Chapter XXI: Kaibigan

Kahel

KAIBIGAN—The definition of a friend is too subjective. Some consider those who correct their mistakes to be their friends. Some refer to friends as those who let them make their own mistakes. Iba-iba ang kahulugan. Depende sa tao. Para sa akin, ito ang mga taong maasahan mo. Those people who would stand up for you through thick and thin.

Sino nga ba ang maituturing kong kaibigan ko?

"So, do you wanna sleep on the right side of the bed or the left side?" nakangiting tanong ng ungas na si Drake.

Pareho kaming nakatayo sa paanan ng kama. Pinapatuyo ko ang basa kong buhok dahil katatapos ko lamang mag-shower.

Siya naman ay may tuwalyang nakasabit sa kaniyang balikat habang may iniinom na dalawang lata.

"Anong iniinom mo, Valentino?"

"Pineapple juice."

Napapikit ako. Napakamot ako ng aking noo. Nakarinig ako nga binubuksang candy. Tinignan ko siya ulit. May isinusubo siyang dalawang piraso.

"E, iyan?"

"Snow Bear candy."

"Tangina ka talaga, Drake!"

Sinimulan ko siyang tadyakan pero naiiwasan niya ang mga sipa ko.

"Ano bang iniisip mo?" tumatawa niyang tanong. "Buong araw akong walang kain at ito lang ang laman ng drawer ko."

Tinigilan ko na siya. Kahit alam ko naman talaga kung para saan ang mga iniinom at kinakain niya.

"Hindi 'yan effective," bulong ko.

"Effective saan?" He's still in denial.

"Hindi tatamis ang katas mo."

"Wait, how did you know these things?"

I've read about those stuff. But he doesn't need to know that. Napabuntong-hininga ako. Dumeretso ako sa sala. Nakasunod lang sa akin si Drake habang binubuksan pa niya ang isang lata ng pineapple juice.

"Come on, Kahel. How did you know?"

"Basta!"

"Hindi ako makakatulog nito. Paano mo nalaman?"

Walang laman ang ibang drawer niya. He was pestering me with questions. Hindi niya ako tinitigilan hanggang sa magpanting na ang tainga ko.

"Because hindi lang ikaw ang fuck boy na kakilala ko."

"Ha?"

Binalikan ko ang mga drawer. May nakita akong pasta. "My ex was a fuck boy. He used to drink that, too. A lot."

"Your ex?"

"Yeah, my good-for-nothing ex named—"

Natigilan ako nang biglang nag-ring ang doorbell. Iniwan naman niya akong bigla para buksan ang pinto na siyang nagpaligaya sa akin. Binalikan ko ang mga aparador. May nakita akong pesto at tuna.

"Here," sabi ni Drake. Nakabalik na siya sa kusina. Hawak na niya ang bag ko. "Hinatid ni Alfred number two from Ocean Park."

"Ilapag mo lang diyan." Hinarap ko siya. Bitbit ko ang ilang pasta, tuna at pesto na tila naghahakot sa kusina niya.

"Oh, you want those? Sure, you can take them home."

"Gago! Nagugutom na ako. Magluluto ako."

"Ang daming pagkain sa ref, mahal."

"Bakit ngayon mo lang sinabi na may pagkain ka sa ref, unggoy?"

"You did not ask, e, mahal."

"Magluluto na lang ako. Can I use your kitchen?"

"Practicing to be my wife, eh?"

"Tarantado ka Drake, tantanan mo na ko sa mga banat mo."

"'Kala ko ba na-miss mo?"

Buwiset. Narinig niya nga ang sinabi ko sa kotse!

Nag-ring ulit ang doorbell.

"Wifey—"

"Baliw!"

"Can you get the door? Si Alfred number two iyan malamang. Pina-park ko iyong kotse ko. I really need to use the bathroom."

Tinanguan ko siya. Mabilis siyang humarurot sa banyo.

Inalapag ko ang mga ingredient ko sa kusina. Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto upang pagbuksan ang kawawang nilalang na pinangalanan na naman ni ungas ng Alfred.

