Ch 5. Doe eyed as you buried me
A/N: Hi readers! Please don't be shy to drop some comments. It'll really help to boost my confidence and try to write more. Please comment your feedbacks para malaman ko rin kung ano'ng takes niyo sa several scenes in the story. Hehe, enjoy reading!
HINDI na nakapagdalawang-isip pa si Trudy at sumama na lang kay Mercle. Dinala siya nito sa isang underground party. Maraming tao, amoy alak, at punong-puno ng mga usok na nanggagaling sa sigarilyo. Hindi niya alam kung ano ang pinasok niya pero nakakaramdam siya ng kaba at excitement.
Sinalubong sila ng isang lalaki na nakipag-kamayan pa sa kasama niya. May hawak itong isang bote ng alak at isang paubos na sigarilyo.
"Sino 'yan?" Agad na pansin sa kaniya.
"Ah, si Trudy nga pala. Nakilala ko sa party." Nangunot ang noo niya nang mapagtantong alam nito ang pangalan niya kahit hindi pa niya naipapakilala ang sarili rito. Stalker niya nga yata ang lalaki. "Ito si Kalil, tropa ko."
Pilit na ngumiti lang siya dito at pasimpleng sinulyapan ang nilahad nitong kamay. Siguro naman ay nahalata ng lalaki ang kaayawan niyang makipagkakilala rito ay binaba naman nito agad.
"Ah, miss, sana kung ipakilala ko sa 'yo ang girlfriend ko, 'wag naman ganyan 'yong reaksyon mo sa kaniya. Sensitive 'yon, baka umiyak ng buong party."
Walang ingay na napasinghap si Trudy sa narinig mula kay Kalil at tahimik na pinagalitan ang sarili sa pagiging insensitive.
"Hello, who's the hottie?" Pinanood niya ang masayang paglapit sa kaniya ng isang babae, hinuha niya ay ang nobyang tinutukoy ni Kalil. Napakaganda nito at napakaganda ng mga ngiti, hindi nakakasawang tignan at nakakadala. "Mercle, sino na naman 'tong dinala mo?"
Hindi pa nakakasagot si Mercle ay siya na ang naglahad ng kamay rito. Kahit pilit, ginawa niya ang lahat ng makakaya niyang magmukhang natural ang mga ngiti niya.
"Trudy ang pangalan ko. And you are?"
"Oh, my gosh! Nice to meet you, Trudy." Dali-dali siyang niyakap nito ng mahigpit na ikinagulat niya. Mahins lang na natawa si Mercle sa kaniya at si Kalil ay nagkibit-balikat lamang. "Angie nga pala. Boyfriend ko si Kalil kaya kay Mercle ka na lang makipag-flirt. But anyway, welcome to our engagement party!"
Pinuno ng mga sikat na tugtogan ang lugar. Nagsisisayawan at hiyawan na ang mga tao bago sila naupo ni Mercle sa mahabang couch kasama ang iba pa nitong mga tropa.
Napangiwi si Trudy nang makitang nagsindi ng sigarilyo si Mercle at bumuga ng usok na para bang wala itong mga kasama.
"Bakit mo ba ako dinala rito?" tanong niya.
"Para 'di ka na makapunta sa date mo." Napanganga siya sa naging sagot nito samantalang bumuga lang muli ng panibagong usok si Mercle na parang wala lang. "Type kita, Trudy, kapag hinayaan kitang pumunta ro'n, mawawalan na ako ng pag-asa sa 'yo. Pasensyahan na lang."
"Well, ako, hindi kita type!" Marahas niya itong tinulak at umalis sa kinauupuan. Wala siyang mapuntahan ngayon, might as well, subukan niyang ma-distract na lang kaysa nag-stress siya sa wala namang patutunguhan.
Parang bar party lang ang engagement party nina Angie at Kalil. May DJ, mga taong nagsasayawan, nagma-make out, at mga nangt-trip ng mga ka-tropa. Wala ring masyadong pagkain maliban sa mga pangpulutan. Hindi siguro mahilig ang dalawa sa mga formal na party kaya ganitong theme ang naisip.
Kumuha siya ng dalawang baso na naglalaman ng alak at linagok iyon bago nakisali sa dance floor at iginiling ang katawan. Naalala niya ang party ni Jewel na hindi niya masyadong na-enjoy dahil sa ginawa ng Ethan ns iyon. Ganitong-ganito ang gusto niysng gawin no'n. Ang sumayaw na parang walang responsibilidad sa kung ano man ang mangyayari bukas at sa mga susunod pa na araw.
