Ch 28. With you


Hindi maalis-alis nina Mercle at Trudy ang mga mata sa isa't-isa habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na Mang Inasal para sa kanilang venue ng "reception". May kakilala pala si Mercle na nagta-trabaho roon at nasabihan na nito na huwag ipagamit ang lamesa sa oras na tinakda nito.

Kasama pa rin nilang dalawa sina Kalil at Angie na tuwang-tuwa naman buong seremonya ng kasal. Nais sana nilang isama si Mayor Pineda ngunit inayawan nito at baka maging isyu naman sa media ang pakikipag-kita sa kanila.

Naiintindihan naman ni Trudy 'yon pero gusto niya pa ring pasalamatan ang lalaki dahil sa mga nagawa nito para sa kanilang dalawa ng asawa. Asawa! Matatawag na niyang asawa si Mercle at may pamilya na siya.

Hindi maipaliwanag ni Trudy kung gaano kasaya ang puso niya sa sandaling iyon. Basta sa pakiramdam niya, unti-unting bumabalot ang isang mainit na pakiramdam sa puso niya at tila ba minamasahe ang bawat parte na nakakaranas siya ng sakit.

Asawa na niya si Mercle at mananatiling ganoon 'yon hanggang sa magkasama sila.

"Ano'ng feeling ngayong may asawa ka na, Trudy?" tanong naman ni Angie, naiwan silang dalawa sa kanilang mga upuan dahil nagpresenta ang mga lalaki ang mga order sa kanilang pagkain.

"You want the truth?" balik tanong niya rito na may ngiti. "The most amazing feeling ever! I never thought mapupunta kami sa ganito. Alam mo before coming here napakalaki ng tanong sa isip ko kung tama ba na sumama ako sa kaniya dito pero ngayon nasagot na lahat ng tanong ko."

Hindi naman mapigilan na mapangiti sa mga naririnig mula sa kaniya. "Natutuwa talaga ako para sa inyong dalawa, pati na rin kay Mercle. Mga bata pa lang kami magkakaibigan na kami nila Mercle at Kalil at nakita namin lahat ng hirap na dinanas niya. Lalo na sa mga magulang niya," binigyan siya nito ng makabuluhang tingin na tila ba dapat alam niya ang tungkol sa mga magulang ng asawa.

Nangunot naman ang noo ni Trudy. "Magulang? Ah, dahil ba mahirap sila at hindi siya mapakain ng sapat noon?"

Oras naman ni Angie upang mangunot ang noo. "Hindi nasabi sa 'yo ni Mercle?"

"A-Ang alin?"

"Oh."

Inangat niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa at pinatong ang kamay sa magkadikit nitong palad. "Angie, asawa na ako ni Mercle siguro naman mak-kwento mo na sa akin ang mga bagay na 'yan. Nangako ako sa kaniya na hindi ko siya iiwan at seryoso ako doon. Kaya kung ano man ang meron tungkol sa mga magulang niya, handa akong pakinggan."

"Hindi ko kasi kwento 'yon para sabihin, eh. Kung hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nasasabi sa 'yo, ibig-sabihin may dahilan siya at sana maintindihan mo 'yon. Ano na ba ang nasabi niya sa 'yo tungkol sa kanila?"

"Wala masyado," kibit-balikat niya pang sabi. "Ang sabi niya lang, binilhan niya ng bahay ang parents niya at bumukod sa kanila at nanirahan na lang sa tinitirhan niya doon dati sa Panaraqa."

Bubuka pa sana ang bibig ni Angie para makapagsalita nang dumating na ang mga lalaki sa kanilang lamesa. Dala-dala ng mga ito ang kanilang in-order. Isang pork barbecue ang kaniyang napili na sinamahan pa ng crema de leche at medium sized milk tea na walang boba.

Habang pinapanood na i-distribute ni Mercle ang kanilang mga pagkain, saka na-realize ni Trudy na hindi sila halos nakapag-date ni Mercle noong sila'y mag-kasintahan pa lamang. Namuhay sila sa pagtatago at takot na mabuking ng kaniyang ama at sa boss ni Mercle.

At kahit ngayong esposo na niya ang lalaki, mukhang hindi sila agad makakaalis sa ganoong pamumuhay. Kakayanin kaya niya? Ngayong inilahad na niya ang kaniyang pangako na sinamahan pa ng singsing at dalawang saksi sa kanilang pagmamahalan.

Mahal niya si Mercle. Siguro naman hindi malalamangan ng paghahangad niya ng simpleng buhay ang pagmamahal niya sa lalaking kinalimutan niya ang dating buhay para dito. Tama, mahal na mahal niya si Mercle para talikuran ang pangakong binigay niya rito kasabay ng pagbibigay niya ng buong katauhan dito.

May ngiti sa mukha si Mercle na umupo sa tabi niya. Magkahawak ang kanilang kamay habang nakatitig sa isa't-isa. Nabitawan na lang nila 'yon nang mapili na nilang kumain.

