Ch 19. The things you did
"MERCLE! Buksan mo 'tong pinto."
Katok siya nang katok sa apartment nito ngunit tila walang taong sumasagot. Napapagod na ang kamay niya sa pagbangga sa pintuan pero sige pa rin siya.
Nangalay ang kamay niya at pataas-baba na lang ang dibdib niya ay wala pa ring nagbubukas. Wala na yata si Mercle, iniwan na siya.
Kasalanan niya ito, eh. Pinatagal niya pa talaga ang pag-iisip ng plano kaya heto at iniwan siya ng lalaking sinisigaw ng puso niya. Siya rin ang dahilan kung bakit muling nagloko ang ina niya sa ama.
Kung pinigilan niya lang sana ang dalawa, hindi na muling mangyayari pa ang nangyari noon. Hindi siya mabuting kapatid o kahit anak man lang. Hinahayaan niya ang mga kapatid niya ngayon na maranasan ang dati niyang naranasan. Masama siyang tao!
Napasandal na siya pintuan ng apartment dahil sa panghihina. Hindi na siya makahinga nang maluwag. Napahilamos siya ng mukha sa prustrasyon.
"Miss, okay ka lang? Sino ba hinahanap mo?" Nag-angat ng tingin si Trudy sa ginang.
"Si Mercle po?" tanong niya.
Tumingin muna ang matanda sa pintuan ng apartment bago muling bumalik ang tingin sa kaniya. "Ay si M.M pala ang hinahanap mo, umalis siya."
Nangunot ang noo niya. "M.M?"
"Oo, dito kasi lumaki ang batang 'yan. M.M na ang tawag namin diyan simula pagkabata. Kumare ko nga ang nanay niyan eh, kaya lang nang makaluwag ay lumipat ng ibang bahay pero si Mercle ay nanatili rito."
Napatango-tango siya habang nakikinig dito. Wow, hindi niya inaasahan 'yon. Ang akala niya ay orphan na si Mercle pero binigyan lang pala nito ng mas maayos na buhay ang mga magulang.
Ngunit sigurado siya, hindi galing sa malinis na kamay inabot ng lalaki ang pera sa mga magulang. Iniiling niya ang ulo, hindi siya dapat nag-iisip nang masama rito.
"Nasaan nga po pala siya ulit?"
"Nandoon sa tattoo shop niya. Araw-araw na nga yata iyon doon kahit walang trabaho."
Napasinghap si Trudy. Oo nga pala, ang lugar na napagusapan nila! Hindi na siya nag aksaya pa ng oras at kinuha na ang mga kakailanganin.
"Iwan ko po muna ito dito, ha. Salamat!" Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng apartment at naghanap agad ng masasakyan.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay bumuhos ang malakas na ulan. Napahilamos ng mukha si Trudy sa sobrang prustrasyon.
Hindi naman nagtagal ay narating na rin niya ang destinasyon. Bumagal ang lakad niya nang madatnan doon ang lalaki. Paubo-ubo habang nasa ilalim ng malakas na bugso ng ulan.
Nagmamadali siyang nagbayad at tinakbo ang layo mula sa kalsada papunta sa kinaroroonan nito.
"Mercle!" Sigaw niya pa saka ito sinamahan. Nanginginig na sa lamig ang lalaki, wala itong ibang suot maliban sa t-shirt at khaki shorts.
Nanghihina itong sumampa sa kaniya. "Trudy?" Para bang nanaginip ito nang makita siya. "Nandito ka ba?"
Naluluha niyang niyakap ito nang mahigpit. "Nandito ako, sasama na ako sa 'yo. Hindi na kita iiwan ng ganito, promise. Sa 'yo lang ako sasama, Mercle!"
"MAINIT ka, isang linggo ka raw nanatili sa puwesto na 'yon?" Puno ng pag-aalala ang boses niya.
Umiwas ito ng tingin. "Hindi. Bakit naman kita hihintayin doon ng ganoon katagal? Ang taas naman ng tingin ko sa sarili mo. May kikitain sana ako ro'n kasi hindi mo 'ko sinipot."
"Oh," dismayado niya na lang na naiusal.
