Chapter XVII: Social Skills

Kahel

SOCIAL SKILLS—this refers to the ability to connect to other people using one's communication skills, charm, and other factors that would establish a network.

Wala ako niyan.

Kahit nagtratrabaho ako sa mall ay minsan, si Annie pa ang tinutulak ko na lumapit sa mga customer para i-assist sila. I started working at the mall's back end. Sa una ay puro ako desk job at pagbibilang ng inventory hanggang sa ma-promote ako.

Isa pa, kung mayroon akong social skills, sangkatutak na siguro ang mga kaibigan ko. Pero madalas, pinipili ko ang mga pinakitutunguhan ko. I like to talk to people with the same social status as me. Naiilang kasi ako makipag-usap sa mga mayayamang estudyante o katrabaho. Una, baka hindi ko afford ang mga trip nila. Sapat lang ang kinikita ko pambayad sa tuition at ang sukli ay ipinapadala ko pa kay Mama. Ikalawa, hindi ko sila trip. May sarili silang paraan ng pakikipag-usap na ewan ko kung saan nila nakuha.

Gaya nitong si ungas. Ang galing mag-Ingles. Nakatuon sa kaniya ang atensiyon ng lahat habang panay ang paliwanag niya sa video na ginawa namin.

"So, before anything else, Kahel here will not be speaking much because he is not feeling well," paliwanag ni Drake.

Nakabusangot ako sa kaniya habang magkatabi kami sa harapan ng buong klase. Naka P.E. uniform kaming lahat. Orange ang suot naming t-shirt at shorts naman ang aming pangibaba

"Anyare, sa 'yo, Robinson?" usisa ni Mr. Castuera. Hindi lang siya ang nakatitig sa akin. Maging ang buong klase ay nakangiti sa amin ni Drake habang pinapanood kami.

"Napagod lang, Sir. Kakatakbo para sa project," tugon ko.

Biglang napataas ang isang kilay ng guro namin. "So kasalanan ko kasi nagpa-project pa ako?"

Takte talagang bibig 'to. Wala talaga akong social skills. Ipapahamak pa ako ng pagiging too honest ko.

"Hindi naman sa ganoon, Sir—"

"Naulanan po kasi iyan kahapon," singit ni Drake. Wagas ang ngiti nito habang kinikindatan ang sangkaterbang estudyante sa harapan niya. "Nadiligan lang po."

Bigla silang nagtiliaan. Maging ang P.E. teacher namin ay biglang natawa. Nakatingin na silang lahat sa akin habang humahalakhak.

Tangina ka talaga Drake, may araw ka rin sa'kin.

Aambahan ko na sana siya ng hampas sa likod nang bigla niyang pinaandar ang video namin. Namatay ang ilaw at nagsimulang i-play ng projector ang project namin sa aming likuran.

"This video is a parody of some famous porn site," paliwanag ni gago. "Familiar ba kayo sa Czech Hunter?"

Nagtawanan silang lahat.

Napakamot ako ng ulo. Hindi ako pamilyar sa tinutukoy nila. Napatingin ako sa likuran ko. Sa video ay makikita akong tulog habang ni-re-record ni Drake.

"Would you do it for five hundred pesos?" sabi ng boses ni Drake sa video.

Hindi ako sumasagot. Mahimbing pa rin ang tulog ko.

"How about one-thousand?"

Nakapikit pa rin ako sa kama. Makikita sa video na hinawakan ni Drake ang ulo ko at pinagalaw patagilid na tipong hindi sumasangayon.

Lalong nagtawanan ang buong klase.

"Ang mahal mo naman," sabi ni ungas sa video. "Fine, here's five thousand."

Biglang ang next clip ay ang mukha ko na tumatakbo sa soccer field. 'Yong itsura ko habang hindi ko alam na sa akin pala nakaharap 'yong camera na hawak ko habang ni-re-record ko si Drake. Ang laki ng ilong ko, naka-zoom-in ang mata ko, kita pa gilagid ko habang tumatakbo.

Mukha akong tanga! Buong mukha ko ang makikita sa screen habang hinihingal katatakbo. May suot pa akong puting robe, complete with that halo and pair of wings.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga halakhak na lumabas sa bibig ko. Ako, si Mr. Castuera, maging ang buong klase namin ay humahagalpak sa itsura ko habang hinahabol si Drake sa buong soccer field.

Napaupo ako sa harapan ng screen. Yakap ko ang tiyan ko at maluha-luha na katatawa habang tinatapos ang video presentation namin ni ungas.

In that darkened room, I saw Drake. Nakatayo sa gilid. Nakatitig siya sa akin. He was quietly smiling while watching me laugh out loud.

"Very good! Perfect score!" bulalas ni Mr. Castuera. Nahihirapan itong tumayo dahil namimilipit na sa sakit ang kaniyang tiyan dahil sa katatawa.