Nakataas ang kamay, sumabay siya sa kanta na "I Feel Good" na version ni Jessie J. Sensuwal at marahan ang paggalawa niya ng katawan hanggang sa makaramdam siya ng mga kamay na pumaikot sa kaniyang bewang. Humarap siya at bumungad sa kaniya ang matiim na pagkakatingin ni Mercle sa kaniya.
Hindi naman tumigil si Trudy. Mas hinatawan niya pa ang pagsayaw at gumiling sa katawan nito. Ginawang parang stripper pole ang katawan ni Mercle at doon dinikit at nirolyo ang sariling katawan. Nakatingin lang sa mga mata niya ang lalaki, hindi inaalis ang malalim na pagkakatitig.
Ramdam niya na ang pag-akyat ng mainit na pakiramdam mula sa kaniyang ulo pababa sa kaniyang mukha na ngayo'y namumula saka na rin ang leeg at dalawang tainga. Pero hindi pa rin siya roon tumigil. Pinasadahan niya ng kamay ang dibdib nito at inilapit ang mukha nang ilagay nito ang sigarilyo sa bibig. Binuka niya ang bibig na tila ba iniimbitahan ito.
Alam na alam na ni Mercle ang dapat na gawin. Malakas na kinapit ng kamay nito ang buhok niya at mas inilapit ang mga mukha nila sa isa't-isa. Binuga nito ang usok sa kaniyang bibig bago siya siniil ng mainit na halik. Walang naramdaman na pagtutol si Trudy, ramdam niya ang kagustuhan na mangyari iyon. Kaya pinulupot niya ang kamay sa batok nito at nilaliman ang kanilang mga halik.
Nagsalo ang kanilang mg dila at laway. Kinikiskis ang katawan ng bawat isa at naglalakbay na kung saan-saan ang mga malilikot na kamay. Tumibok ang pagnanasa sa gitna ng bahagi ng kaniyang katawan. Walang gustong tumigil sa kanila, nalulunod na ang dalawa sa masarap na sensayon ng pagnanasa.
"Sayaw pa, Mercle," hikayat niya sa lalaki habang mas ginigiling ang pangupo sa namumukol nitong harapan. Wala itong ekspresyon at patuloy lang sa pagbuga ng usok mula sa sigarilyo habang nakatitig sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa mo?" Malalim na ang boses nito at tila napapaos na tanong nito.
Hindi siya sumagot. Subalit, umalis siya sa dance floor at kumuha ng isa pang baso ng alak at bumalik sa kinatatayuan nito. Tila ba napako sng mga paa niya sa sahig nang makita si Mercle na nasa gitna ng dance floor at nakikipaghalikan sa ibang babae. Parang kanina lang naninigas ang ari nito para sa kaniya, ngayon may iba nang naglalaro.
Nagkibit-balikat na lang si Trudy at inubos ang alak na hawak at nagpunta sa kinauupuan nila kanina. Mula doon ay hinanap niya ang bag at wallet pati na rin ang phone niya. Agad na nabuhayan ang loob niya nang makitang naroon iyon. Kinuha niya na handang aalis nang may humarang sa kaniya.
Si Mercle iyon at nakahawak na ito sa bag niya. Handang siyang pigilan sa pag-alis. Tinaasan niya lang ito ng kilay bago sinangga ang balikat nito st nilagpasan.
"Kanina pa kita hinahanap," wika nito.
"Nahanap mo na ako, happy ka na?" balik na sabi niya pa rito bago tuluyang umalis. Hinila nito ang braso niya upang mapaharap siya sa lalaki. Pero hindi ito ang napansin niya ngunit ang bulto ng lalaking inakala niyang si Mercle na nakikipaghalikan sa dance floor.
Hindi naman pala ang lalaking iyon si Mercle. Namamalik-mata lang siguro siya. Kumurap-kurap si Trudy nang maramdamang nagiging magaan ang kaniyang ulo at gumugulo ang pag-iisip.
"Tangina, okay ka lang?" May concern sa boses nitong tanong. Ngumisi lang siya at hindi sumagot. Kanina ay maayos niya pang naiintindihan ang mga sinasabi ngunit ngayon ay distorted na ang naririnig niya. "Gago, drugs ba alak?" Hindi na niya masiyadong naiintindihan ang sinabi nito.
Kinuha siya ni Mercle at binuhat sa kung saan. Pakiramdam tuloy ni Trudy nasa alapaap siya. Ramdam niya ang lambot at sarap ng ulap na dumadampi sa kaniyang balat. Lumilipad na rin ang mga gamit at alak sa paligid. Nagiging doble sa kaniyang paningin ang mga tao at mas lalong gumagwapo si Mercle.
