Chapter XXIII: Rationalization
Kahel
RATIONALIZATION—Isang uri ng defense mechanism upang maprotektahan ang ego ng isang tao. In Tagalog, pagdadahilan. Minsan, kapag naiipit ang tao sa isang sitwasyon na hindi nila gusto o kaaya-aya, may mga rason silang ibinibigay to justify why they were in such situations. Or... in some scenarios, to escape them.
"Hindi nga puwede, Robinson," naiiritang tugon sa akin ni Mr. Castuera. Sinimulan na niyang itaktak ang stapler sa lamesa niya. "Ilang beses ka bang inire, bakit ang kulit mo?"
Nakatayo ako sa harapan niya. Sa likod ko ay sina Lance at Matthew na parehong nahihiya dahil sa suot nilang P.E. uniform. Bilang bagong transfer sa paaralan, wala silang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang natitirang maliliit na shorts— the only ones left for new students such as them to wear. Masikip, hulmang-hulma ang kung anumang bagay na tinatakpan nila sa kanilang harapan.
"Pero, Sir, payag naman po si Matthew na siya na lang ang kapareha ko."
"Hindi dapat si Rodriguez ang tinatanong mo." Hinawi ako ni Mr. Castuera upang tignan si Lance. "Valderama, papayag ka ba?"
Agad kong nilingon ang ex ko. Nanlilisik pa ang mga mata ko upang sindakin ito.
Pero nakayuko lang si gago.
"Hindi po."
Buwiset talaga!
"Then, that settles it. The three of you, get out of my office and discuss with your partners how you'll work on the task."
"But..."
"No buts, Robinson. Sumunod ka o ibabagsak kita?"
Marahan akong tumalikod. Naunang naglakad sa akin sina Lance at Matthew papunta sa pinto.
"Hoy, kayong dalawang transferee," sigaw ulit ng teacher namin. Napahinto kaming tatlo. "Mag-jogging pants kayo next time. Bakat na bakat ang mga talong ninyo, istorbo sa klase kanina."
Nakita ko kung paano biglang namula ang balat ng dalawa. Sabay nilang pinahaba ang mga t-shirt nila.
"Saka isa pa, Robinson," natatawang tawag ni Mr. Castuera. "Make sure that Valentino has an excuse letter next week. Pang ilang absent na niya ito. Pagsabihan mo iyang boyfriend mo."
"He is not my—"
"He is not his boyfriend!" sigaw ng dalawang kasama ko bago pa ako matapos.
Natawa si Mr. Castuera sa reaksiyon namin. Iwinasiwas niya ang kaniyang kamay para bugawin kami palabas ng kuwarto.
"Halika nga rito." Hinatak ko si Lance papunta sa sulok pagkalabas namin ng opisina. Natulala maging si Matthew sa ginawa ko. "Mat, mauna ka na. Kakausapin ko lang ito."
"Sige, just shout if you need help." Sinimulang patunugin ni Mat ang mga kamao niya. "My fists have been itching to meet his face since last year."
Dinala ko si Lance sa ilalim ng hagdan. Tahimik lang si gago. Isinandal ko siya sa pader habang idinadantay ang mga kamay ko sa dalawang gilid niya upang hindi siya makatakbo.
"Well, now you want to talk?"
He was smiling. That familiar one-sided smile na may ganang makipag angasan sa akin.
"Anong problema mo. Bakit ayaw mong makipagpalit kay Mat?"
Sinimulan niyang hawakan ang isang kamay ko, akmang aalisin ang pagkakakulong ko sa kaniya.
"K..."
"You won't get a way, gago!"
"Sino ba ang nagsabing gusto kong tumakbo?" Natanggal niya ang pagkakadantay ko. Hinawakan niya ang isa kong braso at hinila niya ako paakyat sa hagdan.
"L!" Shit! Did I really call him by that?
Mabilis akong nagtigilan. Nakita ko ang malaking ngiting namuo sa kaniyang mukha nang tawagin ko ang palayaw namin para sa isa't isa.
"Lance, bitiwan mo ako, o bibigwasan kita?"
"Hindi ba gusto mong mag-usap tayo?"
He dragged me upstairs without even waiting for my response.
Narating namin ang rooftop. Hinihingal pa ako dahil sa taas ng inakyat namin. Nang mahabol ko na ang aking hininga ay doon ko lang napansin ang magandang tanawin.
Sa paligid ay mga mabababang gusali na makikita lamang sa loob ng Intramuros. Sa itaas ay ang bughaw na langit. May mga ulap na kasing-tambok ng cotton candy.
"Does this scene look familiar?"
