Ch 8. Just so I could call you mine
Imbes na sumunod sa pinag-uutos ng ama, natagpuan ni Trudy ang sarili na tinatahak ang daan na kailanman ay hindi niya naisakatuparan. Pero ngayon, ramdam na niya, ito ang unang beses na hindi niya susundin ang inutos sa kaniya ng ama.
Sumuway na siya sa mga binilin at pinangako pero hindi siya humindi sa mga utos ng ama kahit kailan, ngayon lang. Kaya naman, dineretso niya ang lugar kung saan niya nasuway ang isa sa pinakamalaking bilin ng ama.
Sa natatandaan niya, katabi lang ng isang maliit na bar and restaurant ang tattoo shop na pinagdalhan siya ni Mercle. Kung hindi siya nagkakamali ay sa pinagtigilan niya ng kaniyang sasakyan ang tattoo shop. Tumunog ang chimes na nasa taas ng pintuan nang buksan niya iyon. Sinalubong siya ng tatlong lalaki at dalawang babae na puno ng mga tattoo.
Nakangiti siyang binati ng isa sa mga tao roon. "Magpapatattoo?" agad na tanong ng lalaki.
Polite na umiling si Trudy. "Hinahanap ko si... Mercle?"
Napabunga ng hangin ang kausap bago pinaikot ang mata na humarap sa nga kasama. Natawa naman ang iba. Hinila siya ng lalaki papaupo sa tattoo bed. Pinakiramdaman niya ang tattoo bed, inaalala ang pangyayari dalawang linggo't kalahati na ang nakakaraan.
Mahinang tinapik ng lalaki ang braso ni Trudy. "Wala kang dapat ikabahala, pinapalitan namin ang tattoo bed every week, baka kasi may pinagdalhan na naman si Mercle ng babae rito, hygiene lang."
"Huh?" Mabilis na bumahid ang pagtatakha kay Trudy sa narinig. "Uh, m-marami na bang dinalang babae rito si Mercle to... you know?"
"Kulang ang sampu kong daliri sa kamay at paa kung bibilangin, 'Te!" sabad ng isa sa mga babae. Kumakain pa ito ng sikat na fast food.
Kagaya ng naramdaman niya noon sa restaurant nang makita itong may kasamang babae, parang nababasag ang ego niya sa bagong impormasyon na nasagap.
Hindi pa niya masyadong nadadamdam ang sinabi ng mga katrabaho ni Mercle ay muling tumunog chimes. Ipinakit no'n si Mercle, kawit-kawit ng braso nito ang bewang ng babaeng kasama ns labas ang pusod sa suot ns white blazer at denim short shorts.
Bakas sa mukha nito ang gulat saka unti-unting binitawan ang bewang ng kasama. Halos magdikit na ang mga kilay na nilapitan siya nito.
"Trudy, ano'ng ginagawa mo rito?"
Nakagat ni Trudy ang psng-ilalim na labi. "My dad is disappointed in me and I thought I could talk to you about it because you were such a good listener."
Mahina itong natawa. "Tangina, ano 'ko, therapist?"
"No, hindi 'yon ang gusto kong iparating. Remember two weeks ago? When I had fun without thinking about my responsibilities as my dad's daughter? Gusto ko lang malaman kung pa 'no 'yon ulit maranasan at naisip ko na it would be wise if I ask you about that."
"Ah." Mercle clicked his tongue. "May gagawin pa ako, eh, sa susunod na lang."
Hindi agad nakagalaw si Trudy, nabitin ang pag angat niya ng kamay at nakakaramdam siya ng napakalaking kahihiyan. Hindi niya alam ang gagawin, kung aalis na ba siya o manghihingi pa ng oras kasama si Mercle na parang desperada.
Hindi na lang tuloy siya nag-isip, ginawa na lang niya ang pinakaunang bagay na pumasok sa isip niya.
"Right... kasi nga may work ka, pero pwede ka bang mahiram kahit saglit lang?" Binigyan niya ng makahulugang ngiti ang mga kasama nito sa trabaho.
Tumango ang isa. "Go on," pagpayag nito kaya walang inhibisyon na hinila niya si Mercle papasok sa locker room.