Matanda rin siguro ito. Malamang kamukha ni Alfred na nasa Tarlac. Malamang ilang taon na rin siyang naninilbihan sa pamilya ng mga Valentino. Dapat galangin ko kasi paniguradong nasa edad 60 na rin ito.

Binuksan ko ang pinto.

"Good evening, Alfred number—"

"Ito na po ang susi ninyo, Master Slater—"

"Lance?"

"K?"

Nasa harap ko ang walang hiya kong ex. Nakasuot siya ng tuxedo, puting long sleeves, itim na slacks at ribbon sa kaniyang kuwelyo. Bigla kong isinarado ang pinto. Pero mabilis talaga ang kamay ni Lance, kaya napigilan niya ang pagsara ng pinto.

"Wait, K. We need to talk."

"Talk mo, your face. Hindi na natin kailangan mag-usap mula nang d-in-eny mo ako sa harap ng maraming tao last year, gago!"

"I have my reasons for that but for now, you need to get out of there."

Hindi ko na siya gaanong naiintindihan. Nagsimulang bumalik ang alaala ko noong nakaraang taon. Kung paano ako pinalibutan ng mga homophobic kong schoolmate at kung paano niya ako itinanggi sa maraming tao.

Sa sobrang gigil ko sa kaniya ay binuksan ko ang pinto. I grabbed him by his shirt. Kinuha ko ang susi ni Drake sa kamay niya bago siya itinulak sa hallway.

I slammed the door.

"I..." hinihingal kong bulong. Nakasandal ako sa likod ng pinto, "I can't believe I did that. Iba talaga ang adrenalyn kapag nagagalit. Kinaya ko si Lance?"

Akala ko ay tatantanan na niya ako nang bigla niyang kalampagin ang pinto.

"K! Kahel, listen to me! You have to get out of there now! He's a mons—"

"What's going on?" Biglang lumabas ng banyo si Drake. Basa pa ang kaniyang buhok at nakatapis lang ng tuwalya. "Is that Alfred?"

The door was opened from the outside. Lance obviously has an extra key to his master's room.

"Anong nangyayari?" tanong ni Drake sa alalay niya.

"Kumakatok ako, kanina pa. But he... uhm."

Napatingin sa akin sa akin si Drake. Napakamot ito ng ulo. Ramdam kong pansin niya ang pagsasalubong ng kilay ko. Muli niyang tinitigan si Lance. Napataas siya ng kilay sa reaksyon ko sa butler niya.

"Wait, do you two know each other?"

Tinignan ko si Lance. Nakayuko lang siya sa sahig tila iniiwasan ng tingin si Drake. Nagsimula siyang magsalita. "We were—"

"Friends!" sigaw ko. I looked at Lance sternly.

"Oh, nice. Small world. Pero bakit 'were'. Hindi na ba kayo friends?"

"Hindi na talaga," naiirita kong tugon.

"We had... uhmm... a past," sagot ni Lance.

"Oh, really?" Ayaw talaga kaming tantanan ni ungas. He crossed his arm. He started tapping his left foot. "Pasok ka, Alfred, help my wife prepare a meal."

"Wife?" Lance asked

Inilipat ko matalim kong tingin kay Drake.

"I'm just kidding," tumatawa niyang sagot. "Come in. Samahan mo na siyang kumain at ako ay matutulog na."

Tumalikod si Drake. Sinigawan ko siya. "Where should I sleep?"

"On top of me, if you want."

"Gago!"

Tuluyan na niya kaming iniwan. Ramdam ko ang tingin sa aking ni Lance sa tabi ko. Inisip kong mabuti kung bakit hindi siya napansin ni Drake kanina sa Ocean Park. Naalala ko ang suot niyang hood.

He grabbed my hands, "K, you should really leave! Hindi mo gugustuhing magalit iyang kaibigan mo."

"I can take care of myself, you asshole!"

Tinadyakan ko siya sa bayag. Dahilan para mapayuko siya sa pinto. Bumalik ako sa kusina at nagluto.

Pagbalik ko sa pintuan ay wala na si Lance. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong kumain.

Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Bakit panay ang babala niya sa akin tungkol sa lugar na ito? Bakit hindi niya magawang titigan si Drake kanina?"

I brushed my teeth. Pumasok ako sa kuwarto.