"Alisin ko na 'to, kailangan ko nang ilabas mga gamit ko." Tumigil ito. "Sasama ka pa ba? Kung hindi, umalis ka na. Sinasayang mo lang oras ko."
"Sasama ako!" Bigla na lang niyang naibulalas. "Sasama ako, nandito na ang mga gamit ko."
Nagkibit-balikat na lang ang lalaki. "Lalabas muna ako."
"Wait, Mercle, may lagnat ka pa!"
"'Di ko kailangan ng tulong mo. Ihanda mo na lang ang gamit mo," utos pa nito bago siya tinalikuran at lumabas ng apartment.
Naiwan si Trudy sa apartment, napaisip. Ayaw man niyang aminin pero alam niya sa sarili na kayang-kaya niyang ibuwis ang lahat para lang sa lalaki. Sapat ng ebidensiya ang pagtakbo niya mula sa kabilang kalsada para lang akayin ang nanghihinang katawan nito pauwi.
Grabe, tinamaan talaga siya.
Kinaya niyang tumakas mula sa magulang niya para lang makasama ito. Sana lang ay maging worth it ang lahat ng mga isinakripisyo niya makasama lang ito.
Halos mapatalon si Trudy sa kinauupuan nang marinig ang malakas na pagbagsak ng pintuan. Napatingin siya sa direksyon no'n. Puno na ng pawis si Mercle, naglilibot ang mata sa buong apartment hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kaniya. Balisa nitong kinuha ang kamay niya pati na rin ang mga gamit niya.
Hindi maintindihan ni Trudy ang pagbabago sa mga aksyon na pinapakita ni Mercle. Kanina ay napaka-distant nito at ni-ayaw magpahawak sa kaniya pero ngayon ay sa sobrang pagmamadali ay nawala sa isip ang pagkadisgusto sa kaniya.
"Dalhin mo na 'tong gamit mo. Lumabas ka at tawagin mo si Manang Ella, siya 'yong nakausap mo. Magtago ka muna ro'n at 'wag kang lalabas hangga't hindi mo naririnig ang boses ko."
"Sandali, Mercle, ano'ng meron?"
Napakabilis ng tibok ng puso niya. Dama niya ang panganib na malapit sa kanila. Tila ba tinatambol ang kaniyang puso at napapa-ngiwi na siya sa sakit no'n.
"'Wag ka nang magtanong. Umalis ka na!" Hindi na siya nagtanong pang muli at nagmamadaling nilisan ang lugar at sinunod ang inutos nito.
May bakas ng pangamba ang ekspresyong suot-suot nito sa mukha nang mabungaran niya. Pareho sila ng naiisip. Nasa peligro ang buhay ni Mercle at maaaring mapahamak ang lalaki.
"Tatawag na ba tayo ng pulis?" Alalang tanong niya.
Umiling-iling ito. "Ayaw ng batang 'yon ng pulis. Makukulong siya!"
"Pero hindi naman p'wedeng wala tayong gawin?" Problemadong niyang pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok. Hindi alam ang gagawin.
"Maupo ka na lang, hija. Kaya na niya ang sarili niya. Magtiwala tayo kay M.M."
Sumang-ayon siya, "Tama ka po. Mas mabuti na lang na kumalma tayo."
Pero tila ba nakalimutan niya ang sinabi nang makarinig siya ng kalabog mula sa kabilang apartment. Napatakip ng bibig si Trudy nang may kumawalang tili mula sa kaniyang bibig.
"Lumabas ka diyan, Mercle! Binigyan ka namin ng palugit pero tigas ka pa ring tangina ka!"
Sunod-sunod pa ang pagkalabog, tinakpan na lang tuloy ni Trudy ang tainga habang pinipilit na huminga ng malalim ngunit napakunot ang noo nang mapansin ang pag-igsi ng hininga. Para tuloy may nakahawak sa kaniyang baga na sa sobrang higpit ay nawawalan na siya ng hininga.
Dinama niya ang dibdib kung nasaan ang puso. Mahigpit siyang napakapit sa dulo ng lamesa bilang suporta sa kaniya. Kasabay ng pagkalabog sa tahanan ni Mercle, ay ang pagkabog ng kaniyang ulo sa sobrang sakit at pagkagulo.
