Chapter XXIV: Gorgon

Kahel

GORGON—isang nilalang sa Greek mythology na may mga buhok na ahas at may mga matang kayang gawing bato ang sinumang titigan nito.

Inilipat ko ang pahina ng libro. Nakapalobo ang aking pisngi habang iniintindi ang mga bagay na binabasa ko. Nakaupo ako sa ilalim ng classic literature aisle sa library. Bandang dulo, maalikabok at hindi maririnig masyado kung may sumigaw man. Walang gaanong tao at tanging amoy ng lumang libro lamang ang sumisiksik sa sensitibo kong ilong. Nakadikit ang puwet ko sa sahig at sa kanan ko ay ang kumpol ng patung-patong na libro.

"The term "Gorgon" alludes to a variety of creatures, but it is most usually used to describe three sisters who are claimed to have horrific faces that turned anybody who saw them to stone and hair made of real, deadly snakes."

Natigilan akong bigla. Ramdam ko ang bola ng laway na nilunok ko habang binabasa ang mga sunod na kataga.

"There were three Gorgon sisters that were famous in classic literature: Stheno, Euryale, and Medu—"

"What are you reading, Ed?"

Biglang sumulpot si Matthew sa harapan ko. Agad kong itinago ang libro sa aking likod.

"A, wala. Naghahanap lang ng resources para sa literature."

Napayuko si Matthew sa gilid ko. Napanguso siya sa akin nang mapansin ang mga nakapatong na libro na maghapon kong binasa.

"Iliad and Odyssey?" saad niya. "Those are classics and are really good books."

Mabilis niya akong tinabihan. Kumuha siya ng aklat at parang bata na tahimik na nagbasa sa aking kanan.

"So, anong sinabi sa iyo ni Lance?"

Napatingin ako sa kaniya bigla. Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa libro. Gumagalaw ang kaniyang mga labi habang mahinang binubulong ang mga salitang kaniyang binabasa.

"Iyon, nag-sorry. Tanggap naman niyang kasalanan niya."

"Dapat lang." Bigla niyang isinirado ang aklat. Tumayo siya at lumipat ng puwesto sa harapan ko. "So, how do you feel?"

Natigilan ako sa tanong niya. Napapikit akong bigla habang inaalala ang mga huling sinabi sa akin ni Lance noong isang linggo.

"Bakit mo tinatanong?"

"Well, it's been a week since you talked and hindi ka sa akin nagkukuwento. And it has been a big elephant in the room, kaya—"

"I'm okay, Mat."

"You sure?"

"I think."

Kinuha niya ang isang kamay ko. Ikinulong niya sa dalawa niyang palad sabay dikit sa kaniyang pisngi.

"Ed, you know you can tell me anything." Napatingala siyang bigla. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang iniikot niya ang kaniyang paningin sa buong silid-aklatan. "Remember the first day we met?"

Kusang kumurba pataas ang mga labi ko. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero pinahiram ko muna sa kaniya.

"Siyempre, espesyal ang araw na iyon."

"It was in a library like this back in high school." Tinignan niya ako ulit. Sinimulan niyang haplusin ang buhok ko. "I found you crying in an aisle like this mula noong alisin ka sa swimming team."

"Hindi mo na kailangang ipaalala. You were one of the good things that happened on that mournful day."

"Oo nga, para kang batang uhugin noon, Ed. Ang dami mong sipon."

"Ikaw nga amoy libro kasi sabi mo sa library ka na nakatira."

We started laughing. Tinawanan namin ang masasayang alaala sa araw na iyon.

"Grabe. Puro rin tayo tawanan noon kasi lumang luma na noon ang damit ko, Ed."

"At ssaka naalala mo 'yong pinagalitan tayo ng librarian the day after that?"

"Ha?" Maluhaluha na si Mat katatawa habang iniisip ang tanong ko. "Pinagalitan ba tayo?"

"Oo!" Naalala ko 'yong suot niya noong bagong transfer pa lang. Para siyang nakapang-boy scout. "Tayo ang pinagbintangan nung librarian na nagnakaw ng estatwa sa library!"

Unti-unting humina ang tawa ni Matthew.

"'Yong school statue ng founder ng school natin before? Naalala mo?"

Nakangiti na lang si Mat sa harap ko. Wala nang halakhak na lumalabas sa kaniyang bibig.