"Abnormal talaga," I giggled.

Kusang nawala ang mga iniisip ko. Natagpuan ko si Drake na nakahiga sa isang sapin sa ibaba ng malaki niyang kama. Maayos ang pagkakahanda ng kama ko. I kneeled. I tried to shake him.

"Ungas, doon ka na sa kama. Ako na riyan."

"You go ahead," humihikbi niyang tugon. Nakadapa pa rin siya gaya ng palagi niyang posisyon kapag natutulog. As usual, he is topless. "'Di ba, I told you to sleep on top."

"Gago," natatawa kong sagot. Nakangiti siya habang nakapikit. Huli na nang mapansin kong hinahawi ko ang buhok niya. Napaatras akong bigla. His smile grew bigger.

I laid down in bed. Sa side na malapit sa kaniya. Nakatihaya ako. Bigla kong naalala si Lance.

"Badtrip," hindi ko napigilang bigkas.

"Badtrip ka saan?"

Nilingon ko si ungas. Nakatiyaya na siya sa higaan. Inuunanan niya ang kaniyang mga kamay at pumuputok ang kaniyang mga braso. Katabi ng tainga niya ang mga kilikili niyang mabalbon at amoy bagong ligo.

Napatingin ako sa kisame. Natawa ako sa lakas ng pang-amoy ko. Napakamot ako sa aking ilong.

"Wala, matulog ka na."

"Hindi ako makatulog, e. Ang dami ko kasing nainom na pineapple juice."

Natawa ako sa sinabi niya. Napakagat ako ng labi.

Nilingon ko siyang saglit. Nahuli ko siyang sinisilip ang loob ng salawal niya.

"Tingnan mo 'to, tigas na tigas na," he added.

Mabilis akong umiwas ng tingin. "Matulog ka na, may pasok pa tayo bukas."

"Okay po, boss."

I felt him move. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakadapa na siya ulit. He started making those familiar soft snoring sounds every time he slept.

Biglang naka-receive ng message ang cellphone ko. Galing kay Kuya Tom.

Kuya Tom: "Naiwan mo ba ang mermaid tail mo sa aquarium?"

Napahampas ako sa mukha ko. Nawala agad ang antok ko. Ang mahal pa naman noon.

Me: "Sorry, Kuya. Balikan ko bukas."

Kuya Tom: "No, it's okay. May lalaking kumontak sa akin. Nasa kaniya raw. Ise-send ko ang number niya, tawagan mo para maibalik."

Natanggap ko ang number.

Tuluyan nang nasira ang gabi ko sa nakita kong number na ibinigay ni Kuya Tom.

Sa harapan ko ay ang numero ni Lance na matagal ko nang kabisado. Ang numero na isang taon ko nang na-block.

"Hindi ka rin makatulog?" tanong ni ungas sa baba ko. "Gusto mo sabay tayo?"

Marahan ko siyang nilingon. Nilalaro niya ang alaga niya sa loob ng kaniyang shorts.

"Tarantado!" Kinuha ko ang isa ko pang unan at pinaghahampas siya.

Nanggigigil ako habang panay lang siya tawa.

"There, much better," he said.

"Better?"

"Kanina ka pa kasi panay buntong-hininga, At least ngayon nakangiti ka na."

Sa mga mata niya ay nakita ko ang repleksiyon ko. Nakayuko ako sa kaniya. In his emerald green eyes I could see myself smiling as he began to brush my hair.

***

The next day, sabay kaming pumasok ni Drake. Everything was normal except for one thing. Mula noong umaga hanggang sa pumasok kami ay hindi gaanong nagsasalita si ungas.

Humanities ang first subject. Pareho kaming nakaupo sa dulo nang marinig ko ang buntong-hininga niya.

"Anong problema mo, Valentino?"

"Kasi si Alfred number two. Nag-immediate resignation kaninang umaga."

Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya. Nabasa ko ang email ni Lance tungkol sa pag-alis nito.

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano.

"Were friends, huh?" tanong niya sa akin. Marahan ko siyang nilingon. "Hindi siguro maganda talaga ang history ninyo. Sayang, he was really great at his job. Oh, well!"

