Chapter XX: Dead Air

Kahel

DEAD AIR—ito ang tawag sa biglaang katahimikan habang nag-uusap ang dalawang tao. Kapag wala nang masambit, tanging patay na hangin na lamang ang umiikot sa pagitan nila. It can sometimes be referred to over the phone when the person on the other line has nothing else to say.

Parang ako. Nakatayo sa labas ng dormitoryo, walang masabi dahil nakalimutan kong kasama nga pala ng gamit ko ang susi ng gate namin.

"Bakit hindi ka pa pumasok?" tanong ni Drake. Nakasandal siya sa kotse niya habang tinititigan ako sa tapat ng dorm.

Sinusuklay niya ang kaniyang buhok makabawi man lang sa malaki niyang eyebags at sa suot niyang pajama. Isa-isa na niyang inaalis ang mga sticker sa damit niya na binili niya mula kay Annie.

"Naiwan ko sa locker ang susi ng dorm," tugon ko.

"Wala bang bantay ang dorm ninyo at hindi ka puwedeng papasukin?"

Napakamot ako ng ulo. Nilingon kong muli ang entrada. Napatingin ako sa lumang gusali sa harapan ko. Kung sa tutuusin ay papasa ng haunted house sa mga horror films itong dormitoryo. Isang ihip na lang siguro ay liliparin na ang isang dinding nito dahil sa anay.

Mumurahin lang ang dorm na nakita ko. Tipong papasa na siguro itong bedspacer sa sobrang simple. Wala akong choice. Kailangan kong magtipid para may pambili ng gamit sa paaralan.

Nilingon ko si Drake.

"Pampaayos nga ng butas sa kisame, walang pampagawa ang may-ari, pampasuweldo pa kaya sa bantay?"

"Ha?" Hindi ako narinig ni ungas. Kumukuha siya ng damit mula sa trunk ng kotse upang palitan ang pantulog niyang pang-itaas. He removed his shirt at tumambad na naman sa harapan ko ang maskuladon niyang katawan.

Mabilis akong napatalikod.

"Wala, umuwi ka na. Hihintayin ko na lang ang butler mo."

Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko. Halatang may kinakalikot si Drake.

"Patay," bulalas niya.

"O, bakit?"

"Nakalimutan kong sabihin kay Alfred number 2 ang address mo."

"E 'di, i-text mo na." Nilingon ko siyang bigla.

Itinaas niya ang cellphone niya. "Kaya nga... patay."

"Anong patay, ungas?" Nagsisimula na naman akong mairita sa kaniya.

"Patay na cellphone ko. Lowbatt na."

"Ulol! Battery full pa 'yan kanina. Kung ano-ano pa pinapatugtog mo sa kotse!"

"Oo nga, Kahel, low battery nga!"

"Tangina mo! Alam ko na ang binabalak mo. Kilala na kita Valentino."

"Ano na namang ginawa ko, Robinson?"

"I-charge mo iyan sa loob ng kotse mo. Namoka, Drake. Alam ko na kung saan papunta 'yang binabalak mo."

Nakangiti lang sa akin si ungas. Kagat niya ang kaniyang mga labi at pinipigilan ang kaniyang mga tawa.

"Wala akong charging cord."

Sinungaling ang puta!

Malamang iyon 'yong kinakalikot niya kanina. Itinago o baka itinapon niya sa malayo.

"A, basta! Dito lang ako. Maghihintay na lang ako ng ibang tao na baka late ding umuwi."

"Kahel, suggestion ko lang—"

"Naku, naku. Ayan na tayo sa mga suggestion mo."

"Bigla ko lang naisip."

"Bigla mong naisip, your face!"

"Sa bahay ko nalang kaya ikaw matulog?"

Sinasabi ko na nga ba! "Ulol! Pakyu!"

Tinaasan ko siya ng hinlalato. Pero natatawa pa rin siyang lumapit sa akin. Tinignan niya ako mula paa pataas hanggang sa buhok ko.

