Ch 11. You used me as an alibi
Warning: kung ayaw niyo ng sinusundot-sundot na kepyas gamit ang kutsilyo, wag basahin.
Kabadong kumatok si Trudy sa pintuan ng kuwarto ni Mercle. Hindi niya kasi alam kung paano ito magre-react kapag ginulo ang tahimik na pag-e-emote.
"Mercle, bumili ako ng ulam diyan sa baba," tawag niya pa rito pero kagaya ng inaasahan, wala siyang nakuhang sagot. "Kung gusto mong kumain, labas ka na lang, tapos na rin ako mag-saing, ha."
Umalis na lang sa harap ng pinto nito at tiningnan ang cellphone nang marinig ang pagtunog nito para sa notification. Nangunot ang noo niya nang mabasang si Jewel iyon at pinapaalam sa kaniya ang tungkol sa paghahanap ng mga magulang sa kaniya sa bahay ng mga Elias.
Hindi mapakali, pinindot niya ang call button at tinawagan ang dating kaibigan. Galit pa rin siya rito pero sobra sobra na ang kaba niya para isipin pa ang galit na iyon.
"Hello?" pabulong na bungad nito mula sa kabilang linya.
"What do you mean, hinahanap ako?"
"I don't know, ang alam ko lang pumunta sila rito sa bahay para tanungin kung nandito ka. Ang sagot ko naman, pumunta ka sa bahay pedo inutusan kitang bumili ng napkin. Kaya ngayon, nasa baba sila hinihintay ka!"
Kinakabahan na nag-ayos ng gamit si Trudy. Nalimot na niyang magpaalam kay Mercle at umalis na lang bigla.
Hindi naging madali ang biyahe pauwi pabalik sa Panaraqa, may nasiraan pang bus kaya medyo na-delay. Bumaba pa siya para magpa-gas at bumili ng dalawang dosenang napkin. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ng mga Elias.
Itinigil niya ang sasakyan sa likod-bahay saka bumaba roon at nagtungo sa pintong pinapasukan niya kapag gusto niyang maka-hangout si Jewel noong highschool sila.
"Trudy," parang nakahinga nang maluwag na usal ni Jewel.
"Nasaan na si Dad?" Kabadong-kabado siya no'ng oras na iyon. Hindi na nagsalita si Jewel at hinila na lang siya patungo sa sala ng bahay. Naagaw nila ang atensyon ng mga tao sa sala.
Dali-daling inakyat ng ina ang hagdan at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "Ikaw na bata ka, akala namin kung saan ka na nagpunta!"
Walang salitang namutawi sa kaniyang bibig. Tinaas lang niya ang plastik an dala na naglalaman ng napkin na kunwari'y pinabili sa kaniya ni Jewel.
"Sorry, tito, 'di siya agad nagpasabi sa inyo, kasi emergency talaga," palusot pa ng dalaga.
"But we have menstruation pads here, anak, why not it?" takhang tanong ng ina ni Jewel.
Napakamot ng batok ang babae. "I think it's uncomfortable to wear it. I had a rashes one time wearing it."
"Ay gano'n ba? Okay, fine. Next week na mag-grocery tayo, palitan natin. Hija, let me see the napkins you bought." Siya naman ay agad nagpunta roon, iniiwasang madikitan ang ina.
"Look at you, Jewel, ang laki-laki mo na!" Ang kaniyang ina 'yon, sinapo pa ang mukha ng kaibigan.
Nag-iwas na lang ng tingin si Jewel. "I'm going back to my room, mom, dad."
Pigil ang ngiting pinanood niya ito na umakyat sa kuwarto st ang ina naman niya nanlumo dahil sa reaksyon ni Jewel dito.
"PAANO nakabalik ang mom mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jewel kay Trudy habang nasa loob sila ng sasakyan patungong university.
Bumuntong-hininga lang siya. Kahit siya mismo ay hindi alam ang sagot sa tanong na iyon. Naalala niya pa kung gaano nasaktan ang ama sa ginawa ng babaeng iyon dito, kung paano umiyak at ngumawa ito dahil sa panloloko. Tapos ngayon... parang wala lang na tinanggap nitong muli sa buhay nila?