Abala na ang mga kaklase namin sa mga presentation nila

Nilapitan ako ni Drake. Inabot niya ang kamay niya.

"Good job, Kahel," he smiled.

I reached for his hand, then he pulled me onto my feet.

"Iba talaga ang Valentino, galing bumenta."

"Of course. Marketing major, e."

Ang P.E. ang isa sa mga minor subject na nagkataong magkaklase kami. Ang isa pa ay ang Humanities. Sa kolehiyo kasi, nagiging kaklase ko ang estudyante mula sa ibang course sa mga minor subject namin.

I'm taking Nursing. Planning to go abroad someday to earn enough money for Mama and my siblings. Iyon kasi ang pinakamabilis na paraan na alam ko upang makakuha ng maayos na trabaho sa ibang bansa.

"Kahel, saan tayo magla-lunch?"

This guy, Drake, on the other hand, already has his path forged for him. He is taking Marketing. Well, of course, bilang tagapagmana ng kumpanya nila. He got the looks, the social skills, just like how he handled the situation kanina and the brains to pull it off.

"Hala! Kahel, tulala ka na naman?" Nasa harapan ko na ang mukha ni gago.

Mabilis kong inalog ang ulo ko at itulak siya palayo. The last thing I knew was my hands pressing on his chest. Those luscious manly buns na kasing tambok ng monay pero kasing tigas ng bato.

"You can squeeze it if you like," he giggled.

Mabilis na napabitaw ang mga kamay ko. "Ungas!"

Mabilis akong tumalikod. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Ito naman. Sinigawan na naman ako, hindi mo pa nga ako pinupuri for doing a great job."

Hinarap ko siya agad. I started patting his head.

"Good dog," pang-aasar ko.

"Not funny." Nakabusangot na naman siya. Naka-pout pa ang lips habang nakahalukipkip.

"Good boy."

"I'm not a boy anymore. I'm a man."

Sungit nito, ampota.

"Good job, Drake." Gusto ko nang sabunutan ang ulo niya.

He grabbed my hand. Then he pulled me closer. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Good job is not enough," he whispered.

"Ha?"

"I want a different job."

"Ano?"

"Blow job—"

Binigwasan ko na siya bago pa niya matapos ang sinasabi niya. Natatawa siya habang yumuyuko dahil sa naging reakyson ko.

"Ang libog mo, Valentino."

"Mahal naman, hindi mabiro."

Magsisimula na ang presentation ng ibang grupo. Napatigin sa amin si Mr. Castuera. Nakayuko pa rin si gago. Namimilipit sa sakit dahil sa bigwas ko.

"Is everything okay over there, Robinson?"

Tinangka kong takpan sa likod ko si Drake. Baka mapagalitan pa ako ni Sir kapag nalaman niyang nagkakapisikalan na kami ni ungas.

"Okay lang kami," sabi ni Drake. Mabilis siyang napatayo. Agad niya akong inakbayan. Pero ramdam ko pa rin ang pamimilipit niya kahit pinipilit niyang ngumiti. "Excited lang ako, Sir."

"Excited for what?"

"Na madiligan rin ni Kahel."

Tangina ka!

Nagsitawanan na naman silang lahat bago pa magsimula ang presentation ng kasunod na grupo. Gusto ko nang plasteran ang bibig ng kasama ko at itali sa likod na upuan.

Natapos ang klase. Bilang kasalanan ko ang pamimilipit niya, I was left watching over Drake in the locker room. Nakahiga siya sa long chair habang yakap pa rin ang tiyan niya.

"Grabe, mahal. Ang lakas mo bumayo."

"Ano, gusto mo ng isa pa?"

Aambahan ko siya ng isa pang suntok nang iharang niya ang kamay niya.

"Napakabayolente talaga ng magiging misis ko."

I pulled my fists. Hindi talaga ako mananalo sa ungas na 'to. Gusto ko man siyang bigyan ng isa pa ay naawa na ako sa itsura niya.

"Aray!" Bigla siyang napaupo.

"Ano? Tara sa clinic?" Agad ko siyang tinabihan.

"Okay lang ako."

"You don't look like okay."

"So what do I look like? Your future husband?"

"Umayos ka nga, ungas. Namimilipit ka na, may pa ganyan ka pa."

He was holding his laughter. Pati ako ay kagat ko na ang mga labi ko dahil sa mga sinabi niya.

Inakay ko siya papuntang clinic. Nakayakap ang maugat niyang braso sa leeg ko. His arms with huge veins popping from lifting weights in the gym. Ewan ko ba, sa mga nakaraang araw ay parang wala na sa akin ang magdikit kami. His huge toned body was almost all over me as I took him to the infirmary.

"O, anong nangyari?" tanong ng school physician.

