Chapter XXVIII: Kopfniko

Kahel

KOPFKINO—(German) meaning "head cinema". The act of playing out an entire scenario in your mind.

"Sabi na kasing huwag magpakapagod, e!"

Nakahalukipkip pa si Drake habang nakahiga ako sa kama niya. Nakatayo silang tatlo palibot sa akin. Si Drake sa kanan ko, si Matthew sa kaliwa, at si Lance naman sa paanan.

"Ilan ba trabaho nito?" usisa ni Matthew. Lumuhod ito sa kama at sinimulang haplusin ang aking buhok.

"Oist, puputulin ko iyang kamay mo." Hinawi ni Drake ang kamay ni Matthew sa noo ko. "Ang alam ko itong sa Ocean Park, 'tsaka ang sa mall."

"Drake, doon pa rin ba nakalagay ang mga gamot mo?" Lance was scanning the room.

"Oo. Pakuha naman, please."

Pinapanood ko lang silang tatlo. Lumabas si Lance habang si Drake at Matthew ay naghahampasan ng kamay tuwing dumidikit ang kamay sa akin ng isa sa kanila.

"Titingnan ko lang kung mainit pa siya." Muling tinangkang abutin ni Matthew ang noo ko.

"Huwag kang panay hawak. Thermometer ka ba?"

"Mamaya ka na nga mag-angas, Drake. Kita mo na ngang nilalagnat 'to."

"Kukuha ako ng thermometer. Huwag kang panay tsansing sa baby ko."

"Uh-hoh!" bigla kong ubo. May basang tuwalya sa noo ko at nakasuot ako ng maluwag na pajama na pagmamay-ari ni Drake.

"Ayan. Tingnan mo, Matthew, ginising mo," bulyaw ni Drake. Muli niyang akong nilingon at umupo siya sa tabi ko. "Baby, are you okay?"

Mahina akong tumango. Bagsak ang katawan ko maging ang magsalita ay hindi ko magawa.

Ngayon na lang ulit ako nilagnat nang ganito. Marahil dahil sa dodgeball kahapon kung saan nakabilad kami sa araw na sinundan ko agad ng pagbababad sa tubig sa trabaho kanina.

Ako ay giniginaw. Nanginginig ang kamay ko. Pati mga ngipin ko ay panay ang tama sa isa't isa dahil sa lamig. Balot ako ng kumot pero ramdam ko ang lamig sa kuwarto ni Drake.

"What should we do, Drake?"

"Let's take him to the hospital."

Bigla kong hinawakan ang kamay ni Drake at umiling.

"Pero, baby. Baka mapa'no ka kung hindi ka matitingnan."

Inilingan ko siya ulit.

"Ito, pampababa ng lagnat." Bumalik na si Lance. May dala itong tray ng gamot. "Obserbahan muna natin siya saka tayo magdesisyon."

Pinaupo ako ni Drake sabay painom sa akin ng tableta at kasunod ay tubig.

"Hoy Lance," sabi ni Matthew ulit. "Tingnan mo ang ginawa mo."

"Ginawa ko?"

"Oo, tanga! Kung hindi ka nagpakalunod kanina, hindi sana ito napagod kasisisid."

"Sinong matinong tao ang gustong malunod, Matthew?"

"Hindi ka naman matino, huwag kang ano! At saka kung inayos mo iyong trabaho mo, hindi lang si Kahel ang dapat nagtrabaho kanina."

"Alam mo ikaw, sumosobra ka na."

Hinawakan ni Lance ang mamahaling trench coat ni Matthew.

Pinisil naman ni Matthew at t-shirt ni Lance at inangat ito pataas.

"Sige ipagpatuloy ninyo 'yan." Drake stood up. There was a sudden shift in the temperature in the room. Tila hindi makagalaw ang dalawa nang bigla silang harapin nito. "Kung hindi kayo titigil, papalabasin ko kayo sa building."

