Ch 13. And I defended you to all my friends


HINDI nawala sa isip niya 'yon. Kahit ngayong nasa motorsiklo siya nito habang binabyahe siya pauwi, para bang sirang plaka na umuulit-ulit ang mga katagang binitawan nito habang nag-uusap sila.

Maya-maya tinigil na nito ang motor. Nag-angat siya ng tingin. Nasa kabilang kanto na pala sila mula sa bahay ng mga Elias. Pinaalam kasi sa kanya ni Jewel na narito ang kaniyang mga magulang dahil mayroong pagpupulong.

Celebration daw tungkol sa isa sa pinakamalaking kaso na nahawakan ng mga Elias.

"Hanggang dito na lang ako," sabi ni Mercle saka tinanggal ang gelmet na suot niya.

"Bakit 'di ka sumama sa akin?" Hindi yata siya nag-iisip at lumabas na lang iyon sa bibig niya.

Natawa ang kausap. "Ako? Papapasukin mo sa ganyan kalaking bahay?"

"Oo naman, why not 'di ba? Ipakilala kita kay Jewel."

"Tss, 'wag na."

Binigyan niya ito ng puppy eyes. "Please?"

Bumuntong-hininga ang lalaki, senyales na sumusuko na ito sa ka-cute-an niya.

"Kay Jewel mo lang ako ipakilala, 'wag na sa iba. Baka malaman pa ng parents mo."

Malapad na ang ngiti ni Trudy. Hindi na niya pinakinggan pa ito at hinila na lang patungo sa back entrance na lagi niyang pinapasukan.

Dumaan sila sa likod ng bahay ng mga Elias, inakyat ang fire exit mula sa kuwarto ni Jewel. Madali lang nilang nabuksan ang bintana, hindi na siguro sinarado ng kaibigan dahil inaasahan nito ang pagdating niya.

Nanigas sila sa kinatatayuan nang bigla na lang bumukas ang pintuan nang makapasok na sila. Niluwa no'n si Jewel at Asyong na mukhang problemado. Nakasapo pa sa sariling noo ang kaibigan samantalang si Asyong naman ay hindi mapigilang mangunot ang noo.

Kaagad silang napansin ng bagong pasok. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinulak ni Jewel si Asyong palayo sa kaniya. Bumadha ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Asyong sa ginawa ng babae. Para itong paulit-ulit na sinasaksak sa paraan ng pagtingin nito. Nasasaktan, nakakaramdam ng pagkadismaya.

"Salamat, Asyong, I'm okay now. P'wede ka na umalis." Nagmamadali nitong tinulak ang kaawa-awang driver palabas ng kuwarto saka sila hinarap.

Pilit ang ngiting binigay nito sa kanila. Nauna naman nitong napansin ang kasama niya. Nangunot ang noong binalik ang tingin kay Trudy.

"Bakit mo siya kasama? Alam ba ni Tito?"

Bumuga ng hininga si Trudy at umupo sa dulo ng higaan nito. "Hindi, pero gusto ko siyang isama para ipakilala sa 'yo."

Lumapit sa likod niya si Mercle at bumulong. "'Wag na lang kaya? Uwi na 'ko." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang balikat.

"Please, don't. Si Jewel ang tumutulong sa akin para makatakas paalis ng university. Hindi niya rin ako sinusumbong kay Dad. Gusto talaga kitang ipakilala sa kaniya."

Binigyan niya pa ito ng puppy eyes, nasisigurado niyang lumuluwag na ito. Unti-unti na lang. Pinatulis pa niya ang nguso. Natatawang naiiling si Mercle sa ginawa niya. Samantalang si Jewel naman ay halata ang pagkapahiya at pandidiri kung gaano sila ka-sweet ni Mercle sa isa't-isa.

"Sige, sabi mo, eh." Hinarap nito si Jewel at inilahad ang kamay. "'Oy, Mercle Magdaluyo nga pala."

Tinapunan muna siya ng tingin ni Jewel bago tinanggap iyon at nakipag-kamay sa lalaki. "Jewel Elias."

Napangiti naman si Trudy sa nakikitang pangyayari. Mabuti naman, mukhang magkakasundo ang dalawa. Nawala nga lang ang ngiti sa kaniyang labi nang maramdaman ang pag-alburuto ng tiyan. Kaninang hapon pa pala noong huli siyang nakakain, oras na pala para sa dinner niya.

"Kuhanan ko muna kayo ng pagkain," paalam niya sa mga ito. Pero parang walang mga pake ito sa kaniya. Nakatingin lang ang dalawa sa isa't-isa.

Si Jewel ay naniningkit ang mga matang nakatingin kay Mercle. Habang si Mercle naman ay nakataas ang kilay.

