Ch 10. Well, I hope I was your favorite crime
Nagising si Trudy sa amoy ng alkohol at pinaghalong mga kemikal sa maputing kuwarto na kinalalagyan niya. Napaangat siya ng ulo nang makitang bumukas ang pinto. Pero natigil din nang maramdaman ang pagiging light headed niya. Nasapo niya na lang iyon at hindi na sinubukan pang tumayong muli.
May ngiti sa labi na sinalubong siya ng isang babaeng na nakasuot ng white coat lab. Ah, saka na lang bumaon sa kaniya ang realisasyon na nasa ospital siya at ang babaeng kaharap ay isang doktor.
Naglabas ito ng parang flashlight at masuyong tiningnan ang kaniyang mata habang nakatapat sa kaniya iyon. Natapos na ang ginagawa nito ay hindi pa rin makapagsalita si Trudy. Kinakabahan siya, nag-skip siya ng classes niya, malamang ay aabot iyon sa ama niya! At paano na lang kung pagkarating nito rito ay malaman na mayroon siyang sakit, magiging pabigat naman siya ngayon sa ama?
"Ms. Nuez, how are you feeling?" tanong ng doktor pero binalewala niya iyon at muling sinubukang tumayo. Masama nuya itong tiningnan nang pigilan siya.
"Ano ba? I have to get out of here before my father comes!" pag-wawala niya pa.
Piniid pa rin siya ng doktor sa kam,a at binigyan siya ng marion na tingin. "Ms. Nuez, I need you to relax, mahina pa po ang katawan niyo mula sa isang oras na unconsciousness.
Pilit siyang tumayo pero mas may lakas pa rin ang doktor kaysa sa kaniya, natigil lang sila sa ginagawa nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal no'n si Mercle. Oo nga pala, ito ang nagdala sa kaniya patungo rito.
Nahihiya naman siya na nahigang muli sa higaan. Ayaw na niyang makipag-argumento pa, mukhang magiging dalawa pa ang makakalaban niya. Umupo si Mercle sa tabi ng hinihigaan niya, humarap naman ang doktor dito.
"Mr. Magdaluyo, nakarating na ba ang father ni Ms. Nuez?"
Napasimangot si Trudy.
Umiling si Mercle. "Hindi pa, dok, baka parating na."
"Okay, good, hindi ko pwedeng i-disclose ang nangyari kay Ms. Nuez unless narito na ang relative niya. I have to run some errands, kapag nandito na si Mr. Nuez, tawagin niyo lang ako."
Hindi na sila nagsalita at tumango na lang saka pinanood itong lumabas ng kuwarto. Nang maiwan sila ay napuno ng katahimikan ang buong silid. Nakakabingi na 'yon sa sobrang tahimik. Buti na lang, tumikhim si Mercle.
"Trudy?" tawag pa nito sa kaniya.
"Hm?"
Binasa pa nito ang labi bago nagsalita. "Pwede bang iba na lang ang tawagan mo kapag nangangailangan ka ng tulong? Hindi naman sa ayaw ko, pero sana 'wag na lang ako palagi ang hanapin mo. May kaibigan ka naman siguro? Sila na lang."
"Hindi 'yan ang sinabi mo sa akin noong nakaraan." Nag-iiwas ng tingin niyang sabi.
Napahilamos ng mukha si Mercle. "Nadala ako sa pagka-awa ko sa 'yo no'n pero hindi ko pala kayang nand'yan parati para sa 'yo. May kailangan din akong asikasuhin para sa sarili ko."
"You mean sa negosyo mong ilegal?"
Hindi na lang nakasagot si Mercle. Nagbitaw ito ng parang napapagod na hininga. Tumalikod naman ng higa si Trudy mula rito.
"Sige na, makakaalis ka na, maghahanap na lang ako ng mga kaibigan kahit wala ako no'n."
