Ch 4. And I watched as you fled the scene
"Do you know Mr. Alkalde?" Napaharap si Trudy sa ama na pumasok sa loob ng kanilang theater room kung saan nanonood siya ng Bonnie and Clyde.
Sumisimsim muna siya sa iniinom na iced tea bago sumagot sa ama. "Yes, Dad. Why?"
"I want you to meet his son, Henry Alkalde, for a date."
Natigilan siya sa narinig. "What?"
"C'mon, Trudy, you know this day will come. Every politician has a bimbo with a name as their spouse. Now, you need Henry. Don't worry, kailangan ka rin niya, he's the black sheep of their family. Madali lang mapapayag 'yon."
"Hindi pa naman po ako tatakbo, Dad." Dahilan niya.
"Which means, kapag nagpakasal kayo ni Henry next year at tatagal kayo until tumakbo ka, iisipin ng tao tapat ka na tao. Let's say malalaman ng mga tao na five years na kayo ni Henry, siyempre pagkakatiwalaan ka nila dahil sa tagal niyo na ng asawa mo."
Gustong um-ayaw ni Trudy sa kagustuhan ng ama pero hindi niya magawa. May pumipigil sa kaniya kaya wala na lang siyang nagawa kun'di ang tumango.
"Okay, Dad, pakisabi na lang sa akin kung nakapag-set na sila kung kailan kami magkikita."
"Good," proud na proud pang ani ng kaniyang ama.
PINAPAKIRAMDAMAN ni Trudy ang hangin na sumasamyo sa kaniyang balat sa gitna ng biyahe. Naiinis siya dahil kailangan pa niyang mag-drive mula sa Panaraqa patungong Aklan para lang makipagkita ito sa bagong bukas lang na resto. Naroon daw kasi ang lalaki para sa isang event at ayaw naman daw nitong bumiyahe dahil sa kapaguran. Siya na lang ang nag-adjust patungo roon.
So far, maayos naman ang kaniyang takbo ngunit parang tinadhana, tumigil ang kaniyang sasakyan sa gitna ng daan. Napahampas si Trudy sa manibela ng sasakyan bago napilitang bumaba. Binuksan niya ang hood ng kotse at sa kasamaang palad, isang makapal na usok ang lumabas mula roon.
"Malas ko talaga!" hindi mapigilang singhal ni Trudy saka sinipa ang gulong ng kotse sa prustrasyon.
Samantalang, mula sa kaniyang likod, isang taong pinakahuli niyang hinihiling na makita ang nakasakay sa isang maangas na itim na motor. Suot nito ang itim na leather jacket sa ibabaw ng white t-shirt at black ripped jeans. Tinanggal nito ang suot na helmet at nakangising bumaba sa pinaradang motorsiklo.
Sinamaan niya ito ng tingin nang sumampa ito sa hood ng sasakyan. Hindi pa rin maalis-alis sa nakakabwesit nitong pagmumukha ang mayabang na pagkangisi.
"Mukha may kailangan ng tulong." Pang-aasar nito pero hindi niya pinansin ang lalaki at tahimik lang na nag-dial ng mekaniko. Ngunit bago pa niya matawagan iyon, mabilis na nakuha ng lalaki ang kaniyang cell phone. "Kawawa ka naman, wala ng battery ang phone at sira ang sasakyan. Gusto mong tulungan kita?"
Hindi siya nagpatinag at kinalkal ang trunk ng sasakyan. Walang alam si Trudy kung ano ang hinahanap, hindi niya naman nasuri ng maayos kung ano ang problema ng sasakyan basta na lang siyang nagpanik nang makitang papalapit sa kaniya ang lalaki. Mahirap na, baka makagawa na naman siya ng bagay na makakasuway sa mga utos ng dad niya.
Mas kinulit pa sya nito. Tumabi ito sa kaniya saka winagayway ang cellphone sa harap niya. Punaling niya ang kamay sa inis at bumalik sa hood ng kotse saka binuksan iyon. Napaubo siya sa dahil sa makapal at maitim na usok na lumabas doon.
"Look, pwede ka namang makisakay sa akin, tawagan mo na lang ng tow truck ang sasakyan mo. Baka ma-late ka pa."
Padabog niyang sinara ang hood. "Ano ba'ng kailangan mo sa akin? Bakit mo ako iniistalk?"
"Kapag sinabi ko ba hahayaan mo akong sundan ka kahit saan?"
Napanganga siya. "Hindi, malamang."
"Great because I wany sex."
"W-What?"
"Ang ganda mo kaya, sexy pa, sino'ng ayaw makipag-sex sa 'yo?" Pinasadahan pa nito ng mainit na tingin ang buo niyang katawan bago siya muling nginitian.