"Kasi po—"

Biglang hinarangan ni ungas ang bibig ko. "Tumama lang po ang tiyan ko sa arm chair," pagsisinungaling ni Drake.

The doctor gave him a quick assessment. After a few minutes, binigyan niya ng analgesic si Drake at pinahiga sa kama.

"Doon ka muna at magpahinga," sabi ng doktor. Pumunta ito sa may kabinet na tila may hinahanap na bagay. "Pareho ba kayong walang next class?"

"Ako po wala," tugon ko. "Pero itong si Drake alam ko may kasunod pang klase ito, e."

"Ayee! Alam niya ang schedule ko."

Sinenyasan ko siyang manahimik habang siya naman ay pinipilit na inaabot ang kamay ko.

"Sige, I'll write him an excuse letter," sabi ng doktor. May inabot siya sa aking puting damit. "Pero samahan mo muna siya rito while I see the other students."

"Para saan po ito?" tanong ko. Hawak ko na ang mga damit na ibinigay niya.

"Palitan mo siya ng damit."

"Po?"

"Bingi ka ba, Robinson? Need mo pa bang i-audiometry?" Nakataas na ang kilay ni Doc.

"Pero—"

"Student nurse ka, you should get used to this."

"Kaya naman niyang magbihis nang sarili niya, Doc."

"Aray! Aray!" pagkukunwari ni gago. "Ang sakit ng katawan ko, hindi ako makakilos, Kahel. Ikaw na ang magbihis sa akin, please."

Pinanggigilan ko ang hawak ko. Nakangiti pa rin ako kay Doc habang panay ang pag-iinarte ni gago sa aking likod.

"Sige na, Robinson. Ikaw na ang bahala sa kaibigan mo. Pareho naman kayong lalaki."

"Oo nga, Kahel. Pareho naman tayong lalaki."

Kumukulo na ang dugo ko. Gusto ko na siya ulit bigwasan.

Iniwan kami ni Doc at isinarado niya ang pinto.

"Tarantado ka talaga—"

Aambahan ko na sana ulit siya nang inunat niya ang kamay niya bago pa ako makalapit.

"Sige, sisigaw ako."

"Sumbungero!"

"Sige na, mahal. Nakita mo na naman lahat sa akin. Kailangan mo nang masanay."

Napahinga ako nang malalim. Hindi talaga ako mananalo sa kaniya. Kumuha ako ng ice pack at pinahawak kay ungas.

"Itapal mo sa tiyan mo para mas mabilis mawala ang pamamaga."

"Thank you, mahal."

Inirapan ko lang siya.

"O, taas kamay. Papalitan ko shirt mo."

He did exactly what I said. Pero dahil sa laki ng katawan niya, nahirapan akong hubarin ang suot niyang damit.

"Small ba ito, ungas?"

"That's the largest."

"Bakit ang sikip?"

"Malaki lang ako masyado."

We were able to successfully remove his shirt. Para siyang putahe— Erase! Para siyang rebulto na nakahiga dahil sa ganda ng katawan niya. Sinimulan niyang unanan ang isa niyang kamay. Nakataas ang kaniyang kilikili habang nakatingin sa akin.

He started rubbing the ice pack slowly on his abs.

"You know, regarding the kind of job I want... aray!"

Diniinan ko ang ice pack sa tiyan niya.

"That will never happen, Valentino."

Nagsimula siyang humalakhak.

"Huwag kang magsalita ng tapos, Kahel Edknell Robinson."

"Tapos! Tapos! Tapos! Tapos!"

Natatawa lang siya habang panay ako kuda huwag lamang siya makapagsalita. Mabilis kong isinuot ang pampalit na T-shirt niya bago pa siya may masabing iba.

"Ayan, bihis na!"

Tatalikod na sana ako upang tupiin ang damit niya nang bigla niya akong sinitsitan.

"Kahel, you have to change my pants."

"Ulol!"

"Doc!" sigaw ni gago. "Pati salawal ko, 'di ba, dapat palitan?"

"Yes!" sigaw pabalik ng doctor mula sa labas ng kuwarto. "You need to wear loose clothes para makapag-circulate ang blood mo nang maayos. Let Kahel do it."

"See?"

"May araw ka rin sakin, Valentino."

Kulay blue ang shorts na gamit namin sa P.E. I started pulling his shorts. Medyo mabagal dahil kinakabahan ako.

"Huwag mong bagalan, tinitigasan ako lalo."

"Putangina ka talaga, Drake," bulong ko. Napapikit akong bigla. I removed his shorts quickly.

"Now, my brief."

Tinitigan ko siya. His look was so inviting. Nakangiti lang siya sa akin habang inuunanan ang dalawang kamay niya.

"Pati ba naman iyan?"

"Doc, lahat ng damit 'di ba?" sigaw niya ulit.

"Oo! Ang kulit ninyo!"