"Puta. Hindi kita responsibilidad, Trudy, 'wag mo naman ako i-guilt trip!"
Bumaling siya rito at masamang tiningnan. "Pinapaalis ka na nga 'di ba? I mean, hindi nga tayo masyadong magkakilala, kaya I agree. Get out!"
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Mercle bago nagmamadaling lumabas ng silid. Nanatili namang nakahiga lang si Trudy, napakabilis namang nagbago ang isip nito. Hindi siya makapaniwala, tinuturing niyang kakampi ang lalaki pero bigla na lang siyang binitawan ng mga gano'n, at ngayon pa talaga nasa ospital siya at mukhang kawawang-kawawa! Hindi man lang naghintay ng magandang oras para sabihin ang lahat ng 'yon.
Hindi nagtagal, bumukas din ang pintuan. Inaasahang si Mercle iyon at muling lumambot ang puso, mabilis siyang umikot. Pero napuno ng pangamba ang buong katawan ng ang ama ang natunghayan.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Inaasahan na niya ang malakas na panenermon ng ama sa kaniya nito. Pinilit niya ang sariling mapa-upo kahit na medyo sumasakit ang ulo niya dahil doon.
Ibubuka niya sana ang bibig pero nabitin ang sasabihin niya nang salubungin siya ng yakap ng babaeng hindi niya inaasahang makikita niyang muli.
Hindi siya agad nakagalaw dahil sa pagkabigla. Nakasapo na ngayon ang mga kamay nito sa mukha niya at may magiliw na ngiti sa labi.
"Naku, anak, ang tagal kitang hindi nakita!"
Nag-iwas ng tingin si Trudy. Gusto niyang sumbatan ito pero hindi niya magawa, kasama nila ang ama, malamang ay kakampihan nito ang walang hiyang manlolokong ina niya.
"Mrs. Nuez, Mr. Nuez, I'm glad you're already here." Nakipagkamayan ang kaniyang mga magulang sa doktor. "It seems like your daughter had a panic attack due to stress and lack of sleep."
Humarap ang ina niyang si Teri sa kaniyang ama na si Romualdo. Napapaypay pa ito ng sarili.
"My gosh, Romualdo! Napakabata pa ni Trudy para makaranas ng ganitong stress, ano ba ang ginawa mo sa anak mo at nangyari ang ganito!" Paninisi pa ng matandang babae sa asawa.
Hindi napigilan ni Trudy ang mapakapit ng mahigpit sa bed sheet. Namumuro na ang babaeng 'yan! Darating na lang bigla na parang wala lang at ang tatay pa niya mismo ang sisisihin!
Napakamot na lang ng batok si Romualdo, nawala na ang matapang at maawtoridad na aura nito na kinakatakutan ni Trudy.
"Walang ginawa si Dad maliban sa alagaan ako. Eh ikaw, may ginawa ka ba?"
"Trudy Winell Nuez!" Kumulog sa buong kuwarto ang namumuo sa galit na boses ng ama dahil sa sinabi niya. "Nasaan ang respeto mo? Nanay mo pa rin siya!"
"Sorry, Dad," paumanhin niya kahit hindi na makatingin pa sa mga kausap.
Natahimik ang lahat nang panandalian hanggang sa harapin ni Teri ang doktor.
"We're so sorry, Doktora, can you continue what you were saying?"
Pilit na ngumiti ang doktor at nagsalita. Hindi na narinig ni Trudy ang mga sinabi nito. Muli na lang siyang bumalik sa pagkakahiga at pinikit ang mga mata.
Ngayong nandito na ulit ang ina niya, kahit hindi niya alam ang dahilan, malamang ay titira ito sa bahay nila. Ngayong mga oras niya dapat hinahanap si Mercle dahil sigurado siyang sa oras na mapuno siya, magwawala siya at masusumbatan ang ina. Magagalit sa kaniya ang ama at may tendency na palayasin siya kapag nangyari 'yon.
