Chapter XXXVI: Violet

Kahel

VIOLET–Ang kulay na kadalasang naihahalintulad sa mga maharlika. Ngunit para sa akin, nasasaklaw nito ang mga kulay patungkol sa kuwentong alamat, mahika, at piksyon. Kadalasan kasi ay kulay lila ang mga librong nababasa ko na patungkol sa mga ganoong paksa. Maliban sa kahel at kalimbahin, lila ang isa sa mga paboritong kulay ng yumao kong ama.

"Gusto kong sumama!" Nagwawala si Lila sa harapan ko. Nakaharang ang tingting niyang katawan sa pintuan ng aking kuwarto at pinipigilan akong lumabas. "May ipon naman ako, saka puwede akong magpalibre sa jowa mo!"

Kumuha ako ng unan at ibinato sa kaniya.

"Baliw!" halakhak ko. "Sandali lang kami roon at walang kasama si mama rito."

Pinalobo niya ang kaniyang pisngi. Naghalukipkip siya sabay alis sa pinto.

"Ano ba kasing gagawin mo roon, Kuya?"

"May hahanapin lang akong tao."

"Sino?"

"Ang dami mong tanong." Nilapitan ko si Lila. Pinisil ko ang bilbil niya. Agad siyang napaiwas sabay sunod-sunod ang palo sa balikat ko. "Basta, importante. Kung puwede lang kitang isama ay isasama talaga kita."

"Sige na nga, gagamitin ko na ang secret funds namin!" giit niya.

"Anong secret funds?" pagtataka ko. Napakamot ako ng ulo. "Saka, sinong kayo?"

Mabilis na lumabas ng kuwarto ang kapatid ko. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ako sa pagtutupi ng damit. In just a few minutes, I could hear her signature run sa bahay namin. 'Yong kumakandirit na may kasamang langitngit ng kahoy na gawa sa narra. Bumalik siya sa aking kuwarto.

"Ito, ang dami kong pera!" Sa harapan niya ay isang malaking garapon. Kasing laki ng isang galon ng mineral water. Puno ng perang papel na tig-iisang daan tapos may mga barya pa sa ilalim.

"Hala!" Kilala ko kasing gastador itong si Lila. Ang pera niya ay laging napupunta kabibili ng poster ng BTS, o 'di kaya mga libro ng Pop Fiction at iba pang Wattpad books. Worse, the way she could have gotten it is something I don't trust. Mandalas na siyang mang-torture at mag-scam ng mga kaklase niya in exchange of favors. "Saan mo kinuha iyan?"

"Sa group namin, treasurer kasi ako roon."

Umupo siya sa gilid ng kama ko. Agad niyang itinaktak ang laman ng garapon.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtutupi ng gamit habang may iniipit na siyang pera sa garter ng panty niya.

"'Yong Math teacher ang vice president ng grupo namin, 'yong librarian ang secretary at si Annie na friend mo ang nag-aasikaso ng merchandise," saad niya na parang umaawit pa.

Bigla akong natigilan. Nagpanting ang tenga ko.

"Merchandise? Annie? Teka nga," sabi ko. Marahan akong lumapit sa kaniya. "Parang may common denominator ang lahat ng mga taong sinabi mo, a?"

Tumatawa na si Lila habang nagmamadaling ibalik ang mga pera sa loob ng garapon niya. Bigla kong hinawakan ang garapon.

"Amin na iyan, Lila!"

"Ano ba, Kuya! Ipon ng fans club namin 'to!"

"At anong fans club iyan, aber?"

"Sa Bukkake."

Sabi na nga ba! Iyong fans club namin ni ungas na kumakalat sa school!

"Walang hiya ka, pinagkakitaan mo pa ako!" Hinihila ko ang garapon. Pero para siyang linta kung makakapit. Natatawa na lang ako sa itsura namin. "Tapos, balak mo pang nakawin para makapasyal ka!"

Dinilaan niya lang ako sabay yakap sa hawak niya. Bigla siyang sumigaw. "Gusto ko rin kasing makita ang kaibigan ni Papa!"

Agad ko siyang binitawan. Napahiga siya sa kama. Nangiginig pa ang labi niya na tilang iiyak.

"Si Uncle Sebastian ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.

Marahan siyang tumango sabay umupo nang maayos.

"Paano mo nalaman na siya ang kikitain ko?"

