Prologue


Kahel

 

It's easy to be a bully at napakadaling mang-bash ng tao. Marami ring mahilig maki-bash. Iyong hindi naman nila alam ang totoong issue, pero ang hilig nilang makisawsaw.

 

Hindi ko sila pinapatulan. It's hard to argue with people who can't think for themselves.

 

Ang buhay mag-aaral ko ay madalas nasa bottom ng social food chain. My high school life became a mess when someone else outed me. I'm gay; I wasn't ready to let the world know, but my ex-boyfriend was ready to do it for me instead. Then he denied our relationship when he saw how people reacted to my sexuality.

 

I honestly didn't know na kasalanan pala ang maging bakla.

 

I was left there alone, hanging by a thread. Strange eyes were darting, judging my personality based on someone else's mouth. That was supposed to be my closet. I was happy inside it. I should have been the one to open it on my own.

 

Mula nang ilantad ako, my teammates from the swimming team felt used. The girls who used to have a crush on me felt betrayed. Hindi ko naman sila inaano. I was just a quiet boy minding my own business, away from anyone's eyes. Pero sinimulan nila akong kutyain dahil sa paglilihim ko. Dapat daw matagal na akong umamin ara hindi na raw umasa ang mga nagkagusto sa akin. Para hindi na raw naghubad sa harap ko ang mga teammates ko tuwing nagbibihis kami sa locker room after practice.

 

Pambihirang buhay 'to. Lumabas man ako o magtago sa loob ng closet ay kasalanan ko pa rin. Worse, they wanted me to come out at their own convenience.

 

Sa pagkakaalala ko, closet ko 'yon, hindi kanila.

 

I have this talent for being blamed for things I've never done. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi naman ako mukhang tarantado. Mabait naman ako, and I always follow the rules. I'm nice, both physically and emotionally.

 

Perhaps that was the problem. I looked and acted too nice, and I tend to overlook people who have done me wrong. That's why some people think that I'm always willing to take the blame. Mas madali yata para sa kanila ang magturo ng daliri kaysa alamin ang totoo. Maybe I'm just unlucky. So when I reached college, I decided to stay low-key.

 

Pero may biglang sumulpot na asungot sa buhay ko, si Drake. He has been pestering me in school and even at my job at the mall.

 

I honestly thought he liked me. We even kissed one time. But seeing him with his ex-girlfriend being so touchy makes me think otherwise. Actually, ayos lang naman sa akin para tantanan na niya ako. Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Ayoko na ng gulo. The last thing I want is to be the center of attention, dahil nali-link ako sa pambansang heartthrob ng paaralan ko. Doon na lang siya sa babae niya, mukha naman siyang masaya. At saka mukhang maipapasa ko naman itong bagong trabaho ko. Drake has been searching for me at my part-time job at the mall, and I guess this new job in Ocean Park would suffice habang tinataguan ko siya.

 

"Kahel ang pangalan mo, tama?" tanong sa akin ng mamang naka-pang-janitor uniform. Hindi ko talaga akalaing siya ang may-ari ng Ocean Park na 'to. Magulo kasi ang buhok niya, medyo balbas-sarado, at siya mismo ang naglilinis ng aquarium nila. Sa tantiya ko ay nasa edad 40 na siya.

 

"Opo, Sir—"

 

"Kuya Tom na lang ang itawag mo sa akin."

 

Panay lang ang ngiti ko kay Kuya Tom habang kapanayam niya ako para sa trabahong nais kong pasukan. Pero ang totoo, kanina ko pa gustong bumahing dahil kumakapit sa suot niya ang amoy ng chlorine na pinanglinis niya sa pool kanina.

 

"You honestly caught me in a bad time, Kahel." Inilipat ni Kuya Tom ang pahina ng on-the-spot na pina-print kong resume sa malapit na piso print. "Maraming naunang aplikante sa iyo at medyo demanding itong schedule na gusto mo."

 

"A, ganoon po ba?" Napakamot na lang ako ng ulo. Ayos lang naman na hindi ako matanggap dito. May ibang trabaho namang puwede kong pagtaguan kay Drake.

 

"Pero gusto ko itong background mo sa swimming team ninyo noong high school. Siguro puwede kitang isingit bilang entertainer instead of tagalinis."

 

Medyo kumurba pataas ang labi ko. Mukhang sa tamang lugar ako dinala ng mga paa ko sa maghapon kong pagtago sa ungas na si Drake.

 

"Naku, Kuya Tom! Kahit ano pong raket, ayos lang."

 

"Talaga?"

 

"Opo!"

 

"Kaya lang kasi may isa pang aplikante, sabi ko sa kaniya kahapon pag-iisipan ko pa kung kukunin ko siya."

 

"Ganoon po ba?" Kung minamalas nga talaga ako, o!

 

"Sige, ganito na lang." Mabilis na inilapag ni Kuya Tom sa lamesa ang aking resume. "May tanong kasi ako sa kaniya kahapon na hindi niya nasagot ng tama kaya nag-alangan akong kunin siya. 'Pag ito nasagot mo nang tama, you can start today."

 

Ang tuwa ko kanina ay nahaluan ng kaba. May tumatambol sa dibdib ko na parang gustong kumawala. Para akong nasa quiz bee bigla.

 

"G-game, Kuya!"

 

"Hmm." Umayos ng upo si Kuya Tom. Sumandal siya sa upuan sabay umikot patapat sa bintana ng opisina niya. Sa malayo ang kaniyang tingin bago niya pinakawalan ang isang kakaibang tanong. "What is the farthest distance?"

 

Distance? Distance of what?

 

Wala nang kasunod ang tanong niya.

 

Ano 'yon? Iyon na 'yon? Napabusangot ako habang magkasalubong ang aking mga kilay.

 

Naghihintay ako ng iba pang salitang lalabas sa kaniyang bibig. Pero noong umikot siya paharap sa akin, nakataas ang kaniyang kilay indicating that that was the exact question.

 

"Mukhang hindi mo rin alam ang sagot, Kahel—"

 

"Six feet!" bulalas ko bigla. Hindi ko alam kung saan ko kinuha iyon. Paniguradong hindi sa mga librong nabasa ko na. Pero iyon ang unang pumasok sa utak ko.

 

Napabuntonghininga siya. He leaned forward for a few seconds. He was looking at me straight in the eye then a smile sprouted from his face.

 

"You can start tonight," biglang sabi ni Kuya Tom. Agad itong tumayo.

 

Nagulat ako sa sinabi niya. Lalabas na sana siya nang bigla ko siyang tawagin.

 

"Teka lang, Kuya! Tama ba ang sagot ko?"

 

"Actually kulang, it should be 'six-feet deep'," natatawang tugon ni Kuya Tom bago siya tuluyang lumabas at isarado ang pinto.

 

Naiwan akong nakangiti sa opisina niya. Nakatulala lang ako sa kawalan. Then it hit me. Out of nowhere, my father's face appeared in my head.

 

Naaalala ko na kung saan ko nakuha iyong sagot. I've been working my whole life since I was little mula noong maulila ako sa ama. My father suddenly died from an unknown cause at ako ang kasama ni Mama na nag-asikaso sa pagpapalibing niya. We begged other people for help back then. I even had to sell some of my father's hand-made sculptures just for him to have a proper grave.

 

"Six-feet deep," malambing kong bigkas habang napalingon din sa bintana. Ganoon kalayo. Umiiyak ako noon habang nakatingin sa kabaong niya na ganoon kalalim. "That's the average depth of a grave kahit noong unang panahon. That's the farthest distance of losing someone you love."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top