Ch 23. That we do


WALANG SAWA si Trudy na tinitingnan at hinahaplos ang tattoo ring na binigay sa kaniya ni Mercle tatlong araw na ang nakakaraan.

Grabe, hindi niya talaga inaasahan ito. Ang akala niya ay dinala lang siya roon ni Mercle para lang sa inuman, 'yon pala ay para magbalik-tingin sa kanilang nakaraan at tanungin siya nito bilang mapapangasawa.

Hindi na makapaghintay pa si Trudy. Eksayted na eksayted na siya sa susunod na hakbang ng kanilang relasyon. Kahit hindi man magarbong kasalan basta ang gusto niya si Mercle ang katabi niya.

"Tuwang-tuwa ah," pang-aasar pa ng nobyo- Fiance niya sa kaniya.

Sinamaan niya ito ng tingin bago lumapit dito at yakapin nang mahigpit. Litaw na litaw ang ngiti sa mukha ni Trudy. "I love you," nasabi na lang niya.

Hindi sumagot si Mercle subalit pinatakan lamang siya ng halik sa labi saka nakangiting bumitaw sa yakap.

"Aalis muna ako. Kaya mo ba rito mag-isa muna?"

Tumango siya. "Kaya naman akong samahan ni Carlos eh."

Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Mercle na ikinahagikgik ni Trudy.

"Joke lang, sige na umalis ka na, future hubby." Hindi naman pinansin ni Mercle ang sinabi niya saka nilisan ang lugar.

Napabuga na lang ng hininga si Trudy. Medyo aloof pa rin si Mercle lalo na sa pagiging sweet pero okay lang. Kayang-kaya naman niyang maghintay rito hanggang sa lumambot.

Ani nga ay, "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape."

Tumayo na siya sa kinahihigaan at napili na lang na lutuan ang sarili. Kaysa naman sa wala siyang ginagawa at ma-boryo na naman siya.

Sa gitna nang pagluluto niya, napansin niya ang cellphone sa may lamesa. Hindi niya natatandaan na nilagay niya iyon doon. Weird.

Kinuha niya iyon at nagbukas ng mga apps upang makapagpalipas oras. Hindi inaasahan ni Trudy ang makatanggap ng mensahe mula sa dating kaibigan. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang bago niyang numero, tinapon na niya agad ang dating sim card pagkaalis nila ni Mercle papuntang Kalibo.

Nanginginig ang kaniyang kamay na pinindot ang mensahe at saka binasa.

'Trudy, kumusta ka na? Nag-aalala na ako sa 'yo eh. Ang dami kong nababalitaang patay raw diyan, minsan 'di ko maiwasang maisip na ikaw 'yon at baka may ginawang masama na ang lalaking 'yon sa 'yo! Nalulungkot lang ako dahil sa tuwing narito si tito at tinatanong ni Daddy ang tungkol sa 'yo, wala na raw siyang pakialam. "She has made her decision," sabi pa ni tito. Mukhang wala talaga siyang balak na ipahanap ka! Trudy please, if you're still alive and out there, please reply."

Bumuga ng hangin si Trudy. Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata. Ramdam niya ang desperasyon kay Jewel habang binabasa niya ang mensahe.

Hindi siya hinahanap ng ama? Bakit parang imbes na makahinga nang maluwag ay mas lalo pang sumikip ang puso niya? Hindi niya maintindihan ang sarili, ayaw niyang magpahuli pero nalulungkot siya sa pagkakaalam na walang nais manghuli sa kaniya.

Mali ang pakiramdam niya na ito. Dapat ay masaya siya ngayon dahil malaya na sila ni Mercle, malaya na sila magsama at magpakasal!

Wala siya sa sarili na tinawagan ang numero ni Jewel. Hindi inisip ang magiging kapalaran sa gagawin.

Mabilis lang ang naging sagot nito, para bang inaantipasyon ang kaniyang pagtawag.

"Hi..." mahina niyang bati rito.

"Oh, my gosh! Trudy, ikaw ba 'yan? Please tell me this is you."

Mahina siyang natawa sa reaskyon ng kaibigan. Aakalain mong batang inuwian ng inaasahan nitong aso sa kaarawan.

"Ako 'to, kumusta ka na?"

Huminga nang malalim ang kabilang linya. "Okay lang din, boring kasi wala na akong ibang makausap dito. Saka-"

"Pangga, kape mo." Singit ng pamilyar na tinig.

Pangga?!

"Jewel, sino 'yan?" hindi niya maiwasang itanong.

"Uh... " Rinig niya ang pag-aalangan ng kaibigan pero mas nanaig ang kagustuhan nitong magpakatotoo sa kaniya. "Three months kang wala, napakaraming nangyari. Bumalik si Asyong, nagkabalikan kami. Wala pa ring alam sila Daddy and we're keeping it a secret. Sabi niya sa akin tanggap niya na raw ang naging desisyon ko at naiintindihan niya raw. Masakit pa rin, Trudy.