"Hmm—" tangkang pagsaway ko.

"Kahel!"

Natigilan silang tatlo dahil sa mahina kong pag-ungol. Kanina pa kasi sumasakit ang sentido ko. Marahil kasisisid at napuno na ng tubig ang tainga ko.

"Lance, amin na ang thermometer," utos ni Drake.

"Pero–"

"Just, give it to Drake, idiot!"

"Drake," panimula ni Lance. "Matagal nang sira iyong thermometer para sa kilikili. Ang meron na lang is iyong—"

"Ano?" hina-highblood na bulyaw ni Matthew.

"Fudge!" bulalas ni Drake. "Seryoso, 'yong rectal?"

"Rectal?" Nanlaki ang mata ni Matthew. "Pang-puwet?"

"Okay." Napatayo si Drake. "You... Lance... sit here and give it to him."

Hinila ni Drake si Lance paupo sa tabi ko sa kama. I saw a drop of sweat falling down his face.

"Why me?"

"Because you're the ex-boyfriend."

"And so?"

"Ibig niyang sabihin, nakita mo na ang lahat sa pasyente kaya wala na siyang itatago sa iyo," nakapamewang na dugtong ni Matthew.

"Pero..." Nauutal na tugon ni Lance.

Gusto kong matawa at magpumiglas pero nanghihina na lang talaga ang katawan ko sa pagod.

"Pero ano?"

"Wait, don't tell me." I saw Drake's face forming a sly smile. "You and Kahel have never done it?"

Yumuko si Lance.

Umiling ito.

"Seryoso?" gatong ni Matthew. Nagsimula itong tumawa. "Thank goodness. Safe pa pala sa iyo ang kaibigan ko."

"Alam mo ikaw Valderama, kanina ka pa." Akmang tatayo si Lance upang ambahan ulit si Matthew. "Sige, ikaw ang maglagay."

"Oo ba!" Lance extended his hand as if letting Matthew take the thermometer.

"Oops!" Biglang binawi ni Lance ang kamay niya. "You've never seen him naked either!"

"Give me that." Biglang inagaw ni Drake ang thermometer.

"Wait, Drake, baka magalit si K."

"Valentino, let's just take him to the hospital just like you said. Invasion of privacy na iyan ni Ed."

"You two, get out of the room!" utos ni Drake. Hindi gumagalaw ang dalawa. Napahampas ng mukha si Drake. Napabuntonghininiga ito. "Hay naku. I've seen him naked. Nakita ko na ang puwet niya. Ang hina ninyo kasing dalawa."

They were both stunned. Nilapitan silang dalawa ni Drake, para silang mga rebultong hindi makagalaw habang tinutulak nito palabas ng pinto.

Drake closed the door habang natatawa sa tulalang itsura nina Lance at Matthew.

"Don't worry, guys! I just saw him naked. We haven't done anything..." tumatawang sigaw ni Drake sa loob. I saw him come closer. Abot-tainga ang ngiti ni gago. "Haven't done anything... yet."

Pinilit kong pakilusin ang kamay ko.

Kahit isang daliri lang.

Nakatayo na siya ulit sa gilid ko at ibinuhos ko ang buo kong lakas sa daliring itataas ko.

Tinaasan ko siya ng middle finger.

"Oh, come on, Kahel. Nakita ko na iyan. Wala ka nang itatago sa akin."

Tinaas ko pa ang isa kamay ko.

Dalawang hinlalato ko na ang nasa harapan niya.

"Nurse ka, hindi ba?" tumatawa niyang tugon. Nakataas pa ang kaniyang kilay na tila natatawa sa itsura ko. "Kailangan nating malaman anong ang temperature mo para makumpirma kung tumatalab ba ang gamot."

May punto nga si gago.

Kusang bumagsak ang mga kamay ko pabalik sa kama. Nanghihina na nga talaga ako.