Bahagyang umangat ang kamay niya upang padapuin ang kaniyang palad sa makapal nitong mukha nang natigil siya at napaisip. Pwede raw siya nitong ihatid sa kung saan niya gustong pumunta?
"Kapag ba nagkisakay ako sa 'yo, manghihingi ka ba ng sex?" Walang takot na tanong niya rito.
"Huh?" Hindi makapaniwala itong tumingin sa kaniya. "Hindi malamang, that would mean I'm taking advantage of you. Gusto kitang tulungan dahil kawawa kang tingnan dito."
"Gusto mo pala akong tulungan peri kinuha mo ang phone ko..." mahina niyang bulong but obviously, may lahing aso ang lalaki at narinig nito ang sinabi niya.
Pumitik ang dila nito sa bibig. "Hindi naman makakatulong sa 'yo ang mekaniko. Kung gusto mong makarating sa lugar na gusto mong puntahan sumakay ka na lang sa motor ko. Tutal, marami ka namang pera pabili ka na lang ng bagong sasakyan."
"Wow, kung sa tingin mo madali lang bumili ng bagong car, mali ka. But fine, sasakay na ako." Akmang susundan na niya ang lalaki sa paglalakad patungong motor nang pigilan siya.
"One condition."
Pinaningkitan niya ito ng mata. "Ano 'yon?"
Nagsuot ito ng helmet. "Samahan ko muna ako sa pupuntahan ko dahil kailangan ko ring puntahan ang kaibigan ko at mal-late na ako."
"Okay na, tara na!" ungot niya rito nang maalala kung anong oras na. Hindi pa naiistart ang motor ay sumampa na siya sa likod nito at nahihiya pang humawak sa damit nito.
Bigla ay in-accelerate nito ang motor kaya mahigpit siyang napayakap sa lalaki. Nakadikit ang kaniyang dibdib sa likod nito habang tuwang-tuwa ito na tumatawa.
Napailing-iling pa ang lalaki. "Ang kabado ko naman, pero okay lang pala na maging kabado ka, ano? Ramdam ko 'yong kabilugan ng buwan."
Napasinghap si Trudy nang maintindihan kung ano ang nais nitong sabihin sa kaniya at mahinang pinalo ito sa braso.
"Mag-drive ka na nga!"
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Trudy habang pinapalibot ang paningin sa madilim na eskenitang pinasukan nila. Natatakot siya, hindi niya alam kung ano ba ang pinasok niya at nandito siya ngayon. Basta ang alam lang ni Trudy ay kikitain nito ang isang kaibigan.
"Saan tayo papunta?" Hindi na niya mapigilang itanong.
"Dito ka lang," sabi pa ng lalaki bago pinatay ang makina ng motorsiklo. Bumaba ito at tinanggal ang helmet bago ibinigay sa kaniya. Puno ng pagtatakha na sinundan ni Trudy ito ng tingin.
Sa may kalayuan, nakita niyang lumabas ang isang lalaki sa bahay. Palinga-linga ito sa paligid na tila ba may kung sinong umaaligid dito. Hindi nagtagal ay may inilabas ang lalaki mula sa bulsa at ibinigay sa kaharap. Hindi mawari ni Trudy kung ano iyon pero agad siyang kinabahan nang kutoban.
"Teka lang, hindi naman 'yon 'yong napag-usapan na presyo!" biglang angal ng kausap nito. Lukot na lukot ang mukha dahil sa malalim na pagkakakunot ng noo nito. "Ang mahal ng singil mo!"
Bumaba si Trudy mula sa motorsiklo at naglakad papalapit sa kinaroroonan ng nga ito. Masamang makinig sa usapan ng iba pero kinakain na siya ng kuryosidad kaya heto siya't patagong pinapakinggan ang mga sinasabi jg mga ito.
Nagkibit-balikat ito. "'Yon ang utos ni boss, eh, pasensiyahan. Kailangan mong bayaran 'yan o hindi mo na kami makakatransaksyon."
"Teka nga, si bossing ba talaga ang nagsabi niyan o gawa-gawa mo lang?" Parang bula, may dalawang maskuladong iba pang mga lalaki ang sumulpot mula sa likuran ng kausap nito. Hawak ng dalawa ang baseball bat na handang ihampas sa mukha ng lalaki sa isang pagkakamali.
Napailing-iling lang ito na para bang walang kinakatakutan mangyari. "Ah, wala ka bang tiwaka sa akin, Holmer? Sa mga babae mong pineperahan ka, napakalaki ng tiwala mo pero sa mga ka-syoso mo wala kang tiwala? Kaya ka naloloko, eh."
"Tangina pala nito, eh, banatan niyo na 'yan!"
