Chapter XXXIII: Sickle
Kahel
SICKLE—Sa Tagalog, karit. Ito iyong hugis crescent moon na patalim na ginagamit upang pantabas ng damo. Sa tagal ng pagbisita ko sa bahay ng mga Valentino, naipaliwanag na sa akin ni Tita Cherry ang sakit ng kalaro ko.
Drake has sickle cell . His red blood cells have an abnormal sickle shape that causes them to clump together in the bloodstream, which could lead to stroke or other conditions.
Sa murang edad kong iyon, knowing what my dear friend is going through, subconsciously, I already knew what I wanted to be when I grew up.
Sabado ng hapon. Inimbitahan ng mommy ni Drake halos lahat ng bata sa bayan para sa pagdiriwang ng kaarawan ng anak niya. Napakaraming tao. Ang mga bata sa kanto na lagi kong katunggali sa Chinese garter ay ayos na ayos ang porma habang nagtatakbuhan sa mansion.
Kasama ko si Kuya Kalim at Kuya Kyo samantalang si Lila naman ay karga ni Mama. Abala ang kuya ko sa pakikipagdaldalan sa kaibigan niya at ang nanay ko naman ay agad na nagtungo sa kusina upang tulungan sa paghahanda si Tita Cherry.
Naiwan akong nakatayo sa entrada. Nakayuko lang ako. Pinagmamasdan ko ang maluwag kong polo na pinaglumaan na ng kuya ko at ang sapatos kong mapusyaw na ang kulay.
Napatingin ako sa mga bata. Lahat sila ay magkakasundo at halatang lagi silang naglalaro sa plaza. Tumayo ako sa gilid malapit sa bintana. Panay ang usisa ko sa damit kong nakakahiya habang nakayuko sa sulok.
"Psst!"
Mabilis na umangat ang ulo ko. Kasabay ng pamilyar na sitsit ay halakhak niya.
"Kahel, over here!"
Nakatago si Drake sa likod ng malaking kurtina. Nasisinagan ng araw mula sa labas ang kaniyang buhok na lalong nagpapakintab sa mga ito. Nakangiti siya sa akin habang binabalot ng kurtina ang katawan niya.
"Anong ginagawa mo riyan, Drake?"
"I am hiding. Mommy made me wear this."
Ipinakita niya sa akin ang suot niya. Naka costume siya na parang isang prinsipe. Kulay pula na may kasama pang kapa na kulay bughaw.
"Wow, ang gaganda talaga ng suot mo, samantalang itong sa akin—"
Hindi niya ako pinatapos. Mabilis niya akong hinila papasok sa likod ng kurtina sabay takip sa aming dalawa.
Kulay luntian ang kurtina. Sa kaliwa ko ay ang bintana na tila nagsisilbing dilaw na bumbilya na iniilawan ang maamong mukha ni Drake na tanging nakikita ko.
"Huwag kang maingay," halakhak niya.
Bigla kong napansin ang lengwahe niya.
"Marunong ka nang mag-Tagalog?"
"Oo, Kahel. I asked Alfred to teach me more so that I could make kausap to you easily."
Ramdam kong gumuhit pataas ang mga labi ko. Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa sinabi niya. Medyo naiilang din ako dahil may punto pa ang kaniyang Tagalog.
"Teka, bakit ka ba nagtatago?"
"Ang dami kasing people. I'm not used to them."
"Sus! Kaya mo 'yan. Ikaw nga unang kumausap sa akin noong una kitang nakita sa gate, e."
Nginitian niya ulit ako. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay sabay hatak papunta sa gilid na hagdan.
"Teka, saan mo ko dadalhin?"
"Let's play in my room."
"Pero nandito ang mga bisita mo."
"I don't want them. Ikaw lang ang gusto ko."
Sa edad kong iyon, ang alam ko, nagustuhan niya ako dahil ako lang ang unang lumapit sa kaniya sa lahat ng batang dumaan sa bahay nila dati at tinangka niyang kausapin.
