Chapter XVIII: Ex

Kahel

EX—Nakaraan, nakalipas, dating karelasyon! Ito ang mga taong dating kapareha mo pero sa kung anumang kadahilanan ay naghiwalay kayo.

Nang maisuot ko na pang-ibaba ni Drake ay mabilis akong napaatras. Kasabay ng paghakbang ko patalikod ay pagyakap ni Rebecca sa kaniya.

"D! Are you okay? May masakit ba sa iyo?"

"Ayos lang ako," nakangiting tugon ni ungas. Panay pa ang hawi niya sa buhok ng babae habang nakahiga sa dibdib niya. "Siya nga pala, Rebecca, this is Kahel. Kahel this is—"

"His girlfriend."

"Ex-girlfriend!" pagtatama ni ungas.

Wala akong reaksiyon. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Panay ang yakap sa kaniya ng babae habang siya ay tila natutuwa pa habang pinanggigigilan nito ang mga muscles niya.

"I should leave," nahihiya kong sambit.

Kumuha ako ng alcogel, ipinangligo sa kamay ko. Kinuskos ko sa mga palad ko habang nakatingin sa akin si Drake. Gusto kong makita niya kung paano ako nandidiri sa hinawakan ko.

"Kahel, teka lang—"

Hindi niya natuloy. Namilipit na naman siya sa sakit. Kinuha ko ang bag ko. Hindi ko siya pinansin at dumeretso ako sa labas.

"O, saan ka pupunta, Robinson. Ang pasyente mo," saway sa akin ni Doc.

"Magaling na siya, Doc. Nandiyan na ang girlfriend," pabalang kong sagot.

Dere-deretso lang ako sa paglalakad habang si Doc naman ay mabilis na pumasok sa kuwarto.

Natagpuan ko ang aking sarili sa susunod na klase. Nakaupo ako sa harapan dahil mas madali kong makikita ang itinuturo ng guro namin.

Medyo lumalabo na kasi ang salamin ko, kailangan ko nang ipa-adjust ang grado pero wala pa akong budget. Kinuha ko ang scientific calculator. I tried computing how much I could save for the rest of the month from my books and rent to go to the ophthalmologist.

"Class, gayahin ninyo itong si Robinson. Hindi pa ako nagtatanong ng solution pero kino-compute na niya agad."

Napatingala akong bigla. Nakangiti sa akin ang Pharmacology teacher namin na si Ma'am Buena habang tadtad ng formula at conversion ang white board sa kaniyang likuran.

"Sige Robinson, how many milliliters per hour?"

"A, e—" Taragis na buhay 'to. Kaya nga ako nag-Nursing para walang Math.

"Nandiyan sa board ang formula, susundan mo na lang."

Nakita ko ang ang mga numero sa pader. Naalala ko ang mga notes na hiniram ko kay Kuya Kyo noong nasa Tarlac pa ako. Suddenly, I was able to grasp the concept.

"Twenty po."

"Very good!"

Kuya Kyosuke, hulog ka talaga ng langit!

Nagpatuloy sa pagtuturo si Ma'am. Nasa kalagitnaan na siya ng klase nang biglang pumasok ng kuwarto si Drake.

"Kahel! She's not my girlfriend!"

Hinihingal pa si gago habang nakatayo sa pinto. Nakatingin sa kaniya ang lahat. Kitang-kita ko kung paano gumalaw na tila mga alon ang ulo ng mga kaklase ko mula sa kaniya patungo sa akin. Sabay-sabay silang napangiti. Itinakip ko sa mukha ko ang scientific calculator ko.

"Mr. Valentino! Can't you see I'm in the middle of the class?"

"Pasensiya na po, Ma'am. Emergency lang."

Emergency ang pota. Doon ka na sa babae mo, unggoy!

Panay ang bulyaw sa kaniya ng teacher namin. Pero parang walang naririnig si Drake. Nakatitig lamang sa akin ito mula sa pinto. Malalim ang kaniyang hininga na tila hinihintay akong tumayo.

"Robinson! Nakikinig ka ba?" Sa akin na pala nakatingin si Ma'am. "Ibalik mo nga sa clinic itong boyfriend mo at nang matignan na naman!"

"Boyfriend? The hell—" Naputol ang sasabihin ko nang magtilian ang buong klase. "Hindi ko po boyfriend iyan."