Pagkasara ng pintuan ay kita niya sa peripheral vision ang marahang pagmasahe ni Mercle sa gitna ng mga kilay. Para bang problemado na problemado sa buhay.
"Ano bang gusto mo, Trudy?" Tila pagod ang tono ng boses nito. "Sa 'yo nq nanggaling, mistake ang nangyari sa atin noon, bakit ka pa nandito?"
"'Yon! 'Yon ang gusto ko Mercle, gumawa ulit ng mistake. Kasi 'yong kamalian na 'yon ang nagpasaya sa akin ng walang katumbas!"
"At pagkatapos?"
Kumunot ang noo niya. "Huh?"
"At pagkatapos mong magpakasaya, aalis ka at tatawaging kamalian ang nangyari saka hindi ka na magpaparamdam ulit."
Mahinang natawa si Trudy. "Bakit mo naman sinasabi 'yan? Ano, in love ka na sa akin?"
Mariing napapikit si Mercle. "Hindi pero aaminin ko, nakakasira ng ego ko 'yon."
"Ah, kasi ikaw usually ang gumagawa no'n? C'mon, Mercle, what we did was simple dirty fun and I'm pretty sure, gusto mo ring maulit 'yon." Pinasadahan niya ng palad ang matipuno niyong dibdib pero ang akala niyang bibigay na ay malakas na hinigit palayo ang kamay niya.
Hindi inakala ni Trudy iyon. Ang alam niya, mahina ang mga lalaki lalo na sa aspetong pakikipagtalik, na kaya ng nga itong iwanan kahit na mga mahahalagang bagay para lang sa sex na tinatawag. Pero mukhang nakakamatay nga ang maling akala, kita niya nga ngayon si Mercle ay madaling nakatanggi sa kaniya.
"Umalis ka na," matigas ang tono nitong sabi.
"Bakit? Para makapag-dala ka ng babae na makaka-sex mo sa tattoo bed ulit?" Hindi niya sinasadyang maging nagging ang tono ng boses niya, natural lang na lumabas iyon sa kaniyang bibig.
Umangat naman ang dulo ng labi ng kausap. "Alam mo naman pala, bakit 'di ka pa umalis?"
Nanggigigil na talaga siya sa lalaki. Ang gusto lang naman ni Trudy ay ang magpalipas ng oras at pahingahin ang sarili sa masayang paraan kagaya noong kasama niya ito. Pero mukhang malayo sa pahinga ang mararanasan niya ngayon dahil sa inaakto ngayon ni Mercle. Nakakainis, nakakagago!
Kumuyom ang kamay ni Trudy. "Eh, 'di manonood ako. Gusto mo sumali pa ako, eh!" hamon niya naman dito.
Pinagkrus nito ang braso sa harap ng dibdib. "Ah, wow." May sinusupil itong ngiti sa labi na mas lalong nagpainis sa kaniya.
Napasigaw na lang si Trudy sa prustrasyon na tinitigan na lang ni Mercle. Masama ang tingin sa lalaki na hinanap niya sa bulsa nito ang sigarilyo. Natatawang tinaas nito ang dalawang kamay, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi.
Mabilis na nakita ni Trudy ang sigarilyo nito, gamit ang sariling lighter ay sinindihan niya ang sigarilyo at relax na relax na humithit doon bago nakahinga ng maluwag na binuga ang usok.
"Gusto ko lang naman huminga, hindi mo ba maibigay 'yon?" Walang tingin-tingin niyang sambit. "Wala akong kaibigan, Mercle. Kung meron man, mga kakilala ng tatay ko lahat ng 'yon. So, please, just let me breathe in her."
Kita niya sa peripheral vision niya ang masuyong pagtango ni Mercle sa pakiusap niya. Bigla na lang itong lumabas ng pinagiistay-an nila pero hindi na inisip ni Trudy 'yon dahil sa hinihithit na sigarilyo. Nakakalma siya sa bawat hithit at buga. Mas nakalma pa siya nang muling sumagi sa isip na wala rito ang kaniyang ama at maaaring gawin niya ang bagay na gusto.
Hindi rin nagtagal ay hindi na natiis ni Trudy ang paglabas kaya naman sumunod na rin siya. Ngunit sa kaniyang paglabas, hindi na makita kahit saan si Mercle.