Bumibigat na ang talukap ni Trudy pati na rin ang buo niyang katawan. Bigla tuloy naisip niya ang mga nakakatawang pangyayari sa kaniyang buhay. Wala sa isip na natawa siya habang nakakawit ang mga braso sa leeg ni Mercle.
Naglumikot siya at nagpumiglas dahilan para mabitawan siya nito. Tatawa-tawang tinulak niya palayo ang lalaki at tumungo sa kinauupuan kanina at nakisali sa mga kaibigan ni Mercle. Prente siyang naupo sa mga tabi nito, sumunod sa kaniya ang lalaki.
"Oy, Mercle, shot muna 'to!"
Napabuntong-hininga si Mercle bago umiling. Napa-tsk si Trudy. "Ang boring mo naman, ako ang iinom!" Buong tapang niyang kinuha ang shot glass at akmang iinom nang kunin iyon ni Mercle mula sa kamay at inisahang inom. Naghiyawan ang magt-tropa sa ginawa.
"Upo ka muna!" Walang nagawa si Mercle at nakisali na lang sa mga kagustuhan ng kasama.
NAKARAMI na ng inom si Trudy at gano'n din si Mercle. Kaya naman nasa gitna na naman silang muli gn dance floor at maharot na sumasayaw sa umuugong na musika habang nakikipagpalitan ng halik kay Mercle at isa pang babaeng hindi niya maalala ang pangalan.
Giniling-giling niya ang katawan at ikiniskis kay Mercle iyon para iparamdam dito ang naninigas niyang mga utong at nag-iinit na katawan. Kinagat ni Trudy and earlobe nito na mahinang ikinaungol ni Mercle at napamura. Hinila nito ang bewang niya at pinagdiinan ang kanilang mga kaselan.
Mahina siyang natawa bago marahang tinulak ang kasayaw at hilahin ang kamay nito palabas ng party. Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa kanila pagkalabas. Tatawa-tawa silang halos matumba na sa gilid ng kalsada.
"Ang saya ng party, pero may kulang..." ungot ni Trudy. "Walang ciggars! Hindi mo ako binibigyan." Ngumuso pa siya.
Ngumisi si Mercle bago inilabas mula sa leather jacket ang isang pack ng Marlboro red at lighter bago kumuha ng isang stick at ilagay sa kaniyang bibig bago sinindihan iyon. Bumuga ito ng hangin bago ipinasok ang kamay sa bulsa ng jacket.
"Kailan ka nagsimula?" Binigyan niya ito ng nagtatakhang tingin. Tinuro naman nito ang sigarilyo sa bibig.
"Ah, tagal na rin. Highschool ako. Stress reliever." Sa mga oras na 'yon, lumipas na ang ilang oras at tumino-tino na rin ang pag-iisip ni Trudy.
"Stress saan?" Casual ang pagkakatanong ni Mercle sa kaniya. Nag-iwas ng tingin si Trudy.
Bumuga siya ng usok bago ibinagsak ang upos na sigarilyo at tinapakan iyon. "Alam mo? Ang boring na, may naiisip ka bang magandang gawin para hindi ma-bored?" Kinindatan niya pa ang kausap.
"Meron akong naiisip, ang tanong, gusto mo bang sumama?"
"Bakit naman hindi?"
Dinala siya ni Mercle sa isang compound. Tahimik nilang binuksan ang gate at pumasok sa isang apartment. Pagkabukas ng ilaw ay bumungad sa kaniya ang simple at maliit na klase ng apartment. May isang bathroom, kuwarto, living room, at kusina kasama na ang dining room.
"Dito ka nakatira?" manghang tanong ni Trudy rito. Tumango sa kaniya si Mercle at tumungo ng fridge nito at nilabas ang orange juice. "Woah, ano'ng trabaho mo?"
"Gusto mong malaman ang trabaho ko? Ipapakita ko sa 'yo mamaya." Nilapag nito ang isang baso ng juice.
Sumimsim siya roon bago matiim na tiningnan si Mercle habang isa-isang tinanggal ang suot. Napakagat ng labi si Trudy nang makita kung gaano kalaki ang katawan nito. Napanganga si Trudy nang makita ang kabuoan nitong katawan. Palagay niya ay tumitibok-tibok ang pagnanasa sa pagitan ng kaniyang hita nang makita iyon.
Merong tattoo si Mercle mula sa matitipuno nitong dibdib hanggang sa mabatong balikat. Hulmang-hulma ng maganda nitong pangangatawan at mas pinapakita ang magandang disenyo ng pakpak na tattoo.
"Ito ang ginagawa ko," bigla na lang sabi ni Mercle na nagpaangat ng kaniyang tingin pabalik sa mukha nito.
