Ch 15. I wonder if you're around
"UUWI ka na ba?" tanong niya sa nagmamadaling papalayong bulto ni Mercle. Ang bilis nitong maglakad, hindi niya yata ito maabutan!
Tumigil ito pagkaabot sa motorsiklo. Halata ang pagkabanas sa mukha nito. Wala sa mood at iritang-irita.
"Mercle, kausapin mo naman ako. Ano'ng sinabi sa 'yo nila Daddy at ninong?" Pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya pinapansin nito. Saka na lang siya nito binigyan ng atensyon nang hawakan niya ang braso.
Mapanganib ang paraan nito ng pagtingin. Nakakamatay. Galit na galit at mukhang wala itong balak na ipagsabi ang kinakagalit.
"Bibitawan mo ako o tatalsik ka sa gilid ng kalsada."
Nanginginig ang kalamnan na binitawan niya ito. Nakakatakot ang banta nito, hindi niya sigurado kung seryoso ba ito o hindi. Dahil tuloy sa takot na iyon ay napilitan siyang bitawan ang braso nito.
Hindi naman hinahawakan itong sinundan niya. Gulong-gulo si Trudy kung bakit bigla na lang nagkaganito ang lalaki.
"Mercle, ano ba'ng problema? Bakit ka lumalayo?" tila nawawalan na ng pasensya na tanong niya.
Kumibot ang panga nito sa pag-ingting no'n at iritang humarap sa kaniya. "Sinabi ko ng ayaw kong pumasok doon, 'di ba? Pero hindi mo nirespeto ang gusto ko at pinilit ako. Tapos ngayon malalaman ko na may namagitan pala talaga sa inyo ng lalaking iyon?"
Nahulog sa madilim na butas ang puso ni Trudy sa narinig. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng kakampi, nawalan siya ng pinagkakatiwalaan na tao at niloko siya dahil sa pagsapi nito sa kabilang panig.
"Sinabi ko naman na sa 'yo 'di ba? Walang namamagitan sa amin, ginamit lang ni Jewel ang dahilan na 'yon para kaawaan siya ng buong school at botohin!"
Walang humor na natawa si Mercle. Napamulsa ito at napatingin sa malayo. Naiiling-iling pa ang lalaki na para bang dismayado. "Wow, sa lahat ng sinabi ko, 'yon lang ang napansin mo?"
Napaawang ang labi niya. "Mercle, sorry. Pero it went well naman 'di ba? Tanggap naman na ni dad na meron akong boyfriend, hahayaan pa nga niya tayong magdate!"
"Ganyan ba kakitid utak mo, Trudy?"
Hindi siya agad nakagalaw. Gulat na gulat sa pagbulyaw nito sa kaniya.
Tinalikuran siya nito at sumakay na sa motorsiklo. "Kausapin mo na lang ako kapag nakapagdesisyon ka na kung sasama ka sa akin o mananatili ka sa gago mong pamilya."
"Gago? Wow, ha, sila pa talaga ang sinabihan mo niyan pero ikaw 'tong grabe makapang-husga sa akin!"
"Bahala ka sa buhay mo, Trudy. Ayusin mo muna desisyon mo bago mo ako idamay."
"HINDI ka ba aalis ngayon?" puno ng pagtatakhang tanong ng kaibigan.
Mapait na ngumiti si Trudy saka iniiling ang ulo. "Nag-away kami kahapon. Ewan ko ba ro'n, I just thought of doing the right thing pero galit siya."
Mahinang natawa si Jewel. "Ah, lover's quarell nga naman. Pero hindi ka pa pwedeng bumalik. Sinabi ko kay Sir na i-excuse ka dahil nasa ospital ka ngayon at nagbabantay sa pinsan mong may sakit."
"What?"
"Sorry, 'yon lang naisip ko noong time na 'yon, eh."
Napabitaw ng isang mabigat na buntong-hininga si Trudy. "Okay, aalis na lang ako. Kausapin ko si Mercle tungkol sa inaarte niya."