Sa ganitong rooftop ko siya sinagot noong high school. The only person in high school who had the guts to talk to a half-breed like me. Sa rooftop din ang secret spot namin.
"Bababa na ako."
Akmang tatalikod na ako. Mabilis akong tumakbo papuntang hagdan. Bago pa ako makababa ay narinig ko siyang nagsalita, "I have cancer, K."
Hindi ako sigurado. Alam kong galit ako sa kaniya. Pero sa mga katagang binitiwan niya ay para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig.
Marahan ko siyang nilingon. His back was still in front of me. Nakataas ang kamay niya na tila tinatakpan ang kaniyang mga mata habang nakatingala sa ulap.
"Yeah, right."
Pero ayaw kumilos ng katawan ko. Gusto kong tumakbo pero may pumipigil sa akin sa paglisan sa kaniya.
"Ito na siguro ang parusa ko dahil sa ginawa ko sa iyo."
Tangina! Buwiset talaga! Ang lakas mang-guilt-trip, ampota!
Umupo siya sa sahig. Sa tabi ng pinto sa labas ng rooftop. I found myself walking towards him. But I stayed in the shade. Sa pader sa kaniyang likod ay marahan akong napaupo.
My tongue has a lot to say about him. Sharp words, bitter sentences that I've been brewing since last year. But my ears are eager to listen this time. Begging to hear his explanation why he left me behind.
Why did he let me go?
"Go ahead, talk."
"I was wrong, K. I know."
There was a smile in his answer, and I could feel it. I'm aware that there is guilt attached to his remarks.
He appears to be at peace, though, from the way he is speaking to me right now, I'm being tortured by it.
"Why did you deny me when the entire school was bullying me for being gay?" I finally asked.
Nakaipit ang ulo ko sa pagitan ng aking mga tuhod habang nakaharap sa madilim na shed sa harapan ko.
"Because I was selfish." I could hear birds passing by from where he was sitting. "Homophobia has been so rampant in high school that I had to deny you to the swimming team or I will lose my recommendation to a good college. Kapag nalaman kasi nilang bakla ako, itatakwil ako ng coach natin noon. Akala ko okay lang sa kanila noong una kaya when I tried outing you."
I squeezed my hands. I could feel the tears escaping my glands.
Gusto ko na siyang puntahan at sapakin.
But I let him continue.
"You don't need to forgive me because I know I don't deserve it."
Kusang nawala ang pagkakakamao ko. Napatingin ako sa liwanag na nagmumula sa labas ng pinto.
"But K, please do know that I am very sorry for what I did."
Hindi ko sigurado. Pero pakiramdam ko ay may kaunting nabawas sa mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim. Maalikabok sa shed pero parang sariwang hangin ang mga katagang binitiwan niya.
"So why are you here in Olympiada?" baritono kong tanong.
He paused. I could feel him walking inside the shed. Tinabihan na niya ako.
But he kept his distance.
"Right before I took off to Germany for my scholarship, I felt a plank pain in my back."
Hindi ko na napigilang tignan siya. Pareho na kaming yakap ang mga tuhod namin.
"Karma!" he laughed.
I looked the other way.
"I came looking for you here at baka sakaling maibsan ang parusa sa akin ng langit," he added. "But you don't need to forgive me. Just know that I am really sorry."
Wala siyang nakuhang sagot sa akin. I didn't owe him any response. He deserved silence from me for all the things he did. The way he left me hanging. The way he turned his back noong kulang na lang ay batuhin ako ng bato ng mga mapanghusgang tao.
He stood up. He headed to the stairs. He took a step down, bago muli akong nilingon.
I could feel him clearing his throat.
"And there is another reason why in Olympiada," he added.
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay. I squinted my eyes and I could see him touching his back as if he were grinding in pain.
"Aw," mahina niyang reklamo. His voice is shaking. "It's Drake."
Natigilan ako sa sinabi niya. Kinabahan akong bigla. Mabilis na nalungkot ang mga mata ko.
"I bumped into him while I was running away from school when everyone else was laughing at you."
Si Drake? Nasa Manila na noon?
"He gave me an evil look that day, then my kidneys started to hurt. On my next medical exam, I learned that I have tumor cells in my back. Parang may bato na lumalaki mula sa likod ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. Humakbang pa siya pababa. Bago pa maglaho ang kaniyang ulo ay nilingon niya ako.
"The reason I became his butler was to prove one thing."
Huminga siya nang malalim. May malakas na hangin na umihip mula sa labas ng pinto, smashing the door shut behind me.
"Believe it or not, but..."
He looked at me with that familiar gaze. Ang mga mata niyang kabisado ko kung kailan siya seryoso.
"He's a Gorgon, Kahel. He turns people into stone."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top