Hindi na lang pinansin ni Trudy ang ka-weird-uhan ng dalawa at nagpasya nang lumabas para sa mga pagkain. Marami ng tao roon, may ibang naka-casual attire at may mangilan-ngilan ding naka-cocktail outfits. Kagaya na lang ng mga magulang niya na natanaw di-kalayuan.

Nagkatamaan yata sila ng tingin ng ina niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagtungo ng kusina upang kumuha ng mga pagkain. Na-busy siya roon kaya hindi na niya napansin ang pagpasok ng mga magulang sa kusina.

Paalis na sana siya nang harahing siya ng mga ito. Malalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Saan ka nanggaling?" striktong-striktong tanong ng ama sa kaniya.

Napaawang lang ang labi ni Trudy pero walang lumalabas doon. Shit! Feeling niya nasa hot seat siya at wala siyang makapa na kahit na anong sagot sa mga nagbabagang tanong ni Kuya Boy.

"Honey, be calm, sinabi na ni Jewel. Nandito siya dumiretso pagkauwi galing campus, stop pressuring our daughter." Nakalapat pa ang palad nito sa dibdib ng ama.

Pinigilan ni Trudy na magpakita ng pagkadisgusto sa pangsusuyo ng ina sa ama. Parang tanga lang, akalain mo'y mga batang palamunin sa bahay na sa jowa nagpapaalam kapag lalabas pero hindi sa magulang.

"Okay, sige, bakit ngayon ka lang bumaba? Tingnan mo nga at nakakahiya kang tingnan, hindi ka man lang nag-ayos!"

Napayuko si Trudy habang pinakikinggan ang panunuway ng ama sa kaniya. Tinatanggap na lang niya lahat ng panunumbat nito.

Nagtanggal pa ng ilang segundo iyon bago sila makarinig ng isang malakas na sigaw. Base sa boses, alam na agad ni Trudy na si Jewel 'yon. Lumabas silang magpamilya sa kusina.

"We're so sorry, it's just our daughter, nanonood kasi siya ng horror ngayon." 'Yon ang dinatnan nila sa may dining room. Panay naman ngiti ang mga Elias sa bisita habang nagpapaliwanag.

Umakyat naman si Trudy sa kuwarto ng babae. Hindi niya inaasahan na susunod pala ang mga magulang. Kaya pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanila ang nobyo saka si Asyong na mukha kaka-bwelo lang mula sa pagsuntok kay Mercle na ngayo'y nasa gilid na ng kama.

May putok sa gilid ng labi si Mercle pero todo lang ito ngisi sKa sinulyapan sila. Doon na nag laho ang mapang-asar nitong ngiti, para tuloy itong nawalan ng dugo sa buong katawan nang matunghayan ang mga magulang niya.

Tumayo ng tuwid at maayos ang posture na pinresenta ni Mercle ang sarili sa dalawang matanda.

"Ano ang nangyari, Jewel? At sino ang lalaking ito?" Ang kaniyang ina.

Pinunasan ni Mercle ang sarili gamit ang tissue na nasa gilid lang. Hindi naman makasagot si Trudy nang itanong kung sino raw ang lalaking sinuntok ni Asyong.

"Jewel, ano ang nangyayari dito? Narinig ng mga bisita ang sigaw mo, nakakahiya sa kanila." Hindi na napansin ni Trudy na nakasunod din pala ang mga Elias sa kanila.

Malaki ang awang ng labi ni Jewel na sinulyapan si Asyong. Nanghihingi ng tulong sa lalaki. Marahas ng napa buntong-hininga ito.

Tiningnan nito si Mercle bago nagsalita. "Pasensya na, ho, boss. Akala ko kasi akyat-bahay ang lalaking ito. Kaibigan pala ni Ma'am Jewel."

Napunta tuloy lahat ng atensiyon kay Mercle na nakatitig lang sa kaniya habang dahan-dahan na pinusan abg gilid ng labi. Namumula ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin dito.

"Sino ka ba ha?" antipatikong tanong ng ina ni Jewel.

Bigla, ay hinila ni Mercle ang kamay ni Trudy at pinakita ang magkahugpong nilang mga kamay. Napasinghap ang kaniyang ina nang mapagtanto ang nais na sabihin ni Mercle. Ang ama naman niya ay bumagsik ang mukha dahil siguro sa galit.

"Boyfriend ko po si Trudy," tila ba proud pa na sabi ni Mercle sa mga ito.

"Trudy, is this true?" Ang kaniyang ina.

Napanganga lang siya. Walang maisip na maisagot dito, para bang na-mental block siya. Ano ba naman ito, napakamalas niya!