Pagkatig ng sasakyan sa tapat ng campus, pinagbuksan sila ng pintuan ng driver. Nangunot ang noo ni Trudy nang mapagtantong hindi na si Asyong ang driver nila.
Sinulyapan niya si Jewel na nakababa na ang tingin. "Si Asyong nasaan?" Maya't-maya ay nanlaki ang mga mata niya. "Nalaman na nila?"
Umiling ang babae. "Hindi, walang alam sila mom and dad pero nang ipaalam ko na sa kaniya na sigurado na ako sa gagawin ko..." Nanginig ang boses nito. "Iniwan niya ako, nagquit siya. Umuwi siya sa kanila sabi niya ayaw na raw niya akong makita kahit kailan."
"Saka na muna kami lalabas, sandali lang. Isara mo muna ang pintuan at hayaan kaming mag-usap," pakiusap niya sa driver. Mabilis itong tumugon at iniwan sila. "Jewel, hindi naman sa ayaw kitang pagbigyan sa kagustuhan mo pero nag-aalala lang ako sa kalagayan mo."
"Bakit? Ano 'yon?"
"Alam mo namang illegal sa Pilipinas ang pagpapa-abort, walang maayos at malinis na proseso kung diyan ka lang sa gilid-gilid tatanggap ng mga paraan sa pag-abort. P'wede kang mapahamak diyan."
Sinubsob nito ang mukha palad at patuloy na umiyak. "Wala na akong ibang maisip na paraan para lang mawala 'to. Kung p'wedeng magpahulog ako sa 'yo sa hagdan, gagawin ko!"
"Jewel!"
"Sorry, gusto ko lang naman pagaanin ito. Truth to be told, ayoko naman talagang gawin ito pero kailangan. At nasasaktan ako, Trudy. Nasasaktan ako na kaya ko itong gawin ng basta-basta lang. Ano kaya ang iniisip ng batang nasa loob ko?"
"Hindi pa nga fully developed, don't overthink, Jewel. I know eventually you're gonna be one of the best moms pero hindi ngayon. It's your body, listen to what it says. Pero hindi naman ibig-sabihin na hinahayaan kita rito ngayon, ibig-sabihin ay hindi kita pagsasabihan sa pagiging irresponsible mo."
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito. "If you would ever do it again, please practice safe sex. Wear a condom, drink contraceptives basta anything para maiwasan na mangyari ang ganito ulit!"
Napangiti si Jewel. "Wow, handang-handa, ah. Anong brand ng condom ang binibili niyo ni Mercle?"
Natigilan si Trudy nang ma-realize. Oh God. Kahit kailan ay hindi sila nag-condom ni Mercle! Napasapo siya bigla sa puson.
Mukhang nahalata na ni Jewel ang pagkabalisa sa mukha niya kaya napahaplos ito sa kaniyang likod.
"Mauna na ako, Jewel. Pumasok ka na ro'n!" Nagmamadali siyang lumabas ng kotse at mabilis na sumakay sa public transportation papunta sa bahay ni Mercle.
TAMA nga ba ang hinala niya? Kung ganoon, ayaw niyang matulad kay Jewel! Pero wala siyang magiging choice, alam niyang gagawin at gagawin niya pa rin iyon.
Kakatok na sana siya nang mapansing kaunting nakabukas ang pintuan ng apartment nito. Kabadong-kabado si Trudy habang paunti-unting binubuksan ang pintuan.
Sumilip siya at hindi inaakalang masasakal sa nakikita. Pinilit ni Trudy na talikuran at isara ang pintuan ng walang ingat saka lisanin na ang lugar pero ang mali lang niya, pabagsak niyang naisara ang pintuan.
Naagaw iyon ng atensyon ng dalawang taong nasa loob. Mariing napapikit si Trudy. Bumuga siya ng hininga na kanina niya pa pala iniipon. Bigla, may lumabas sa pintuan ng apartment nito.
"Trudy?" Si Mercle.
"Sino siya?" Ang babaeng kasama ni Mercle sa loob na kahalikan nito.
