Chapter XXXV: Chances
Kahel
CHANCES—evolution of events in the lack of any apparent design.
Maraming buwan ang lumipas. I was saving enough money to go to France. The last time I checked with Tita Cherry, Mr. Pegasus lives there. He holds the secret to this pair of eyes that I got from him when my father and Tito Sebastian visited him for a cure for Drake and me.
Ilang buwan na akong nagtatrabaho while meeting my school requirements. I'm at the mall on Mondays, Tuesdays, Wednesdays, and Saturdays. Then, I'll be in Poseidon Ocean Park on Sundays as their resident merman.
"Sabi naman sa iyo, sagot ko na ang pamasahe mo," nakabusangot na reklamo sa akin ni Drake habang nakaupo siya sa rim ng tank na nilalanguyan ko. He was wearing his football uniform. "Tutal naman, I'll be there,too, for the Le Ball."
He was talking about the Ball event ng mga sikat na pamilya sa buong mundo kung saan ang mga bachelor at mga bachelorette ay magsasama-sama. Minsan ko nang narinig ang tungkol doon habang kausap nya ang nanay niya sa loob ng kotse.
"No way, ungas," umiiling kong sagot. Pinilit kong itinaas ang paa niyang nakasawsaw sa tubig ng aquarium. "Problema ko 'to, dapat ako ang umayos."
"Alam ko naman iyon, mahal." Nagpanting ang tainga ko. Hindi pa nagiging kami pero panay na ang tawag niya sa akin ng salitang iyon. Inaraw-araw na niya. "Kaya lang kasi, wala ka nang oras para sa ating dalawa."
He put his legs back in the water. Naiirita kong inalis muli ang mga ito.
"Anong ating dalawa ang pinagsasabi mo, Valentino?"
"Dalawa! Tayo, ikaw, at ako. Mag-jowa."
"Kailan ba naging tayo, Drake?"
Hindi niya ako sinagot. Iniwasan niya ako ng tingin. Nakanguso siya habang nakapikit at nakaharap sa kisame. Halata sa reaksiyon niya na naiinis na siya sa ilang buwan na pagtanggi ko sa relasyon namin.
It's not that I don't like it.
I wanna fix myself first.
Ayokong nasa tabi ko siya sa oras na sumpungin na naman ako ng pagiging Gorgon ko. That's why I've been doing my best to find a cure for whatever curse I have.
Muli niyang ibinalik sa tubig ang mga paa niya. Gusto talaga niya akong inisin makabawi lang sa pag-deny ko ng feelings ko for him.
He made a splash on the water with his feet. Nanadya na ata talaga si gago.
"Ang kulit mo. Itaas mo ang paa mo, Drake!"
"Ayoko nga! Not until you admit that I'm your boyfriend."
Pinipilit kong iangat paalis sa tubig ang mga paa niya. Pero ramdam ko na ang lakas ng katawan niya na nilalabanan ako.
Below him is two-floor-deep water and even though he knows how to swim a little now, kinakabahan pa rin ako tuwing naalala ko kung paano siya nalunod sa bangka noong mga bata kami.
"Drake!"
"Ayoko!"
Napayuko siya sa akin. Ang nakabusangot niyang mukha ay nakatitig sa basa kong mga mata. I was staring directly into his eyes habang unti-unting pumapantay ang mga kilay niya. In his eyes, I can see my reflection: a worried boy trying his best to keep this guy safe.
Unexpectedly, it seemed that everything was turning green.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Hindi iyon nakaligtas kay Drake.
"There you go again, Kahel. Look at me!"
He held my head as if forcing me to look him in the eye. Pinipilit ko pa ring umiwas habang tinitikom ang bibig ko. It has been months since the incident at school. Sinusuwerte siguro talaga ako at never na akong sinumpong mula noong araw na iyon.
Nagbabardagulan kami ni Drake sa taas ng tubig nang may biglang humila kay Drake upang ilayo sa akin.
"Valentino, leave Ed alone!" Si Matthew. Hawak niya ang kaliwang braso ni Drake habang may isa pang tao na naka-hoodie na hatak naman ang kanang braso ni ungas.
"Let go of me!" pagpupumiglas ni Drake.
Bigla siyang nakatanggap ng malakas na batok mula sa kanan niya.
"Lance?" usisa ko. Kusang nahulog ang taklob nito dahil sa pagwawala ni kumag.
"Hi, K."
