilan ko ang ma-flatter sa sinabi niya at sa hand gesture niya na iyon. Mas lumiwanag ang tibok ng pulso niya na dahilan kung bakit ngayon ko lang napagtanto na nakakarinig din pala ako para marinig ko rin ang tibok ng puso ko kasabay na inaawit ang musika ng puso niya.
'Alam ko, hindi naman ako manhid.' nakangiting sambit ko. Dahil kahit hindi niya sabihin, ang pagpapahalaga niya sa akin simula pa noon hanggang ngayon ang patunay kung ano ako para sa kanya.
Bingi man ako, pero hindi bingi ang puso ko nang awitan mo ito Apollo.
"Salamat Apol." Sinubukan kong magsalita kahit pa hindi ko naririnig ang boses ko na siyang ikinatuwa ni Apollo na ngayon ay malawak na nakangiti sa akin, pero hindi pa ako tapos, "Salamat dahil hindi mo ako iniwan sa likod ng pagkukulang ko." Sinabayan ko na rin ng sign language ang kasunod na mga salita para mas maintindihan niya ako, ngunit nawala ang ngiti sa labi niya. Pangit ata ang boses ko. I sign feeling a little insecure, 'Sorry, pangit ba ang boses ko?'
He shakes his head with a smile and signed, 'Masaya akong marinig ang boses mo Whitney.' nginitian ko siya at muli siyang kumumpas, 'At huwag na huwag mong sabihin na may kulang sa iyo. Dahil para sa akin,' mataimtim niya akong nginitian at tila kuminang ang mga mata niyang ipinagpatuloy sabihin sa akin na, 'Wala na akong mahihiling pa.'
Kailan pa siya natutong mambola? Mukhang tinuruan siya ni Keaton sa mga linyahang pa-pogi ah!
'Duda ka ba sa sinabi ko?' kunot noo niyang tanong, halata siguro ang reaksyon ko. Balik na ulit ang masungit na si Apollo.
'Ang cheesy mo kasi, hindi bagay sa iyo.' Tinawanan ko siya at umiwas naman siya ng tingin sa akin na parang nagtatampo. 'Sinusungitan mo na naman ako.'
'Eh kasi, totoo naman eh.' inis niyang reaksyon, 'Kung kailan naman, sinabi ko na sa iyo, hindi mo ako sineseryoso.'
Yung kamay ko na hawak ang pulso niya kanina, hawak na ng malapad niyang kamay ngayon.
I smiled at him and signed, 'After graduation...' I see that light in his eyes as if he's looking forward for my answer, 'After graduation, tsaka mo ako ligawan.' nakangiti kong tugon sa kanya, 'Makakapaghintay ka pa ba?' I tilted my head beside observing his reaction.
He says nothing but smiled wholeheartedly as if he just read my mind and nodded.
Mas bagay sa kanya ang nakangiti.
-End-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top