"So, saan ang honeymoon niyo, lovebirds?" Paninimula ni Kalil ng usapan. Siniko naman ito ni Angie at binigyan ng mapag-matang tingin. Hindi naman pinansin 'yon ni Kalil at may ngisi sa labing inaasar sila.

Namumula ang pisngi ni Trudy na natawa na lang. Ngunit natigil ang kaniyang pagtawa nang may gumapang na magaspang na palad sa kaniyang hita. Hindi na kailangan ng pinakamatalinong tao para malaman na si Mercle iyon.

Saka na lang namalayan ni Trudy na naglapit na pala ang kanilang mga upuan nang idikit ni Mercle ang katawan sa kaniya. "Saan mo nga ba gusto, Sweet girl?" bulong nito sa kaniyang tainga na nagpataas ng balahibo niya.

Tumikhim si Trudy at pinagsiklop ang hita ng mas lalo pang tumaas ang hawak ni Mercle. "Hindi ko alam, ikaw a-ang nagplano nito..."

"Gusto mo ngayon na?"

Napasinghap si Trudy nang pumitik ang isa nitong daliri sa kaniyang namamasa ng pagkababae. Mahinang tawa lang ang pinakawalan ni Mercle, tila ba wala itong pakialam sa paligid. Gayon din si Trudy, sa bawat segundo na lumilipas ay nabibingi siya.

Nahuhulog sa hipnotismo nang masarap na sensayong pinaparanas sa kaniya ni Mercle sa bawat sandali. Gusto niya pa. Gusto niya pang lakihan ang pagka-awang ng kaniyang hita upang mas magkaroon ng laya na gawin ang gusto nitong gawin.

Mahigpit na napakapit si Trudy sa suot na barong tagalog ni Mercle nang mas lalo pa nitong diinan ang daliri. "Sweet girl... nasa labas tayo, hindi natin pag-aari ang mundo." Bigla ay nawala ang tindi ng pagkakadikit ng daliri nito sa kaniyang pagkababae.

"What?"

Isang ngisi ang pinakawalan ni Mercle bago sinubo ang daliring nakadikit sa sentro ng kaniyang mga binti kanina lang. Goodness! Mukhang hindi lang pisngi ni Trudy ang namumula ngayon, buong katawan na yata niya.

Nagawa ni Mercle ang bagay na 'yon sa harap ng maraming tao? At ang mas malala pa ay gusto pa niya. Nabitin siya sa ginawa nito at ramdam na ramdam ni Trudy ang pagtibok ng pagnanasa sa kaniyang pagkababae.

"Oh, bakit hindi ka pa kumakain?" May mapang-asar na tono sa likod ng mga ngisi ni Mercle.

Taas-baba ang kaniyang dibdib na pilit na ngumiti sa mga kasama sa table bago binigyan ng masamang tingin ang asawa. Mukhang pahihirapan siya ni Mercle at hahayaang mamilipit sa nabiting orgasmo.

"OKAY, saan tayo next?" Binatukan naman agad ni Angie ang fiance.

"Wala ng next ano! Tapos na ang reception at honeymoon na nila, uuwi na tayo," wika pa nito. Napasimangot naman si Kalil ngunit agad ding ngumiti nang kuhanin ang isang box na hinuha ni Trudy ay isang regalo para sa kanila.

Nagtatakhang tingin ang sinalubong ni Angie sa kasintahan, samantalang si Kalil naman ay hindi mapawi-pawi ang ngisi sa mukha. "Hindi mo sinabi sa akin na magreregalo ka pala?"

"Inggit ka na namin sa akin! 'To talaga, mahal pa rin naman kita kahit wala kang pambili ng regalo, naiintindihan ko," malambing pa nitong sabi saka hinila payakap si Angie.

"Tse! Sa ating dalawa ako ang may trabaho, kutusan kita, eh."

Naiiling na lang si Mercle na pinanood ang dalawang kaibigan. "Oh, siya, alis na kami. Ingat kayo sa paglabing-labing!" Pagpapaalam pa ni Kalil bago hinila palabas ng fast food chain ang kasintahan.

Bumigat ang paghinga ni Trudy. Kanina pa nagmamakaawa ang bagay na nasa sentro ng kaniyang pagkababae matapos ng pagpapabitin sa kaniya ni Mercle kanina. Ngayon ay makukuha na nito ang hinahanap-hanap mula kanina pa.

Mas lalong nagtaasan ang balahibo ni Trudy nang idikit muli ni Mercle ang katawan sa kaniya. Ramdam na ramdan niya ang init ng katawan nito at bawat hangin na binubuga. Mas nakakapang-init iyon sa kaniya, ang bawat himay-himay ng kaniyang katawan ay nabubuhay sa bawat haplos na pinaparamdam sa kaniya ni Mercle.

"Pumunta ka ng banyo, buksan mo 'tong regalo at isuot mo," bigla ay utos nito sa kaniya.