Wow. Hindi niya naman inaasahang masasaktan siya ng ganoon. Kakakilala lang nila ni Mercle, siguro nga ay nagustuhan niya na ito pero hindi naman umabot sa puntong ito na lang ang taong gugustuhin niyang makasama.
Nakakaramdam siya ng kirot ngayon, oo. Pamilyar siya sa kirot na iyon, selos 'yon. Nanalaytay ngayon ang selos sa buo niyang katawan at gusto niya itong sumbatan pero ano nga ba ang karapatan niya? In fact, hindi nga siya dapat nagseselos.
"I think I should come back later." Akmang aalis na siya nang hilahin ng lalaki ang braso niya. "Look, Mercle, ikaw siguro muna ang umayos ng buhay mo hindi ako."
"Teka nga, ano ba ang ginagawa mo rito? Hindi naman kita tinawagan, ah?"
"Mercle..." Tawag ng babae na kanina lang ay kahalikan nito.
"Pumasok ka muna sa loob, Aki." Nakanguso namang sumunod ang babae. "Ano na?" ungot pa nito sa kaniya.
"What? Hindi ba ako welcome sa bahay mo?"
Nangunot ang noo nito. "Welcome ka pero kapag tinawagan lang kita. Paano mo naman naisip na welcome sa lugar ko anytime?"
Umawang nang malaki ang labi niya sa narinig. "I don't know? Siguro dahil girlfriend mo ako?"
"Huh? Kailan pa?"
"Sinabi mo kay Dad na girlfriend mo ako... remember?"
Napatango-tango ito. "Ah, sinabi ko lang 'yon para hindi ako kulitin. At isa pa, hindi maniniwala ang parents mo na kaibigan mo lang ako. Unless, gusto mong sabihin ko sa kanila na casual lang 'to."
"What?"
"Oh bakit?"
"C-Casual sex lang ang meron tayo?" hindi makapaniwalang tanong niya
Mas lalong nagdikit ang mga kilay ng lalaki. "Hindi nga ba? Nagkikita tayo, tumatakas ka sa school mo, 'di ba para mag-sex?"
"A-Akala ko..."
Bigla na lang nanikip ang dibdib ni Trudy, bumilis ang paghinga at nakakaramdam ng paghilo. Sabay-sabay niyang nararamdaman ang lahat ng iyon pero hindi siya nagpahalata. Kumapit siya sa dingding sa gilid at nagbaba ng tingin.
"Trudy?" Rinig niya pang tawag ni Mercle.
Nagtaas siya ng tingin dito, pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman. "Hindi mo na kailangan maghintay ng i-isang linggo para sa sagot ko dahil ngayon din ay humihindi na a-ako."
Nanghina na ang tuhod niya at halos matumba. Mabuti na lang ay agad siyang nasalo ni Mercle.
"'Wag sa ospital, malalaman nila Dad. Please..."
Kahit malabo, kita niya ang ginawang pagtango ng lalaki bago unti-unting nawalan ng ilaw ang paligid.
SA PAGBUKAS ng kaniyang mga mata, nakakasilaw na liwanag ang una niyang nakita. Mabilis siyang napapikit muli saka nag-inat bago dahan-dahang binuklat ang mga mata at inikot ang paningin sa silid.
Pamilyar siya ro'n. Nasa kuwarto siya ni Mercle ngayon. Walang ibang tao roon maliban sa kaniya. Kahit mahina pa ang katawan, pinilit niya ang sariling makaupo.
Mukhang inatake na naman siya ng anxiety at hindi iyon nakayanan ng katawan niya kaya nag-black out siya. Mabuti na lang hindi siya dinalang muli sa ospital, yari siya sa kaniyang ama kapag napatawag ito at malaman na wala pala siya sa campus.
Kahit nakakaramdam pa ng hilo, tumayo siya at akmang lalabas na ng kuwarto nang biglang bumukas ang pintuan. Natigilan siya nang makitang si Mercle iyon.
May pag-aalala sa mukha nito. Naaalibadbaran. "Kumusta ka na?"
"Okay na ako, kailangan ko nang umuwi, Mercle."