Humikbi ang babae. "Masakit pa rin na nakayanan niya akong iwan ng ganoon lang at nakayanan niya rin na bumalik ng parang ganito lang but I understand him. What I did was against his belief pero..." Pigil na pigil si Jewel na pumalahaw sa iyak. "I have to do it. I'm sorry pala, Trudy, naging hipokrita ako. Sinasabihan kitang naive dahil sa karupukan mo pero ako rin pala."

"Jewel, sigurado ka bang siya pa rin?"

"Oo naman, ramdam ko sa puso ko 'yon. Kahit pa i-deny ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko."

Napangiti siya. "Naintindihan kita." Nag-request si Trudy ng video chat na tinanggap naman ni Jewel. May munting ngiti sa labi na inangat niya ang kamay kung nasaan naka-tattoo ang engagement ring.

Kitang-kita ng dalawang mata niya ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan at pagpigil nito ang mapahiyaw sa tuwa.

Tumingin ito sa likod bago nagsabi, "Oh my, God, Trudy! Sure ka na ba riyan? Marriage is not just a commitment but a lifetime promise, you should understand the sanctity of marriage once you enter it!"

"You sound like a nun, Jewel!"

"Sorry naman nabigla lang ako. Hindi ba masakit 'yan?"

"Not really, parang kagat lang ng dinosaur." Nagkatawanan sila sa sinabi niya. "Umiyak ako habang tina-tattoo-han ako ni Mercle. Medyo nakakahiya sa kaniya pero magaling naman siya mang-alo, may kasamang lamas."

Inikutan siya ng mata ng kaibigan. "Ang lakas ng impluwensya sa 'yo ng lalaking 'yan, may kasamang kahalayan! Alam kong pinakita mo sa akin 'yan to give your blessing, sino ba naman ako para hindi ibigay 'yon? Basta kahit may blessing na kayo galing sa akin, hindi naman ibig-sabihin no'n ay gusto ko na siya, duda pa rin ako sa lalaking 'yan. Mag-ingat ka."

"'Wag ka nang mag-alala. I'm safe here-"

Hindi na niya natapos ang sinabi nang tumilapon ang cellphone niya sa kabilang dulo ng kuwarto. Napasinghap siya nang makitang si Mercle iyon, batid ang galit at inis sa mukha nito.

"A-Ano'ng ginawa mo?" tanong niya.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, bakit kausap mo 'yong babaeng 'yon? 'Di ba sinabi ko nang mag-ingat?"

"Nag-iingat naman ako, gusto ko lang kausapin ang kaibigan ko."

Walang humor na natawa ang kasintahan. "'Yon pala ang nag-iingat, nag-video call pa. Sa ginawa mo, pinakita mo lang kung nasaan tayo ngayon. Matutunton tayo ng tatay mo!"

"'Wag kang mag-alala tungkol diyan." Mapait siyang ngumiti. "Hindi ako hinahanap ng tatay ko, wala siyang pakialam sa akin."

Kita niya sa gilid ng mga mata na natigilan ang lalaki sa sinabi niya. Pinag-aralan ang ekspresyon bago muling nagsalita, hindi na gaanong kagalit kagaya ng nauna.

"Wala akong pakialam tungkol diyan, ang gusto ko lang mag-ingat ka. Malay mo ba kung inutusa siya ng tatay niya na kausapin ka at kunin ang tiwala mo para mahanap. Buhay mo ang nakasalalay rito, tandaan mo 'yan."

"Bakit ba dikta ka nang dikta sa akin? Wala ka na nga sa bahay buong araw, pag-uwi mo, gaganitohin mo ako?" Hindi na maiwasang ibulalad ni Trudy.

Hindi makapaniwala na tinitigan siya ni Mercle. "Oh, ano'ng gusto mong iparating? Gusto mo umuwi? Miss mo na pang-mayaman mong buhay, ganoon?"

Sinampal niya ito. "Tangina mo!"

"Tangina mo rin!"

Bumuntong-hininga si Trudy at tinalikuran ito pero hindi siya hinayaan ng lalaki at hinila ang kaniyang pulsuhan.

"Puta, saan ka na naman pupunta naguusap pa tayo!"

"'Yong lugar na malayo sa 'yo, gago!" Nanginig na ang boses niya, hindi niya napigilan ang pagluha. "Ayokong ma-associate ang s-sarili ko sa kagaya mo na ang sama-sama ng tingin sa akin!"

Malakas si Mercle, hindi siya nakaalis sa pagkakahawak nito sa kaniya. Wala siyang nagawa kun'di ilabas ang kabigatan ng loob sa harap nito.