Pero wala na eh, sobrang bilis na nag bago ang isip nito. Mukhang nakahanap ata ng ibang babae na makakasama sa tuwing nag-iinit. Epekto yata ng pagtanggi niya sa mga in-offer nito noong nakaraan.
MAG-IISANG LINGGO na sa bahay nila ang ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Trudy. Ano kaya ang ginawa ng ina niya para hayaan ito ng marupok niyang ama na bumalik sa mga maayos na nilang buhay.
Kung sinabi sana ng kaniyang ama na may ganitong mangyayari e 'di nakapaghanda sana siyang pigilan ang sariling tingnan ng masama ito kapag tinatalakan siya! Kaurat naman! Isang araw nga ay sinalubong siya nito sa mismong entrance ng bahay nila.
"Kumusta ang school?" May giliw sa ngiti nitong tanong.
Samantalang siya ay walang kangiti-ngiting sumagot. "Kumusta ang mga lalaki mo?"
"Trudy!" Nanlamig ang buong katawan niya nang marinig sa bandang likuran ang ama. "Gusto mo ba talagang ituloy ko ang balak na pagpapaluhod mo sa harap ng mga Elias? Kung hindi lang nagmakaawa si Jewel na 'wag ituloy baka ingudngod na kita ngayon sa lupa na kinatatayuan ng mansyon nila!"
Matinding pagpipigil ang ginawa niya para lang hindi irapan ang mga magulang. Tinungo na lang ni Trudy ang ulo at nagpaalam paakyat sa kuwarto. Nganga naman ang ginawa niya roon pagkarating.
Kanina pa siya nakabantay sa cellphone pero kagaya ng inaasahan, walang Mercle na tumawag sa kaniya. Nakakapagtaka lang talaga masyado, bakit bigla na lang nagbago ang isip nito at bigla na lang siyang binitawan? Napaayos ng upo si Trudy. Hindi kaya totoo ang hinala niya? Ayaw naman niyang maghigpit sa kaibigan pero sana ay sabihan man lang siya nito para nakapaghanda siya at makahanap ng iba na makakasama sa pagtrip niya.
Eh, kung puntahan niya kaya ito sa mismong bahay nito? Desidido na si Trudy at kumbinsido na napakaganda at perpekto ang naiisip niya. Naghanap siya ng damit at agad na nakakita ng pulang floral dress. Kinuha niya ang car keys at akmang lalabas na nang biglang sumigaw ang ina.
"Trudy, you have to study for your biology exam tomorrow!" bigay reminder pa nito.
Agad na nag-init ang ulo niya. Napakapapansin! Akala mo naman ay napakaraming alam tungkol sa kaniya at nangyari sa buhay niya. Hindi siya nakinig sa ina at lumabas pa rin.
Mabilis ang biyahe niya patungo sa building kung nasaan ang apartment ni Mercle. Bababa na sana siya nang makita itong palabas ng building at tinungo kung saan nakaparada ang sariling motorsiklo.
Naningkit ang mga mata niya, mukhang tama ang hinuha niya! Nakahanap na ito ng ibang kasama! Naku, nakakgigil ang lalaking ito. 'Wag lang niya itong mahuling nakikipagsalo ng yosi kasama ang kung sino mang 'yon, dahil hindi niya kailanman mapapatawad ito.
Habang palapit siya nang palapit sa pinupuntahan nito, doon na dahan-dahan siyang nagmaneho. Malaki na ang awang ng labi niya at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Bumaba sa motorsiklo si Mercle at nakisalo sa mga taong nakaputi, kung nasaan ang burol.
Hindi, mali. Mali ang hinuha niya, ito pala talaga ang dahilan kung bakit hindi na siya kinakausap pa ni Mercle. Oh my! Masyado siyang masama mag-isip sa taong ito. Puno ng awa at handa nang manghingi ng tawad ay bumaba siya ng sasakyan saka tinungo ang burol.