"Ibabalik mo siya roon, o ibabagsak kita?" Maging si Ma'am ay mukhang natatawa na rin sa sinabi niya.

"E 'di, ibagsak." Umupo ako nang maayos. I crossed my arms. I stretched my legs. "Ako pa talaga ang tinakot ninyo? I'd rather fail than be with someone like that... thing. Babaero!"

"No!" sigaw ni ungas. "Please don't fail him. Aalis na po ako."

Marahang umalis si Drake mula sa pinto. Hindi ko siya tinignan, pero ramdam ko ang mga titig niyang nakapako pa rin sa akin bago siya lumisan.

Nagpatuloy ang klase. Marami pang itinuro ang guro namin. Sangkatutak na formula at sunod-sunod na tanong dahil nainis rin siya sa inasal ko kanina.

Nang matapos ang klase ay lumabas na agad ang lahat. Nagpaiwan akong saglit. Nakaupo si Ma'am habang inaayos ang mga papel bago ko siya marahang nilapitan.

"A, e. Ma'am, pasensiya na po sa isinagot ko kanina."

Hindi niya ako pinansin. Magkasalubong ang kaniyang kilay habang isinasalansan ang mga papel na hawak niya.

Napakamot ako ng ulo.

"Sinabi ko lang naman po iyon para umalis si Drake. Ayaw ko pong mawalan ng scholarship."

Tahimik pa rin si Ma'am. Kinuha niya ang cellphone niya at tila may binubutingting sa messenger.

"Hindi na po iyon mauulit—"

"Talagang hindi na dapat, Robinson. Sinisira mo ang fans club namin!"

"Ha?"

Mabilis niyang ipinaharap sa akin ang cellphone. Sinubukan kong aralin ang nais niyang ipakita. Isang social media group. May larawan namin ni Drake sa cover photo at may top fan badge ang profile picture ni ma'am.

"Isa ako sa admins ng Bukkake fan club!" hagulgol ni Ma'am Buena. Nakabusangot ito habang tinatangkang hawakan ang kamay ko.

"Bukkake? Ano 'yon, ma'am?"

"Kahel and Drake! Kake, bukkake!"

Tangina ninyo. Ang laswa!

Mabilis kong binawi ang kamay ko. Hinarap niyang muli sa aking a cellphone. She scrolled down the screen. Tumambad sa akin ang mga stolen pics namin ni ungas. May mga screenshot pa at GIFs ng video presentation namin sa P.E. class.

"Talagang hindi ba kayo mag-boyfriend, Robinson?"

"Hindi, ho. Babaero ho iyon," matalino kong sagot. Napakamot na lang ako ng ulo dahil naasiwa ako sa mga tanong niya. "Magkababata lang ho talaga kami kaya lagi niya akong pinagtritripan. Gaya kanina, walang pakialam, kung hindi ko pa sasabihin mas okay na bumagsak, hindi pa niya ako tatantanan."

"Sa tingin ko, may pakialam siya."

"That guy? Of course not. Napaka-selfish niya nga to barge into your class, e. Napakabastos."

"What I mean is, he cares about you."

"Hala si ma'am. Kakanuod ninyo na siguro ng mga Thai BL iyan ano? Tsk tsk!"

"Hindi. Seryoso ako. He cares so much about you that he immediately left when you said you'd rather fail. He probably knows how important your scholarship is to you."

Natigilan ako sa sinabi ni Ma'am Buena. Napayuko akong bigla. Napatitig ako sa sapatos ko habang umiikot sa ulo ko ang sinabi niya.

"O, sige na, Robinson. Ako ay aalis na. Ipo-post ko pa sa social media ang nangyaring ganap ninyo kanina."

"Ha?"

"The members need an update."

Taragis na Bukake fan club. Kingina talaga.

Para siyang batang kumakandirit na lumabas ng classroom. Hawak pa niya ang cellphone niya na tila ni-re-record sa video ang mukha niya habang ako ang nasa background.

Marahan akong lumabas ng kuwarto. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ni ungas.

"Shit!" Amoy daks na manyak.

Ramdam kong nasa kabilang pinto siya kaya agad akong kumaripas ng takbo sa kabilang pasilyo.

Sinimulan ko siyang iwasan.