"Trudy, hija!"
"O-Okay lang po ako..." Aakalaing kagagaling lang ng dalaga mula sa isang run marathon sa sobrang pagkawala ng hininga. "Paabot na lang po ng... ng meds ko nandoon po."
Umiikot ang paningin niya, mariin siyang napapikit hanggang sa maramdaman niya ang luhang tumutulo sa kaniyang pisngi. Mabuti na lang ay mabilis na rumesponde ang ginang at naghanda na sa kaniyang gamot at tubig.
Hindi ito nagaksaya ng oras at mabilis na pinainum sa kaniya ang gamot kasama ang tubig. Sa kamay na nito siya napakapit, nanghihina siya pakiramdam niya ay bumibigat ang talukap niya.
"Ayoko nito, manang. Please stop it!" Sinapo niya ang ulo at paulit-ulit na sinasabunutan ang sarili. "S-Si Mercle baka mapano na 'yon!" Nanginginig na ang labi niya. Wala na siyang kontrol sa sarili.
Naghalo-halo lahat ng mga problema sa kaniyang utak. Nagsama-sama para maging isa at pumasok sa kaniyang puso upang paulit-ulit iyong tambulin hanggang sa mabutas.
HUMIKAB si Trudy, napapagod ang buo niyang katawan. Hindi niya gusto ang gumalaw sa kinauupuan. Gusto niya na lamang humiga ng mga oras na 'yon. Doon na niya napansin ang paglalakad ni Mercle sa kaniya.
"M-Mercle, maayos ka lang..."
Napangiti pa siya nang lumuhod ito at sinapo ang kaniyang pisngi. "Hey, huminga ka lang nang malalim. Okay na ako, Sweet girl, wala ka nang dapat ipag-alala."
"Nag-ingat ako para sa 'yo."
'Yon ang huli niyang narinig bago siya nito pinatakan ng halik sa noo at tuluyan ng itim ang makita ng mga mata.
Gwapong mukha ni Mercle ang una niyang natunghayan sa pagbukas ng kaniyang mga mata. Napangiti siya, bakas na bakas sa bugbog nitong pagmumukha ang pag-aalala at kaba. Pinupunasan pa nito ang kaniyang noo gamit ang basang towel.
"Hi," bati niya.
Natigilan ang lalaki. "Okay ka na?"
Tumango siya. "Ako dapat ang nag-aalaga sa 'yo," sabi pa niya kasabay ng mahinang hagikgik.
"Okay ka na pala, kaya mo na ang sarili mo." Hindi agad nakagalaw sa gulat si Trudy. Ibang-iba na ang aura ni Mercle, pagkatapos niyang sabihin ditong maayos na siya ay agad itong bumalik sa pagiging walang pakialam at cold na Mercle mula sa maalaga.
Napakalaki ng galit ng lalaki sa mundo. Nagtatakha siya kung gaano kaya kalupit ang ginawa ng mundo para maging ganito ito. Sigurado siya, wala namang taong pinili ang maging ganito ka-cold at distant.
Umalis na siya sa kinahihigaan at sinundan si Mercle. Napasinghap siya nang mapansing hindi siya pamilyar sa lugar.
"Nasaan tayo?" takhang tanong niya.
"Kalibo, dito tayo magtatago. Hindi nila iisipin na nasa malapit lang tayo, binigyan ko rin sila ng ideya na nasa Maynila tayo kaya 'wag kang mag-alala."
Napangiti siya sa narinig dito. Patakbo niya itong pinuntahan at binigyan ng mahigpit na yakap. "Oh my god, Mercle, we're living together!" Higpit na higpit ang yakap niya kaya walang ibang naging daan ang lalaki kun'di ang yakapin na lang din siya pabalik.
Sinapo niya ang mukha nito at siniil ng halik. Pagkabitiw ay dinikit niya ang noo rito at nakangiting nakipagtitigan sa isa't-isa. "I love you, Mercle."
Sa pagkakabitaw ng mga salitang iyon, nanigas ang binata. Aware si Trudy sa naging reaksyon nito kaya napapahiyang bumitaw siya rito. Nagbaba pa siya ng tingin at naupo na lang muli.