Pumasok ang guro namin. May isinulat ito sa whiteboard. Siningkitan ko ang mata ko para mabasa ang pangalang inilalagay niya.

"Hey, that name looks familiar," sabi ni Drake.

"Guys, we have a new student in class from the college of Physical Therapy," anunsiyo ni Miss Ramos.

Then he came in. With his brand new uniform and his sleek brown hair. Nakasuot pa rin siya ng hoodie. Nagsimulang magtilian ang mga kaklase ko.

Umusok ang ilong ko. Gusto kong lumabas sa likod na pinto nang mamukhaan ko siya.

"My name is Lance Gabriel Valderama," he said in his ocean deep voice. Malambing na may kasamang angst. "I transferred here to help the swimming team of Olympiada win. You can call me Lance."

Nagbulungan ang mga kaklase ko. Maging si Drake ay namangha sa bagong dating naming kaklase. "I saw on his resume that he's an athlete but I didn't know he was that good."

"Mr. Valentino I need you to sit beside Mr. Valderama," utos ng teacher namin.

"But—" Napatingin sa akin si Drake. Nawala ang ngiti sa mukha niya.

"No buts! I'll be assigning you guys in pairs anyway for a project at magkasunod naman ang apelyido ninyo."

"Pero puwede naman kaming mag-usap kahit hindi kami magkatabi."

The teacher started to write another name on the board.

Napatlingon si Lance sa board. Nang matapos isulat ang pangalan ay nanlaki ang mata naming dalawa ng ex-boyfriend ko.

"We have another student coming in; that's why I need you to free the sit beside Mr. Robinson's."

"Matthew Rodriguez?" nakangiti kong tanong.

Naiwang nakatulala ang mukha ni Lance. May isa pang lalaking pumasok mula sa pinto. Ginto ang buhok at tanned ang balat. Mahaba ang pilik-mata at matangos ang ilong. Umiigting ang panga at sobrang laki ng muscles sa katawan. Kamukhang-kamukha niya nga ang standie niya bilang isang modelo na minsang ibinigigay ni Annie sa akin sa mall.

"Hi," he said in his voice, oozing with sex appeal.

Mabilis na nagtakbuhan sa harapan ang ibang kaklase ko.

I bit the inside of my cheeks. Hindi ko mapigilang mapatayo. Ang crush kong supermodel ay nasa harapan ko na.

"Umupo ka nga," pagsaway sa akin ni Drake. Nakabusangot siya habang nakahalukipkip.

Naglakad papunta sa bakanteng upuan sa harap namin si Lance. Umupo ang ex ko sa harapan namin ni Drake.

"Drake, tumayo ka na riyan. Tabihan mo na 'to," utos ko.

"Badtrip!" Padabog na lumipat si Drake sa tabi ng dati niyang butler. Nagkamayan silang dalawa.

"Mr. Rodriguez, tabihan mo na si Mr. Robinson. I need you guys to work as a couple," sigaw ni Ma'am.

Yes!

Kulang na lang ay pakintabin ko ang upuan niya. Masaya siyang naglakad papunta sa puwesto ko. He smiled.

Hindi pa rin nagbago ang ngiti niya...

Just like how he used to defend me back in high school...

The smile of an old friend who worked his way up to be a supermodel.

"Ed!" he said jubilantly.

"Mat!"

Then he recognized Drake na malamang ay ilang beses na niyang nakatrabaho bilang modelo. "Hey, Mr. Valentino, dito ka rin pala nag-aaral?"

Tinanguan siya ni Drake.

Napansin ni Matthew si Lance na nakayuko.

"Wait, is this...?" Nawala ang ngiti sa mukha ni Matthew. Napatingin siya sa akin. "Ito ba iyong walang hiya mong ex, Ed?"

Kitang-kita ko kung paano nagtalukbong ng hood niya si Lance.

Mas kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ni Drake habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng dati kong kasintahan.

Napahampas ako sa mukha ko.

Hinila ko si Matthew paupo sa tabi ko.

"Kahit kailan, ang daldal mo pa rin!" natatawa kong gigil.

Hindi ako sinagot ni Matthew. Pero mapanindak ang tingin niya sa dati kong nobyo na alam niyang ginawang impiyerno ang high school life ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top