Ch 26. And I was


TULALA sa kaniya si Mercle. Malamang ay hindi inaasahan ang sinabi niya. Pero wala itong magagawa, gagawin niya ang hindi nito inaasahang gagawin niya.

Itatali ni Trudy ang lalaki sa leeg at hindi na ito pakakawalan pa. Martyr na kung martyr pero ang simpleng pagkuha ng pagkabinata nito ang paraan na naisip niya sa oras na 'yon para makabawi sa ginawa nito sa kaniya.

Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ang tunay na binubulong ng kaniyang damdamin. Oo nga't ang pagbawi sa panloloko nito ang iniisip niyang dahilan para gustuhing magpakasal dito pero sa tagong banda ng kaniyang puso ang tunay na dahilan.

Tumitibok pa rin ang puso niya para dito. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na hindi siya mapakali kapag kasama ito. Tila ba naroon pa rin ang thrill.

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

May pag-aalala sa mukha ni Mercle bago nagsalita. "Ikaw gusto mo ba talaga?"

Tumango siya. "Oo, gusto ko. Walang halong biro."

"Kailan mo gusto?"

Natigilan si Trudy sa sinabi nito. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Wala siyang makitang pagtutol sa ekspresyon nito. Sakto lang ang ngiti nito at ekspresyon sa mukha.

Katulad kanina, hindi niya mapaniwalaan na ganito ang naging reaksyon ng lalaki sa kagustuhan niya. Akala niya ay magiging tutol ito at tuluyan na siyang maghihiwalay pero lagi na lang mali ang kaniyang hinuha.

"Hindi ako buntis, Mercle. Okay lang ba sa 'yo 'yon?" Biglaan niyang tanong dito.

"Walang problema sa akin 'yon, Trudy, buntis ka man o hindi, pakakasalan pa rin kita kahit lumobo pa ang tiyan mo."

Nanginig ang mga labi ni Trudy. "Pero sabi mo... sabi mo responsibilidad kaya mo ako pakakasalan?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Lumapit ito sa kaniya saka hinalikan siya sa noo. "Ang sabi ko kahit ano pang resulta ng test, pakakasalan pa rin kita."

"Bakit hindi ka na nag-offer sa akin na magpakasal noon pa?"

"Kasi ang gusto mo dapat mahal na kita sa pagpatak ng oras na 'yon."

Mapait na ngumiti si Trudy. "Hindi pa rin ba?"

"Malapit na, Trudy. Nararamdaman ko nang mamahalin na kita."

Tumanaw siya sa malayo. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinasabi nito. Mahal niya pa ang lalaki, oo, pero sa ginawa nito ay nahihirapan na tuloy siyang maniwala sa mga salitang binibitawan nito.

'Yong pagmamahal niya naroon pa rin, pero ang tiwala para bang matagal nang nawala.

"Kailan mo gustong magpakasal?"

"Bukas."

Hindi agad nakagalaw si Mercle sa sinabi niya. Nabigla siguro ang lalaki sa hinihiling niya ngunit kinalaunan ay ngumiti rin at masuyo siyang niyakap.

"Handa mo na ang papeles mo, pupunta tayo sa opisina ng mayor."

Lagot. Napasubo yata siya.

KAGAT ang pang-ilalim na labi, tinitigan ni Trudy ang cellphone na binigay sa kaniya ni Mercle. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan ba si Jewel at sabihin dito ang nangyayari ngayon o pag-isipan din ito ng masama kagaya ni Mercle.

Sa huli, nanaig ang kagustuhan na marinig ang opinyon ng kaibigan sa magiging desisyon niya. Tinawagan niya ang numero nito, hindi nagtagal ay sinagot din ni Jewel ang tawag.

"Kumusta ka? May ginawa bang hindi maganda si Mercle sa 'yo? Ang tagal mong hindi nakatawag."

"Ayos lang ako, ikaw? Kumusta kayo ni Asyong, nalaman na ba ng mga magulang mo?"

Bumuntong-hininga si Jewel na mas nakadagdag ng kaba sa kaniya. "Hindi pa, pero okay naman kami. Walang nagsusupetya kasi hindi naman kami lumalabas. Kailan ka ba babalik dito, Trudy? Nag-aalala na ako sa kalagayan mo."

"Okay lang ako sabi. Pero may ibabalita ako sa 'yo, 'wag ka sanang magagalit o mabibigla."

"Pinatay mo si Mercle at gusto mong tulungan kitang itago ang katawan niya?" Inikutan niya ng mata ang biro nito, hindi talaga maitatago na may galit ang babae sa kasintahan.

"Hindi, in fact, umalis siya ngayon para ayusin ang paperwork namin dahil magpapakasal na kami." Hindi agad nakarinig ng sagot sa kabilang linya si Trudy, tahimik lang si Jewel at mukhang walang masabi.

