Chapter XXXVII: Magical
Kahel
MAGICAL—Ganito ko mailalarawan ang buong paligid. Dati ay sa mga litrato at video ko lamang nakikita ang lugar na ito. Pero ito ako ngayon, nakatayo sa harap ng Eiffel Tower.
Nakasuot ako ng berdeng trench coat at may guwantes pa dahil sa lamig. Nakatingala ako sa Eiffel. Kung iisipin ay para itong signal tower. Pero kakaiba ito. Parang puno ng alaala ng mga taong nangarap, nabuhay, at umibig sa palibot nito.
Nakaamoy ako ng mga bagong gawang tinapay, butter at mga panindang cotton candy. The sky is pastel pink. May mga Mime sa gilid na pinapanood ng mga bata at mayroon ding mga nagtitinda ng lobo. Umalingawngaw sa tainga ko ang tunog ng accordion. Tinutugtog ang mga hindi pamilyar na piyesa ngunit bagay na bagay sa dapit-hapon.
"Almost perfect," bulong ko. Napatingin ako sa aking gilid. Tanaw ko si Drake na palapit sa akin dala ang binili niyang hot chocolate habang siya ay nasa malayo. "Ang mahalin ka na lang ang kulang."
Ilang minuto pa ay nakarating din siya sa kinatatayuan ko.
"Here, mahal," sabi niya sabay abot sa akin ng mainit na inumin. "Puwede pa tayong mamasyal kung gusto mo. Bukas pa makikipagkita sa atin si Dad."
Hindi ako nakasagot. I sipped from my drink, sabay buga ng mainit na hininga ko sa hangin.
"Ang ganda rito ano?" tanong ni Drake. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingala siya sa langit habang nakapikit pa. "Ang aminin mo na lang sa akin na mahal mo rin ako ang kulang."
"Aw!" Napaso ko ang dila ko.
"Kahel, are you okay?" Biglang hinawakan ni Drake ang aking mukha. Nakatitig siya sa akin habang inaaral ang aking bibig upang hanapin kung saan banda ako napaso.
I was panting. Nakalabas ang dila ko. Nagkatitigan kami. Napatigil siyang saglit. His worried look suddenly changed. Biglang pumantay ang mga kilay niya. Ang repleksyon ko sa kaniyang mga mata ay lalong lumalaki senyales na lalo siyang lumalapit.
His lips were inching closer, as if we were finally completing our perfect day near the Eiffel Tower.
Then I saw myself in his eyes. Sa kisap-mata ay tila naging berde ang repleksyon ko.
Mabilis kong inilihis ang aking ulo sabay pikit ng mga mata ko.
"Drake, please put your shades on."
"Okay lang ako Kahel. Hindi ako mapapahamak."
"Drake, please." Biglang nag-iba ang tono ko. Hindi gaya ng boses ko na laging naiinis sa kaniya. Hindi gaya noong tuwing sinisigawan ko siya kapag napipikon ako sa kakulitan niya. Iba ang tono ko ngayon, nagmamakaawa.
"Ito na, ito na, don't be sad," sabi niya. Aligaga niyang isinuot ang shades niya. Alam kong magdidilim na pero mas maigi nang may proteksyon siya kahit papaano kesa madamay pa siya sa sumpa ko. "I have it on now, see? You can open your eyes now, mahal."
Marahan ko siyang nilingon habang nakapikit pa rin. I slowly opened my eyes. Nakayuko ako. Una kong nakita ang maganda niyang sapatos paakyat sa itim niyang trench coat. Kasunod ay ang brown niyang scarf hanggang mapatingin ako sa mukha niya.
Bigla akong napangiti. Si ungas, nakasuot ng shades na kulay pink na pambata.
"Baliw!"
"There, you look so much better smiling."
Drake extended his hand. I hesitated to hold it. He was still smiling. Nakatitig ako sa maugat niyang kamay habang hinihintay na hawakan ko ito.
"Hindi ko ito ibababa, Kahel, hangga't hindi mo hinahawakan."
Napalunok ako ng laway. He obviously wants to hold hands, gaya ng ibang magkasintahan sa paligid namin.
"Pero, Drake—"
"Kung hindi mo na ako titignan, hawakan mo na lang ako."
