Chapter XXXI: Orange

Kahel

ORANGE—the color you get when you combine yellow and red. It's the color of my three most favorite things: the orange citrus fruit, fire, and the best of all, the sunset.

***

In the midst of chaos, I heard a thud.

Kusang bumagsak ang katawan ko. I was facing upward. All the hissing in my head started to fade. Ang berde at mga pulang liwanag sa aking paningin ay kusang naglalaho. Everything seems clearer but is starting to blur at the same time.

Something is wrong. My sight seems to have gotten worse. Ang lahat ay mas lalong lumalabo habang unti-unti akong nawawalan ng malay.

In front of me is Drake. Nakadapa na siya sa sahig habang nakaharap sa direksyon ko. Mula sa tagiliran niya ay naaninag ko ang pulang likido mula sa kaniyang katawan.

I started reaching for him.

Muhka siyang natutulog. I reached out my arms to his feeble body.

Magkasalubong ang mga kilay niya. Gusto kong patagin. He looked so worried, dahil sa mga nasaksihan niya kanina.

Ano nga ba ang nangyari?

Wala akong maalala.

All I know is that while we were both on the floor, I was trying my best to move closer.

To touch him.

To stop his bleeding.

To make him feel not alone.

Just like when we were kids...

***

Naalala ko pa ang lahat. Nasa Tarlac ako noon. Kalagitnaan ng tag-araw, buwan ng Abril. Niyaya ni Kuya Kyosuke si Kuya Kalim na maglaro ng basketball. Si Lila naman ay isinama ni Mama sa trabaho at iniwan nila akong mag-isa sa tahanan namin.

Nang mapansin kong wala ang kuya ko na dapat bantay ko, tumakas ako sa bahay. I headed to the first place I knew my mom would go every time she left home.

Sikat sa bayan namin ang pamilya ng mga Valentino. Mayroon silang malaking mansiyon sa tuktok ng burol na napalilibutan ng bakod na kulay ginto. Minsan nang nakuwento sa akin ni mama na dati siyang nagtratrabaho para sa patahian ng mga Valentino until she became a full-time housewife.

Napadaan ako sa plaza. Nakita ko sina Kuya Kalim at ang mga barkada niya.

Balak ko sanang makipaglaro ng batuhang bola sa mga bata sa kanto pero ilang silang lahat sa akin dahil sa dalawang dahilan.

Una, kakaiba raw ang kulay ng mga mata ko. Malayo sa mga mata ng mga kapatid ko. Ang aking mga mata ay kumikislap tuwing lumulubog ang araw lalo kung kulay kahel ang paligid.

Ikalawa, kakaiba ang kulay ng aking balat dahil nga may lahing dayuhan ang tatay ko. Hindi gaya ni Kuya Kalim at Lila na minana sa aking ina ang mga balat nila.

So I decided to keep on walking. Iniwan ko ang mga bata sa plaza na abala sa paglalaro.

I went up the hill.

Bilang minsan lamang makalabas, tuwang tuwa akong naglakad patungo sa magandang bahay na tanaw mula sa maliit naming baryo.

In less than an hour, I found myself in front of a golden gate. Sobrang taas ng pader na nakapalibot sa bahay na yari sa marmol.

Sa harapan ko ay mga rehas na kulay ginto. Sapat lamang ang ang mga siwang nito upang makita ko kung gaano kaganda sa loob. Sapat lamang ang espasyo sa pagitan ng mga bakal upang pagkasyahin ko ang payatot kong katawan.

May malaki silang hardin. There was a patio on the right, surrounded by fields of roses. Sa bandang likod ay makikita ang isang garden maze na yari sa mga marisol. Sa kaliwa naman ay isang malaking fountain na may kakaibang estatwa ni kupido sa tuktok. Isang estatwa na may munting mga pakpak sa likod, nakataas ang isang paa habang nakatingin sa langit, at ang mga kamay ay may hawak na munting pana at palaso.

"Bonjour (Hello)."

Doon ko siya unang nakita. Nawala ang pagkakatulala ko sa estatwa nang marinig ko ang boses ng isang bata.

Naglalaro siya sa tapat ng fountain habang nakaupo sa buhangin.

Kinakawayan niya ako nang makita niya ako sa gate.

He was wearing a black tuxedo. Nakayuko siya sa buhangin na tila gumagawa ng maliliit na gusali gamit ang mga laruan niyang sasakyan na pang construction.

Ngunit ang ipinagtataka ko ay may kakaiba siyang suot sa kaniyang ulo.

"Wow, helmet!" kusang lumabas na mga salita sa bibig ko dahil manghang-mangha ako sa suot niya. "Ang ganda naman niyan."

Nakasilip ako sa gate nila habang para akong batang yagit dahil sa suot kong pinaglumaan ni Kuya Kalim. Samantalang siya ay tila isang manika na sinuotan ng magarbong damit.

