Chapter XXII: Humanities

Kahel

HUMANITIES—ang pag-aaral sa kultura ng tao, paniniwala, at mga paraan ng paglalabas ng mga saloobin.

"Coffee painting talaga?" pagtataka ko sa piraso ng papel na nabunot namin ni Matthew para sa aming proyekto. "Okay sana ang sculpture pero wala na tayong time."

Abala ako sa pagdedesisyon para sa gagawin namin project pero tila hindi ito inittintindi ni Mat.

"So, how have you been?" he asked. Natigilan ako sa boses niyang baritono. Nilingon ko siyang bigla.

Mat's smile was so perfect. Parang commercial model ng toothpaste. Sobrang puti ng ngipin niya. His puppy dog eyes were smizing habang nakatitig sa akin. Nakatungkod ang kaniyang ulo sa kaniyang kamay habang pinipisil ang pisngi ko.

"I'm good. I worked multiple part-time jobs."

"Grabe, wala kang pinagbago. Sobrang sipag mo pa rin."

"Walang pinagbago?" singit ni Drake. Nilingon niya kami mula sa unahan. "Matagal na rin kayong magkakilala?"

"Yeah, we're schoolmates in high school," tugon ni Mat. Bigla niya akong inakbayan at pinisil ang pisngi ko. "We're basically best friends."

Mabilis na tumayo sa upuan niya si Drake. Kinuha niya ang kamay ni Matthew sa balikat ko at ibinalik sa lamesa.

"Rodriguez, can you stop touching him?" he said with a stern look.

"Tss! Chill, bro. I know you guys are a thing."

Napaalis naman ng hood niya si Lance at napalingon sa amin, "A thing?"

"Yeah, haven't you heard of Bukkake, you traitor?" Matthew was glaring at my ex as if he were about to kick him from the back seat.

"Bukkake?" My ex's eyes are still facing mine.

Napahampas ako ng mukha ko.

Tumayo si Drake sa gilid ko sabay ipinatong ang braso niya sa aking balikat. Inilabas nito ang cellphone niya at iniharap kay Lance. "It's our love team. Kahel and Drake, Kake. Isa ako sa mga top fan, Alfred number two."

"Who's Alfred number two?" Matthew asked.

"Paano naging Bukkake?" Lance added.

Nagsama-sama ang mga siraulo sa paligid ko!

Nakangiti si ungas. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Natigilan si Lance at Matthew sa itsura namin. I felt Drake take a deep breath. Then he exhaled his warm breath to my neck. "Malapit na kasi siyang bumuka—"

"Ang gugulo ninyo!" bulalas ko. Napatayo akong bigla. Kinuha ko ang bag ko. Nakangiti sa akin si Matthew at si Drake samantalang nakasimangot naman si Lance. Hinarap ko si Drake. "Ganito, ikaw, ungas—"

"Yes, baby?"

"Stop calling me baby—"

"Are you sure?" Drake smirked.

Napayuko akong bigla. I did not answer him. Hinawakan ko ang baba niya at ipinaharap ang ulo niya kay Lance. "Stop calling him Alfred number two. His name is Lance para hindi tayo magulo."

"Lance the traitor," Matthew added.

Tinitigan ng masama ni Lance si Mat. Tinaasan ni Matthew ng hinlalato ang ex ko.

"At ikaw naman," hinarap ko si Lance.

"Yes, K?" He fucking smiled! Something pinched deep within my chest. Napapikit akong bigla.

"K?" Drake butted in again.

"That's what they call each other in high school," Matthew explained. "K and L."

Tinakpan ko ang bibig ni Mat, "Matthew! You are not helping!"

He shrugged.

"Ikaw, Lance!" Binalikan ko si buwiset. "Give me back my mermaid tail at nang maibalik ko na kay Kuya Tom."

"No, we need to talk first."

Lance started reaching for my hand.

Sabay na hinawakan ni Drake at Matthew ang braso ni Lance bago pa nito madikitan ang kamay ko.

Tila mabilis na nagbago ang timpla ng hangin. Nakatitig ang dalawang modelo sa swimmer kong ex-boyfriend na tipong handa nilang hatakin ito palayo.

"K." Lance took his arm back. "Next week, at our old spot, same time."

He picked up his backpack and started to walk away.

"Lance!" sigaw ni Drake. Nabubulol pa si gago. "Paano 'yong project natin?"

"Ako na ang bahala. I just need to visit the swimming team."

"Kahit kailan talaga siya. Maging butler or classmate, maasahan talaga." Abot-tainga ang ngiti ni Drake. Marahan niya kaming nilingon ni Matthew. "So, Kahel, where do you wanna eat?"

But he was too late.

Hawak na ni Matthew ang kamay ko habang pinapauna akong lumabas sa back door.

"Sorry, Mr. Valentino. We have to do our project."

"Kahel!" Hinabol ako ng sigaw ni Drake.

"Sorry," I whispered. Hindi ko sigurado kung narinig niya bago ako itulak ni Matthew palabas ng classroom.

***

"Why is he here in Olympiada?"

"Drake?"

"No, your ex."

"Hindi ko rin alam."

Nakapuwesto kami ni Matthew sa ilalim ng puno ng mangga. Inaayos ko ang mga gagamitin namin para sa nakuha naming proyekto.

"So, ano ang gagawin natin?" Napakamot ako ng ulo. Hawak ko ang notebook ko at ang dalawang bagay na nakasulat dito. "Painting or sculpture?"

"Sculpture, I'm sure magaling kang gumawa ng estatwa dahil sa trabaho ng tatay mo."