Tinalikuran niya ang lalaki, kinuha niya ang mga gamit at lalampasan na sana ito sa may pintuan nang bigla itong magsalita.
"Pinaalis ko na si Aki. Sinabi ko sa kaniya hindi ko na siya tatawagan at 'wag na siyang bumalik."
Ayaw niyang aminin pero kinilig siya. Hindi nga lang niya pinahalata iyon. "Hindi naman 'yon lang ang rason kung bakit ako nagagalit, Mercle. You cheated!"
"Wala namang tayo, Trudy, hindi naman siguro cheat 'yon?"
"Kung walang tayo bakit gusto mong ibahay ako? Nakaka-frustrate na, Mercle!"
"Gusto kita. Hindi lang sa kama, masaya ako kapag nandito ka kahit hindi sex. At gusto kong maranasan 'yon araw-araw."
Nanginig ang labi niya. "So, what? Gusto mo ako dahil clown ako para sa 'yo?"
Marahan nitong hinawakan ang kaniyang braso. "Hindi, gusto kita kasi gusto ko ang company mo. Noong burol ni Yel, sobra mo akong inasikaso kahit pinagsabihan kita ng mga masasamang salita. Nakaramdam ako ng guilt noon pero hindi ko masabi sa 'yo."
"If you like me that much then why kiss another woman?"
"Dahil libog ako! Hindi kita matawagan dahil magkagalit pa tayo kaya naghanap ako ng iba."
Aray. Kirot sa puso ang agad na naramdaman ni Trudy habang pinapakinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Mercle. Kagaya nito, gusto niya na rin ang lalaki kaya hindi niya talagang maiwasang masaktan sa naririnig.
"'Yon lang? Wala ng ibang dahilan? Hindi mo man lang isu-sugarcoat?"
Bumuga ito ng hangin bago umiling. Tumango-tango naman siya. Ayon na naman ang mga bato sa kaniyang lalamunan. Tingin niya tuloy ay sunasarado na 'yon at hindi na siya makalunok pa ng laway para basain.
"Okay, 'yon lang ang sasabihin mo?"
Tango lang ang naisagot ng lalaki. And that's it, hanggang doon na lang ang kaya niya. Tinapik niya ang kamay at tinaggal mula sa pagkakahawak nito saka nilisan ang kuwarto.
Hindi naman nagtagal ay sinundan siya ng lalaki saka niyakap mula sa likod. Hindi niya inaasahan 'yon, nagulat siya. Hindi siya makahinga, pero hindi dahil sa pagsikip ng lalamunan ngunit dahil sa mga paru-parung nagkilikot sa kaniyang tiyan.
Hindi niya maintindihan, dapat galit siya rito at dapat lang na itulak niya ito palayo pero iba ang ginagawa niya. Mas lalo niyang gusto itong ihapit papalapit at tugunin ang mainit nitong pagyakap.
Pero hindi, 'wag dapat. Kailangan niyang tatagan ang sarili. Kaya kahit hindi ito tinutulak palayo, pinakita niya ang pagdisgusto sa ginawa nito.
"Ano 'yon, Mercle?" Sinadya niyang magtunog hindi intersado ang tono ng boses.
"Please, Trudy. Isang linggo lang, pag-isipan mo lang ng isang linggo at nangangako ako, magbabago ako at hindi ko na gagawin ang lahat ng ito. Promise, basta dito ka lang sa tabi ko, please!"
Si Trudy, bilang isang marupok na babae, nakaramdam ng kilig habang patuloy pa ring pinapakiramdaman ang mga paru-paru sa tiyan.
Unti-unti, tinango niya ang ulo at hinaplos ang mga kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa kaniyang bewang. Pinasadahan niya rin ng palad ang ulo nitong nakapatong sa kaniyang balikat.
Naniniwala siya rito. Rinig na rinig sa tono ng boses nito kung gaano ito kadesperadong makasama siya. Kaya bibigyan niya ito ng chance at alam na alam niyang magbabago ito dahil hindi ito basta-bastang mag bibitaw ng pangako ng basta lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top