Hawak pa rin niya ang kamay ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa magaspang kong palad. Kasunod noon ay marahan niyang itinaas ang aking kamay at akmang hahalikan ito.

"Hoy!"

Sabay kaming napalingon ni Matthew. Sa gilid namin ay si Drake na nakatayo at nakapamewang pa habang nanlilisik ang mga mata sa aming dalawa.

"Isang linggo lang akong nawala, nilalandi mo na si labo?"

Kinuha ni Drake ang kamay ko mula kay Matthew at ibinulsa sa masikip niyang pantalon.

"Ungas—"

"Shhh! Mamaya tayo mag-usap sa bahay."

Bahay?

"Naghihintay na sa atin ang mga anak mo."

Anak ko?

"Ikaw, Matthew Rodriguez! Humanap ka ng sarili mong asawa!?

Asawa?

"Kung gusto mo, si Lance na lang! Kinausap ko na si Mr. Castuera, pinapayag ko na magkipagpalit ng kapartner sa P.E. class!"

"Sinungaling," bulong ni Matthew. "Kami ngang tatlo, hindi siya napapayag, ikaw pa kaya?"

"Kung gusto mo, tanungin mo pa siya roon at nang malaman mo."

"Oo ba! Tara, Ed!"

"Dito lang siya!" Lalong ibinaon ni Drake ang kamay ko sa bulsa niya.

"Teka, Drake—" akmang huhugutin ko ang kamay ko nang may maramdaman akong kumislot sa loob ng pantalon niya.

Agad akong napatikom.

"Ano, Ed? Tara na! Patunayan nating nagsisinungaling itong kaibigan mo."

Pero hindi ako nakasagot. Hindi ako makagalaw dahil panay ang kislot ng kung anumang mahaba sa bulsa ni ungas.

"Dito lang siya!" bulalas ni Drake. "And it's not kaibigan! It's ka-ibigan!"

Tuluyan na kaming iniwan ni Matthew. Humarurot siya palabas ng library upang komprontahin si Mr. Castuera.

Marahan akong nilingon ni Drake. Natatawa siya sa itsura ko na hindi makakilos habang panay ang paggalaw niya sa kung anumang nakatago sa pantalon niya.

"Do you like it?"

"Tarandato ka talaga!"

Hinugot ko ang kamay ko. Bigla ko siyang binigwasan. Napayuko siyang bigla.

"I miss you too, mahal." Umuubo niyang tugon. Tumatawa si gago habang namimilipit sa sakit.

Panay ang kaniyang ubo. Iyong ubo na overacting. Sobrang lakas na tipong maririnig na sa buong library.

Ilang segundo pa ay nakarinig kami ng mabibigat na takbo patungo sa sulok na kinatataguan namin.

"You two!" sigaw ni Raylleen, 'yong kaibigan kong librarian na mas maingay pa kesa sa mga estudyante.

Tinulungan kong tumayo si Drake habang panay sermon ang kaibigan ko.

"Ang iingay ninyo! Dito pa kayo naghaharutan. Nakakahiya sa mga estudyante. You are too loud! Never akong naging ganiyan."

"Wow, ha?" saad ni Drake na sinundan ko ng mahinang kurot sa tagiliran. "Aw! Aw! Aw!"

"O, ito!" Inihagis sa amin ni Raylleen ang susi na hawak niya. Tapos bigla itong bumulong. "Kayo, next time na maghaharutan kayo, sabihan ninyo ako agad para doon kayo sa dark room."

Umasim ang mukha ko. Inakbayan naman siya ni Drake.

"Ayan ang gusto ko sa iyo Raylleen, e. Madali kang kausap."

"Oo naman, Drake. Basta para sa inyo ni baby boy Kahel. He-he."

"Teka lang," pagsingit ko. "Akala ko ba galit ka!"

"Pang front ko lang iyon my friend. Sisitahin ko kayo kunwari para mapatunayang may silbi naman ako rito. Kasi, may kumakalat na tsismis na mas maingay pa raw ako sa mga estudyante."

Hay Raylleen, hindi iyon chismis.

Inakbayan ako ni Drake habang binubulsa ang susi ng dark room.

"Sige na Raylleen, pasensya na sa abala. Papasok na kami ng misis ko sa bahay namin."

Misis?

"Sige na, ako na magliligpit nitong mga libro," saad ni Raylleen. "Sa loob puwede kayong mag-ingay. Wag lang masyadong mayugyog ha?"