Nakatingin lang aa kaniya ang mga tao roon. Ang iba ay hindi makapaniwala, karamihan naman ay masama ang tingin sa kaniya. Doon na lang niya napagtanto ang kulay ng suot. Kulay pula na floral dress! Napapahiyang tumalikod siya at muling pinuntahan ang sasakyan.
Pero rinig niya sa kaniyang likod ang mabibigat na yabag. Alam na jiya kung sino.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Tangina, Trudy, 'di mo ba ako tatantanan? Pati ba naman burol ng kaibigan ko sisirain mo!"
Binasa ni Trudy ang labi. "Nandito lang ako para mag-sorry, Mercle."
"Para saan? Para sa pagsuot mo ng pula sa burol ng kaibigan ko o dahil ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay?" Pinuno ng katanungan ang utak niya dahil sa sinabi nito.
"What do you mean?"
Bumuga ito ng hangin at marahas an nag-iwas ng tingin. "Wow, okay, sige. Naisip mo ba noong... noong tumatawag ka, "baka may kailangang gawin ito?" na baka meron akong importanteng ginagawa o ano."
Natahimik si Trudy. "Hindi... wala, hindi ko na naisip lahat ng 'yan dahil focus lang ako sa sarili ko."
"Oh, tangina, iniwan ko si Yel kalagitnaan ng transaksyon para alamin kalagayan mo! 'Di ko naman inaasahan, nag-iinarte ka lang pala."
"Inarte?!" hindi makapaniwalang saad ni Trudy.
"Oo, Trudy, inarte! Sasabihin naman sa akin ng doktor yong dahilan kung bakit ka nagkaganon maliban na lang kung merong nakakahiyang bagay na nalaman ang doktor?" Puno ng hinanakit nitong sabi.
Nanginig ang labi niya dahil sa nagbabadyang luha. "I... I had a panic attack! I was out of breath, ang lakas ng tibok ng puso ko, dumidilim ang paligid ko! Hindi ako ang nagkukunwari, Mercle! Ang babaw naman ng tingin mo sa akin!"
Napahilamos ito ng mukha pati na rin ang buhok. "Tangina!" galit na galit iyon, ramdam niya ang matinding init ng galit sa binitawan nitong salita. "Kasalanan ko 'to. Iniwan ko siya para sa isang babae, puta."
"I'm so sorry, Mercle," tanging naiusal na lamang ni Trudy. Grabe, to think, pinag-isipan niya pa ito ng masama! Feeling niya tuloy napakasama niyang tao. Nahihiya siyang harapin ito. "Aalis na ako." Tatalikod na sana siya pero hinila siya ni Mercle.
"Iuwi mo na lang muna ako, Trudy. 'Di ko yata kayang mag-drive."
"Kararating mo lang?"
Kamot ang batok itong sumagot. "Tara na."
Bumuntong-hininga siya. "Fine." Inakala ni Trudy na sa passenger's seat ito pero mukhang pagod nga ang lalaki dahil sa backseat na lang ito pumwesto.
Wala itong imik buong biyahe. Hanggang sa makarating na sila sa tinutuluyan nito ay hindi siya kinausap at nagkulong na lamang sa kuwarto. Naiwan naman si Trudy sa sala. Sa panahong iyon, wala siyang balak na iwan itong magmukmok lang sa kuwarto.
Nasa isip na niya ang mga bagay na ginagawa ng mga kagaya ni Mercle na nagg-grieve. Alam na niya, kita na ng dalawa niyang mata kung paano gumanyan ang ama.
Walang kain, walang tulog, walang galaw. Wala lahat. Walang pakialam sa sarili at sa ibang tao. Gayunpaman, nasa tabi lang ng ama si Trudy at hindi ito pinabayaan.
Ganoon din ang gagawin niya kay Mercle. Kahit pa na ipagtabuyan siya nito at sisihin sa mga nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top