Chapter XVI: The First

Kahel

THE FIRST—ang mga unang beses. Karamihan sa mga tao ay maganda ang kanilang alaala noong unang beses nilang nasubukan ang maraming bagay. Pero marahil ay mayroon ding kagaya ko na ang ilan sa mga unang karanasan na puno ng takot. Karanasang ayaw ko nang ulitin pa dahil baka parehas lang ang kahahantungan.

I woke up next to him. His familiar sleeping pose na nakadapa, using his huge arms as his pillow. His back was like a fine sculpture, and that darn perfect face was so angelic like a baby as he made those silent snoring.

Napangiti siyang bigla.

"I know you're looking at me, Kahel."

Badtrip!

Bigla niyang binuksan ang mga mata niya na tila nakikipaglaro ng tagu-taguan.

Agad naman akong napapikit.

I was trying my best to hold back my laughter. Suddenly, I could feel his fingers slowly touching my skin.

"Ngingiti na 'yan," pag-asar ni gago.

He slightly pulled a side of my lips upward while moving closer.

I tried my best not to move.

"So, tulog ka?"

Muntik na akong tumango.

Then I could feel him inching nearer. His muscular body was moving slowly as he tried to transfer his head on my pillow.

"I'll kiss you," he said

Tangina!

I could smell him now. That familiar musk on his skin and the fragrant shampoo he's been using.

Ramdam ko na ang pagsalubong ng mga kilay ko.

"I'm really gonna kiss you, Kahel."

Buwiset!

His breath is now brushing my cheeks. Getting closer. Engulfing. Suffocating— but in an exciting way.

Naghintay ako.

One second became two, three. Hanggang sa maramdaman ko na lumayo saglit ang katawan niya. Naaninag ko na tila hinaharangan niya ang sinag ng araw mula sa bintana.

I opened my eyes. Mabagal, gaya ng pagsikat ng bukang-liwayway sa bakuran namin.

"Hi there!"

He was there. Still a few inches from me. Nakatungkod siya sa kaniyang kamay habang natatawa sa itsura ko.

"Good morning, mahal."

Then he gave me a kiss on the cheek. Mabilis. Iyong halik na pang-high school. It was a smack, just a few inches from my lips. Then he gave me a big smile. Tila para siyang anghel habang nagliliwanag ang kaniyang ulo sa sinag ng araw mula sa kaniyang likod.

"Morning, Drake," maangas kong tugon.

"Oh, come on! Drake-basis pa rin?"

"Oo, gago. Umayos ka at may pasok pa tayo."

I moved so fast. Umalis ako sa kama at iniwan siyang nakatitig sa akin mula sa likod.

Naka-shorts lamang ako. Kinuha ko ang sando ko mula sa ibaba ng kama at muli siyang nilingon.

Tangina!

He was topless. May takip na puting kumot ang kalahati ng katawan niya. Bumaba siya sa kama at tumayo sa gilid nito hanggang sa mahulog ang nakabalot sa kaniyang kumot.

"Ungas! Wala kang suot?"

Tinawanan niya lang ako. His thing was dangling, dingling, ding-dong!

"Nope! You should get used to it. You'll see this more often from now on."

Kingina talaga itong taong 'to!

Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga bewang. I tried my hardest not to look down. Nakapako ang tingin ko sa mga mata niya. Nakataas ang kilay niya habang naghihintay na tumingin ako sa malaking tubo between his legs.

I stood there, frozen. He made one step. I gulped. He made another step. Napalunok ako ng laway pero lalo akong nauhaw. I was staring at his eyes, trying not to break eye contact, as his lips were signaling me to look down.

"Baliw ka talaga, Valentino!"

Mabilis akong tumalikod. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bukas ang bintana at ramdam ko ang sariwang hangin sa probinsya namin, pero parang hindi ako makahinga.

Gawa sa kahoy ang sahig ng aking kuwarto. I could hear his steps as he came closer.

Bigla akong tumakbo sa labas ng aking silid. Nakasalubong ko si Kuya Kalim na bagong bihis at ayos na ayos. May hawak siya na panungkit ng sinampay.

"Anyare sa 'yo?"

"May ahas, Kuya!"

"May ahas? Saan?"

Agad niyang hinigpitan ang panungkit at akmang gagawing pamalo. Mabilis niya akong hinawi at inambahan ng hampas ang pintuan ng kuwarto ko.

"Kuya, huwag!"

Biglang lumabas ng pintuan si Drake. Nakatapis na ito ng tuwalya at agad na tinakpan ang mga mata niya.

"Drake, nasaan na ang ahas na sinasabi nitong si Ed?"

"Ahas?"

Ibinaba niya ang mga kamay niya.

Tinignan ko si Drake mula sa likod ni Kuya. Nginuso ko ang nasa pagitan ng mga hita niya.

"A!" halakhak ni ungas. Itinuro niya ang tattoo niya na malapit sa kaniyang V-line. "Ito?"

Nakahinga nang maluwag si Kuya Kalim. Ibinaba niya ang hawak niya at marahan akong nilingon.

"Ed, pati ba naman tattoo, kinatatakutan mo?"

Napakagat ako ng labi. Mabilis akong tumango. Napabuntong hininga si Kuya Kalim bago muling nilingon ang lalaking may malaking ahas... na tattoo.

"Kayong dalawa, ang lalaki ninyo na pero nagtatakutan pa kayo? Magbihis na kayo at malayo pa ang Maynila."