"I don't speak Tagalog," sagot niya sa akin. "I can understand a little bit. But I'm good with English and French."

Nakaharap siya sa direksiyon ko. Matikas ang kaniyang tindig na tipong ipinagmamalaki sa akin na marami siyang alam na lenggwahe.

Agad siyang tumayo at pinulot ang dalawa niyang laruan. Mabilis siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Yakap niya ang mga laruan niya habang marahang nahuhulog ang mga buhangin mula rito.

"What did you say again?"

"Ang helmet mo, sabi ko ang ganda."

"Thank you."

His helmet is a brilliant ruby crimson color. Matching sa suot niyang itim na tuxedo. May suot siyang pulang bowtie na may logo ng kumpanya nila sa magkabilang gilid. Even though I can't see his face, I know he is smiling because of the tone of his voice.

Then, I remembered why I was there.

"Nakita mo ba ang mama ko?"

"Your mom?"

"Oo, lagi kasing nandito iyon. Naiwan kasi ako sa bahay at wala akong mahanap na kalaro."

"Same here!" he said with his high-pitched voice. "Wanna come play with me over there?"

"Sige!" Just like that, I forgot about my mama. That was the first time someone asked me. For the first time, someone asked me to play.

Pinagkasya ko ang katawan ko sa gate. Ilang saglit pa ay nasa loob na ako ng garden nila.

"What is your name?" tanong ko sa kaniya. Sa edad kong ito ay ilan lamang ang mga salitang Ingles na aking alam at isa ito sa mga kaya kong bigkasin.

"My name is Drake Slater Valentino," he said. Marahan niyang inabot sa akin ang isa sa kaniyang mga laruan. Hinawakan niya muli ang kamay ko sabay yayang umupo. "I don't like being called by my entire name, though. You, what is your name?"

"Kahel," mahina kong tugon. Nahihiya ako sa itsura ko. Lumang t-shirt ang suot ko samantalang ang kaniya ay halatang pang-mayaman. "Ano iyang nasa ulo mo?"

"This? It's for protection."

"Wow, siguro mahal iyan ano?"

"I dunno."

Nakayuko lang siya sa sahig. Pati buhangin nila ay halatang imported. Kulay puti na hindi madaling makita sa baryo namin.

We started playing. He would put some sand on the back of his truck. Then, he would drag it while making some choo-choo sound towards us.

"Here." He handed me a shovel and some boxes with different shapes. "Do you know how to build a castle?"

"Oo naman. Parang gumagawa ka lang ng clay pot nito. Magaling kayang artist ang tatay ko."

Naalala ko ang tatay ko noong nabubuhay pa siya. He would always bring me to his workroom at ilalapag niya ako sa isang bangkito. There, I would watch him spin some clay until it formed into pots. He would sometimes mold them into figures before putting them inside a huge oven to harden. May mga pagkakataong nag-uuwi siya ng marmol o malalaking bato na tinitipak niya hanggang sa maging kakaibang mga rebulto.

Ilang oras na kaming naglalaro ni Drake. Sa buhangin na kinayuyukuan ko ay napansin ko ang kulay gintong ilaw na nagmumula sa malasalamin na gintong balat ng estatwa ni kupido.

I looked up. I stared at it. Kumurba pataas ang labi ko. There was that familiar nostalgic feeling in my stomach na marahang gumagapang paakyat ng puso ko. I saw the familiar work of my father in the middle of the fountain.

"Teka, gawa ni papa iyan, ha." I pointed at the statue. Drake followed my hand.

"That's a statue of me!" he shouted proudly.

He slowly removed his helmet.

Tumambad sa harapan ko ang malaanghel niyang mukha.

His hair would extend up to his neck, had a dark blackish gold color, and was slightly curly. His eyelashes were so beautiful, and his lips were very pink. Para siyang nagmula sa painting noong sinaunang panahon. Hindi halatang may lahi siyang Filipino.

Hindi ako nakakibo. Nakatulala lang ako sa kaniya.

"Hello? Kahel?"

"Wow, para kang manika."

"I get that a lot."

That was the first time I noticed na may pagkamayabang siya. Hindi na nawala hanggang sa lumaki kami.

"E, bakit ka pa naghe-helmet?"

"My mom would make me wear this."

"Dahil?"

"She said there is a monster lurking in this town, and I should always keep this on—"

"Drake!"

Sabay kaming napatalikod. A woman was rushing towards us. Her lovely purple gown was fluttering in the breeze as she struggled to reach for her son.

She's so beautiful. Kamukhang-kamukha niya si Drake. Nakalugay ang maganda niyang buhok na medyo kulot rin. She was wearing beautiful pearl earrings and a necklace with a huge emerald center.