Iginilid niya ang aking katawan. Normally, it should take two people to move someone as big as me. Pero itong si ungas, parang wala lang sa kaniya ang bigat ko.

Lalong namula ang pisngi ko. I remember how easy it was for him to carry me under the banana tree that rainy night habang—

"I'm gonna remove your pants now."

Sinimulan niyang hawakan ang dulo ng pants ko.

Pinanlisikan ko siya ng mata, 'yong tingin na naninindak.

"Hey, take it easy," taranta niya. "I'm not gonna look at your front. Itong likod mo lang."

Iniba ko ang tingin ko.

Ramdam ko ang nilalagnat na hanging lumabas sa butas ng ilong ko.

Nang mapansin niyang kalmado na ako ay inangat niya ang aking kumot patungo sa baywang ko. Kumuha siya ng lubricant at binasa ang dulo ng thermometer.

From under the blanket, he started to remove my pants.

I can feel his huge muscular hands gripping my butt cheeks as he tries to find the center.

I felt his finger.

He inserted whatever he was supposed to put inside.

Napaliyad akong bigla.

"Sorry," sabi niya agad. "I'll put it in slower."

Nang maipasok na niya ang tamang sukat ay pareho kaming nakahingang maluwag.

Then, he pressed a button. Hinayaan niyang mag-read ang device. He kept me side lying for a few minutes hanggang sa makuha niya ang temperatura.

"There," hinugot niya ang ipinasok niya sa puwet ko. "98.4 degrees Fahrenheit. Mukhang pawala na naman iyang lagnat mo."

"Is he okay?" rinig kong sigaw ni Matthew mula sa labas.

Mabilis na inayos ni Drake ang damit ko sabay tihaya sa akin sa kama.

"Yes, pasok na kayo!"

***

Madaling araw na. Naalimpungatan ako sa tatlong mokong na nag-iinuman sa ibaba ng kama ko.

"Matulog–" Tatayo na sana ako at pagsasabihan sila pero hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko.

"Is he awake?" dinig kong sinabi ni Matthew.

Nilingon ako ni Drake. Mabilis kong pinikit ang mga mata ko. "Nope, cancelled naman ang Humanities bukas sabi ni Miss Ramos. Nag-send na lang ng PDF."

"PDF?"

"Oo, ganyan minsan ang mga teacher sa school. Kapag tinamad magturo or busy sa ibang bagay, ipapadala na lang 'yong PDF na aaralin namin 'tapos may quiz sa kasunod na linggo."

Medyo kumalma ako dahil sa narinig ko. Ayaw ko pa namang umabsent. Kung susuwertihin ka nga talaga, sakto at Humanities lang naman dapat ang pasok ko bukas at ang mga major subject ko ay after three days pa. Mapapahaba ang bakasyon ko.

Napadiin ako ng ulo sa unan sa aking likod. Maging ang kumot ko ay lalo kong itinaas sa aking leeg. Sobrang komportable ko sa higaan ko nang may mapansin akong bigla.

These are my blanket and pillow mula sa library. Tangina, inangkin na nga niya talaga! I never saw these the last time I was here. Malamang ay inilabas niya dahil alam niyang mas komportable ako sa mga bagay na pamilyar na sa katawan ko.

"O, tagay mo na," saad ni Lance.

Nakarinig ako ng mga boteng tumatama sa isa't isa. Halatang nagkakasayahan talaga sila.

"Kayong dalawa," singit ni Drake. "Umamin nga kayo. Bakit kayo nag-transfer sa Olympiada?"

"Gusto mo ba talagang malaman?" tugon ni Matthew.

"Tinatanong mo pa ba talaga, Drake?" dagdag ng lasing na si Lance.

Natigilan si Drake. Hindi makasagot si gago. Ramdam kong nakatingin silang lahat sa higaan ko.

"Puwede ba? Huwag ninyo nang pormahan itong baby ko," sermon ni ungas. "Humanap na lang kayo ng iba sa school. Marami namang iba roon."