I don't wanna get involved with his flings or his personal affairs. The last thing I want is to be in the spotlight because of a man named Drake Slater Valentino. Tapos na ang pagiging sikat ko. I don't wanna be bullied or bashed anymore. Iniwan ko na iyon sa high school.

***

A few days went by and I was able to dodge him every time.

"Lila, nakita mo ba ang kapatid mo?"

I saw Drake talking to my sister in the canteen. Pupuntahan dapat ako ni Lila kasi may usapan kami.

Mabilis akong yumuko sa lamesa. May mga sinabi pa si ungas na hindi ko maintindihan. Inangat ko saglit ang aking ulo at bwakananginang Lila, itinuturo na ang direksiyon ko.

"Badtrip!"

Malabulate akong akong gumapang. Nakatakbo na ako palabas ng kabilang pinto nang marating ni Drake ang pinanggalingan ko.

"Labo!"

He started screaming my name. He saw me sprinting. Hinabol niya ako palabas ng canteen hanggang sa soccer field.

"What the hell do you want from me?" I was screaming para tantanan na niya ako.

This was the P.E. video project all over again.

"Stop running!" sigaw ni ungas. "'Yong hika mo!"

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo ko tinatantanan."

Then his footsteps suddenly stopped. Marahan ko siyang nilingon habang tumatakbo. Tumigil na siya sa paghabol sa akin habang mukhang nag-aalala sa itsura ko.

The second day, I was quietly lurking in the library. Hindi ako roon sa madilim na kuwarto dahil alam na iyon ni ungas. Sa tagong bahagi ako ng ibabang hagdan para maabangan ko siya at maiwasan agad.

"Raylleen," narinig kong bulong ni Drake, hindi kalayuan sa tago kong puwesto. "May susi ka ba ng dark room?"

"Oh em gi! Oh em gi!"

Nagsimulang magtitili ang kaibigan kong librarian. Marahan nitong hinanap ang susi ng binatang nakayuko sa kaniya.

Mabilis na sinaway si Raylleen ng mga estudyante. Dahilan upang takpan niya ang kaniyang bibig at agad siyang iniwan ni Drake.

Nang makita kong mabilis na naglakad papuntang dark room si ungas ay mabilis akong lumabas sa kinatataguan ko.

"Ka—" sisigaw sana si Raylleen nang bigla kong tinakpan ang kaniyang bibig.

"Huwag kang maingay."

"But I'm pretty sure he is looking for you."

"Hayaan mo lang iyan, my girlfriend na iyan. Madamay pa ako sa gulo niya."

"What the eff!" hindi napigilang sigaw ni Raylleen.

Muli kaming sinaway ng mga estudyante. Napalingon si Drake sa direksyon ko. Ang magkasalubong niyang kilay ay agad na nagliwanag nang makita ako.

Mabilis siyang naglakad pabalik. Pero hindi siya tumatakbo. Rinig ko ang kalansing ng susi na dala niya sa pagtatangkang maabutan ako.

"I won't be back here for a while, Raylleen," paalam ko sa kaibigan ko.

Bilang malapit lang naman ako sa hagdan ay humarurot na ako paakyat at maiwang mag-isa ang ungas na humahabol sa akin. I hid behind a bush outside the library. Nilagpasan niya ako. But I saw him scanning everything from where I was squatting.

Sinasabunutan na niya ang kaniyang ulo. Magulo na ang kaniyang buhok at nagdadabog sa gitna ng soccer field habang pinagtitinginan siya ng mga estudyante.

"Buti nga sa 'yo," bulong ko.

On my work day, I was hiding in a dressing room. I could smell him lurking around our booth in the mall. His familiar scent. These are the times that I am very thankful for having this magnificent sense of smell.

"Annie," he called my assistant. "Nasaan ang boss mo?"

"Hindi po siya pumasok."

"Oh, come on! I know his schedule by heart."

"Binago niya po ang schedule niya. May aasikasuhin ata."

Good job, Annie! Ganyan dapat ang friend ko. Magaling magsinungaling.

"Darn it!" Biglang sinapak ni Drake ang pintuan ng dressing room na tinataguan ko.

Bigla akong kinabahan. He is never like this. Ramdam ko ang gigil niya.

In that dressing room, I suddenly hear those familiar snake noises na ilang araw ko na ring hindi naririnig. Nakakatakot! Sisigaw na sana ako nang bigla kong takpan ang bibig ko.