Ibubuka niya sana ang bibig para maitanong kung nasaan ang hinahanap niya nang may magsalita.
"Ay, umalis na siya, miss."
Parang bumaba naman lahat ng energy niya sa katawan sa narinig. Naloko na, gusto pa yatang nagpahabol sa kaniya. Pwes, hindi niya ibibigay 'yon sa lalaki. Tinanguan na lang niya ang mga tao sa tattoo shop at akmang lalabas na nang muling magsalita ang isa.
"Kung hahabulin mo pa 'yon, 'wag na. Sasaktan mo lang sarili mo sa ginagawang 'yan. Walking red flag 'yang tropa namin na 'yan!"
Mahinang natawa si Trudy. "Ka-tropa niyo naman pala, bakit niyo nilalaglag?"
"Hindi naman porke't tropapips kami ay suportado na namin ang kagaguhan niyan. Umuwi ka na lang, makakahanap ka pa ng ibang mas worth it. Kaganda mo ba naman."
"Thank you, uhm...?" Binigyan niya ito ng makahulugang ngiti.
"Ah, Trace, pre." Nakipagkamayan ito sa kaniya.
"Thank you, Trace, pa'no ba 'yan? Sibat na ako." Paalam niya sa mga ito at lumabas na ng tattoo shop
Mabilis lang siyang nakapunta ng sasakyan niya. Nilabas niya ang susi saka binuksan ang pintuan na nakalaan para sa driver seat. Nabitin nga lang ang dapat na pagpasok sa sasakyan nang tumigil ang pamilyar na motorsiklo sa gilid lang ng kotse niya.
Kumunot ang noo niya nang makitang si Mercle iyon. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito at binalikan siya? Ano kaya ang nangyari doon sa babaeng kasama nito.
Pagkababa ay sumampa ito sa kotse niya, hawak ang isang helmet. "Sa'n ka pupunta?"
Inirapan niya ito. "Lugar na malayo sa 'yo!" Bubuksan niya sana ang pintuan pero mabilis ang kamay nito para pigilan siya sa pagbukas ng pinto ng sasakyan.
"Inuwi ko si Brittany sa kanila. Sumakay ka na sa akin, sabi mo gusto mo magpakasaya 'di ba?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit? Akala mo ba makaka-score ka kapag sinamahan mo ako?"
"What?" Natawa ito sa akusasyon niya. "Hindi 'no, naawa lang ako sa 'yo, mukhang stress ka."
Inikutan niya ito ng mata. "You don't have to lie, I know when someone has an ulterior motive."
Nginisihan lang siya ni Mercle bago walang paalam na nilagay sa kaniyang ulo ang helmet dala. Inistart naman nito ang motor bago siya sumakay sa likod nito. Mahangin ang labas na kumaway siya sa mga tao sa tattoo shop bago nagdrive paalis si Mercle.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ng lalaki sa gitna ng biyahe.
Sakto naman ay kumulo ang tiyan ni Trudy. Dinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki, mahina niya tuloy itong napalo sa braso.
Hindi naman nagtagal ay lumiko si Mercle at tumigil sa isang establisimyento na hinuha niya'y isang turo-turo. Alam niya iyon dahil nakakakain na sila nila ni Jewel no'n noong dinala sila ng isa tropa.
Masarap sa turo-turo dahil mga lutong-bahay lang at nagpapaalala sa kaniya sa mga pagkaing madalas kainin noong naroon pa sa kanilang tabi ang ina. Iniling ni Trudy ang ulo nang pumasok sa kaniyang isipan ang ina. Nagkaroon siya ng pangako, hindi na niya dapat iniisip ang ina pati na rin ang kalagayan nito.
Simula nang umalis ito sa buhay nila, hindi na ito nage-exist para sa kaniya.
"Pili ka na!" hikayat sa kaniya ng kasama nang makabalik ito mula sa pagpapark ng motorsiklo.
Mabilis silang naka-order dahil hindi na gaano karami ang tao roon. Naka-upo sila sa lamesang malapit sa electric fan habang hinihintay ang in-order na Giniling at Bicol Express.
"Ano'ng nangyari?" Maya-maya ay bungad na tanong ni Mercle.
"Hindi mo naman kailangan malaman. Basta keep me entertained."
"Wow, gagawin mo ba akong clown na walang bayad?" biro pa nito pero hindi siya natawa.