Napadausdos siya sa sahig habang naiiyak na sinapo ang mukha. Wala siyang naramdaman na paggalaw mula sa nobyo, tila ba nakatitig lang ito sa kaniya, pinagmamasdan ang pagtangis.

"Ayokong mag-isa rito, nababaliw ako kaya nakikipag-usap ako kila Manang Arla pero ikaw!" Tinitigan niya ito ng masama. "Pinipigilan mo ako na para bang gusto mo lang ikulong ako rito habang-buhay."

Pipi ba si Mercle na walang sagot sa kaniya kaya nagpatuloy na lamang siya. "Tapos iniisip mo pang gusto kong bumalik sa dati kong buhay, kung hindi ka ba naman gago? Gusto k-ko lang ng kausap, Mercle, mahirap bang ibigay 'yon?"

"Nandito naman ako..."

"And yet hindi mo mabigay 'yon! Uuwi ka tapos didiretso ka sa pagkain, pagtulog, panonood, o pags-sex. Pagkatapos no'n, wala na! Para lang akong kasambahay mong parausan..."

"'Wag- 'Wag mong sabihin 'yan. Hindi gan'yan ang tingin ko sa 'yo, Trudy."

"'Yon ang nararamdaman ko, Mercle! Kahit ano pang tingin mo sa akin, kung hindi naman 'yon ang pinaparamdam mo, wala pa ring saysay kahit pa gaano mahalimuyak ang lumalabas sa bibig mo."

Sa mga binitawan niyang salita ay lumuwag ang pagkakahawak sa kaniya nito. Para bang napagtanto lang ng bagay.

Dumapa ito, dinaluhan siya at masuyong niyakap. Hinalikan siya nito sa noo at hinayaang tumulo ang mga luha niya rito.

"Sorry, Trudy. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya na gano'n ang maramdaman mo."

Hindi siya sumagot, subalit, hinayaan niya lang ang sariling namnamin ang mainit na pagkaka-pulupot ng mainit nitong mga braso sa kaniyang katawan.

ALAM naman ni Trudy na hindi nais na iparating 'yon ni Mercle sa kaniya. Namuo lang siguro ang lahat ng emosyon sa puso niya at sama-samang naglabasan. Hindi niya maintindihan pero parang nagiging emosyonal siya sa mga nakakaraang araw.

Nagpaalam sa kaniya si Mercle na maghahanap ng trabaho at heto siya ngayon, nagluluto para puntahan ito mamaya sa nasabing hotel para surpresahin at hingian ng tawad.

"Thank you, Carlos," paghingi niya ng pasasalamat dito nang mag-offer sa kaniya na gamitin daw ang tricycle.

"Wala 'yon, saka guguluhin ako ni Mama kahit pa 'di mo ako tanungin. Saan ba tayo?"

"Alegre hotel sa may roxas avenue."

Walang tanong-tanong na nagmaniobra si Carlos patungo sa lokasyon na sinabi niya.

Dahan-dahan ay tumigil ang tricycle sa harap ng hotel, nahigit niya ang hininga nang makita ang nobyo. Nakaramdam siya ng kirot sa puso nang makia itong may kasamang babae, naka-akbay sa balikat nito at papasok na sa loob ng hotel.

Humigpit ang hawak niya sa dala. Nanginginig ang buo niyang kalamnan habang pinagmamasdan ang bawat hakbang ng dalawa.

"Trudy, 'di ba si-"

Napatigil na lang sa pagsasalita si Carlos nang makita ang tuloy-tuloy na pagluha niya. Sinamahan siya nito at tinapik ang kaniyang balikat.

"Sorry," paghingi paumanhin pa nito.

Umiling si Trudy. Hindi, hindi niya tatanggapin ito, hindi siya naniniwalang sisirain ni Mercle ang tiwala at pangako nito. Malamang ay mas may maayos na paliwanag para dito.

Kahit na 'yon ang binubulong ng kaniyang isipan, alam naman niyang in denial lang siya ng mga oras na 'yon. Ito yata ang pinakamasakit na parte. Aware siya, alam niyang may kakayahan si Mercle na gawin ang ganitong bagay pero tumuloy pa rin siya.

Binalaan na siya, pinigilan pero matigas ang ulo niya. Kasalanan niya ito, siya ang may dahilan kung bakit siya niloko. Kung sana lang ay mas naging higit pa siya sa expectation na inaasahan ni Mercle sa kaniya.

"'Wag kang humingi ng patawad, Carlos. Sigurado akong may mas maayos na paliwanag sa akin si Mercle para dito." Ngumiti siya kahit pa punong-puno na ng luha ang gilid ng nga mata. "Uwi muna tayo, hintayin ko na lang siya pauwi."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top