Ang mas malala, umaakto ang mga ito na parang walang nangyari. Parang walang nakaraan, parang hindi siya nasaktan, parang hindi siya nanakawan ng kabataan. Nang magdesisyon kaya ang ama niyang makipagbalikan dito, naisip kaya siya nito? Naisip kaya nito kung, napatawad na ba niya 'yong taong nagbigay sa kaniya ng ganoong trauma?
"Saan ka galing no'n?" Nabalik siya sa realidad nang marinig ang tanong ni Jewel.
"Huh?"
"Kahapon, saan ka galing? Bakit bigla ka na lang umalis?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Tingin mo ba, dahil niligtas mo ako kahapon balik na tayo sa dati?"
Natahimik ang dalaga. Mukhang nagulat sa sinagot niya. Malapit na sila sa paaralan, napatingin siya sa rearview mirror kung nasaan si Asyong, ang driver nilang naghahatid-sundo. Hindi sila natatakot na mag-usap na dalawa ni Jewel kahit nasa sasakyan ito, mukha naman kasing mabait ang tao at in-assure na siya ni Jewel na mapagkakatiwalaan ito.
Kunot ang noo ni Trudy nang makitang ninakawan ni Asyong ng tingin si Jewel. Pasimple siyang bumaling sa gawi ng kaibigan, may ngiti ito sa labi na inirapan ang nasabing driver.
Hindi siya dapat nag-a-assume pero sa iisiping mapagkakatiwalaan daw ito ayon kay Jewel, mukhang may kakaibang atmosphere nga ang dalawa. Kailan pa kaya iyon nagsimula? Hinuha niya ay noong naghiwalay ito pati na rin ang isang taon ng si Ethan. Ugh. Si Ethan.
Speaking of boyfriend, nakalimutan niya palang magpaalam kay Mercle na aalis. Sigurado siyang hahanapin siya nito roon. Gusto niya sanang i-check ang cellphone kahapon pero na low battery na siya kaya wala ng chance para makausap niya ito.
Luckily, nai-charge na rin niya ang phone pero hindi pa nabubuksan. Ayaw kasi ng kaniyang ama na nakikitang nakapatong sa hapag-kainan ang mga phones lalo na kapag kumakain. Natatakot naman siyang buksan 'yon lalo na sa loob pa ng sasakyan, baka kasi sumabog ang notification sa messages nito. Mabuko pa siya kay Jewel at Asyong.
Nakarating na sila ng campus, nagmamadaling lumabas ng kotse si Trudy dala-dala ang phone. Nakapikit ang isang matang binuksan ang phone pero hindi kagaya ng inaasahan, hindi sumabog ng notifications ang phone niya. Mangilan-ngilan lang 'yon.
May tatlong text sa kaniya si Mercle at dalawang missed call.
Ayaw niya sanang ma-disappoint pero 'yon ang nararamdaman niya ngayon. Naiintindihan naman niyang nagluluksa ito akala niya tuloy ay mas kakailanganin siya at mas iisiping ayaw nitong mawala siya. Laylay ang balikat na pumasok siya ng entrance.
"Trudy!"
"Trudy."
Dalawang boses ang narinig niya. Isa kay Jewel mula sa likod niya at isa kay...
"Mercle, ano'ng ginagawa mo rito?" nagpapanik niyang saad.
Mahigpit siyang niyakap nito na mas lalo niyang ikinapanik. Ayaw rin naman niyang itulak ito dahil gustong-gusto niyang nararamdaman ang mainit na pakiramdam ng katawan nito.
"Trudy, sino... siya?"
Napasinghap siya nang marinig ang nagsusupetsya na si Jewel. Bumitaw siya sa halik at hinarap ang babae. Umawang ng kaunti ang bibig niya para sana magsalita pero agad ding itinikom nang hindi makahanap gn tamang salita na masasabi.
