Ch 18. Just so I could call you mine
NANAHIMIK si Trudy sa kuwarto niya. Wala siyang mahawakan na kahit ano, kinuha lahat ng gamit niya. Ang cellphone, tablet, laptop, kahit pa nga ang iPods niya ay kinuha!
Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa isang kulungan na paunti-unting sumisikip sa bawat na lumilipas na oras. Nanginginig na ang kamay niya, ayaw niya rito. Gusto niya nang makaalis pero hindi niya magawa.
Wala siyang magagamit para makatulong sa kaniya palabas. Tumayo si Trudy, tumakbo patungo sa bintana ng kuwarto at pinagmasdan kung gaano kataas ang tatlong palapag pababa. Bumuga siya nang malalim na hininga.
Naguguluhan na siya, hindi siya makaisip ng paraan para makaalis at makasama na sa panghabang buhay si Mercle. O baka hindi talaga iyon ang hinihiling ng puso niya? Paano kaya kung ang talagang gusto niya ay ang manatili rito? Hindi naman malayo dahil tila ba wala rin naman siyang ginagawa para makaalis.
Iniiling niya ang ulo. Hindi, hindi siya dapat nag-iisip ng ganoon. Gusto niya si Mercle at gusto niya itong makasama. Kaya gagawin niya ang lahat makaalis lang doon.
"Kumain ka na raw po, Ma'am." Nangunot ang noo ni Trudy nang makakita ng matandang babae.
Napaisip siya, sino ang babaeng ito? Isa lang ang kasambahay nila sa bahay at 'yon ay si Darlyn, bata pa 'yon at halos kasing-edad niya. Kinuha para bantayan ang mga kapatid niya na naroon pa rin sa bahay ng kanilang lola.
Lumapit sa kaniya ang babae at binaba ang tray ng pagkain. "Inutusan po ako ni Ma'am Jewel na iabot po sa inyo 'to."
Napasinghap siya nang makitang cellphone iyon. Binigyan niya ng ngiti ang matanda saka kinuha ang cellphone at mabilis na binuksan.
Naka-save na agad doon ang phone number ni Jewel. Hindi nagdalawang-isip ay tinawagan iyon.
"Jewel, tulungan mo ako!" Bungad niya rito.
"Chill, Trudy, kakausapin ko sila Daddy about illegal detention. You're nineteen and I think p'wede ka ng makapagkaso sa kanila no'n."
Napakamot siya sa ulo. "No, ayoko ng kasuhan. Gusto ko lang makaalis dito,it's been three days! Wala na akong balita kay Mercle, baka nakaalis na 'yon?"
"Trudy, 'yon pa talaga ang inalala mo?" Halata sa boses nito ang sobrang pagkadismaya.
Mukhang hindi naiintindihan ni Jewel ang nais niyang gawin kaya nag-eksplina siya, "Yes! Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako aalis, eh. Tatakbo kami paalis ni Mercle dito."
Hindi man nakikita, batid niya ang pagkagulo ng kaibigan. "What do you mean? Magtatanan kayo?"
"Kung 'yan ang gusto mong tawagin 'yon. Basta ang alam ko magsasama kami, hindi na ako babalik dito kahit kailan. Nasasakal na ako masyado!"
"Trudy, no! Tigilan mo 'yang kabaliwan mo."
"Hindi 'to kabaliwan, Jewel. This is love! Gusto na namin ang isa't-isa kaya bakit pa namin patatagalin bago pa kami mag-sama?"
Mabigat na bumuntong-hininga si Jewel. "'Wag kang magpapakatanga diyan, Trudy. Mukhang tama lang na kinulong ka diyan ni Tito dahil sa sinasabi mo ngayon mas mapapahamak ka pa! He's a stranger."
"To you!"
"To us, Trudy. Ilang linggo mo pa lang ba 'yan nakilala? Apat? Mag-isip ka naman, kailangan ko 'yong matalino at matino kong kaibigan!"
"Hindi mo naiintindihan. Sa ilang linggo lang na pagkakasama namin parang unti-unti rin akong nabubuo."
Totoo naman 'yon. Sa bawat oras na ginugugol niya kasama si Mercle, hindi mawawala sa kaniyang puso ang pakiramdam na sobra itong malapit sa kaniya. Tila ba isang bagay na nawala sa puso at muling naibalik sa kaniya at sigurado siya, pagmamahal iyon.
"Oh my gosh! What you're saying does not make any sense, Trudy. Wake up, hiwalayan mo siya. He's a bad influence to you, stop with your nonsense na!"