Sa kadahilanang iyon, hindi ko na inusisa pa kung ano ang ibig sabihin niya.
Ilang saglit pa ay nakaupo na ako sa sahig ng kaniyang kuwarto. May kinuha siyang photo album at agad na ibunalatlat sa harapan ko.
"See, this is you, this is me, this is us," saad niya.
Sa ilang buwan na pagbisita ko sa kanila ay panay ang kuha sa akin ng larawan nina Alfred at Tita Cherry kasama si Drake. May mga litrato kung saan naglalaro kami sa fountain at sa maze; may ilan kung saan kumakain kami nang sabay; at ang iba pa ay ang mga makukulit naming tagpo sa loob ng kanilang mansion.
Nakayuko lang ako at nakangiti habang panay ang kaniyang daldal habang binubuklat ang bawat pahina.
"Do you also have a photo album at your house?"
"Wala, e. Wala rin kasi kaming kamera."
Mabilis siyang tumayo. May kinuha siya sa ulunan ng kama at agad na inabot sa akin.
"Here."
"Ano iyan?"
"Kopya mo."
Kinuha ko ang isa pang photo album na inaabot niya. Marahan ko itong binuklat. Nang mamukhaan ko ang mga parehong larawan naming dalawa ay pumalakpak ang tenga ko.
"I requested my mom to develop two copies of our pictures. I helped Alfred make two photo albums para pareho tayong may kopya."
Nakayuko lang ako. Hinahaplos ko ang bawat larawan hanggang may mapansin akong pumapatak na tubig mula sa mga mata ko.
"Kahel, are you crying?"
"A, wala ito." Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi ko. Gamit ang dulo ng kuwelyo ko ay pinatuyo ko ang mga ito. "Napuwing lang ako siguro."
"Ito, o," sambit niya. Bigla na lang ako nakaramdam ng telang ipinupunas niya sa mukha ko. Mabilis akong natigilan nang mapansin kung ano iyon.
"Teka lang, Drake. Iyan ang paborito mong kumot, hindi ba? Baka madumihan."
"Ayos lang iyon. Ikaw naman iyan, e."
Nagpatuloy lang siya sa pagpapatuyo ng pisngi ko. Hindi ko mapigilang malungkot. Hindi kasi kami ganito kayaman upang magkaroon ng photo album sa bahay at punuin iyon ng mga magagandang litrato.
"Sa iyo na iyan, Kahel, ha?"
"Itong photo album? Hala, nakakahiya naman. Birthday mo pero ikaw ang nagbibigay sa akin ng regalo."
"It's fine. Ang dami mo na rin kayang ibinigay sa akin."
"Ha? Ano?"
Bigla niyang binuklat ang photo album. Nakangiti siya habang tinuturo ang bawat larawan sa loob.
"Memories," he said. "You gave me something priceless, childhood memories."
Mabilis akong napayuko. Naalala ko ang unang sinabi sa akin ni Tita Cherry. Iyong tungkol sa sakit ng anak niya. Pinilit kong iwasan ng tingin si Drake.
"Kahel, I know that you know that I won't live long."
Napatingin ulit ako sa kaniya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
"Drake, huwag mo namang sabihin iyan."
"It's fine, Kahel. My parents did everything pero wala ata talagang lunas itong sakit ko."
Itinuro niya ang sulok ng kuwarto. May bundok ng mga regalo. Pare-pareho ang balot at halatang mamahalin dahil sa laki ng mga ito.
"Even my dad was not able to come again to my birthday. He's still busy finding a cure for my condition. Hanggang sa pagpapadala lang ng regalo ang magagawa niya ngayon."
Hindi ako nakatugon. Nakatingin lamang ako sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang sumimangot. Ang masayahing batang kalaro ko ay kusang tumahimik sa harapan ko.
Hindi ko sigurado kung ano ang nagtulak sa akin na tapikin ang balikat niya. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit.
"Hindi bale, sisikapin kong maging doktor balang araw para magamot natin iyang sakit mo," saad ko.