Naniningkit ang mga mata nito. "You look like the guy who ogles on our building... 'yong parating hinahabol ng guard doon?"
Napanganga si Trudy. "Sino?"—Tinuro si Mercle na walang ekspresyon na nakatingin sa kanila—"Ito ba?"
"Yes, teka nga, siya ba ang dahilan kung bakit ka nawal kahapon?"
Marahas na umiling si Trudy. "Of coutse not! Kaibigan ko lang siya, 'no."
"Ang layo ng tinanong ko sa sagot mo, oh, well, hindi naman kita masisisi. Very stressful ang college, kailangan ng pampahangin." Kumindat pa sa kaniya si Jewel. "Sige na, hindi ko sasabihin kay tito ito. Mauuna na ako."
Natahimik silang dalawa na natira doon. Maya-maya'y nagkakasulyapan at nag-iiwasan.
Binasag na ni Mercle ang katahimikan. "Tinawagan kita, hindi ka sumagot."
"Ngayon ko lang nabuksan ang cellphone ko, akala ko nga puno ng texts mo ang phone ko."
"Naubusan ako ng load."
Tumango-tango siya. "Ahh..."
"Kumain ka na ba?" tanong niya, masisisi mo ba siya? Wala na silang mapagusapan na dalawa!
"Oo, ikaw ba, hindi ka pa papasok?"
"'Yong totoo?" Nag-angat siya ng tingin dito. "Ayokong pumasok ngayon, mas gusto kitang alagaan."
May maliit na ngiti ito sa labi. "Parang gusto ko ring magpaalaga sa 'yo ngayon."
Binrush niya gamit ang daliri ang buhok nito, mula sa noo hanggang sa ulo. "Tara, alagaan muna kita. 'Yong mata mo, medyo namamaga, bibili tayo ng pang-eye irritation na gamot."
Hawak-kamay nilang nilisan ang lugar. Walang pangamba si Trudy na nagsisimula na ang klase niya at absent siya. Basta nasa isip niya lang ang kalagayan ng lalaki pati na rin ang kagustuhan niya.
NAKAHIGA si Mercle habang nakapatong ang ulo sa kaniyang hita, nakaupo naman siya sa couch habang nanonood ng T.V.
Buong araw siyang hindi pumasok para mabantayan at samahan si Mercle sa bahay nito. So far, hindi siya nag-regret sa ginawa. Masaya nga siya, actually. This is cozy, comfortable, and she feels downright complete.
Parang ito na lang ang gusto niya sa buhay. Kasama ito, si Mercle.
Ngingiti-ngiti pa si Trudy nang biglang msy kumatok sa apartment nito. Base sa mukha ni Mercle ay wala itong inaasahang bisita, mukha kasi itong nagtatakha dahil sa nakakunot nitong noo.
Pagkabukas nito ng pinto ay bumungad sa kanila ang dalwang lalaki. "Sensya sa nangyari kay Natoy pero may narinig akong sabi-sabi. Tigil ka na raw sa operasyon?"
Tinapunan siya ng tingin ni Mercle bago muling ibinalik ang tingin sa kausap. Tumango ito sa lalaki.
"Kailangan mo nang mag-evacuate, Pare, inutusan ako ni bossing na ipatumba ka."
Gumapang ang matinding sindak sa buong katawan ni Trudy sa narinig. Napakatindi ng kabog ng puso niya, ipapatumba raw ang lalaki? Hindi maaari 'yon!
Tatayo na sana siya sa kinauupuan nang senyasan siya ng binata na umupong muli. Hindi maitatago sa mukha ang pangamba na nanlulumong napaupo sa couch.
Nagtagal ng ilan pang mga segundo ang usapan ng mga lalaki bago ito muling bumalik sa kinaroroonan niya.
"Aalis ka 'di ba?" Ayaw man niyang mag-tunog nanghihinayang ang tono ng boses niya, ay hindi niya pa rin nagawa dahil sa sobrang pagkadismaya.
"Kailangan kong umalis, unless gusto mo akong mamatay?"