Maya-maya lang ay nagsalita ito. "Nagbibiro ka ba, Trudy? Sabihin mo sa akin na pinilit ka niya at pupunta ako diyan ngayon din!"

"Walang pilitan na nangyari, Jewel, ako ang nanghingi sa kaniya ng kasal."

"What? Nababaliw ka na ba? Sumo-sobra na yata ang pagre-rebelde mo, umuwi ka na rito bago ka pa makagawa ng desisyon na mas ikasisira ng buhay mo."

Pero matigas si Trudy. Ang rason man ng pagtawag niya sa kaibigan ay para bigyan siya ng opinyon nito sa kaniyang desisyon, hindi niya pa rin 'yon tinanggap at mas binigyang kontrol ang kaniyang puso.

"Wala rin naman akong uuwian kapag bumalik ako diyan. Sa 'yo na nanggaling, walang pakialam sa akin ang tatay ko. Hindi ako pinapahanap, at hindi man lang nage-effort na mag-alala sa pagkawala ko."

"Trudy, hindi totoo 'yan. Mali ang sinabi ko sa 'yo. Hinanap ka ni Tito pero pagkatapos ng isang buwan na hindi ka nila mahanap, tumigil sila or 'yon ang akala ko. Nangaunti ang mga taong naghahanap sa 'yo dahil nasa isip na ni Tito na hindi ka talaga mahahanap at tinatago ka somewhere ni Mercle."

Bumuga ng hangin si Trudy. "Okay na ako ngayon, Jewel, hindi ko na kailangan ng tulong mo. Maayos naman na kami ni Mercle at tahimik na namumuhay."

"Bakit mo pa ako tinawagan kung ganoon? Isa lang ibig sabihin niyan, nagdadalawang-isip ka sa desisyon mo at gusto mo ng advice ko. Cold feet ka, Trudy, alam ko 'yan." Kilala talaga siya ng kaibigan, kahit kailan ay hindi ito nagkakamali sa paghula ng mga sinasabi ng kilos niya.

"Nagbago na ang isip ko, Jewel. Tumatawag na ako sa 'yo ngayon para sabihin na hindi na ako tatawag ulit at hanggang dito na lang ang pag-uusap natin."

"What? Pero, Trudy, teka nga lang-"

Mabilis na niyang pinatay ang tawag at hindi na pinatapos pa ang kaibigan. Kapag kasi marinig pa niya ang boses nito ay baka magdalawang-isip na naman siya. Tila nauupos na kandila na umupo siya sa kama. Nakakapagod pala ang magbago ng buhay.

MATAAS ang tingin ni Trudy sa municipal hall ng Kalibo. Napakabilis ng pagtibok ng puso niya, aakalain mong nakikipag-karera sa kabayo sa bilis. Mukhang napansin naman ni Mercle ang pagkabalisa niya kaya hinawakan nito ang kamay niya at pinagsiklop.

"Tara na, Trudy, wala ng magbabago pa ng isip," aya nito na tinanguan naman niya.

Desidido na siyang magpakasal rito. Mahal niya ito kahit pa may galit pa siyang nararamdaman. Handa siyang hintayin muli ang pagbabago ng kasintahan.

Tumungo sila agad sa clerk. Binigyan niya ng ngiti ang matanda. "Applying for a marriage license."

Walang salitang namumutawi sa bibig ng babae ngunit nilahad na lamang nito ang palad sa kanila. Kung si Trudy man ay naguguluhan, alam na agad ni Mercle ang dapat na gawin. Nilabas nito sa dalang folder ang mga papeles nila.

Nanginginig ang kalamnan ni Trudy habang pinapanood ang babaeng tini-tsek ang mga dinala nila. Ilang sandali lang ay tumigil ang matanda at nag-angat ng tingin sa kanila.

"Kailangan ng signature ng mga magulang ang mga nagpapakasal sa edad na twenty-one years old pababa. Trudy... Nuez, tama ba?" Tumango siya. "Nineteen ka pa lang, nasaan dito ang signed permission ng parents?"

"Hindi ako na-inform tungkol doon, eh, pasensya na."

Umiling-iling ang babae. "Hindi mag-grant ang request ninyo, requirements 'yon."

Akma namang ibabalik na ng babae ang mga papeles na ipinasa nila nang lumapit si Mercle at bumulong ng, "Sabihin mo kay Mayor Pineda na si Magdaluyo 'to."

"Hay naku." Bumuntong-hininga pa ang matanda bago nag-dial sa teleponong nasa gilid ng lamesa. "Magdaluyo raw sabi rito. Hinahanap si Mayor." Mabilis nitong binaba ang tawag at nag-angat ng tingin sa kanila.

"Ano raw ang sabi?"

"Wala pa raw sa opisina si Mayor, umakyat na lang daw muna kayo sa waiting room. Hintayin niyong pumunta."