Pumasok si Kuya Kalim sa kaniyang kuwarto. Naiwan ako sa labas. Itinago ni Drake ang katawan niya sa likod ng pinto bago ako nginitian

"Mag-prepare ka na for school. Ise-save ko lang ang project natin."

***

Nasa labas na ako ng bahay. Katabi ko si Kuya Kalim. Naka uniporme at may dalang bag na ako samantalang siya ay nakabihis nang maayos. Nakapamewang kaming pareho. Sa harap namin ay sina Kuya Kyosuke at Drake katabi ang mga sasakyan nila. Nagtatalo kami ng kapatid ko, kung kanino ako sasakay.

"Ed, ang ganda ng sasakyan ng kaklase mo, ano? Sports car, red, ang angas!"

"Wala akong pake."

"Kapag diyan ka sumakay kay Drake, sikat na sikat ka pagdating mo sa school."

"Hindi ko makakain ang kasikatan, Kuya."

"Hindi ka male-late kapag sabay kayo, ang bilis niyan sa highway."

"Mas okay na ako sa slowly but surely."

Napatingin ako kay Kuya Kyosuke. Ang aliwalas niyang tingnan. May sweater jacket siyang bughaw na bagay sa kulay puti niyang pantalon. Nginitian ko siya na agad niyang ginantihan ng pagkaway sa akin.

Sa kabilang bahagi naman ay ang ungas na si Drake. Hindi nakabutones ang itaas ng kaniyang polo. Nakasuot siya ng shades habang nakabrushed up ang kaniyang buhok. Mabilis na kumulot ang aking noo nang kawayan niya ako.

Muling nagsalita si Kuya Kalim, "Kung kay Kyosuke ka sasabay, baka masiraan ka pa. Luma na iyang kotse ni Lablab."

"Lablab?" Napalingon akong bigla kay Kuya Kalim.

Napahawak siya sa kaniyang bibig. Muli kong nilingon si Kuya Kyosuke at napagtanto kong sa kapatid ko pala siya kumakaway kanina pa.

Anlalande!

Bigla akong tumakbo kay Kuya Kyosuke. Ilang hakbang na lang ako payakap sa kaniya nang may maramdaman akong humablot sa suot kong backpack ko sa likod.

Paglingon ko ay sabay na hawak nina Drake at Kuya Kalim ang bag ko habang magkasalubong ang mga kilay sa akin.

"May saltik talaga itong kapatid mo, Kuya Kalim."

"Oo, Drake. Ganiyan talaga 'yan. Slow minsan."

"He can't read between the lines."

"He can't even read the room."

"Anong room pinagsasabi ninyo?" bulalas ko. Kinakaladkad na nila ako palayo sa taong gusto ko. "Nasa labas tayo!"

Isinalpak nila ako sa passenger seat ng sasakyan ni Drake. Ikinabit ni Kuya Kalim ang seatbelt ko at hinarangan ang pinto para hindi ako makalabas.

Para akong bata na nagdradrama sa salamin ng sasakyan habang nagpapaalam kay Kuya Kyosuke. Agad na sumakay si Drake at pinaandar ang aming sasakyan.

"Kuya Kyosuke!" Para akong bata na nakasimangot habang pinagmamasdan siya mula sa side mirror. Unti-unting lumiliit ang kaniyang repleksiyon hangang sa tuluyang maglaho.

"Hindi ka gusto no'n," biglang saad ni Drake.

"Ulol!"

"May mahal na siyang iba."

"Wala akong pake!"

"Sa akin ba, may pake ka?"

Mabilis akong natahimik. Napakagat ako ng labi. Unti-unti ko siyang nilingon. Nakabusangot siya at tila naiinis habang nakatitig sa aming dinadaanan.

He spoke again, "Kung sakaling may taong magmamahal sa 'yo, may pake ka ba?"

Napatingin muli ako sa labas ng bintana. Kinandado ko ang aking bibig. Alam kong hindi tanong ang kaniyang sinabi kundi isang pakiusap.

Napahinga ako nang malalim. Nalanghap ko ang mabangong amoy ng kaniyang sasakyan. I was quiet for a while. Then that sudden rush of warm air came out from my chest.

I don't know what came into me that made me start talking about my personal life. Kahit ngayon lang. It may be safe to open up with him.

He may be able to understand.

"The last person who loved me, never really loved me," I sighed.

There was a pause from me.

There was no response from him.

Ramdam kong naghihintay siya sa idudugtong ko. Nalagpasan namin ang ilang stop light sa loob ng ilang segundo. I can hear both of our breaths in the car. Our lungs expand, and air passes through our nostrils. Ganoon kami katahimik. Naghihintay kami pareho sa susunod na salitang lalabas sa aking bibig.

But I held back. I sat silently. I looked at him again. Ang itsura niya ay nakatitig pa rin sa dinadaanan namin pero wala na ang busangot sa kaniyang mukha. Pantay na ang kaniyang mga kilay, at hindi na siya nanggigigil sa manibela.

What was supposed to be an hour of driving felt like months. Pareho kaming walang imik.

We reached our school. Bubuksan ko na sana ang pinto, but he suddenly locked my door. He stepped out of the car before unlocking my door with his key.

He removed his sunglasses. Then he opened my door for me.

Aalisin ko na sana ang seatbelt ko nang bigla siyang yumuko sa puwesto ko. He reached for the buckle of my seatbelt.

Then he looked at me. His dazzling eyes were just a few inches away. Staring like emeralds in the sun.

"The last person who loved you may not have really loved you," Drake said. He unbuckled my seatbelt. He leaned closer. "But this person who first loved you will always love you, Kahel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top