"Hindi mo na kailangan tanungin 'yan, halata naman." Ang ama niya. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot , sa takot na baka may gawin itong masama kay Mercle dahil sa kakaibang patalim na tingin ang binibigay sa lalaki. "Kailan pa ito?"

Nakagat nya ang pang-ibabang labi. "Three weeks ago po." Wala siyang choice kundi makisakay na lang sa sinasabing nobyo niya ito. Alangan namang sabihin niya sa parents niya ba isang kaibigan lang si Mercle na tinutulungan siyang makahinga sa pamamagitan ng sex? Pwwde naman niya sabihin, siguro kailangan niya lang ihanda ang sarili sa isang malakas na sampal.

"Hindi ba't sinabi ko nang hindi ka pwedeng makipag-kasintahan hangga't hindi ka nakaka-graduate ng college? Ano ito, Trudy?" Dumadagundong na parang isang kulog sa buong kuwarto ang boses ng ama.

Mariin siyang napapikit. Kailangan na niyang ihanda ang sarili sa matagal na sermon nito sa kaniya.

"Gusto mo bang mabuntis ng maaga, ha?!"

Sa sinabi ng ama ay narinig niyang napaubo-ubo si Jewel. Nanghingi ito ng paumanhin bago muling nakinig sa ama.

"Trudy, marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. Bata ka pa, hindi mo kailangan agad ng nobyo para maging masaya. 'Wag ka namang magpadala sa mga uso ngayon, anak." Dugtong pa nito. "Ngayon, hihiwalayan mo ba siya o itatakwil na kita?"

"Matuto kang humindi."

Sinulyapan niya si Mercle. Alam niya ang mukhang binibigay nito. Gusto nitong sabihin niya sa ama niya na ayaw niyang makipaghiwalay rito. Pero baliw ba ang lalaki? Hindi niya kailanman nagawa iyon. At ngayon ay gusto nitong gawin niya na parang isang mahika lang.

Kagaya niya, ayaw rin niyang makipaghiwalay, hypothetically. Pero iba kasi ang lumalabas sa bibig niya kaysa sa iniisip niya. Tutol siya sa ideyang lalayuan ito, hindi na ito makikita pa kahit kailan. Kaya lang, iba ang ginagawa ng katawan niya sa iniisip.

"Trudy?" Ang ama niya iyon.

Nanginginig ang mga labing binuka niya iyon. May tinig siyang naririnig doon pero walang salitang nabubuo. Gusto niyang um-oo, dahil hindi niya ma-imagine ang sarili na wala sa tabi ng panilya niya pero may malaki ring parte niya ang umaayaw dahil ayaw niyang mawala ang koneksyon kay Mercle. Pero sino naman siya kung wala siya sa pamilya niya?

Handa nga ba siyang kalimutan ang lahat ng iyon para lang sa isang lalaki? Hindi. Hindi naman siya boba para ipagpalit lang ang lahat ng meron siya ngayon para lang sa isang tite na mahahanap niya kahit saan. Pero bakit gano'n? Binubulungan pa rin siya ng sariling utak na humindi kahit na kinokonsidera na niyang hiwalayan ito? Ganoon ba kalakas ang epekto sa kaniya ni Mercle para makipag-kompetsyahan sa pamilya sa larangan ng mahahalaga sa kaniya?

Kung gano'n nga ang sitwasyon, wow, hindi niya napansin iyon. Nakakagulat lang na maisip na ang isang tao ay maaari nang maging mahalaga sa 'yo sa isang iglap lang.

Magsasalita na sana si Trudy nang ang kaniyang ina na ang sumingit sa kanilang usapan. "Romualdo, dalaga si Trudy, siyempre hindi mo naman maalis sa kaniya ang pagkagusto na magkaroon ng boyfriend."

Natahimik ang ama nang magsalita ang kaniyang ina. Parang walang pinagbago, under na under pa rin ito. Tinapunan naman niya ng tingin si Mercle, kunot na nag noo nito at hindi na siya magawang tingnan.

"Sige, pero hindi kayo pwedeng magkita na dalawa kapag wala sa bahay. Dates? Malaki ang dining area, doon niyo gawin. Hang outs? May theatre room kami, katabi no'n entertainment zone, doon kayo. Papayag lang ako sa ganyan kapag may isa o dalawang bodyguard kayong kasama."

"Romualdo!"

"Hayaan mo na ako, hanggang don lang ang makakaya kong ibigay. Now, we need to go down, naghihintay ang mga bisita."

Tatawa-tawang tinapik ng ama ni Jewel ang balikat ni Romualdo. "Ah, kumpare, gan'yan talaga magkaroon ng dalagang anak. Halina't imbitihan ang nobyo ni Trudy para makausap ng harap-harapan."

Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa narinig. Muli, binigyan niya ng tingin ang lalaki pero hindi pa rin ito nakatingin sa kaniya. Nakapamulsa lang habang walang ekspresyon ang mukha na nakapailalim ang tingin.

Hindi naman mapakali si Trudy dahil sa kaba. Para siyang kiti-kiti na sumunod sa mga ito pababa kung nasaan ang party at bisita. Nagtungo silang lahat sa private dining room. Mahaba ang lamesa, maraming pagkain ang nakahanda, at may dalawang upuan sa bawat dulo na parang trono.

Naupo siya sa gitna, katabi si Mercle na wala pa ring imik. Sa dulo ng lamesa ay ang mga padre de pamilya. Magkatabi naman ang kanilang mga ina sa upuan na katabi lang ng kanilang mga ama samantalang nasa kaharap na upuan nila Trudy at Mercle si Jewel. Nag-iisa. Si Asyong ay nasa kabilang banda, sa sulok ng silid. Nakatayo at nagbabantay.

Unti-unti ay nanguha na sila ng mga pagkain. Nakangiti si Trudy na nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Mercle. Nakuha naman iyon ng atensyon ng ama. Base sa ekspresyon nito, hindi nito gustong pinagsisilbihan niya ng ganoong paraan si Mercle.

"So, Trudy, saan kayo nagkakilala ng boyfriend mo?" Tanong ng ama ni Jewel.

Gosh, naiipit na yata ang kaniyang lalamunan. Dahil sa tanong kasi ay parang may malalakas na kamay na mahigpit na pinulupot ang mga iyon sa kaniyang lalamunan. Ang akala niya wala nang mas hihirap sa mga tanong ni Mrs. Tolentino sa recitations nito pero nagkakamali siya.

Malayo sa nararamdaman niya sa tuwing may recitiations ito dahil alam niya, hindi lang piga sa kaniyang lalamunan ang ginagawa sa mga tanong ng tito, pinagsisipa pa ang kaniyang lalamunan hanggang sa hindi na niya makayanang huminga.

"Sa party ni... Jewel po," alanganing sagot niya.

Halata ang gulat sa mga mukha ng mga ito sa sinabi niya. "Say, kailan kayo naging magkasintahan?"

Sinulyapan niya muna si Mercle bago nanginginig ang labing sumgot. "One week after that po. I mean, we're young and hindi rin naman kami sigurado kung tatagal kami. But at least we know we like each other, hindi na namin pinatagal we ended being together."

Pero kahit may eksplanasyon na siya, para lang mas pinagulo niya ang mga utak nito. "So when did you met Ethan?" biglang tanong ng ina ni Jewel.

Natahimik ang lahat ng nasa hapagkainan. Hindi inaasahan ang biglaang pagtanong ng matanda. Doon na siya tiningnan ni Mercle, may pagtatakha na nakahakas sa mukha nito.

Napayuko na lang si Trudy. "The same day po."

"Oh." 'Di maitatago ang tunog ng pagkadismaya sa boses ng ginang. "I don't want to say, hija, but pinagsabay mo sila. Makati ka."

May namumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mata sa naririnig mula rito. Pero parang wala lang ang sinabing iyon para sa babae dahil patuloy lang ito sa pagkain.

"Boyfriend ng kaibigan mo at ng anak ko si Ethan kung meron ka naman na palang kinikilala, bakit mo pa tumikim ng iba?"

Parang isang bato. Parang isang bato sa kaniyang lalamunan ang katotohanan na hindi niya maisuka. Wala na siyang dapat gawin kundi tanggapin na lang lahat ng pang-aapi at panghuhusga sa kaniya ng matanda. At mamaya, kailangan niyang iendura ang bagsik ng ama sa kanya.

"Ma." Si Jewel 'yon. "'Wag mo namang pahiyain sa harapan ng bisita si Trudy."

"What? He deserves to know." Tinuro pa nito si Mercle na tahimik na lang sumimsim ng maiinom.

"Yes, and I deserve to be humiliated like this. Malandi ako, Jewel, we both know it." Ipit na ipit na ang boses niya dagdag. "I'm sorry, Jewel. I'm sorry for being a bad friend to you."

Nagpatuloy sila buong gabi na kumain na parang wala man lang nangyari. Oras na para sa panghimagas, nagpaalam ang ama niya at ninong Clark, ang ama ni Trudy, upang kausapin kuno ng masinsinan si Mercle.

Pero alam niya, tatakutin lang nito ang lalaki. Pagbabantaan. At sa huli, tatakbo paalis ang lalaki. Iiwan siya sa huli dahil nagpadala sa nakakatakot na pagbahanta ng kaniyang ama. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top