Hindi siya sumagot, subalit pabalya niyang tinapos ang tawag at binato ang cellphone sa kama. Natigilan siya nang mapansing naroon pa pala ang matandang babae sa kuwarto.
"P'wede na po kayong umalis, thank you po sa pagkain."
Tumango ang ginang bago lumabas at ni-lock ang pinto. Marahas na pinadaan ni Trudy ang mga daliri sa kaniyang buhok at pigil na pigil na mapasigaw sa bigat ng nararamdaman. Nababaliw na siya sa sobrang pagkakakulong sa kuwarto na ito. Maghahanap siya ng paraan paalis dito ngayon din!
ISANG LINGGO ang itinagal niya bago makaisip ng tamang plano paalis. Binigyan niya ng tingin ang bintana at bumaba ang tingin sa mga nakapulupot na kumot. Ayon sa kinalkula niya ay sumakto lang ang labing-anim na kumot para dalhin siya pababa mula sa tatlong palapag.
Tumayo siya at binuksan ang bintana. Akmang ihuhulog na roon ang mga kumot nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Natigilan siya nang makitang ang dalawang kapatid niya iyon kasama ang ina na may ngiti sa mukha.
Mabilis niyang tinapon sa kama ang mga kumot na nakapulupot. Napakatagal niyang hindi nakita ang mga ito dahil sa bakasyon sa bahay ng lola. Parehong homeschooled ang mga ito dahil sa panggugulo sa kanila ng media tungkol sa natalong kaso ng kaniyang ama na naging sobrang kontrobersyal ay hindi sila nakaalis ng tahanan ng ilang buwan.
Nagtatakbong lumapit sa kaniya at sinalubong siya ng yakap. "Ate, we miss you!" Si Aura 'yon, ang pinakabata niyang kapatid. Pitong taong gulang na.
Sumunod naman sa kanilang yakapan si Francinco. Ang labing-tatlong gulang niyang kapatid. "Tagal nating 'di nagkita, Ate. Kumusta ka?"
Muntik nang tumulo ang mga luha ni Trudy habang pinapakiramdaman ang pamilyar na yakap na binibigay sa kaniyang ng mga kapatid.
"Okay lang ako. Na-miss ko rin kayo, ang tagal niyong nawala..." mahina niyang sagot.
"Oo nga po, eh. Hindi kasi kami pinauwi ni Dad sabi niya may aayusin pa raw dito sa house. Parang wala naman?" Iniikot pa ni Francinco ang mata sa kaniyang kuwarto.
Sinulyapan niya ang ina na nakatanaw lang sa kanila. Kaya pala nakipagbalikan ang ama niya sa mahadera't makapal na mukha niyang ina. Para sa ikabubuti ng mga isip ng kapatid niya. Ni hindi man lang siya naisip.
"Trudy, lumabas ka muna. Mag-meryenda ka muna kasama ang mga kapatid mo," hikayat ng kaniyang ina. Sumunod naman siya sa mga ito nang paalis na patungo sa kusina.
Sinipa niya muna sa ilalim ng higaan ang mga kumot saka nagmamadaling bumuntot sa mga ito.
Naabutan niyang nanonood ang mga ito ng soap opera kasama ang nag-iisang kasambahay nila. Nags-serve naman ng pagkain ang babae na tinatawag ng mga kapatid niyang ina.
"Masarap talaga ang ginataang halo-halo sa oras na 'to, Ma'am," ani kasambahay nila.
Ngumiti ang ina. "I know right? Sobrang sarap at sobrang nae-enjoy g ganitong oras." Humarap ito sa kaniya at nagsalita, "Trudy, kumain ka na rito."
Ayaw naman niyang maging bad example sa kaniyang mga kapatid kaya gumalaw na siya at umupo sa upuan sa may counter at nakisabay ng pagkain sa nga ito.
Habang kumakain, hindi niya naiwasang makanood sa mga soap operas. Sa isang tagpo roon, hindi niya inaasahang magiging tulong sa kaniya iyon.
"Nakaayos na ba lahat ng gamit mo?" tanong ng lalaki sa bidang babae.
May dala-dalang malaking bag ang babae, tingin niya ay magtatanan ang dalawa.
"Yes. Nandito na rin 'yong certificate of birth ko, ipamumukha ko 'to kay Daniella na ako ang tunay na Monteverde!"
Sinapo ng lalaki ang pisngi nito. "Mahal na mahal kita, Tara Montevede..."
"Mahal na mahal din kita, Tristan."
