The Best Gift

Zweihander
9AM
401B Highstreet
Coronado University Dormitory

February 6, 2028

Birthday ko pala ngayon.

Ibig sabihin no'n pwede kong kantahin yung 22 ni mareng Taylor at walang pwedeng magalit sa akin! MWAHAHAHAHAHA!!!

Pero, teka, parang may mali ah.

Tumingin ako sa kama ni Val.

"Baka maaga bumangon"

Bumangon ako mula sa kama ko at pumunta sa sala ng dorm namin "Val?"

Walang sagot.

Tumingin ako sa kusina. Doon ko natagpuan ang isang sulat na nakadikit sa ref gamit ang isang magnet.

Tinawag ako ni Kristina. Baka magabihan ako. Mag-ingat ka at wag gumawa ng kalokohan

- Val

"Sa birthday ko pa talaga kayo nagdate. Hayst." Binuksan ko yung ref at nagluto ng almusal ko.

Gaya ng kinanta ni Mareng Taylor, I just gotta shake it off. Bahala na yun. Doon nalang siya sa jowa niya. Ayos lang ako.

Pagkatapos kong mag-drama, kumain ako at lumabas ng dorm. Dahil wala si Val, walang makakapigil sa akin na bisitahin yung apat.

... Kaso nga lang...

Field Training. Will be back Monday.

- Lance Ducere

"Pati Sunday may klase yung apat? Hala! Anong nangyari sa Sunday is a rest day?"

Dahil wala sila, pinuntahan ko yung bahay nina Mist. Pero, pagdating ko, lumabas daw dahil may bibilhin siya para sa klase niya.

Pinuntahan ko rin yung bahay ni Macey pero wala rin dahil may group project.

At least hindi busy sina Clarent at Excalibur, inimbita rin nila akong kumain doon sa McDonald's.

"Kamusta yung araw mo, Zwei?" tanong ni Amazona sisiw

"Hayst. Ang boring talaga! May date si Val. Nasa field trip yung SMS, tapos busy sina Mist at Macey."

Napabugtong hininga si Gardener sisiw "Alam mo, par. Kahit hindi nila sinasabi sa'yo, masaya sila at buhay ka pa. Kung wala ka sa mga buhay namin, siguro magiging tahimik at boring yun."

Tumango si Clarent "Tama si Excal, Zwei. Kahit hindi nila laging sinasabi sa'yo, mahal na mahal ka nila."

"Sana ol minahal."

Tumawa kami hanggang sa may narinig kaming beeping sound.

Tumingin si Excal sa relo niya. Tapos kay Clarent. Tapos sa akin. "Dahil hindi ka busy ngayon, sumama ka sa amin."

Tumango si Clarent "Ah! Oo nga pala! May gusto kaming ipakita sa'yo."

"Saan tayo pupunta?"

Ngumiti lang yung dalawa "You'll see."

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako pero heto ako. Hindi basang-basa sa ulan, kundi naka-blindfold.

Hindi ko alam kung nasaan ako.

Hindi ko rin alam kung nasaan sila Excal.

"Excal? Clarent? Nasaan ba kayo mga sisiw ko?"

"Chill ka lang, par!"

"Oo. Kunin mo yung blindfold in 3, 2, 1..."

"Happy New Year!!!" sigaw ko

"Zwei, umayos ka nga? 22 ka na"

Teka... Val?

Kinuha ko yung blindfold ko at nakita ko yung hinanda ng mga sisiw ko.

"HAPPY BIRTHDAY!!!!"

Andito silang lahat.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Ang sama ninyo! Akala ko nakalimutan ninyo ang Inahing Manok ninyo?"

"Zwei," sabi ni Macey "paano ka namin makakalimutan?"

Tumango si Mist "Ikaw yung nag-iisang EIC namin."

"A one of a kind friend." Sabi ni Dramaqueen sisiw.

"Isang mapagkakatiwalaan na gabay." Dagdag ni Minder Read sisiw.

"Father." si Lae

"Dude EIC, ikaw yung nagturo sa amin  na bumangon kahit nadapa."

"Zwei," Lumapit is Val at yinakap niya ako "paano ko makalimutan yung best friend ko?"

Wala na. Talo na ako.

Yinakap ko si Val pabalik at umiyak.

"Salamat mga sisiw ko. Mahal na mahal ko kayong lahat."

"MAHAL KA RIN NAMIN, ZWEI! MABUHAY ANG ATING EIC!!!!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

HAPPY BIRTHDAY, ZWEIHANDER!!! RAISE YOUR BLUE RIBBONS HIGH, SISIWS! ALWAYS REMEMBER TO BE A ZWEI TO ANYONE WHO NEEDS HIM.

LadyLuminada

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top