Prologue
Lagi na lang ba akong iiyak sa isang gilid habang nakikita ang mahal kong masaya sa mahal niya?
Ano nga ba ang dapat kong gawin para mahalin niya?
Anong kulang sa akin at hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko?
Nagpakatanga ako sa kadahilanang, MAHAL KO SIYA...
Nagpakamartyr ako sa kadahilanang, MAHAL KO SIYA...
Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya, at gagawin ko ang lahat maging masaya lang ang taong mahal ko.
Minsan naiisip ko.. May punto kayang, titigil na ako sa katangahan ko?
When will the time that I'll tell myself that.. STOP!
***
"STOP! Tangina! Ang sakit na eh! I just love you, but why can't you love me back? Ano ba ang meron siya na kailangan kong gawin para mahalin mo ako?"
He looked at me and grinned. The grin I use to love, ang isa sa mga bagay na minahal ko sa kanya. Na pinili ko pang isiksik ang sarili ko sa kanya para lang mahalin niya ako, na kahit alam kong ni katiting na pag asa ay wala ako.
"Anong meron siya na wala ka?" hindi makapaniwalang tinignan niya ako ngunit ngumisi na naman.
"Ang tanging meron siya na wala ka, ay AKO. You can't have me, and you will never have me. I will never be yours, Deborah. Yan ang tandaan mo..."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top