"Don't worry, ako ang magbabayad ng kakainin natin," asar niya pang desisyon.
Bumuntong-hininga naman si Mercle na nakatitig sa kaniya. Napa-tsk pa ito bago sumimsim sa metal glass na naglalaman ng tubig, 'yon ang binigay sa kanila ng waitress ng turo-turo. Libre lang daw ang refill ng tubig ayon sa mga ito kaya walang sawa na umiinom si Mercle kada segundo.
Hinimas pa ng lalaki ang sariling baba habang nakatitig sa kaniya. Tila ba malalim ang iniisip at nags-solve ng isang mahirap na puzzle. "Pa'no kaya kita mapagsasalita?" tanong pa nito sa mahinang boses.
Nagtitigan silang dalawa. Well, more on masamang tingin ang kaniya, hanggang sa dumating na ang order nila. Gutom na gutom na si Trudy at gusto nang kumain samantalang si Mercle ay hindi man lang ginalawa ang in-order at patuloy lang siyang tinititigan.
Nabitin ang pagsubo niya dahil sa pagkakailang. Tila pagod na binaba niya ang kubyertos at mahinang bumuga ng hangin.
"Makulit ka ha, fine." Nakita niya sa mukha nito ang ngiting tagumpay. "Hindi naniniwala sa akin ang dad ko kahit na sinabi ko sa kaniyang pakinggan ako. Mas pinapaniwalaan niya ang boss niya kaysa sa sarili niyang anak. Tapos may gusto siyang ipagawa sa akin na ayaw kong gawin pero wala akong choice kun 'di gawin 'yon!"
"Wow. Wala akong masabi."
"'Di ba wala ka ring naitulong, kaya ayaw kong sabihin sa 'yo, eh."
"May gustong ipagawa sa 'yo pero ayaw mo gawin... alam mo, may choice ka."
Nag-angat siya ng tingin pagkarinig sa sinabi nito. "What?"
"Matuto kang humindi."
Napanganga si Trudy sa payo nito. Dalawang dalihan, isa dahil hindi niya maintindihan kung ano ang nais nito at pangalawa dahil wala siyang kaalam-alam kung paano gagawin iyon.
"Kapag may ayaw ka sa inutos ng dad mo, sabihin mo sa kaniya. Ang dali lang naman no'n."
"Kung sa 'yo madali, sa akin hindi. Palibhasa kasi hindi ikaw ang nakakaranas."
"Sorry," mahina pang paghingi ng tawad ni Mercle. "Gusto kitang bigyan ng magandang advice pero hindi ako marunong mag-deliver. Pangit tuloy kinalabasan. Pero 'yon lang naman ang gusto kong sabihin. 'Wag kang puro yes sa erpats mo, masasanay 'yan na alilain ka."
Parang nang-aasar na natawa si Trudy. "Kapag umayaw ako sa inutos niya, baka bumalik na naman siya sa dati. Pagiging sugarol, alcoholic, at tamad. At ayoko no'n, mas pipiliin ko pang maging alipin niya kaysa masaksihan pa lahat ng 'yon ulit."
Napangiti naman ang lalaki sa sagot niya. "Ang sweet mong martyr," komento pa nito. "Pero alam mo, hindi 'yan ang dahilan kung bakit ka sunod nang sunod sa ama mo. Hindi ka concern sa kaniya pero sa sarili mo. Kasi kapag bumalik siya sa pagiging gano'n ikaw ang kawawa. Aalagaan mo na naman siya na parang bata. At 'yon ang ayaw mo, Sweet Girl "
Nangunot ang noo ni Trudy. "Sweet girl?"
"Sweet ka, eh."
"Tss, bolero. 'Di ka pa rin makaka-score, hoy!"
Tinawanan lang siya ni Mercle. "Ito number ko"— kumuha ito ng ballpen at papel mula sa purse niya at nagsulat—"Kapag may nangyari ulit na ganito, o nakakaramdam ka na parang nasasakal, tawagan mo lang ako."
Binigyan pa siya nito ng makahulugang ngiti nang kunin niya mula rito ang papel. Mula noong gabi na iyon, tumatak sa kaniya ang payo nito.
"Matuto kang humindi, Sweet girl."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top