"Teka-teka anong pinagsasabi mo?" bulalas ko.

"Wala 'yon," tugon ni Drake. "Tara na sa loob."

Madilim pa rin sa dark room. Dark room nga, e.

He switched on the AC. I turned on the lights.

Pinaupo ako ni Drake sa dati kong lamesa at binigyan ako ng kumot. Akmang tatakpan na niya ako ng kumot ng bigla akong sumigaw dahil kanina pa kakaiba ang mga kinikilos at mga pinagsasabi niya.

"Wah! Ano bang nangyayari sa iyo?"

"What do you mean, mahal?"

"'Yong misis! 'Yong mga anak! 'Yng bahay!"

"Ah, that—"

"Ayusin mo ang sagot mo kung ayaw mong mabutas iyang tiyan mo!"

Napatayo akong bigla at hinabol siya sa sulok. Akmang bibigwasan ko na naman siya nang bigla siyang mapaatras.

"Wait! Teka lang. Ito naman, hindi pwedeng pagpraktisan."

"Pagpraktisan?" Pinapatunog ko na ang mga kamao ko.

"Easy, mahal! Alam mo ba kung bakit one week akong nawala?"

"Bakit?"

"Kasi, I had to take acting classes. So 'ayun... okay ba mga script ko?"

Ramdam ko ang init ng usok na lumalabas sa ilong ko. Gusto ko siyang panggigilan pero naalala kong isip bata nga pala ito.

I inhaled, then exhaled.

"Why would you need to take up acting classes? Hindi ba business major ka?"

"Tanong ko rin iyan, actually. But we have a minor subject in our course na kailangan naming sumali sa theater. And guess what my role is?"

"Taong grasa?"

"Luh," he laughed. "I'm the lead, of course!"

Napaupo ako sa sahig. Hindi ko na kayang maglakad papunta sa lamesa dahil pinapasakit niya lalo ang ulo ko. Sumandal ako sa pader. Nakaupo ako habang nakataas ang aking mga tuhod.

Sinundan ako ni Drake. Siya naman ay naka-Indian sit sa harapan ko. Marahan niyang hinawakan ang mga tuhod ko at inipit ang kaniyang mukha sa pagitan ng mga ito.

Nginigtian niya akong bigla.

Napatingin ako sa malayo.

"Did you miss me, baby labo?"

Kinagat ko ang labi ko. Iniwasan ko siya ng tingin. Ilang segundo pa ay napansin kong tahimik lang siyang nakayuko sa aking harapan.

"So, you like mythological creatures, ha?"

Mabilis akong napalingon sa kaniya. Kinuha pala niya ang librong inipit ko sa likod kanina. Aagawin ko na sana ang libro ko nang bigla akong natigilan.

Mukha siyang inosenteng bata habang tinitignan ang mga larawan ng mga kakaibang nilalang. Nakangiti si Drake habang binabasa ang bawat talata sa lumang librong kinuha ko sa dulo ng silid-aklatan.

Nakatitig lamang ako sa kaniya.

"Kahel, can I lay down on your lap?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Nilinsikan ko siya ng mata. Iniling ko ang aking ulo.

"Please, mahal?"

Kusang pumantay ang mga kilay ko. Nagpalabas ulit ako ng mainit na hangin sa aking ilong. Ibinaba ko ang tuhod ko.

I watched how Drake made himself comfortable as he laid his head on my lap. Humiga siya sa tabi ko at inunan niya ang hita ko. He continued reading my book.

Mahina siyang nagbabasa. He was like a kid while browsing through those crusty pages. May ngiti sa kaniyang mukha na tila malayo sa bagay na ibinibintang sa kaniya ni Lance.

Ang taong ito? Gorgon? Halimaw?

Imposible. Sa ugali niyang iyan?

Siguro nga ay guni-guni lang ni Lance ang lahat ng iyon.

Marahil ay karma nga talaga niya ang nangyayari sa kaniya.

Ang lalaking kasing bait nito, isang...

"Medusa," biglang sambit ni Drake na siyang nagpapukaw sa mga iniisip ko. Narating na niya ang bahagi ng libro na binabasa ko kanina.

Ibinaba niya sa kaniyang dibdib ang libro. He turned his gaze on me. In his eyes, I could see that familiar sadness mula sa batang Drake na kakilala ko. With his gentle hands, he began to touch my face.

"Medusa..." he continued. He started stroking my cheeks. "History's most misunderstood beauty."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top