"Combien de fois dois-je te dire de ne pas retirer ton casque? (How many times do I have to tell you not to remove your helmet?)"

"Désolé, Maman. (Sorry, Mama)."

Hindi ko sila maintindihan.

Mabilis na binuhat ng magandang babae ang kalaro ko at agad na ipinasuot ang helmet nito.

"Ikaw, kaninong anak ka?" tanong niya sa akin.

She seemed scary. Hinihingal pa siya habang mahigpit ang pagkakayapos kay Drake.

"Kay Mama Sharon at Papa Martin po. Tagaroon po sa ibaba ng burol."

I saw how she made a frown because of what I said.

Napakagat siya ng labi. Napahigpit lalo ang yakap niya sa kalaro ko.

"Sino ka sa mga anak ni Sha? Anong pangalan mo?"

"Kahel po."

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya.

Nakatulala siya sa akin na parang nakakita ng multo.

"You're Martin and Sebastian's..."

Hindi niya itinuloy. Agad siyang tumalikod.

"Kilala n'yo po ang papa ko?"

Hindi niya ako sinagot. Hinarap siyang bigla ng anak niya.

"Mom, does Daddy Sebastian know him, too?"

"Plus tard, Drake. Nous devons entrer. (Later, Drake. We need to get inside)."

Hindi pa rin nila ako nililingon. Pilit akong hinaharap ni Drake pero panay ang hawi sa kaniya ng mama niya.

"Mom, Kahel is also looking for his mommy."

Umikot paharap sa akin ang babae. Pero nakapikit ang mga mata niya. Pinili niyang lingunin na lang ako para tuluyan na niyang maitalikod sa harap ko ang batang karga niya.

"You're Orange, right?"

"Kahel po."

"Sorry, nasanay lang ako sa French."

Malumanay na ang boses niya. Pero halata ko sa itsura niya na kinakabahan siya sa presensya ko sa kanilang mansion.

"Hijo, pasensiya ka na. Wala rito ang mama mo."

"Ganoon po ba?"

"Mas mabuti sigurong umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo."

Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Madalas kasing wala silang lahat sa bahay. Ata alam kong maaga pa para sa hapunan.

"Opo," sagot ko pa rin.

Mabilis na tumakbo ang babae papuntang pintuan ng mansion.

Suddenly, hindi pa siya nakakatapak sa tapat ng pinto ay biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.

Napatigil siya sa pagpasok. Nilingon niya akong bigla.

Tatakbo sana ako pasunod sa kanila upang makisilong pero agad niyang isinirado ang pinto pagkapasok niya.

My entire body wanted to fall after that. Lalong sumikip ang paghinga ko.

Tumakbo na lamang ako sa pinakamalapit na punong nakita ko. There were still some raindrops under that tree. Pero tiniis ko na lang. Naghintay akong tumigil ang ulan.

One hour under the rain became two. Napatingin ako sa malayo. Madilim pa rin ang langit.

Medyo basa na ang damit ko dahil kahit papaano ay tumatagos pa rin ang ulan sa mga dahon at sanga ng puno. Napatingin ako sa pintuan ng mansion. Nakaramdam ulit ako ng kirot sa aking dibdib.

"Buti pa sila naiinitan sa loob," bulong ko.

Muli akong yumuko. Tiniis ko na lamang ang ginaw habang pinapakinggan ang bawat patak ng ulan sa putikan.

Suddenly, I heard their door open.

I saw the young Drake Slater Valentino rush outside the house.

That kid I was playing with earlier came rushing out the door. Hawak na niya ang kaniyang helmet. May dala siyang malaking payong habang tumatakbo sa direksiyon ko. He stopped in front of me.

"Hello, Kahel."

"Drake? Anong ginagawa mo rito? Pumasok ka na sa loob baka magalit pa ang mommy mo."

"It's okay. I finally convinced her to let you inside the house. You will get sick if you stay here."

"Talaga?"

"Yes. But she has a condition."

"Ano raw?"

"You must wear my helmet."

Bilang batang walang muwang ay natuwa ako sa sinabi niya. Sa mga panahong iyon ay akala ko'y isang magarbong laruan ang inaabot niya sa akin na may pahintulot ng kaniyang ina na aking gamitin.

I put it on. I wore it with pride.

Binuksan niya ang payong niya na noon ko lang napansin na transparent pala.

Magkaakbay kaming naglakad palayo sa puno. Suot niya ang mamahalin niyang tuxedo habang parehong napuputikan ang mga damit namin. May helmet naman sa aking ulo.

Napatingin ako sa itaas. I can see the glow in the small raindrops falling on our umbrella.

Napatingin ako sa katabi ko. He was smiling. From inside the helmet, I could feel my face blush.

For him.

Para sa una kong kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top