"Stop calling him Ed and K!" bulalas ni Drake. "Nagsama pa talaga kayong dalawa, ha? Anong ginagawa ninyo rito?"
They let go of Drake. Nagtatalsikan mula sa katawan ni Drake ang mga tubig habang mabilis siyang tumatayo.
Umahon naman ako sa tubig. I immediately removed my mermaid tail at nagmamadaling tumakbo sa ex ko at sa kaibigan ko.
"Lance, kumusta ka na? May masakit ba sa 'yo? Hindi na ba sumasakit ang kidneys mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Kinakapa ko pa ang buong katawan niya na tila inaaral kung may iniinda pa rin siyang sakit.
I swear to God, I could feel someone glaring at us from the side. Paglingon ko ay ang talim ng tingin sa akin ni Drake. Nakahalukipkip pa habang pumapadyak ang paa.
"You done?" he said. Nakataas pa ang isang kilay habang iniirapan ako. He pointed at Matthew habang naka-pout pa rin sa harapan ko. "Baka itong si Rodriguez, gusto mo ring kapkapan?"
Napakaseloso ampota!
Hindi ko siya pinansin. Bigla akong nakaramdam ng lamig dahil wala akong pang-itaas. Matthew approached me immediately, removed his trench coat and covered me with it.
"There, better?" he said.
"Thank you, Mat—"
Hindi pa ako nakakapagpasalamat nang inalis agad ni Drake ang nilagay sa akin ni Matthew.
Hinagis niya ito pabalik sa kaibigan ko. Biglang hinubad ni ungas ang varsity shirt niya. Agad niyang isinuot sa katawan ko. It was big enough to easily cover my body. Mukhang nasasanay na ako sa mga damit niya.
Siya naman ngayon ang topless. Nakapamaywang pa siya habang inihaharang ang katawan niya sa pagitan ko at nina Lance at Matthew. Mukha pang proud si gago habang tumatawa.
Isinilip ko ang ulo ko mula sa balikat ni Drake. "Mat, Lance, anong ginagawa ninyo rito?"
"We came here to check on you," tugon ni Lance.
Iniharang ulit ni ungas ang katawan niya sa ulo ko para hindi ko sila makita. I popped from Drake's other side.
"Sabay kayong dalawa na dumating?" usisa ko ulit.
"Yeah. We need to talk to you about something," sagot naman ni Mat.
Muli na namang iniharang ni Drake ang katawa niya.
"Aray! Aw! Aw!"
Bigla kong piningot ang tainga ni Drake. He finally stepped aside so I could talk to the other two properly.
***
Papunta na kami sa parking lot. Mas gusto nilang mag-usap sa loob ng sasakyan para walang makarinig sa maselan na kondisyon namin.
Unang sumakay si Drake sa driver's seat ng kotse niya. Sunod ay si Lance sa likod niya. I was about to enter the back seat para matabihan si Lance to make sure he is okay during the entire trip nang bigla akong sinita ni ungas.
"O! Saan ka uupo? Dito ka sa harap!" bulalas ni Drake. Magkasalubong ang kilay niya na tipong gusto niya akong pigilan sa pagpasok.
"Inuutusan mo ba ako, ungas?"
"No po, Missus Valentino." Biglang bumait ang itsura ni gago.
Papasok na sana ako sa likod pero si Matthew naman ang pumigil sa akin.
"Ed, I need to sit with Lance," pakiusap niya. Matalas ang tingin niya sa akin. Hindi gaya ng mga dating nakangiting tingin niya.
"Bakit?" pagtataka ko. "The last time I saw you two, para kayong aso at pusa."
"We will explain on the way."
Mukha talaga siyang seryoso. Nagpalit kami ng puwesto. Kinakamot ko ang ulo ko habang pasakay. Nakataas pa ang kilay ko bago ikabit ang seat belt ko.
Drake grabbed me by the hand at kinuha and buckle ng seat belt. "Amin na po, Missus Valentino. Ako na ang magkakabit."
I looked the other way. Parang kinikiliti ang tainga ko sa tuwing tinatawag niya akong Missus Valentino. Tinataktak ko ang ulo ko sa salamin ng kotse, mawala lang ang ngiti sa mukha ko. The last thing I want him to know is that he is fluttering me right now.
We drove off. May usapan kami ni Drake na dadaan kami sa mall. May naiwan kasi akong gamit kay Annie na kailangan ko para sa paparating na summer break.
