Ch 27. Doing it


A/N: Ang hindi mag-leave ng comment ay pangit. Charot! Happy reading :D

PAREHONG may ngiti sa mukha ang magkasintahang Mercle Magdaluyo at Trudy Nuez. Aakalaing mahal na mahal nila ang isa't-isa, na kahit kailan ay hindi nagkaroon ng problema at gusot sa pag-iibigan ng dalawa.

Ganoon ang gusto ni Trudy. Simula ngayon, kinalimutan na niya ang nakaraan nilang dalawa. Hindi sila nagkakilala sa isang party ngunit nakita na lang niya ang sarili sa harap nito at nanunumpa ng walang hanggang pagmamahalan.

Ito na lang ang tanging memorya ba gusto niyang itatak sa kaniyang isip, ito lang, wala ng iba.

"Mercle Magdaluyo, do you take Trudy Nuez to be your legal wedded wife, to have and to hold from this day forward?" si Mayor Pineda ang officiant ng kasal nila.

Natahimik nang bahagya si Mercle. Nakadungaw pailalim ang ulo bago muling nag-angat ng tingin at nakangiting sumagot ng, "I do."

Hindi mawaksi sa mukha ni Trudy ang malapad na ngiti habang pinapanood ang paglandas ng luha sa pisngi ni Mercle.

Suminghot siya, hindi rin napigilan ang maluha. Ikakasal na siya, ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya! Sana nga lang ay marinig na niyang mahal din siya nito, kung sa gayon ay, maaari na siyang mamatay.

Ramdam naman niyang paunti-unti na rin siyang minamahal ni Mercle. Hindi man ito nagsasalita, nagbago naman ang pakikitungo sa kaniya nito.

At ang tungkol naman sa iniisip niyang panloloko nito, sigurado siyang mayroong maayos na eksplinasyon si Mercle kapag tinanong niya na ito. Pero hindi niya gagawin 'yon. Napakasaya ng araw nila, ayaw naman niyang sirain 'yon para lang sa isang hinala.

"Ms. Trudy?"

Tumikhim si Mercle. "Mrs. Magdaluyo."

Napakurap-kurap si Trudy nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng Mayor at asawa. Nawala siya sa hulog at hindi na naintindihan ang mga sinabi nito.

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Ayaw ka na yatang pakasalan, pre!" Naagaw ni Kalil ang atensyon ni Trudy sa sinabi. "May chance ka pang tumakbo, Trudy."

Mahina siyang natawa sa sinabi nito. Si Kalil at Angie ang witness sa kanilang kasal, naplano pala ito ni Mercle sa loob lang ng isang araw. Natuwa nama siya sa dedikasyon na pinakita ng lalaki.

Tumikhim naman si Mayor Pineda dahil nawawala na ang atensyon ng dalawa sa kasal at muntik mas napiling mag-asaran. Mahina namang natawa si Kalil at nang-aasar na ngumisi sa mayor.

"Inggitero ka talaga kahit kailan, Pineda! Highschool pa lang tayo bitter ka na, porket iniwan ka lang ni Chloe!" Binuntungan nito iyon ng halakhak na ikinatawa rin ni Angie. Dumako ang tingin ni Trudy kay Mercle na naiiling-iling sa kalokohan ni Kalil.

Magkakakilala pala ang apat simula noong highschool pa lang. Kaya naman pala parang napakalapit ng turingan ni Mercle at ni Pineda kahit pa sinuntok nito ang kaibigan. May hinuha na si Trudy na may kinalaman ang droga sa pag-aaway ng dalawa kaya't napilit nila ang alkalde pati na rin sa bahay nito sila nakatira.

Hindi sumagot ang lalaki, subalit nagpakita lang ito ng pagkadisgusto sa kaibigan at binalingan siyang muli ng tingin. Humugot nang malalim na hininga si Trudy bago ito tinanguan.

"Magtatanong ako ulit, pakisagot naman at nang matapos na tayo rito. Ginugulo niyo ang opisina ko." Binaliwala naman 'yon ng mga kasama niya. "Trudy Nuez, do you take Mercle Magdaluyo to be your legal wedded husband, to have and to hold from this day forward?"

"I do." Pumaksi ang isang malapad na ngiti sa labi ni Trudy kasabay ng pagsagot.

"Please face each other as you declare these vows to one another. Mr. Magdaluyo, you may start."

Mahina munang natawa si Mercle bago nagsalita. "Hi, Trudy, ang ganda mo ngayon." Napakasimple lang ng paninimula nito pero naramdaman niya ang pagpuno ng mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Nakatitig lang ang kasintahan sa kaniya, hindi binibitawan ang kaniyang mga mata.

Tila ba sinasabi nitong ganito kahigpit nitong hahawakan ang kaniyang mga kamay hanggang sa huli.

"Sa ganda mo talaga ako unang napahanga noong nakita kitang papalabas sa bahay na 'yon. Para ka nang iiyak ng oras na 'yon pero, tangina, ang ganda mo pa rin. Tapos noong makalapit ka, hindi ka lang maganda, mabango ka pa. Naadik ako sa amoy mo, hindi kita nakalimutan kahit kailan. Isang araw lang makalipas no'n, sinubukan kong hanapin ka at hindi naman ako nagkamali.