"Ipinalam ka kasi sa akin ni Kuya Drake."

Nilapitan ko siya at tinabihan. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na pinansin ang garapon. "Alam kong hindi mo masyadong nakilala si Papa. And I know that you want to ask his friend more about him."

My dad died when I was young. Lila was barely learning her ABCs back then. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon, hindi ko siya masisi kung bakit ganito ang inaasal niya.

"Walang masyadong iniwang alaala si Papa sa atin," she added. "Aside from Mama, gusto ko lang namang makipagkuwentuhan sa kaibigan niya and ask him more about our father."

May kumurot sa puso ko. Biglang nagbara ang lalamunan ko.

I started caressing her hair. "Sige ganito, I will ask Uncle Sebastian a lot of things about Papa tapos ikukuwento ko sa iyo lahat."

"Pero—"

"I will even force him to call you, my sweet little sistah." Nakasimangot pa rin siya. May bigla akong naisip. "Papasalubungan kita ng mga branded na bags, pabango, relo, lalo na at Fashion Week ngayon doon."

"Huwag na!" pagtanggi niya.

"Ayaw mo?"

"Hindi mo naman afford iyon, Kuya!"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

"Walang hiyang ito!"

Sinimulan kong pisilin ang pisngi niya hanggang sa mag-agawan ulit kami sa perang balang niyang i-corrupt.

"Fine, hindi na ako magagalit in one condition, Kuya Kahel!"

"Ano?"

"Mag-promise ka muna na tutuparin mo!"

"Ayoko nga, Lila. Mamaya ilegal pa iyan!"

"Hindi, Kuya," giit niya. Itinago niya ang garapon sa kama at tinakpan ng unan. "Sige na, please!"

Napabuntong-hininga ako. "Sige na nga. Ano ba 'yon?"

Bumalik ako sa pagtutupi ko. But I was side-eyeing her and the jar behind her back.

"Promise me that you will take a lot of selfies with Kuya Drake and send them to me."

"The hell? Para saan?"

Kinuha niya ulit ang garapon at inalog sa mukha ko. "Para marami pa kaming mailagay sa merch."

Akmang aagawin ko ulit ang hawak niya nang nagsimula siyang magkandirit habang nagdadabog sa tapat ng pinto.

"Sige na, Kuya Kahel!" bulalas niya. "Kahit ilang shots lang! Promise, titigilan na kita."

Napahampas ako ng mukha ko. Iniiwasan ko pa namang dumikit kay ungas na dahil baka madamay pa siya kapag sinumpong ang mga mata ko.

"Fine!" naalibadbaran kong tugon. Bumalik ako sa ginagawa ko.

Umupo ulit siya sa kama at sinimulang bilangin ang mga pera. "Also, Kuya. Okay rin kung 'yong picture is pareho kayong topless."

"Lila!"

"Ah!" halakhak niya. "Joke lang. Ito naman. Pero malay mo..."

"Shh!" Inaalog ko ang aking ulo. Iniwasan ko siya ng tingin at humarap ako sa bintana habang pinagpapatuloy ang pagtutupi ko.

"Ayee! Kinikilig siya!"

"Lumabas ka na nga!" Kumuha ako ng brief at inihagis sa kaniya.

Para siyang character sa pelikulang The Matrix habang iniiwasan at bume-bending pa habang binabato ko ng mga salawal ko.

"Oo na, lalabas na ako!" Palabas na sana siya ng pinto nang muli niya akong sinitsitan. "Kuya, kakausapin ka nga pala ng president ng club namin."

"Ayan, maganda iyan at nang masermonan ko iyang club president ninyo at nang maipasarado na!" Nakapamewang na ako. Hinihika na ako dahil sa pakikipagharutan ko sa kapatid ko. "Sino ba iyan president na iyan ha?"

"Mamaya, tatawag daw sa iyo."

"Mamaya?"

Biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Ayan na pala siya! Enjoy!" Muli kong narinig ang pamilyar na takbo ng kapatid ko palayo sa kuwarto.

Hawak ko na ang cellphone. Mabilis na umasim ang mukha ko nang makita ko ang pangalan sa screen.

"Drake?" bungad ko.