"So, anong importanteng bagay ang gusto ninyong sabihin sa akin?" tanong ko sa dalawang nasa likod.
"Lance, tell him," utos ni Matthew.
"No, you tell him!" giit naman ni Lance.
Nagbabangayan sila sa likod kung sinong magsasabi sa akin nang biglang sumigaw si Drake.
"Ako na ang magsasabi! Sila na. Mag-boyfriend na sila!"
Natulala akong bigla. Mag-jowa na itong dalawa?
"Gago!" sigaw ni Mat.
"Hindi iyon totoo, K!" bulyaw naman ni Lance.
Humahalak lang si Drake. "Mukha ninyo!" Drake held my face at pinaharap sa likod. "See!"
Matthew and Lance are holding hands!
Napa-gasp ako.
"It's not what you think!" Nanggigil na sigaw ni Lance. Pero hindi pa rin niya binibitiwan si Mat.
"Tsk! Ako na nga ang magsasabi," singit naman ni Matthew. "Ed, you know that Lance has gotten better mula noong maging bato ako, hindi ba?"
"Oo," tugon ko.
"And this idiot... Aw!" sigaw ni Lance dahil bigla siyang kinurot ni Matthew.
"Ayusin mo, Valderama!" bulalas ni Mat.
"This...person was originally a statue, right?" dugtong ni Lance.
"Yeah? He was a statue turned to human by my eyes?" paliwanag ko. "So?"
"Well, we just have a theory that when you turned him into a human, you took a part of me and gave it to him."
Napalunok ako ng laway. Napatingin ako sa malayo. There is this nauseating feeling sa tiyan ko at hindi ko gusto ang patutunguhan nitong usapan namin.
"What do you mean?" usisa ni Drake. Marahan ko siyang nilingon. My eyes were focusing on Drake habang abala siya sa pagmamaneho.
"You guys know that it was the two of us who helped you after the high school incident right?" dugtong ni Mat. "The moment Ed turned those hold-uppers into stones, I immediately became human again inside the library. Then, I ran down to aid you. I used your phone to call Lance for help."
"Noong araw na naghiwalay tayo noong high school," panimula ni Lance. "You were crying in the library. That was the first time you turned him into a human. Iyon rin ang araw na sinumpong ako ng sakit ko."
"Lance—" I cut him off. "I'm sorry about that."
"No, it's okay!" halakhak ng ex ko. "I deserve that so much, dahil sa lahat ng ginawa ko sa iyo."
"That still doesn't answer kung bakit magka-holding hands kayong dalawa," bulalas ni Drake.
"Oh, yeah, about that," Matthew continued. "I feel like turning into a stone again."
Mabilis ko siyang nilingon.
"And my kidneys were starting to hurt again too," saad Lance.
Ramdam kong bumagal ang takbo ng sasakyan namin na tipong mas gustong marinig ni Drake ang sinasabi ng mga nasa likod.
"But every time I touch him," dagdag ni Lance. Itinaas niya ang maga kamay nilang nakakandado sa isa't isa. "Nagiging maayos ang pakiramdam naming dalawa."
Napatingin sila sa isa't isa. They started smiling at each other for a few seconds. Nang ma-realize nilang pareho silang nakangiti, agad silang napatingin sa magkabilang direksiyon at bumusangot. Pero magka-holding hands pa rin sila.
"Pasensiya na kayo, kasalanan ko ang lahat ng ito," saad ko.
"No, it's not your fault," Drake said.
"Wala kang ginawang masama, K," dagdag ni Lance.
"Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako naging tao," sabi naman ni Matthew.
Napahinga na lang ako nang malalim. Ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Sa mga sinabi nila ay mas lalo ko na tuloy pumunta sa France upang makahanap ng sagot at solusyon sa lahat ng ito.
Narating na namin ang mall. Isang oras na lang bago magsarado. Wala nang gaanong tao kaya paniguradong hindi na pagkakaguluhan ang dalawang modelong kasama namin kaya they all insisted na samahan ako sa kukunin ko.
We took the fastest route to Annie. She swiftly gave me the bag that I needed. Then, all four of us boys went back to the car. Papunta na sana kami ng parking lot when Drake suggested something, "Sa main door ninyo na lang ako hintayin. Para hindi na kayo masyadong maglakad. Idadaan ko na lang doon ang kotse."