Naggawaran ng halik ang dalawa bago nagsiklop ang mga kamay.
"Driver's license at SSS mo?" Pahabol pa nito.
Natawa naman ang babae. "Sobra ka namang planado. Nandito na lahat ng kailangan natin! Hindi na tayo babalik dito, Tristan."
Doon pumasok kay Trudy ang ginagawa. Masyado siyang naka-pokus sa maaaring mangyari kapag umalis siya pero hindi pa niya naisip ang mga bagay na kakailanganin niya para makaalis.
Tiningnan niya ang oras, may dalawang oras pa siyang hanapin ang lahat ng kailangan niya para at mag-ayos bago umuwi ang ama.
Tumikhim siya at tumayo sa kinauupuan. "Magbabanyo lang ako."
"Eh, teka bakit diyan ka dadaan? May cr dito," pansin pa ng ina.
"Wala ka na ro'n," pagalit niyang wika bago ito tinalikuran at nagmamadaling umakyat patungo sa study ng kanyang ama.
Sigurado siyang naroon lahat ng files nilang pamilya. Nakita niya kasi noon sa isang folder ang marriage certificate ng mga magulang niya kung saan nakalagay sa may drawer nito.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng study room ng ama at walang ingay na hinalungkat ang drawer nito.
Sa bawat pag-bukas niya ng mga pahina ng folder, nawawalan na siya ng pag-asang mahahanap pa roon ang kailangan ngunit noong mawawalan na sana siya ng tiwala ay saka naman nagpakita.
Malapad ang ngiti sa labi na tinupi niya iyon. Akma namang lalabas na nang bumukas ang pintuan ng study.
"Oh gosh, Antonio!" Nangunot ang noo niya nang marinig ang kaniyang ina na binabanggit ang pangalan ng kanilang driver.
Kapos ang hininga ng dalawa at kasabay no'n ang sumisipsip na tunog ng paghahalikan. Niyakap ni Trudy ang sarili.
Unti-unti nang pumapatak ang luha mula sa kaniyang mata. Nandito na naman silang muli sa posisyong ito. Lolokohin ng ina ang kaniyang ama, magagalit ang ama niya at palalayasin ang ina. Mawawala na naman sa sarili ang ama niya at siya na naman ang tatayong magulang para sa kaniyang pamilya.
Ayaw na niya no'n. Gusto na niyang umalis, hindi na yata niya makakayang muling maiwan sa dilim at magpalamon sa responsibilidad na hindi naman kaniya.
Pinigil niya ang maiyak. Gumawa siya ng ingay para matigil ang kalaswaang ginagawa ng dalawa. Gamit ang ballpen, binato niya iyon papunta sa may pintuan.
"Lipat tayo, delikado rito. Tara sa guest room!" aya pa ng ina niya sa batang driver.
Rinig niya ang mga mahihinang tawa ng dalawa at yabag ng mga ito papaalis.
Tumagal pa bago naisipan ni Trudy na umalis sa pinagtataguan. Pinunasan niya ang luhang kumakawala, kailangan niyang patatagin ang sarili. Hindi lang naman ngayon nangyari ang ganito. Ilang beses na rin niloko ng kanyang ina ang ama. Ngayon pa ba siya manghihina?
Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng study. Nakatago sa likod ang mga papeles na kakailanganin bago tumungo ng kuwarto.
Mula sa ilalim ng kamay, nilabas niya ang maleta at pinasok doon ang mga papeles saka hinanda ang suot. Wala ng tao sa labas, wala ang ama niya at nasa likod-bahay naman ang kanilang kasambahay, nilalandi ng ina niya ang driver nila.
Libreng-libre siyang umalis.
Nagmamadali na siyang lumabas ng kabahayan at ng nasa gate na siya ng kanilang bahay ay natigilan siya.
Para bang pinako ang kaniyang paa at ayaw nang humakbang pa. Hindi niya maintindihan, hindi ba't ito ang ginusto niya? Pero bakit ganito na naman ang nararamdaman niya?
Pangangamba, pagdadalawang-isip. Kinakahaban siya na baka nagkakamali siya ng desisyon. Baka hindi ito ang tamang gawin.
Mariin siyang pumikit. Hindi siya dapat magpadala sa mga ganitong pakiramdam. Tama, gagawa na siya ng panibagong buhay kasama si Mercle at 'yon ang dapat niyang isipin.
Hinakbang niya na ang mga paa at tinungo na ang daan patungo sa lalaking magpapabago ng malungkot niyang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top