"Ang ganda mo pa rin, walang kupas. Ayon nga, hindi ko naman intensyong sundan ka pero nakita na lang kita sa gilid ng daan, namomoroblema.

"Hindi ako naniniwala sa diyos, Trudy, pero napatingin ako sa taas noong oras na 'yon at napatanong kung binibigay ka ba niya sa akin? Ikaw ang naging dahilan kung bakit sa paglipas ng oras na 'yon, bigla na lang gusto kong lumuhod at magdasal na sana nga sign na 'yon. Sign na na akin ka at wala nang iba pang makakakuha sa 'yo mula sa akin."

Lumandas ang mga luha sa pisngi ni Trudy habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mercle. Maya-maya rin itong sumisinghot para pigilan ang pagbara ng lalamunan habang binubusog siya ng pagmamahal na kahit hindi man nito sabihin ay nararamdaman niya sa bawat bugso ng damdamin na binubuhos nito sa mga sinasabi.

"Sa rami ng tinta na nakatatak sa katawan ko, ikaw lang ang natatanging tumatak sa utak ko"

Humikbi si Mercle. "Noong una, marami akong naging pagdududa kung tama nga bang hinayaan kitang baguhin mo nang ganito ang landas ko? Kung tama nga ba na hinahayaan kitang maging ganito ang epekto mo sa akin? Kung tama bang paniwalaan kita sa sinasabi mong mahal mo ako?"

Bumuntong-hininga ito. "Pero nakita ko ang bawat pagtingin mo sa akin, kung paano ka sumama sa bawat hakbang ko sa buhay, at mga luha mo. Sapat na sa aking patunay 'yon na totoo lahat ng pinapakita mo.

"Pinapangako ko sa 'yo na hanggang dulo ay nasa tabi mo lang ako. Handa akong maging balikat mo na p'wede mong iyakan at takbuhan. Hinding-hindi kita iiwan for richer or poorer and in sickness and in health. Ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin ko. Ikaw lang, Trudy at wala ng iba pa."

Sinapo nito ang kaniyang pisngi at akmang papatakan ng halik nang pigilan sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Natawa na lang si Trudy nang bumadha ang pagkadismaya sa mukha ni Mercle.

Sinimangutan ng mapapangasawa ang mga kasama at muling ibinalik ang tingin sa kaniya. Nanumbalik na naman ang mga paru-paru sa kaniyang puson. Mahina niyang tinulak ang dibdib nito saka tumikhim.

"Is it my time to say my vow?" Tanong ni Trudy sa mayor na tumango na lamang. Lumitaw ang ngiti sa mukha niya saka nagsalita, "There's nothing easy about our relationship. We both had doubts pero nasaan na tayo ngayon?" Mahinang natawa si Mercle na siyang sinabayan niya. "I never knew I was able to breathe before I met you, Mercle. You taught me how to live a life, you gave me freedom that I didn't know I needed."

Magkahugpong ang mga kamay nina Mercle at Trudy habang binibigkas niya ang mga salitang nanggagaling sa kaniyang pusong buong pagmamay-ari ni Merlce. Isang munting ngiti ang napansin niyang lumitaw sa mukha ni Mercle habang napupuno ng mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata nito.

"You own me, Mercle, at pinapangko kong hindi magbabago 'yon. Sa 'yo lang ang puso ko, ang tiwala ko, ang pagmamahal ko. Mahal na mahal kita at kung iniisip mong iiwan kita, baka kailangan mo nang baliktarin ang utak mo kasi sa 'yo at sa 'yo lang titibok ang puso ko, Mercle. Wala ng iba pa."

"You may now exchange rings," anunsyo ni Mayor Pineda.

Sunod-sunod namang napakurap si Angie. "Teka hindi pa rin kayo nakapag-exchange ng rings? Mas mauuna 'yon bago ang exchange ng vows."

Napakamot na lamang ng ulo ang alkalde. "I haven't officiated a wedding for a while."

"Baka ayaw mo lang talaga, ampalaya ka," hirit pang muli ni Kalil.

Umurong yata ang luha ni Trudy sa naririnig na bangayan ng mga taong nasa paligid niya pero muling bumalik ang tingin niya kay Mercle. Nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hindi pa rin pinapakawalan ang kanilang mga kamay.

Nag-uusap ang mga matang hindi maipaghiwalay ang pagtingin para sa isa't-isa. Lahat ng paghihinala ni Trudy ay nawala sa isang iglap. Mas nanaig ang kaniyang pagmamahal at tiwala sa lalaking nagpakilala sa kaniya sa kasiyahan.

Binigay na sa kanila ni Kalil ang mga singsing. May mga ngiti sa labi na nagpalitan sila ng mga singsing na hinuha ni Trudy ay nabili ni Mercle sa pinakamalapit na mall. Natutuwa naman siya na kahit rush ang kasal na nangyari ay nagawa pa rin nitong maglagay ng effort.

"You may now kiss the bride."

Walang sinayang na oras ang asawa at mabilis na naglapat ang mga labi nila sa isa't-isa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top