Ch 20. Well I hope I was your favorite crime


"Good morning!" Masayang bati niya kay Mercle na nakaligo at bihis na't lahat-lahat. "May pupuntahan ka ba?"

Tumango ito. "May bagong building na ipapagawa diyan sa may kanto. P'wede akong mag-apply bilang construction worker."

Napapalakpak si Trudy. Maganda ito, paunti-unti nang inaayos ni Mercle ang buhay. Lalayo na ito sa droga at mga sindikato. Makakamit na niya ang pinapangarap na tahimik at maayos na pamilya.

"Nakaluto na ako, kain ka muna or gusto mong mag-pack ako?"

"Hindi na kailangan," tanggi pa nito saka siya muling iniwanan.

Mapait na ngumiti si Trudy. Nahihirapan siya, hindi niya gusto ang nararamdaman dahil alam niyang nakakasama sa magiging relasyon nila pero nahihirapan siyang makitungo kasama ito sa iisang bahay.

Hindi niya alam kung gusto ba talaga siya nito o hindi. Parang tulak at hila pabalik ang ginagawa sa kaniya ng lalaki at hindi niya maintindihan kung bakit.

"I-pack ko na lang itong mga pagkain para hindi ka magutom if ever."

Umiling itong muli. "Hindi ako elementary, Trudy. Aalis na 'ko. I-unpack mo na lang ang gamit mo habang wala ako."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Ilang segundo lang ang nakalipas ay naramdaman niya ang pagyakap ni Mercle mula sa kaniyang likuran, binigyan siya ng halik sa gilid ng noo.

"Nasaktan ka ba? Sorry, dadalhin ko na lang 'tong niluto mo."

Agad namang may namuong ngiti sa kaniyang labi sa narinig. Mabilis siyang gumalaw at pinakita rito ang tupperware.

"Aalis na ako," paalam pa nito.

Humalik siya sa labi nito bago kumaway at pinanood itong lisanin ang lugar.

Binalangan na lamang ni Trudy ang mga kailangang gawin at naisip munang maupo para sa pagkain. Akma namang susubo na siya nang bigla na lang may kumatok sa pintuan.

Puno ng pagtatakhang pinuntahan niya iyon. Bumungad sa kaniya ang isang matandang babae na may malapad na ngiti sa labi. May dala rin 'yong tupperware.

Ngumiti rin si Trudy. "Hello po?"

"Hi, ako si Arla. Kapitbahay niyo."

"Ah, gusto niyo pong pumasok?" Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Sumunod naman ang babae papasok.

Binigay nito sa kaniya ang dalang tupperware. "Para sa 'yo pala 'to. Bagong lipat lang kayo 'di ba?"

"Yes po, kahapon lang."

"Asawa mo 'yong lalaking lumabas? 'Yong parang arogante?"

Natawa si Trudy. Malamang ay binati ito ng ginang pero sa alam niya, hindi man lang ito pinansin ni Mercle.

"Hindi pa po mag-asawa, parang live in partner lang."

"Ah, naku, ganyan din kami ng asawa ko noong una!" Mula sa pagiging masaya ay naging malumbay ang ekspresyon nito. "Kaya nga lang, nagbago si Dominic. Iniwan ako at sumama sa iba!"

Nagulat si Trudy nang bigla itong pumalahaw nang iyak. Hindi niya alam ang gagawin habang pinapanood itong maglabas ng mga hinaing sa buhay pag-ibig.

"Pasensiya ka na, naalala ko lang ang kabataan ko sa 'yo. Parang kami lang, nagtanan din kami pero makikipagtanan din paka siya sa iba."

Gusto na tuloy pagsisihan ni Trudy ang pagtanggap dito sa bahay. Marami pa siyang kailangang gawin, mawawalan siya ng oras kapag nagpatuloy pa ito.

Gulong-gulo si Trudy sa gagawin, patuloy naman sa pag-iyak ang babae na para bang ilang taon na silang magkakilala. Ayon sa mga kuwento nito, pinagpalit ito ng lalaki para sa mas batang babae.

Pero alam niyang hindi naman magagawa 'yon ni Mercle. Gustong-gusto siya ni Mercle para sirain ang tiwala niya.