Bigla niyang inihipan ang ulo ko.

"Ang lamig, gago!"

"Sumama ka na. Lalamigin ka lang dito kapag nahanginan ka magdamag."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga bang ayaw mo akong mahanginan?"

"Oo."

"E 'di, umuwi ka na."

"Ha?"

"Ikaw lang naman mahangin dito, ungas."

He smiled.

Then...

He kissed me on my forehead.

Natulala ako sa ginawa niya. Naghihintay ako ng banat niya pero, in the past few days, hindi na niya ako inaangasan.

"Sige," he said in a very deep voice. "Ganito na lang, I'll wait for another hour. May dumating man o wala na magpapasok sa 'yo, uuwi na ako, deal?"

"'Ge." Pinipilit kong mag-asal maangas pero ang totoo ay hindi ko na siya matingnan sa mata dahil sa ginawa niya.

He went back to his car. Pero hindi pa rin siya pumasok. Nakasandal lang siya sa pinto habang ako naman ay nakaupo sa tapat ng gate namin.

Lumipas ang ilang minuto. Tuwing tinitingnan ko siya ay nakangiti pa rin siya sa akin. Sa bawat magtama ang mga mata namin ay kung saan-saan ko inililipat ang tingin ko.

Marami akong nalaman sa mga oras na iyon. May puno pala ng mangga sa bahay nila Aling Bebang. May sampu palang poste ng ilaw na nakapila sa kanan ng dorm at may walo naman sa kaliwa.

May tanim palang santan ang landlord namin. May parol pa rin pala sa tapat naming bahay kahit hindi pa Disyembre.

Maganda pala talagang tignan itong si gago kahit sa malayo. Mahaba ang mga paa na talagang pang modelo. Tuwid na tuwid ang likod at V-shaped talaga ang baywang. Para siyang sketch na makikita sa mga Barra manga na madalas kong basahin—

Tanginang utak to! Ano ba, Kahel!

"Isang oras na!" sigaw ko sa kaniya. Kung ano-ano na ang iniisip ko dahil kaharap ko na naman siya. "Umuwi ka na!"

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko siyang huminga nang malalim. Kinawayan niya ako bago siya pumasok ng sasakyan.

He started the car. I could feel him hesitating the way he made it move.

He drove off. Slowly. Hindi ko kita ang itsura niya mula sa kaniyang side mirror pero pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin mula sa salamin ng kotse niya.

Hindi ko inalis ang mata ko sa kaniyang sasakyan hanggang sa umikot ito sa kanto. Nang tuluyan na siyang nawala ay napatingin ako sa aspalto.

"Tangina, Kahel. Kailan ka ba aa—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may maramdaman akong tulo na nagmumula sa itaas. May patak ng tubig na pumatak sa batok ko. Mabilis akong napatingala. Ang mahinang patak ng ulan ay biglang lumakas. "Pambihirang buhay 'to!"

Napalingon ako sa buong paligid. Naghanap ako ng masisilungan. Tatayo na sana ako nang biglang lumakas ang hangin na siyang napaupo muli sa akin.

Basang-basa na ako ng ulan at mabilis akong nayakap sa mga tuhod ko.

"Ganito na siguro talaga ako. Laging sinusubok. Mag-isa sa buhay. Walang karamay."

Napatingin ako sa langit. Panay ang pikit ko ng mga mata ko habang pinapanood ang pagsayaw ng mga butil ng ulan. Kung iisipin mo, nawala na siguro ang takot ko sa mga ahas. Ilang araw ko na kasi silang hindi naririnig tuwing nagtratrabaho ako sa mall or at times na tulala ako kagaya nito.

Then, at that moment, tila muling bumagal ang pagbagsak ng ulan. Tila kumikislap ang bawat butil na parang mga dambana sa gitna ng kadiliman. Sa gitna ng lahat ng ito, narinig kong muli ang boses niya.