"Where the hell are you, Kahel?" Nawala ang iniisip ko nang marinig ko ulit ang nagsusumamong boses ni Drake.

"Sir Drake, if you're like that, baka ipa-ban kayo ng security ng mall. Lalo mong hindi makita si Sir Kahel."

"So-sorry," nauutal na sagot ni Drake. "I just really wanna talk to him so bad."

"Bakit hindi ninyo po tawagan?"

"He blocked me!"

Kasunod noon ay katahimikan. Then, his smell started to faint, which means he's walking away.

"Sir Kahel, wala na siya."

Marahan akong sumilip sa pinto. Nakita ko ang mata ni Annie na maluha-luha. Mabilis ko siyang niyakap.

"Shhh," alo ko. "Did he scare you?"

She started sniffing.

"Pasensiya ka na, ikaw pa ang nasigawan niya."

"Nakakatakot po ang boyfriend ninyo."

Mabilis akong napakalas kay Annie.

"Ano bang boyfriend pinagsasabi ninyo?"

Agad niyang ipinakita sa akin ang button pin na nakakabit sa uniporme niya. Nagsalubong ang mga kilay ko sa pamilyar na tatak nito. May mukha pa namin ni Drake.

"Kake? Annie, pati ba naman ikaw?"

"Ako po ang assigned sa merch ng fan club ninyo."

"Taragis! May merchandise? Bakit may merch?"

Lumayo ako kay Annie. Umiiling ang aking ulo. Umasim ang mukha ko sa kaniya hanggang sa matapos ang shift namin.

***

Sa kakatago ko kay ungas, nakahanap ako ng isa pang trabaho. That's how I became an entertainer at a huge Ocean Park.

The next day, I was at my other side job. Wala akong pang-itaas habang kausap ang bago kong amo. Nag-apply talaga ako rito para maiwasan si ungas at para kumita ng extra income. Medyo weird ang naging interview sa akin ng may-aring si Kuya Tom pero nasagutan ko naman ng tama ang mga tanong niya.

"So, okay lang ba sa iyo ang ganitong trabaho?" tanong sa akin ni Kuya Tom.

"Oo, naman po."

"Nakahubad ka buong hapon 'tapos sasayaw ka sa maraming tao? Entertainer?"

"Para sa pera," pagtatapat ko. Napalunok ako ng laway. "Kailangan ko lang ng pambili ng libro."

Natawa si Kuya Tom sa sagot ko.

"Giginawin ka maghapon kasi wala kang damit. Maingay pa mga kliyente mo. Ayos lang ba?"

Mabilis akong tumango. Pero ang totoo ay nanginginig na ako sa lamig.

"Teka, buti nakakakita ka kahit wala kang salamin?"

"Ganito po ako kahit noong sa swimming team. I can dive underwater better without graded lenses or contacts."

"A, sige. Sabi mo, e."

Umalis na si Kuya Tom. Napatingin ako sa ibaba ko.

Nakababad ako sa itaas ng malaking aquarium habang may suot akong buntot ng sireno.

"Ayos din itong side job ko. Mas okay pa ito kesa sa pahinga. Sisiw na nga, nagagamit ko pa ang talent ko."

Napatingin ako sa malaking speaker sa kisame. Sinimulang paandarin ni Kuya Tom ang tugtog. Mabilis akong sumisid. Sa ilalim ng tubig ay rinig ko pa rin ang boses ng bago kong amo sa mikropono.

"Boys and girls, welcome to Poseidon Ocean Park!"

Nasa loob ako ng isang malaking tangke. Sanay na akong sumisid. Ganito naman ang sports ko noong high school. Kasama ko sa makulay na tubig ang magagandang isda at iba pang lamang dagat.

Kumikinang ang suot kong buntot. May painting pa ang katawan ko na akma sa background ng Ocean Park.

Sa harapan ko ay isang malaking salamin. Sa labas ay makikita ang mga tao na nanonood sa ginagawa kong paglangoy.

May mga batang halatang nasa field trip. Panay ang kuha nila sa akin ng litrato habang sumasayaw ako sa ilalim ng tubig.

"Ha!" buga ko nang bumalik ako sa ibabaw ng tubig. "Ten minutes underwater. Need ko pa talaga ng practice. Ayos rin ito at nang humina na ang hika ko."