Isa-isang umatake ang mga lalaking may hawak ng baseball bat at isa-isa rin naman nitong iniwasan ang bahat hampas. Patakbo nitong nilisan ang lugar. Samantala, si Trudy sa 'di kalayuan ay nakaprotekta ang mga kamay sa ulo at mariing nakapikit ang mga mata upang hindi makita ang bayolenteng pangyayari sa kaniyang harapan.
Nakarinig siya ng maingay na pagbukas ng makina ng motorsiklo. Doon pa lang ay nawalan na ng pag-asa si Trudy. Mukhang iiwan na siya ng lalaki roon at hahayaang mabugbog at ma-take advantage ng mga lalaki basta lang ay maligtas ang buhay. Ito nga siguro ang dahilan kung bakit siya sinama ng lalaking kakakilala niya lang. Naalala niya tuloy ang bilin sa kaniya ng daddy niya.
"Do not trust anyone, not even yourself. We sometimes lie to ourselves for something to feel good and right."
Muli, hindi na naman siya nakinig. Dahil ang pag-aakala niyang pag-iwan nito sa kaniya ay nag-iba nang balikan siya nito at nagmamadaling binuhat patungo sa motorsiklo.
"Suotin mo 'to. Pumikit ka 'wag kang titingin." Hindi na nakasagot si Trudy sa mga sinasabi nito dahil sa hindi pagkapaniwala sa pag-balik nito para sa kaniya.
Nagising na lang siya ng mga oras na 'yon na alinsunod ang kaniyang buhok sa malakas na hangin. Tumingin siya sa likod at nakahinga nang maluwag pagkakita na wala na ang mga taong sumusunod sa kanila.
Napaharap siya sa likod ng lalaki. Mapakas niyang pinalo iyon dahil sa inis na nadarama. "Gago ka, ang sabi mo pupunta tayo sa mga kaibigan mo? 'Yon pala mga pinagbebentahan mo ng kung ano?!"
"Mga kaibigan ko 'yon, dati nga lang."
Marahas na napabuntong-hininga si Trudy. "Sino ka ba, ha? Bakit mo ako dinadamay? Pababain mo na ako!"
"Kung papababain kita, pa'no ks makakapunta sa pupuntahan mo?"
Natigilan si Trudy. Ngayon niya lang naalala ang tungkol sa date nila ni Henry Alkalde. Kanina pa iyon naghihintay sa restaurant na napagusapan nila at baka nakauwi! Tinapik-tapik niya ang balikat ng lalaki dahilan para matigil ito sa pagmamaneho.
Tinabi nito ang motorsiklo sa may kakahayuan at naiinis na binigyan siya ng nagtatanong na tingin.
Inilahad niya ang palad dito. "Akin na ang phone ko."
Nagmatigas ito at umiling. Hindi naman nagpatalo si Trudy. "Ibibigay mo o isusumbong kita sa mga pulis?"
"Tss. Sumbong mo samahan pa kita, eh."
Napakalaki ng awang ng kaniyang labi dahil sa sinabi nito. Wala yatang kinakatakutan ang lalaki. Paano na ngayon? Paano na niya makakausap si Henry at ang ama?
"Forget it, hanggang dito na lang ako, kukuha na lang ako ng van or tricycle. Leave me out of your business!"
"Mercle ang pangalan ko, ito na ang phone mo. Yes, I am a drug runner but I don't use it. Kumikita lang ako doon."
Rinig ng dalawang tainga ni Trudy ang malakas na dagundong ng kaniyang puso, nakakaramdam siya ng kakaibang takot. Isang klase ng takot na ginusto ng buo niyang sistema sng tumakbo papalayo at huwag ng lumingon pabalik.
Mabilis ang paghinga niya, tinaas niya ang kamay sa lalaki. "'Wag kang lumapit. Layuan mo ako, hayaan mo akong umalis dito." Hindi naman ito gumalaw kaya nagkaroon ng oras si Trudy na tumakbo paalis doon.
"Nasa akin ang bag at wallet mo. Nandito lahat ng mahahalagang bagay sa 'yo, wala kang kakilala rito at low battery na ang cellphone mo. Wala kang mapupuntahan maliban sa akin."
"Kinikidnap mo ba ako?" hindi niya maiwasang itanong.
"Hindi pero may kailangan lang akong alamin. Kung ayaw mo naman, okay lang, basta 'wag kang mamatay sa daan, ako pa magdadala ng guilt."
Mahina siyang napamura sa isip. Magalin ang lalaki sa mind games, hindi siya makaiwas sa bawat galaw nito. Wala ng choice si Trudy maliban sa sumama rito hanggang sa ibalik nito ang mga gamit niya.
"Please, ayoko nang madawit sa kaguluhan mo. Ibalik mo an ang gamit ko." Sadyang pinakawawa niya sng tono ng boses nuya upang mas maawa pa sa kaniya ang lalaki at bumigay.
"Samahan mo muna ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top