"Kahel, sakay!"

Hindi ko sigurado. Pero ang pagpatak ng bawat butil ng tubig sa lupa ay parang mga nota ng piyano. Sa harapan ko ay ang sasakyan ni Drake. Nakabukas ang pinto habang sinesenyasan niya ako mula sa loob.

Sa mga oras na iyon, hindi ko mawari kung dahil ba sa ulan o dahil sa mga tumatakbo sa isip ko, kusang gumalaw ang aking katawan.

Agad akong napatayo at tumakbo sa binatang binalikan ako sa gitna ng ulan.

Napaupo ako sa tabi niya. Napansin kong tumutulo na ang suot kong damit sa malinis niyang interior.

"Sorry, nabasa ko pang loob ng kotse—"

"Shhh!" He grabbed some of my other clothes from the back seat. Sinimulan niyang patuyuin ang buhok ko. "Maghapon ka nang basa ng tubig tapos naulanan ka pa ngayon. Baka magkasakit ka na niyan. Here, put these on."

Inabot niya ang isa ko pang damit. Itataas ko na sana ang suot kong basang damit nang bigla niya akong inunahan sa pag-alis nito.

"Drake!"

"Sorry." Inalis niyang bigla ang kamay niya sa damit ko. Naiwan ang basa kong t-shirt sa itaas ng aking ulo habang nakabanat sa mga kamay ko. "I forgot that you can take care of yourself."

Napalunok ako ng laway sa mga sinabi niya. Nakataas pa rin ang kamay ko. My bare chest was exposed as I could feel the silence between us.

Kailan ko pa ba natutunang alagaan ang sarili ko? Mula nang ipinanganak agad si Lila? Dahil ba nalipat agad sa kaniya ang atensiyon ng mga magulang ko kahit wala pa akong tatlong taong gulang? O, hindi kaya mula noong mangibang bansa si Kuya Kalim at ako na halos ang naging panganay sa bahay.

Minsan, nakakapagod rin pala.

"Drake," malambing kong bigkas sa pagkakataong ito. Napakagat ako ng labi. Huminga ako ng malalim. Naiilang ako sa sasabihin ko. "Can you help me remove my shirt?"

I felt his huge arms again. Gripping my clothes as his skin touched mine.

Nang maalis na niyang tuluyan ang damit ko ay tumambad sa akin ang mga mata niya. His hair was messy, probably from turning his car back way too fast. Kita ko rin ang malalalim niyang hininga habang tinititigan ako.

Sabay kaming napaupo nang maayos. Pareho kaming nakatitig sa harapan ng sasakyan.

"Do you also need help putting a new shirt on?"

"Okay na, kaya ko na."

Then there was silence, dead air silence.

Nakasuot na ako nang maayos na damit pero basa pa rin ang pang-ibaba ko.

He started driving. Kami ay nasa gitna ng bagyo. Pareho kaming walang imik nang may naisip na naman siyang kalokohan mabuhay lamang ang patay na hangin sa pagitan naming dalawa.

"Dalawang beses ka nang nadiligan ngayong araw. Gusto mong gawing tatlo sa bahay ko?"

"Drake!"

"O, take it easy," tumatawa niyang sagot. "I mean, to take a bath. Napapadalas na kasi ang dead air natin, e. Namiss ko ring ang mga banat ko sa'yo."

"Ako rin..." Napatakip ako ng bibig.

"Ha?"

Shit! Did I say that out loud? Fuck! "Wala."

Iginilid niya ang sasakyan. "Kahel Edknell Robinson, may sinabi ka."

"A, e, sabi ko, na-miss ko nang banatan 'yang mukha mo."

Inalis niya ang paa niya sa preno. Wala siyang isinagot. Mula sa kinauupuan ko ay palihim ko siyang sinulyapan. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa harapan.

May maghinang tawa na lumabas sa bibig niya.

"Anong nakakatawa, ungas?"

"Nothing. I just heard you the first time."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top