"Kaya ikaw na bata ka, kapag sinabi niya sa 'yong may trabaho siya, hindi 'yon totoo!" Nagpunas pa ito ng luha at suminghot.

Buti na lang, dumting ang isang lalaki. Pawisan ito at kinakabahan ngunit para namang nakahinga nang maluwag pagkakita sa kanila.

Mabilis nitong dinaluhan si Arla. "'Ma, ano ba'ng ginagawa mo rito?"

"Binibigyan ko lang ng babala itong batang ito, napakaganda. Sayang naman kung sasaktan lang ng lalaking iyon!"

Napapikit nang mariin ang lalaki na hinuha niya ay kasing-edad niya lang din.

"Sorry, ha. Ganito talaga kasi si Mama. Hindi maka-move on."

"Okay lang," may ngiti niyang saad. Kahit pa nakaabala. "Naalis naman niya ako sa pagiging lonely rito."

"Ah, sige. Carlos pala, tawagan mo na lang ako kapag nandito ulit si Mama para sunduin ko."

Kinamayan niya ito. "Thank you, Carlos."

Nakangiti ito sa kaniya. "Pangalan mo pala, Miss?"

"Trudy."

"Tingnan niyo nga naman, mas bagay ka sa anak ko kaysa roon sa ignorante na 'yon, eh. Itong anak ko 'di ka iiwanan. Ako nagpalaki diyan, sinigurado kong 'di siya tutulad sa gago niyang ama!"

"Halika na, 'Ma, tinatakot mo na si Trudy, eh." Dinala na nito ang matanda palabas. "Babalik ako rito, bibigay ko sa 'yo number ko."

Tumango si Trudy. "Sige lang, mag-aayos pa naman ako dito."

NASA kalagitnaan siya nang pagtatapis ng tuwalya nang makarinig ng katok sa pintuan. Sa iisiping si Mercle 'yon, hindi na siya nag-abala pang magsuot ng damit.

Malapad ang ngiti sa labi niyang sinalubong ang taong nasa likod ng pintuan.

Ngunit agad din iyong nawala nang mapag-sino ang taong iyon.

Namumula ang pisngi ni Trudy na umiwas ng tingin dito. Humigpit ang pagkakakapit niya sa tuwalyang tumatakip sa katawan.

Si Carlos 'yon, sinunod nga ang sinasabing babalik ito para magpalit sila ng mga number.

"Sorry, balik na lang ako mamaya." Napakamot pa ito ng batok.

"'Wag na, dito na lang. Kunin ko na lang ang phone ko." Pagkatalikod ni Trudy ay mabilis siyang naghanap ng damit na maipapatong sa kaniya.

Naagaw ng atensiyon niya ang kulay pulang damit ni Mercle. Hawak sa kamay ang cellphone, nakakapit pa rin sa kabila ang tuwalya bumalik siya sa kinaroroonan ni Carlos.

Pilit siyang ngumiti. "Ito na ang number ko. Sandali lang, ha. Tawagin mo na lang ako kapag tapos na."

Kahit hindi pa siya nakaligo ay bibihisan na lang niya ang sarili. Maghuhugas na lang siya ng mukha at magbibihis, nakakahiya namang paghintayin ng ganito katagal ang lalaki.

"Trudy, tapos ko na." Sigaw nito mula sa labas.

Hindi naman siya umalis agad ng banyo at sinubukang buksan ang gripo. Puno ng pagtatakha niyang pinanonood ang hindi paglabas ni butil ng tubig doon.

Paanong walang lumalabas kung nasabi na sa kaniya ni Mercle na patuloy pa rin ang tubig?

Napilitang lumabas si Trudy upang tingnan ang water meter. Naroon pa rin si Carlos pero pinagsandali niya lang ito.

"Nakabukas ba 'yong water meter namin?" tanong ni Trudy.

"Oo, bakit may problema ba?"

"Wala kasing tubig na lumalabas, nagtataka lang ako."

Kumunot ang noo nito "Bayad ba 'yan?"

"Oo, may problema yata, eh."

"Pag-igib na lang kita. Meron kaming poso sa bahay."