It was as if, in that magical place, in that moment like fiction, kusang kumilos ang kamay ko. Pumatong ito sa kamay ni Drake at kusang kinandado ang sarili nito sa mga daliri niya.
Drake smiled while slowly guiding me as we walked around the tower. I was looking as his broad shoulders habang panay ang lingon niya sa akin. Naaninag ko rin ang ngiti niya kahit gilid lang ng mukha niya ang nakikita ko.
I was admiring him not knowing na naubos ko na ang iniinom kong tsokolate na lumamig na dahil sa klima.
He took my cup and disposed of it in a nearby bin. Then we continued walking. This time, side by side.
Napatigil kami sa isang maliit na tulay sa gitna ng tila ay isang fish pond. Walang ibang tao. Kalahati na ng araw ang lumulubog sa likod ng karagatan sa aming harapan.
"Kahel."
"O?"
"No, not you, mahal," pagtama ni Drake. He was not looking at me; he was staring at the sun. "I'm talking about the citrusy sky, the orange sunset."
At that moment, I realized that I had been looking at him this whole time. Ang plano kong iwasan siya ng tingin buong araw ay hindi ko naman pala talaga nagawa. Kusang hinihila ng presensiya niya ang mga mata ko.
As the last light from the setting sun sank, it left that familiar silver beam. In a flash, everything became like a fairytale. Ang naiwang sinag ng araw ay biglang bumalot sa aming dalawa na parang fairy dust.
I know he could feel it too—the magic between us at that moment.
Nilingon niya ako nang marahan.
Inalis niya ang salamin niya.
Kinabahan akong bigla. Ipinikit ko ang mga mata ko bago pa magtama ang mga tingin namin.
He squeezed my hand. He leaned closer.
My lips were like the earth and his were like the moon being pulled by my gravity.
He started kissing me. His warm, soft lips, like cotton candy, began touching mine. Matamis ang mga labi ni Drake. It tastes like menthol na may halong blueberries.
The more he presses, the more flavorful he becomes.
At first, I was hesitant. I was waiting for him to stop.
But he continued, as if he were patiently waiting for me to calm down. Alam kong ramdam niyang pagpipigil ko sa paghinga ko.
He pushed his lips harder as he felt my breath flowing out of my nose, as if telling him that I was okay.
I slowly began stroking his cheeks. Lalo niyang pinagdikit ang mga katawan namin. Niyakap niya ang bewang ko.
My hands moved from his cheeks towards the back of his neck.
Yakap ko na siya mula sa likod ng kaniyang batok.
His head moved to one side, making sure that our lips were still waltzing together.
I followed his cue. Sa kabila ko naman inilihis ang ulo ko. He started kissing the parts of my lips na hindi pa niya natitikman. He made sure that he would taste every part of it.
Marahan kaming napakalas sa labi ng isa't isa.
We were breathing heavily. I could see the rise and fall of his shoulder and I'm sure he could see mine too.
Sa mga ganitong pagkakaton, hinihiling ko na bumagal ang oras. I wish that we could slow down time during our moments of happiness.
I want this moment to last. After this day ay haharapin ko na ang daddy niya at hahanapin na namin ang pinagmulan ng mga mata ko.
I was about to tell him that we should go home nang bigla niya akong unahan ng isang kakaibang tanong, "Kahel, do you know the different love languages?"
"Anong klaseng tanong iyan?" Natawa akong bigla.
"Just answer it, please, m-mahal." Seryoso ang tingin sa akin ni Drake. Samatalang ako ay nagtataka kung bakit bigla niyang naisingit iyon.
To be honest, I know those things by heart. My father used to tell me about them when I was little, regarding sa love story nila ng mama ko.
There are five love languages.
"Words of affirmation, physical touch, quality time, acts of service, and gift-giving," nakangiti kong bigkas. I whispered them from my heart. Espesyal ang lahat ng iyon para sa akin.
"Do you know which of those love languages a random person likes the most?" he asked.
"The one they've gotten used to?"
"The one they don't," he said softly. He took one of my hands, then put it on his right cheek. "I long for your words of affirmation. Pagkatapos ng lahat ng ito, kapag nahanap na natin ang lunas sa mga mata mo, sana, masabi mo na ring mahal mo ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top