I moved my hands to the garter of his underwear. May tatak pa na Valentino ang itaas nito. Kulay puti pa. Hulmang hulma ang alaga niya na nakaayos patagilid pataas sa kaliwang bewang niya.

Napalunok ako ng laway.

Nakita ko itong kumislot.

Napaangat ako ng ulo papunta sa mukha niya

Nakangiti sa akin si gago.

Napatingin ako sa kisame habang mabilis kong hinubad ang brief niya para matapos na ang lahat ng ito.

Tumama sa kamay ko ang alaga ni ungas.

"Takte!"

"He-he," pang-asar ni gago.

I squinted my eyes so hard. I bit my lips. I stopped breathing. Parang lahat ng pores sa katawan ko ay isinarado ko na. I grabbed the white pants na isusuot ko sa kaniya.

I put it on his feet. My eyes were so fixed on the ceiling na tipong mababalian na ako ng leeg huwag ko lang makita ang sawa sa harapan ko.

I moved his pants upward. I could feel him lifting his butt hanggang sa maisuot ko sa puwet nya.

"There! Done!" bulalas ko. Mabilis akong napayuko.

"You missed!" halakhak ni gago.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naipasok ang sandata niya sa loob ng kaniyang pang-ibaba

My neck almost snapped dahil sa bilis nang pagtaas ng tingin ko sa kisame.

"Tangina mo. Kaya mo na 'yan!"

"I can't use my hands."

"Sa tiyan kita sinapak hindi sa kamay, gago."

"My hands won't move, Kahel."

He was obviously pretending this time. Ang inis ko ay napalitan na ng mga tawa.

"Hindi talaga gagalaw iyang mga kamay mo kapag binali ko sa susunod, Drake!"

"Doc—" He was about to call the physician again nang bigla kong tinakpan ang bibig niya.

"Fine, Drake Slater Valentino!"

Gusto kong pisilin ang pisngi niya pero ramdam ko ang pagngiti niya sa likod ng kamay ko.

I started touching his shoulders. Nakatingin pa rin ako sa kisame upang hindi makita ang sandata niya. Sinimulan kong kapain ang katawan niya pababa sa bagay na kailangan kong maipasok sa bwakananginang pants.

I touched his boobs again. Napatigil akong saglit.

I slowly moved my hands down his torso, going to his abs. He moved slightly indicating that I touched the site of the injury.

Napalunok ako ng laway. Alam kong malapit na ako.

Nakatitig pa rin ako sa kisame nang ipinikit ko ang aking mga mata.

Nilakasan ko ang aking loob. Huminga ako nang malalim. Pinuno ko ng hangin ang aking baga.

Pagbaba ng kamay ko sa pagitan ng mga hita niya ay naramdama ko ang braso niya. Ang braso niyang maugat na lagi kong nahahawakan simula pa kaninang umaga.

"Drake, alisin mo ang braso mo. Nakaharang."

"Psst. Kahel." Sinitsitan niya ko.

"Ano?" Napatingin ako sa mga mata niya.

"Inuunanan ko ang mga braso ko, remember?"

Totoo nga. Maganda pa ang pagkakahiga ni Drake sa mga kamay niya.

I slowly looked down. Pababa ng pababa. Spaghetti pababa! Putangina!

Napatingin ako sa hawak ko, ang alaga ni Drake! Kumikislot. Hindi kayang sakupin ng kamay ko. Kasing laki ng braso niya. Kulay pink. Unti-unti itong nabubuhay and the veins were starting to show.

Napalunok ako ng laway.

Inangat ko ang pants niya at ipapasok ko na sana sa loob nang may biglang nagbukas ng pinto.

May pumasok na babae. "Ah!" sigaw nito.

"Rebecca?" natatawang tugon ni Drake.

Pamilyar ang babaeng pumasok. Nakatulala ako sa kaniya nang maalala ko na kung saan ko siya nakita.

"D!" tili ng babae habang tinatakpan ang mata niya.

Tama! Siya nga 'yong humalik sa pisngi ni Drake sa theater dati noong kasama ko si Victoria.

Biglang uminit ang hangging lumalabas sa ilong ko. Ramdam ko ang pagsasalubong ng aking mga kilay.

"Fuck!" Drake moaned. "Ugh!"

Napatingin ako sa kaniya. Kagat niya ang kaniyang mga labi. Itinuro niya ang kamay ko.

Huli na nang makita kong sinasakal ko na ang alaga niya.

"Shit!" sigaw ko. Mabilis kong ipinasok ang sawa niya sa kaniyang pants bago inayos ang kaniyang suot.

Then I looked at him again. Namumula ako sa hiya dahil sa kaniyang naging reaksyon.

Drake was still staring at me. Malalim ang kaniyang mga hininga. It's as if I could see his warm breath in his every exhalation. His eyes were scanning my body as if he were begging for more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top