"Hi, mahal—"

"Huwag mo kong mamahal, mahal! Ikaw talaga ang nagpauso ng Bukake? Walang hiya ka talaga! Dinamay mo pa si Annie, si Raylleen pati Math teacher natin—"

"Kahel, iniibig kita," he said in his most masculine voice. Bigla akong natigilan. Ramdam kong uminit ang pisngi ko. "Oh, shit. It worked! Natigilan ka nga! Totoo nga ang sabi ni Kuya Kyosuke na mas romantic kapag nilandi kita in deep Tagalog."

"Tangina mo, Valentino. Hayop ka!"

Pinatay ko agad ang telepono. I put it in airplane mode para hindi ako macontact ni ungas.

Bigla akong tumalon sa kama. Nakadapa ako habang nagwawala sa kutson at nginungudngod ang mukha ko sa unan.

Ang init ng katawan ko. Parang kumakarera ang bawat butil ng dugo ko paikot sa aking katawan. Rinig siguro hanggang kabilang kanto ang tibok ng puso ko.

Hindi maalis sa tainga ko ang sinabi niya!

Kahel, iniibig kita.

Putangina talaga!

I gave it a few minutes. Hinintay kong kumalma ang katawan ko pero ayaw tumigil sa pagkislot ng kalamnan ko.

Huminga ako nang malalim. Napatingin ako sa gilid. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin sa labas ng aparador.

Abot-tainga ang ngiti ko!

"Badtrip talaga!" Muli kong nginudngod ang mukha ko sa unan.

Nang kumalma na ako ay umupo ako nang maayos. Kinuha ko ulit ang cellphone at pinaandar. Kumanta ako ng dalawang Happy Birthday at agad na tinawagan pabalik si ungas.

"Yes, Kahel? Pinatayan mo ba ako ng telepono?"

"A, hindi, nawalan lang ng signal, alam mo naman dito sa atin—"

"Mukha mo, Kahel Edknell Robinson. If I know, nagtatampisaw ka na sa kama mo kanina."

"Huwag mo kasi akong sinasabihan ng ganoon!"

"Ng ano, Kahel?"

"'Yong ano—"

"Kahel, iniibig kita?"

I swear mukha akong may diperensiya sa mukha habang nagme-make-face at kinikilig sa kabilang linya.

"O, bakit ka natigilan diyan Kahel?" Rinig kong natatawa siya.

"Who taught you to call me like that, Drake?"

"Si Kuya Kyosuke nga. Kulit mo."

"How did he—" Aha! Si Kuya Kalim. Siya ang nagsabi roon kay Kuya Kyosuke. Lagi akong tinatawanan ng kuya ko tuwing nanonood ako ng pelikula ni Sharon Cuneta lalo na iyong may mga eksenang malalalim ang Tagalog!

"Helo, Kahel? Iniibig—"

"Shh!" pagputol ko sa sinasabi niya. "Don't ever say that again! Okay?"

"No way! Ngayon pang nahuli ko na ang kiliti mo?" Drake sighed. I could feel him smiling on the other line. "I will start calling you that today, tomorrow, and forever, pag-ibig ko."

Hindi na ako nakasagot. Naiihi na ako sa puwesto ko habang sinasabunutan ang buhok ko. Sinimulan kong kagatin ang unan ko mapigilan lang ang gigil ko.

"Maiba ako," saad ni Drake. "Ready na ba ang mga gamit mo?"

"Oo, nasan ka na?" tugon ko

"A, nasa ibaba na ako ng bahay ninyo, actually. Kanina pa kita pinapanood gamit itong isang cellphone ko."

"Ha?" bulalas ko. He's been watching me?

Napabalikwas ako sa kama. Ikinalat ko ang mata ko sa kuwarto. Naghanap ako ng puwedeng maging hidden camera sa bawat sulok ng silid.

Nakarinig ako ng hagikgik ni Lila. Nakasilip siya sa pinto at nakaharap ang cellphone sa direksyon ko.

"Hoy!" sigaw ko.

Ang magaling kong kapatid. Hindi pala tuluyang isinarado ang pinto at kanina pa ako kinukuhaan ng video habang ka-face time niya si Drake.

"Grabe ka pala kiligin, Kuya Kahel!"

"Lila!" hinihika kong sigaw.

Tuluyan na siyang tumakbo. Gusto kong magpalamon sa lupa. Hiyang-hiya ako sa nalaman ko. Binalikan ko ang kausap ko sa telepono.

"Drake—"

"Yep," Drake said. "I saw everything, my love."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top