Lumipas ang ilang oras. Nasasanay na ako sa bago kong raket. Pero ang mga tao ay hindi pa rin humuhupa sa pagdating.

"Ayos rin ito, nalilibang ako," bulong ko. "Nakakalimutan ko ang taong dapat kong kalimutan."

Muli akong sumisid. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako sumayaw. Isa-isa kong nilalapitan ang mga batang nakangudngod ang mukha sa salamin ng aquarium.

Nakadikit ang nguso nila sa salamin. Isa-isa ko silang nilalapitan ibang kunwari ay kinakawayan ko ang bawat mukha nila.

Nagsimula ako sa kanan. May mga batang pinuno ng laway ang salamin. May mga batang bungi ang ipin habang nakadikit ang nguso sa harapan ko.

"Mukhang mapapatagal ako sa ganitong trabaho," saad ko.

Lumalangoy ako sa hilera ng mga bata habang binabati sila. Nang marating ko ang dulong tao ay muntik na akong malagutan ng hininga.

Si Drake! Nakasandal ang nguso niya sa salamin na tila naghihintay na halikan ko.

Mabilis akong lumangoy paitaas. Kumuha ako ng hangin.

"Nagdediliryo na yata ako, si ungas ba iyon?"

Muli akong sumisid. Bumalik ako sa harapan niya. Tinignan ko siyang mabuti. Magulo ang buhok niya at malaki na ang eye bags. Mukha siyang naka-pajama habang nakadikit pa rin ang nguso niya sa salamin. May suot siyang jacket.

Sinenyasan ko siya kung ano ang ginagawa niya rito.

Marahan siyang lumayo sa salamin. May pinulot siyang placard at may nakasulat na 'Let's talk, please'.

Mabilis na umiling ang ulo ko.

"Please! Please! Please!" Ang lakas ng boses ni Drake. Nakatingin na sa kaniya ang lahat ng tao sa labas ng salamin. Bigla niyang ibinuklat ang suot niyang jacket. Tadtad ng merchandise na gawa ni Annie ang suot niyang panloob. May pushpin, may fan made T-shirt ng 'Kake', maging mga pamaypay na mukha ko ay naksabit sa jacket niya. "Binili ko na lahat ng merch ni Annie para malaman ko lang kung nasaan ka!"

Napahampas ako sa mukha ko. Sinenyasan ko siyang lumapit sa aquarium. Idinikit niya muli ang nguso niya.

Para siyang bata!

Naawa rin ako sa kaniya kahit papaano. Halatang wala na siyang maayos na tulog. Hindi na niya kamukha ang maangas na ungas na laging malinis sa katawan. Mukha na siyang batang kasama sa field trip na nasa loob ng Ocean Park.

Kunwari kong hinaplos ang mukha niya mula sa loob ng salamin.

"Can we talk na? Kakausapin mo na ako?"

Tumango ako mula sa loob.

Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya.

Nagsasayaw siya mula sa labas. Nagtatalon siya sa tuwa.

Nakatingin sa kaniya ang mga tao. Maging ako ay natatawa sa itsura niya.

Ngunit sa gilid ng aking mata ay may naaninag akong ibang pamilyar na tao. Mabilis kumurba pababa ang labi ko. Tila para akong mabibilaukan.

Hindi kalayuan kay Drake ay may lumapit sa salamin na isang binata. Isang binatang kilalang-kilala ko. Perpekto ang kaniyang tindig at pamilyar ang kilos.

Iniwan ko si Drake habang nagtatalon ito sa labas. Marahan akong lumangoy sa isa pang binata. Nakasuot ito ng hoodie namarahan niyang ibinaba.

Mabilis akong naubusan ng hangin.

Ang pamilyar niyang mukha. Ang perpekto niyang kilay. Ang kayumanggi niyang buhok. Ang maamong itim na mata niyang ilang taon kong kinahumalingan. Higit sa lahat, ang matikas niyang katawan na batak rin kalalangoy sa swimming team kagaya ko.

"Lance?" Kumawala ang bula sa bibig ko.

Mabilis akong lumangoy pataas. Para akong lalagnatin.

"Anong ginagawa ng ex ko rito?" hinihika kong tanong sa malamig na hangin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top