"Talaga gagawi mo 'yon? Sige, thank you. " Mahina niyang tinapik ang braso. "Sorry pala, nadatnan mo akong nakaganito lang."

Umiling si Carlos. "Ako nga dapat ang mag-sorry. Wrong timing."

Nagakatawanan muna sila bago nagpaalam ang lalaki na gagawin ang pinangako sa kaniya.

Naiwan mag-isa si Trudy sa bahay muli. Habang naghihintay, hindi niya maiwasang tingnan ang kaniyang cellphone. Nangangati siyang tawaga ang kaibigan at kumustahin ang kalagayan ng kaniyang ng mga kapatid.

Gusto niya pero hindi magawa. Magagalit sa kaniya si Mercle pag nagkataon. Ngunit sumisigaw ang puso niyang gawin ang gusto.

Gulong-gulo si Trudy sa dapat na desisyon kaya hindi na siya nag-abala pang mag-angat ng tingin kay Carlos.

"Nandoon sa may kusina 'yong banyo, Carlos."

"Carlos?"

Nanlamig ang buong katawan ni Trudy nang hindi si Carlos ang nagsalita.

Natulos siya sa kinatatayuan nang makita si Mercle. Kunot na kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Halata ang pagkadisgusto sa sinabi niya.

"Sino si Carlos?"

Nakagat ni Trudy ang pang-ilalim na labi. "Nawalan kasi tayo ng tubig, nanghingi ako ng-"

"Iniiwasan mo ang tanong ko, Trudy."

"Hindi, sinasabi ko lang sa 'yo na wala tayong tubig kaya si Carlos na anak ni manang Arla, nagsabi sa akin na tutulungan niya raw ako." Pinakita niya ang pagkakatapis ng tuwalya. "Kaya nakaganito lang ako ngayon, maliligo sana."

"Hinarap mo siya ng ganiyan ang suot mo?"

Nagbaba ng tingin si Trudy. Nasa mali siya, totoo nga naman. Bakit niya haharapin ang isang lalaki na halos kasing-edad niya lang habang half-naked siya?

"Sorry, Mercle. 'Di ako nag-iisip."

"Gamitin mo utak mo. Mahirap ba 'yon?"

Napaupo siya, pinanood si Mercle na tanggalin ang dala-dalang jacket at ipatong sa kaniya.

"Diyan ka lang, ako na bahala sa Kalyos na 'yon." Tumiim ang bagang nito habang sinusulyapan ang gate ng bahay.

"Mercle, hayaan mo na si Carlos. Nagmamagandang-loob lang siya."

Mas sumama ang timpla nito. "Kinakampihan mo pa talaga siya ngayon?"

"Wala akong kinakampihan, Mercle. Sinasabi ko lang. Kung wala kang tiwala sa akin, ang kapal naman ng mukha mo." Tumayo na siya, nag-iba ang mood. "Aakyat na 'ko, ilipat mo na lang sa timba ang mga inigib ni Carlos. Tinatamad na akong maligo."

Nakatalukbong siya sa higaan. Masamang-masama ang loob kay Mercle. Hindi niya naman naisip na ganoon ang iisipin sa kaniya ni Mercle. Oo nga't hindi magandang tingnan na naghihintay siya ng ibang lalaki habang nakatapis lang ng tuwalya.

Ngunit sa kanilang dalawa, si Mercle ang nanghalik ng iba. Para bang natatakot itong gawin niya ang ginawa nito sa kaniya.

Rinig ni Trudy ang pagbukas ng pintuan. Dumagan ang kasamahan sa higaan at dinaluhan siya. Niyakap siya mula sa likod.

"Sorry, Trudy. Natatakot lang ako na baka habang wala ako makahanap ka na ng iba."

"Sumama ako sa 'yo rito, Mercle. Tinalikuran ko pamilya ko para sa 'yo kaya please lang, stop doubting me."

Pinatakan siya ng halik sa batok. "I know, sorry, Sweet girl. Hindi na mauulit."

Magkayakap silang napapikit ng mga mata habang mainit na magkayakap. Kung ganito sila magsama sa ilang buwan nilang pagiging magkasama, hinding-hindi siya magsasawa sa sitwasyon nila.  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top