"Pa'no kung, wag ka na lang umalis? Like, sa bahay ka tumira or something?"
Walang buhay itong natawa. "At hayaan ang tatay mong pumatay sa akin? 'Wag na."
"Pero you're still grieving! I don't think... I, I don't think kakayanin mo ang-" Huminga pa siya ng malalim. "Ang bumiyahe agad? At saan ka pupunta? Safe ka ba ro'n? Sa tingin mo ba walang pinadalang spy 'yong boss mo sa pupuntahan mo?"
"Kung gusto mong sumama, Trudy, sumama ka na lang."
Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. "P'wede?!" Bigla ay tila nanghihinayang na napasandal ito sa couch. "I mean, hindi pa naman kita masyadong kilala. Hindi ako dapat sumama sa 'yo."
Lumapit sa kaniya si Mercle. Ang dalawang kamay tinukod sa gilid ng kaniyang katawan. Bahagyang napaatras si Trudy dahil papalapit na nang papalapit ang mukha ni Mercle.
"Gusto mo ba akong makilala, Trudy?"
"A-Anong..."
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla na lamang siyang siilin ng mainit na halik. Naramdaman niyang gumapang ang kamay ni Mercle mula sa paa niya hanggang sa binti patungo sa pangupo.
May panggigigil na pinisil nito iyon saka dinikit ang kaselan nila sa isa't-isa. Hindi niya naiwasang mapaungol sa ginawa nito. Ang sarap sa pakiramdam, kiniskis niya pa ang sarili doon na mas nagpaungol sa kaniya.
Humina lang ang kaniyang mga halinhing nang takpan nito ang bibig niya kahit pa sumasabay rin ito ng pagkiskis habang nakatingin sa mga mata ni Trudy. Ang hot tingnan, mas umiinit pa ang pakiramdam niya dahil sa ginagawa nito.
"Maririnig ng kapit-bahay. Gusto mo bang malaman nila kung gaano ka kadumi, ha, Trudy? Gusto mo bang ipaalam sa kanila kung gaano ka kalibog at kung paano ka magmakaawa sa akin para lang masarapan?"
Shit! Mas tumaas pa ang libido sa katawan dahil sa narinig!
"Trudy, sandali." Tumigil ito sa paggiling sa ibabaw niya samantalang siya ay nagpatuloy lang sa kiskis. "Wait," humihingal na nitong saad. "Hindi ako basta-basta lang sa sex, sweet girl." Pinatakan ni Mercle ng halik ang noo niya.
Doon siya natigilan. Kumunot ang noo sa kaguluhan. "What do you mean?"
Binitawan nito saglit ang bibig niya at may kung anong hinila mula sa backpocket ng jeans na suot. Nanlalaki ang mga mata ni Trudy nang ilabas nito ang isang pocket knife. Mabilis pa sa alas-kuwatro na tinakpan ni Mercle ang bibig niya.
"Sinabi ko na sa 'yo, hindi ako basta-basta lang. Gusto ko ng may ganito, Trudy."
"Huh? Ano'ng may kutsilyo?!"
Tumango ito. Pinakiramdaman ni Trudy ang sarili. Nakakaramdam siya ng takot, pero hindi lang takot iyon, nakahalo ang mas malalim na pagnanasa, excitement, at kakaibang pakiramdam sa kaniya. Parang gusto niyang kumawala at magpahabol kay Mercle habang hawak nito ang kutsilyo, at kapag nahuli na siya, it-trace nito gamit ang kutsilyo ang mukha niya pababa sa gitna ng dibdib.
Napalunok siya sa iniisip. Mas namasa pa yata siya sa iniisip at mas nag-outline ang mga utong niya sa damit na suot dahil sa senaryong pumasok sa isipan niya.
Kaya imbes na umayaw sa gusto nito. Walang takot siyang sumagot ng, "Ipakita mo sa 'kin, ipakita mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin habang hawak ang bagay na 'yan, Mercle."
Mas nagliyab ang itsura nito sa sinabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top