Napatango-tango si Trudy. "Stripping?"
"Ha? Hindi! Tattoo artist ako."
Natawa na lang si Trudy bago lumapit dito. Hinaplos niya ang tattoo nito at pinakiramdaman ang init ng katawan ni Mercle. Nabibighani siya sa ganda niyon. Kagaya ng nga mata nito, nakakahipnotismo rin ang tattoo nito. Parang ang gusto na lang niya buong araw ay padaanin ang kaniyang kamay sa tattoo nito hanggang sa mag-sawa siya.
"I want one." Napatanga sa kaniya si Mercle. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Or siguro henna na lang, parang ayoko pang masaktan ngayon."
"Wala akong kit dito. Nasa shop."
"E'di kunin natin!" Maligalig pang suwestiyon ni Trudy. Hila-hila ang kamay ni Mercle ay nag-aya palabas si Trudy. Nagbihis muna ng panibagong damit ang lalaki bago nito hinanda ang motorsiklo at nag-drive patungo sa tinutukoy na shop.
"SIGURADO ka ba?" Kagat-kagat ni Trudy ang pang-ilalim na labi ba tumango habang nakatingin kay Mercle. Nakataas ang damit at bra niya ngunit nakatakip naman sa kaniyang dibdib ang kamay.
Napagdesisyunan ni Trudy na magpalagay ng henna sa ilalim ng kaniyang dibdib. Hindi kasi iyon makikita ng kahit na sino at madali lang sa kaniya iyon itago.
"Peregrinate tattoo. Gusto mong mag-explore?" Paninimula ng binata ng usapan habang nilalabas nito ang ink na gagamitin.
"Sino ba'ng may ayaw? Maaga kasi akong tumanda, hindi ko na-enjoy 'yong pagkabata ko. Ako 'yong naging nanay at tatay ng kapatid ko pati na rin ng sarili kong ama. Hindi ko naramdaman ang pagiging bata noong panahon na 'yon. Ayon, ngayong nasa legal age na ako, parang gusto ko naman ulit maging free spirited, care free, nage-explore na walang iniisip na responsibilidad. Gusto ko 'yon."
"Wow, mukhang malalim nga ang pinaghuhugutan mo. Libre na 'to," pagpapagaan pa ni Mercle ng usapan bago nagsimulang ilagay ang outline ng gagawin.
Mahinang natawa si Trudy dahil sa pagkakakiliti habang dumadampi sa kaniyang balat ang brush ns ginagamit nito upang ilagay ang henna.
Napa-tsk si Mercle sa kakulitan niya. Napilitan itong makihawak din sa kaniyang dibdib para hindi gumalaw at masira ang proseso. Nagkatinginan sila sa ginawa nitong paghawak. Parang mas lumiit ang space ng kinaroroonan at bumigat ang paghinga ni Trudy. Nakagat niya ang pang-ilalim na lavi habang nakikipagtagisan ng titig kay Mercle na natigil sa ginagawa at napalunok-lunok nang pareho nilang nararamdaman ang mainit na pakiramdam ng pagnanasa.
Nanlalagkit siya. Parang gusto niyang maligo pero kasama dapat si Mercle at ito mismo ang nagpupunas ng mga malalagkit na parte ng kaniyang katawan. Marahan at sensuwal na pinapadaan ang mga kamay nito mula sa leeg hanggang sa gitna ng mga dibdib, patungong tiyan pababa ng puson. Marahang ipaparamdam sa kaniya ang daliri bago tuluyang pumailalim ang kamay sa kaniyang pagkababae na namamasa na.
Mariing napapikit si Trudy sa naiisip. Ang taong laman ng mahalay na imaheng iyon ay nasa harap lang niya at tinutulungan siya sa paghawak ng dibdib habang naglalagay ng ink sa para sa kaniyang henna. Napaka-hot nitong tingnan na nagco-concentrate sa ginagawa ngunit may mga namumuo pa ring pawis sa noo dahil lunod na rin ito sa pagnanasa kagaya niya.
"Tapos na..." paos ang boses nitong sabi. Nakatitig ito sa kaniya. Hindi pa rin binibitawan sa pagkakahawak ng kaniyang suso.
"Pa'no ba 'yan? Kailangan mo pang hawakan ang boobs ko hanggang sa matuyo ang ink." May ngisi sa labi niyang sabi rito habang pinadaanan ng basang dila ang labi.
Gumalaw ang panga nito. Para bang may lumabas na usok sa ilong nito at hindi nakapagpigil na mahina itong napamura bago siya siniil ng isang mainit na halik sa labi na kaniya namang tinugon at tuwang-tuwa na tinanggap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top