Iniikot ni Trudy ang paningin sa paligid, lahat ay may kaniya-kaniyang buhay, walang pakialam sa ginagawa ng iba, malamang ay hindi rin napapansin ang pagkaka-pula ng kaniyang mukha hanggang leeg.

Sunod-sunod na tumango si Trudy at kinuha mula rito ang box. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na pumasok sa unisex bathroom. Mabuti na lang at solo lang ng customer na gagamit ang banyo, kung hindi baka mamatay na siya sa hiya sa naiisip na gagawin.

Nagmamadaling ni-lock ni Trudy ang pintuan at binuksan ang maliit na box. Agad siyang napasinghap nang makita kung ano 'yon. Oo nga't wala siyang halos sexual experience bago niya nakilala si Mercle pero alam niya kung ano 'yon. Minsan na niyang nakita 'yon sa kuwarto ni Jewel.

Mabilis na dinampot niya ang remote controlled vibrator at tiningnan ang sarili sa salamin. Namumula ang mukha at leeg, may kakaibang ngisi na nakapaskil din doon. Ibang-iba na ang pinagbago niya simula nang makilala ang asawa.

Kung dati siguro ay maeeskandalo siyang lalabas at iisipin ang mga turo at panayam ng ama tungkol sa pagiging inosente at disenteng babae pero ngayon? Ngayon na nakawala na siya sa galamay ng ama, alam na niyang kayang-kaya niyang gawin ang mga ito.

Walang takot na ibinaba ni Trudy ang suot na panty hanggang binti at kagat ang pang-ilalim na labi na pinasok ang vibrator sa kaniya. Pigil niya ang ungol hanggang sa masigurado na niyang hindi iyon bababa.

"Trudy?" Isang katok ang pinakawalan ng tao sa kabilang panig ng pintuan. "Tapos ka na ba?"

"Uhm, yes!" Nagmamadali niyang niligpit ang mga gamit at binuksan ang pintuan. "Ito na ang remote," sinabayan niya pa ang sinabi sa magaspang na boses at kindat.

Ngunit hindi agad nakagalaw si Mercle. Nakatunganga ito habang nakatingin sa remote ng vibrator. Nagdikit ang mga kilay ni Trudy sa kaguluhan. May nagawa ba siyang mali?

"Trudy?"

"Hmm?"

"Hindi ito 'yong remote," ani pa nito na nagpalaglag ng kaniyang panga.

Umismid pa siya, iniisip na nang-aasar lamang ang asawa. "'Yan 'yong remote no! 'Wag mo nga akong pinagloloko."

Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Magaslaw niyang kinuha sa kamay nito ang "remote" at pinag-aralan. May maliit na butil ng bilog sa mahaba't malambot na tila antena ng pa-oval shape na bagay. Walang mga buttons na maaaring pindutin o ano.

Sa oras na 'yon ay napagtanto ni Trudy ang nangyari.

Bago pa man niya marinig ang halakhak ni Mercle ay nagmamadali niyang sinara ang pintuan ng banyo at nagpalit.

Paglabas ng banyo ay namumula na si Mercle sa pagpigil ng tawa nang makita ang kaniyang masamang tingin dito. Tinaasan niya ito ng isang daliri, "Don't!" saad pa niya at nilampasan ito.

"Sakay na," aya pa nito sa kaniya nang mai-start na ang engine ng motorsiklo samantalang si Trudy ay hindi pa rin makatingin sa mga mata ni sa kahihiyan. "'Wag mo nang isipin 'yon."

"Nakakahiya 'yon, Mercle. Tingin mo mawawala agad 'yon sa isip ko?"

Pigil ang tawa na nagsalita ito, "Sumakay ka na at nang mawala sa isip mo kahit panandalian lang, halika."

Hindi na nagpapilit pa si Trudy at sumakay na rin. Napasinghap siya nang maramdaman na mas lalong lumalim ang pagkakalagay ng vibrator sa loob niya nang maka-upo. Tama si Mercle, sa sandaling iyon ay nawala ang nakakahiyang pangyayari sa isip niya. Muli na namang binalot ng init ang katawan.

"Oh, bakit tumahimik ka diyan?" Nagkita ang kanilang mga mata sa salamin ng motorsiklo, hindi maitatago sa ngisi na nakapaskil sa mukha nito na nag-eenjoy ito sa nakikita.

Inikutan niya ito ng mata na natigil din at napunta sa pagtirik nang bigla nitong i-on ang vibrator sa malakas na settings at nagsimulang mag-stimulate sa kaniyang klitoris.

"'Wag mo akong iikutan ng mata," nag-iinit na sabi ni Mercle sa kaniya habang nakatitig pa rin sa salamin ng motorsiklo. Lagot, mukhang hindi siya titigilan nito mamaya.


A/N: The next update will be by Friday or Thursday na muna, I have some important things to do. Love you all. <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top