"Alam kong masyadong mabilis para sa 'yo ito. Pero mayroon kasing pakiramdam ako na hindi ko maipaliwanag sa tuwing ikaw ang kasama ako. Hindi man ako sigurado kung ano 'yon, alam na alam kong mahal kita."
Namulsa ang lalaki. Walang emosyong nakatitig lang sa kaniya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Trudy," sabi pa nito bago siya tinalikuran. "Aalis ako ulit, kakausapin ko ang mga kapit-bahay. May mga de lata diyan, magluto ka."
WALA siyang inaksayang oras at katulad ng kanina ay sinunod niya kaagad ang inutos nito. Nasa kalagitnaan siya nang pagluluto ng itlog hanggang sa maramdaman niya ang maiinit na kamay nito na humaplos sa kaniyang bewang.
Nakikiliti siya sa pagsiksik pa nito ng ulo sa kaniyang leeg. Sininghot pa nito ang kaniyang buhok na para bang isang bagay na kaadikan at hahanap-hanapin kahit saan.
Hindi sana siya magpapadala sa panlalandi nito nang bigla na lamang tumaas ang kamay ng lalaki upang pakiramdaman ang kaniyang suso. Mahinang napaungol si Trudy sa ginawa nito.
"Bibinyagan ba natin ang bahay?" Pabiro niya pang tanong hanggang sa malanghap niya ang hininga ni Mercle. "Naka-inom ka ba? Ano'ng ginawa mo sa labas, Mercle?"
Dadalhin niya sana ito paakyat nang bigla na lang siyang atakihin ng isang masarap at sensuwal na halik. Hindi siya nakainom pero nalalasing siya sa paraan nang paghalik nito sa kaniya. Nalulunod sa sensasyon at galing ng bawat paggalaw ng mga labi ni Mercle sa kaniya.
Wala na. Nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ni Mercle. Nakatabingi na ang ulo niya habang sinisipsip nito at nag-iiwan ng marka at patuloy sa paglamas sa kaniyang dibdib. Puro ungol na lang ang lumalabas mula sa bibig ni Trudy habang hinahayaan ang lalaki sa gusto.
Bumaba pa lalo ang halik nito patungo sa gitna ng kaniyang dibdib. Patuloy lang ito sa paglamas habang hinahalikan ang gitna ng dalawang suso. Kahit pa may damit na nakatabing ay hindi naging alintana 'yon para hindi mag-init ang buong katawan.
Tumibok ang pagnanasa sa kaniyang namamasang ari. "Mercle..." halinhing niya nang dumaan ang kamay nito sa kaniyang pagkababae. Hindi pa rin hinuhubad ang kahit na anong saplot.
Marahas nitong hinawakan ang kaniyang braso. Mabilis na pinatuwad sa may lababo, tinabi sa gilid ang suot na maigsing shorts pati na rin panty. Nilabas naman nito ang malaking pagkalalaki at dahan-dahang pumasok sa loob niya.
"Oh gosh!" Tili niya nang tuluyan na itong nakapasok sa kaniya.
Hinalikan nitong muli ang kaniyang leeg papuntang leeg saka dinilaan ang earlobe niya.
Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng mga katas na kanilang nilalabas sa bawat ulos. Mas lumapit pa sa kaniya si Mercle at mahinang bumulong, "Ako rin, Trudy. Ako rin..."
Hindi man naintindihan ni Trudy ang nais nitong sabihin, nagpapakaliyo na lamang siya habang patuloy sa paghugot at baon si Mercle mula sa kaniyang likuran. Hinila nito ang buhok niya at mas pinagdikit ang kanilang katawan.
Patuloy lang sila sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman ni Trudy ang pagsabog na parang fireworks sa kaniyang pagkababae. Samantalang si Mercle ay ungol lang nang ungol at walang sawang marahas na umuulos. Totoo nga yata ang mga naririnig niyang kuwento ng mga kaklase noon.
Umabot sila ng madaling-araw, walang sawa si Mercle at paulit-ulit na inabot ang sukdulan kasama siya. Wala ni katiting siyang naramdaman na pagsisisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top