"Why? Are you threatened?" bulalas ni Matthew. May kasamang tawa na ang mga salita niya.

"By whom? You? Come on!"

"Pero seryoso, Drake," awat ni Lance. "Sa tingin mo, gusto ka niyan?"

"Nakakalalaki iyang tanong mo ha?"

"No offense, seryoso ang tanong ko. Tingnan mo, ako, ex-boyfriend, alam ko na ang mga hilig ni Kahel. Madali na lang ligawan ko iyan ulit." Lasing na talaga si Lance. Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Matthew. "Itong si Matthew, best friend, marami na ring alam iyan na puwede nyang gamitin sa panliligaw niya. E, ikaw?"

Nawala ang tawa ni Matthew. Nakita ko ang ulo nito na humarap kay Drake. "Oo, nga Mr. Valentino, ano ang lamang mo sa ex-boyfriend at sa best friend?"

Hindi nakasagot si Drake. Natahimik si ungas.

Muli siyang binanatan ni Lance. "Sige nga, sino ang paborito niyang singer?"

"Ako, alam ko!" sagot agad ni Matthew. "Taylor Swift!"

"Tama!"

Biglang humalakhak si Drake. "Oh, God. You guys don't know him at all."

"What do you mean, Valentino?"

"Wala, next question."

Natawa ako sa puwesto ko. Naalala ko ang kanta ni Sharon Cuneta na narinig ni Drake sa earphone ko noong una niya akong nakita sa dark room ng library.

"Ako, na-kiss ko na siya sa cheeks," pagyayabang ulit ng lasing na si Lance. "Ikaw Matthew?"

"Tss!" tumagay na lang si Matthew.

"E, ikaw Drake?"

Pakshet! Naalala ko ulit iyong nangyari sa ilalim ng puno ng saging. Taragis!

Napalingon sa akin si Drake. Sa puwesto ko ay siya lang ang nakakakita sa mukha ko.

Tinaasan ko ulit siya ng hinlalato.

Nginitian niya ako sabay kindat.

"Next question," natatawa niyang sagot sa mga kainuman niya.

"Uhmm.. kilala ni Kahel ang parents ko," pagyayabang ni Lance. "Pumunta na siya sa bahay one time."

Sumagot na agad si Matthew bago pa ito tanungin. "O! Wala na akong parents! Okay na?"

Napatingin naman sila kay Drake.

Nilingon ako ni ungas.

Natatawa kaming pareho habang inaalala ko si Tita Cherry na lagi akong pinaghahanda ng hapunan sa mansion nila noong mga bata pa kami.

"Secret," simpleng sagot ni Drake sabay tungga ng alak.

"E, ikaw naman Lance, have you seen his—" Hindi matuloy ni Matthew ang sinasabi niya.

"His what?"

"His you know?"

Napailing si Lance. Natawa si Matthew.

"Seryoso? Anong ginagawa ninyo noong magjowa pa kayo, titigan?"

Nagtawanan sila lahat.

Gusto ko nang bumangon at pag-uuntugin silang tatlo.

Napatingin sina Matthew at Lance kay ungas.

"What?" bulalas ni Drake.

"Have you seen his tool?"

"His rod?"

"His sword?"

Ipinikit ko lalo ang mga mata ko. Naalala ko kung paano ako nahubo sa harapan niya noong magkasama kami sa kuwarto sa Tarlac habang itinatago niya ang damit ko.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa kung anumang bagay na lalabas sa bibig ni ungas. Nahiya akong bigla. Lalo na sa magiging reaksiyon ng dalawa niyang kasama.

But what he said afterwards gave me butterflies in my stomach.

"I've seen everything about him," seryosong tugon ni Drake. His voice was so deep as if it were vibrating in every glass inside the room. "His best assets, his pretentious personality, his real self, but most especially... his flaws... and... I... love all of them."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top