Nasa kabilang dulo ng mall ang kotse niya. Hindi na ako nakipagtalo dahil mas mapapaaga nga ang alis namin kung ganoon. Isa pa, mabilis tumakbo si Drake kaya ilang minuto lang ay masusundo niya rin kami.
Tinanguan namin siya before he dashed away.
The three of us went to the ground floor.
Oddly enough, there was this mini event sa gilid ng first floor ng mall. Merong pa-raffle. Sa tagal kong nagtratrabaho sa mall, parang ngayon ko lang nakita ang kakaibang kumpanya na nakalagay sa taas ng ruffle machine sa maliit na booth ng event na iyon.
Mabilis kaming nilapitan ng isang lalaki na nakaputi.
"Mga pogi, baka gusto ninyong sumali?" tanong nito. "Libre lang ito, malay ninyo manalo kayo ng trip to Europe."
Parang may bumbilyang umilaw sa ulo ko.
"May bayad po ba iyan?" tanong ko. "May kailangan ba kaming bilhin to qualify?"
"Wala, libre lang ito," paliwanag ng lalaki.
Wala akong pag-aatubiling kumuha ng papel na pinamimigay niya. Nilagay ko ang pangalan at number ko sabay pasok sa raffle machine.
"Kayo?" tanong ko kay Matthew at Lance na nakabusangot pa rin habang magka-holding hands.
"Nah, I'm good," sabi ni Lance.
"Okay lang din ako," dugtong ni Mat.
May pangalawang bumbilyang umilaw sa ulo ko. Bumalik ako sa lalaki at inilista ang pangalan at contacts nina Lance and Mat, then I came back to them.
"Okay lang naman na inilagay ko mga names ninyo, ano?" I started laughing. "Kailangan ko lang kasi, if ever na manalo, can you give it to me?"
"Sure!" Matthew smiled.
Tumango naman si Lance.
A few minutes later, Drake drove us back to our respective houses.
***
I was preparing for work the following day. Nakabihis na ako at paalis sa dorm. I was already on my way out when suddenly, I got a text message from a four digit number.
"Congratulations! You win a trip to France on April 20."
Napakamot ako ng ulo. Binasa ko ulit. Napairap ako.
"Ang dami talagang scammer sa mundo," saad ko.
Mabilis akong nag-reply.
Me: "You are now registered to POPTOP10, you will now be deducted 100 pesos load monthly."
Tumatawa pa ako.
"Potek, ayaw mag-send," saad ko. Napadalawang-isip akong bigla. "Teka, seryoso ba 'tong text?"
Nakabusangot pa ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
Si Lance.
"Hello?" bungad ko.
"K? Nanalo ako!"
"Saan?"
"Sa raffle sa mall kahapon!"
Potek! May sinalihan nga pala kaming raffle kahapon!
"So, totoo nga itong na-receive ko?" aniko.
"Na ano?" tanong ni Lance. Binasa ko sa kaniya ang natanggap kong text. "Seryoso? Congrats! Pupunta tayong France!"
Nagtatatalon ako sa tuwa. Halos mabutas na ang lumang kahoy na sahig ng kuwarto ko.
Nag-uusap pa kami ni Lance nang biglang tumawag rin sa akin si Matthew.
"Mat?" bati ko.
"Ed! Nanalo ako!"
"Ikaw rin?"
"What do you mean by 'rin'?"
I conferenced our call. Mukha kaming tangang nagsisigawan sa linya. Tatlo kaming lilipad papuntang France sa darating na Abril.
Excited akong pumasok sa trabaho. Pinaplano ko na sa aking ulo ang pag-file ng mahabang leave sa dalawang trabaho ko.
Ewan ko ba, pero sa mga oras na iyon, hindi na ako nagtaka kung bakit kaming tatlo ang nanalo.
Tatlo lang ang bagay na umiikot sa ulo ko:
Isa, mailalaan ko sa ibang bagay ang mga ipon ko. Baka ipadala ko kay Mama o hindi kaya ay ipambayad ko ng tuition sa susunod na sem para hindi na masyadong magtrabaho si Kuya Kalim.
Ikalawa, I wanna meet Drake's dad. He lives in France. I wanna ask him more about my father too.
Ikatlo, I can finally seek Mr. Pegasus. I'll make him help me break this curse.
After all that, I can finally...
...Return all of Drake's feelings to him.
Magagawa ko na siyang mahalin nang buo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top