Natahimik ako sa sinabi ni Mat. Naalala ko si Papa na mahilig gumawa ng mga estatwa mula sa clay noong nabubuhay pa ito.

"Hala, sorry." Matthew noticed I was silent. "I didn't mean to, Ed."

"Okay lang." Napaupo ako sa batibot sa ilalim ng puno. Kumuha ako ng ballpen. May narinig akong kaluskos mula sa taong kasama ko.

"So, it's painting then?" Tinabihan ako ni Mat. Hinawakan niya ang kamay ko.

I lifted my head just to see him smiling at me. Bigla niya akong kinindatan. Itinaas niya ang kamay ko. He started putting my hand on his chest.

Wala siyang pang-itaas!

"Mat—"

"Ed, are you still single?" he asked out of nowhere.

Napalunok ako ng laway. I could feel my blood rushing to my head. Hindi ako nakasagot. Nakatitig lamang siya sa mga labi ko na tila naghihintay ng kahit anong tugon mula sa akin.

Pero napatingin lamang ako sa lupa.

"Ikaw naman, sineryoso mo ang tanong ko." He started laughing. Binitiwan niyang bigla ang kamay ko ang nasimulang maglakad ng isang metro.

"Baliw!"

Sinundan ko siya ng tining. Ang sinag ng araw ay pinapaliguan ang maganda niyang katawan. Para siyang naging kulay ginto habang sumasayaw ang anino ng mga dahon ng puno sa kaniyang hulmadong dibdib.

He started unzipping his pants.

"Hoy, anong ginagawa mo?" Mabilis akong napatayo. Tatakbuhin ko na sana siya nang bigla siyang natigilan.

"It's for the painting, Ed."

"Okay na kung iyong puno na lang ang subject natin."

"It would be lifeless kung walang tao sa gawa mo, my friend." He zipped his pants back.

"Sapat na ang puno, Mat. Baka may makakita pa sa iyo at pagkaguluhan ka pa."

"Our subject is called Humanities not Naturities." He started flexing his pecs. "Sige na, just like we used to."

Pumuwesto ulit siya nang maayos. Umupo siya sa isang bench habang naliligo sa sinag ng araw.

"Ang tigas ng ulo mo, parang si ano—" Natigilan akong bigla. Sumulpot ang mukha ni ungas sa ulo ko. Naalala ko si Drake.

"You okay?" Matthew shouted from his spot.

Tinaguan ko lang siya mula sa batibot.

I grabbed a cup of coffee, made a stroke with my brush. Just like before, I painted his body on a blank canvas.

***

Two days later, we had to present our art in front of the class. Our presentation was smooth at pinalakpakan ng mga kaklase ko ang coffee painting namin ni Mat.

"Grabe, Mr. Robinson. I didn't know you were good with the arts," puri ni Miss Ramos.

"Naku, Ma'am," singit ni Mat. "Marami pang talent iyan, hindi ninyo lang alam."

Bigla niya akong inakbayan. Then, nakarinig kami ng dalawang upuang biglang umurong sa bandang likod. Sabay na napatayo si Drake at Lance sa puwesto nila at agad na nagtungo sa harapan.

"Kami na next," bulalas ni Drake. Pinagsiksikan niya ang malaki niyang katawan sa pagitan namin ni Matthew para makalas ang pagkakaakbay nito sa akin.

Kasunod niyang naglakad si Lance. Nakatitig sa akin na tila nangungusap ang mga bilugin nitong mata.

Hinarang naman ni Matthew ang katawan niya sa pagitan namin ng ex-boyfriend ko para makalas ang titig nito sa akin.

We went back to our seats.

It's Drake and Lance's turn to present.

"So, anong nabunot ng team ninyo?" Miss Ramos asked.

"Diorama or singing po," mahinang tugon ni Lance.

"E, wala akong nakikitang diorama na dala ninyo, ibig bang sabihin—" puna ng teacher namin. Nagsimulang matawa ang buong klase.

"Yeah, obviously," Drake sighed. "Ito kasing si partner, sabi niya na siya ang gagawa, busy rin pala."

"Pasensiya na."

Then they started singing. Sinimulan ni Drake. Hindi ko mapigilang matawa dahil sintunado ang boses niya.

Until I realized what he was singing, "This song..."

"Familiar, Ed?" usisa ni Matthew sa reaksyon ko.

Hindi ko siya sinagot. Malamang si Lance ang pumili ng kinakanta nila. Nawala ang ngiti sa mukha ko.

"What is he singing? What language is that?" tanong ulit ng katabi ko.

"Moonlight Over Paris by Paolo Santos," tugon ko. "He is singing it in French."

"Huwaw!" bulalas ni Mat. "Nakakaintindi ka ng French?"

"Pamilyar iyong mga salita niya. Madalas naririnig ko sa mommy niya tuwing kausap niya sa telepono."

"Oh, so kilala mo ang mommy niya?"

Nilingon ko si Mat. Natatawa ito sa reaksiyon ko.

Biglang kumanta si Lance. Natigilan ulit ako. He was singing in a local dialect na minsan ko ring naririnig sa kaniya noong kami pa.

"E, iyang si Lance, anong lengguwahe iyan kinakanta niya."

"Satanic language," naiinis kong tugon. "Buwiset."

Tanging hagalpak ang isinukli sa akin ni Matthew habang tinatapos ng dalawang mokong ang sintundo nilang presentation.

***

I thought that day went smoothly.

Until P.E., where the four of us were again in the same class.

There was another activity. Bunutan naman kung sino ang magiging kapareha. Nagpaikot si Sir Castuera ng mga piraso ng papel.

Nabunot ni Matthew si Drake.

I was shaking as I saw Lance's name in the palm of my hands.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top