Hindi na nagpasalamat sina Mercle at Trudy at nagpatuloy na sa hagdan na magdadala sa kanila. May kapit pala ang kasintahan niya sa isang government official, napapaisip tuloy siya kung ano'ng klase na koneksyon iyon. Hindi na magtataka si Trudy kung koneksyon na 'yon ay may kinalaman sa droga. Knowing Mercle, bibiglain na lamang siya nito sa pangyayari sa buhay.

Sinalubong sila ng sekretarya ng Mayor, pinaupo sila sa isang upuan ngunit hindi rin naman nag-init ang kanilang mga puwit doon dahil ilang saglit lang ay dumating na ang mayor. Balisa at pawis na pawis.

"Sumunod ka sa akin," utos nito kay Mercle na ginawa naman nila.

Nakatanga lamang si Trudy na sumunod din sa kanila. Magkahugpong ang mga kamay nila ni Mercle na pumasok sa opisina nito. Mabilis na ni-lock ng mayor ang pinto saka hinila sa kuwelyo si Mercle at binalibag sa dingding.

"Mercle!" sigaw ni Trudy. Mabilis niyang dinaluhan ang kaawa-awang Mercle. "Bakit mo ginawa 'yon?"

Hindi sumagot si Mayor Pineda subalit dinuro nito ang mapapangasawa. "Tangina mo, sinabi ko na sa boss mo na magbabayad ako. Kating-kati na ba ang kamay ng gagong 'yon at pinadala ka ng ganito ka-aga?"

Gulong-gulo si Trudy pero nagkakaroon na rin siya ng ideya kung ano ang tinutukoy nito. Lalo pa nang ngumisi lang si Mercle at dahan-dahang tumayo. Inalalayan niya ito dahil mahina-hina pa ang pagbuwelo nito. Napalakas yata ang pagdabog ng mayor.

"Wala akong pakialam sa utang mo sa dati kong boss, Pineda." Natigilan ang mayor. "Nandito ako para manghingi ng pabor."

"Putangina mo, may gana ka pang manghingi ng pabor matapos nang pagbabanta mo sa akin noon dahil sa hindi ko pag-bayad ng maaga?" Dumura ang lalaki. "Manigas ka, gago!"

Hindi naman natinag si Mercle. "'Wag na lang natin tawaging pabor, utos na lang. Inuutusan kitang ikasal mo kaming dalawa o kung hindi, malalaman ng mga pinakamamahal mong mamamayan ng Kalibo kung gaano karami na ang nakurakot mo sa kanila."

Nagtagis ang bagang ng mayor bago huminahon at umupo s a visitor's chair. Alalang-alala naman si Trudy na pinupunasan ang pumutok na gilid ng labi nito.

Ang bilis ng tibok ng puso niya sa sunod-sunod na pangyayari, bakit nga ba nagulat pa siya? Hindi naman ito magkakaroon ng koneksyon sa ganitong kataas na tao na simpleng koneksyon lang.

"Ano na namang kailangan mo sa akin, pagkatapos ng bahay 'di ka pa nakuntento?"

Ah, mula pala sa lalaking ito ang bahay na tinitirhan nila sa ngayon.

"Simple lang naman, signature mo lang naman kailangan namin para magpakasal." Kumunot ang noo ng mayor bago bumaling ang tingin sa kaniya. "Tangina, Pineda, tigilan mo 'yan, akin na 'yan."

Mabilis siyang inakbayan ni Mercle at hinalikan sa gilid ng noo. Nagsusumigaw naman sa kilig ang puso niya sa ginawa nito.

"Meron namang registration sa baba bakit 'di na lang 'yon ang abalahin niyo, mapapasama pa ako sa pagpunta mo rito," hinagpis ng lalaki.

"Masama ka naman talaga."

"Sige, bahala ka na sa buhay mo."

Bumuga ng hangin si Trudy at napilitang magsalita. "Hindi kami pinayagang mag-apply kasi wala raw kaming affidavit of parental consent to marry."

Nagdikit ang mga kilay ng lalaki at nagpasa-pasa ang tingin nito sa kaniya at Mercle.

Nanliliit ang mga mata nitong natuon kay Trudy. "'Wag mo sabihing underage 'to?" Maririnig sa boses ang pagiging guarded at tila ba nais siyang hilahin palayo sa nobyo. "Kingina, 'di ko naman alam na mahilig ka sa bata. Pero hindi ako papayag na hayaan mo 'tong manipulahin, Mercle."

"Nineteen na ako. Nagtanan kami," kwento pa ni Trudy. "Sapat na ba 'yon para hayaan mo na kaming magpakasal ng wala no'n?"

"Nasaan ang mga witness?"


A/N: Please leave some comments! I would love to hear your thoughts for the story. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top