Kumalas ako sa kaniya. Nakita ko na nakangiti na siya ulit.
"Talaga, Kahel?"
"Oo, kahit nurse muna bago doktor para maalagaan kita agad."
Looking back at these memories, I think, I know now what's the real reason why I chose nursing in college. The same reason why I've been keeping that photo album under my bed.
I saw how his face lit up. Marahan niyang inilapag ang mga hawak namin sa kama sabay takbo sa pinto.
"Diyan ka muna at tignan mo ang mga picture natin. I'll go get the camera so that we can take more."
Iniwan niya ako sa kuwarto. Nakaupo ako sa kama. Abala ako sa pagtingin sa mga larawan habang dinuduyan ang mga paa ko sa gilid.
Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin bumabalik si Drake.
"Orange," hinihingal na sabi ni Tita Cherry. Magulo ang buhok nito nang buksan niya ang pinto. "Nakita mo ba ang best friend mo? Please tell me he is here."
"Kanina pa po bumaba, kukunin daw niya ang kamera."
Nakita ko kung paano humarurot si Tita Cherry pababa ng bahay. Marahan ko siyang sinundan at tila lahat ng kanilang katulong ay hindi magkandaugaga sa pagsuyod sa lahat ng sulok ng mansion
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napalingon ako sa kama.
Nakita ko ang photo album.
Iginala ko ang mata ko.
Nakita ko ang paborito niyang kumot at agad na kinuha ito.
Mula bata pa ay alam ko na ang kakayahan ko. Laging sabi sa akin ni Papa na may matalas daw akong pang-amoy. Tuwing gumagawa siya ng mga estatwa o hindi kaya ay umuukit ng kahoy, tinutulungan ko siya sa pagpili ng mga magagandang materyales. Kung anong clay ang bago at minsan ay kung anong kahoy ang bulok sa loob.
Marahan kong sininghot ang kumot ni Drake. Amoy manzanilla.
Nagsimula akong lumabas ng kuwarto. Para sa akin ay may kaniya-kaniyang kulay ang amoy ng bawat isang tao.
Nakatingin ako sa hangin. Ang halimuyak ni Drake ay lumulutan na parang usok sa harapan ko. Hindi ko mailarawan ang kulay na iyon. Parang isang kulay na hindi pa nadidiskubre ng tao. Kulay ginto na may halong pilak.
Sinundan ko ang amoy. Bumaba ako sa hagdan at nilagpasan ang mga kumpol ng mga tao. Tinungo ko ang kakaibang kulay patungo sa laundry area. I saw it leading through the back door. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa sunflower maze sa bakuran nila.
Nag-alangan ako kung papasok ako sa maze. But then, I remembered how Tita Cherry looked a while ago. The grimness on her face.
Nilakasan ko ang loob ko. I materialized Drake's smell. I followed the scent of manzanilla habang papasok sa maze. Maingat kong sinundan ito. Paikot-ikot ako sa loob ng maze hanggang makalabas ako sa kabilang dulo.
There was another gate leading to the outside of the mansion.
There was a mini-van.
May dalawang driver sa harapan.
Mabilis akong nagtago. Pinagmasdan ko ang kakaibang usok na sinusundan ko. It was going inside the back of the van.
Umangkas ako sa dulo ng sasakyan. I grabbed the door handle hanggang sa mapansin kong nakakandado ito.
"Drake?" I whisppered.
I heard some murmurs. Iyong tipong nagpupumiglas sa loob.
Natunugan ko ang mahina niyang ungol pero parang may nakabusal sa bibig niya.
"Tulong!" bigla kong sigaw. "Tita Cherry—"
Ngunit hindi ko natuloy ang hiyaw ko. Biglang humarurot ang sinasakyan namin.
All I could do at that moment was hold on tight to the door. I braced myself as the van swiftly drove off.
That day, I prayed for three things. One was Drake's safety inside the car. Two, that I do not fall while holding on for dear life. And three, that my earlier screams could lead to our rescue.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top