Chapter XV: Fire

Kahel

FIRE—the oddest element. Hindi gaya ng hangin, tubig at lupa, ang apoy ay patuloy na lalaki sa oras na mailabas ito. It is neither solid, liquid, nor gas. It's a chemical reaction.

Gaya ng mga labi namin ni Drake. Mapangahas na naglalaplapan sa ilalim ng puno ng saging. Walang tigil sa pagsalo sa bawat isa habang unti-unting lumalakas ang ulan. Ang reaksyon ng katawan ko ay ang yakapin siya sa leeg upang lalong idiin ang malalambot niyang labi sa akin. Tila gusto siyang angkinin. Solohin. Matikman.

Lalong pinapalakas ng ulan na umaagos sa aming mga bibig ang bawat halikan naming dalawa. Sa kabila ng tubig-ulan na aming naiinom, tila patuloy pa rin akong nauuhaw habang ginagantihan namin ang mga halik ng isa't isa.

"Kahel, higpitan mo ang yakap mo."

"Why?"

"Just do it."

"Shit!"

Inikot niya ako. He pinned me to the tree. Bigla niya akong binuhat at pinayakap ang mga hita ko sa baywang niya.

"Fuck, I've been dying for this Kahel. Kung alam mo lang."

"A!"

"I will make you mine tonight, Kahel. Damn, your neck is so sexy!"

He bit me. I was supposed to feel pain, but there was that certain orgasm from the way he sucked my skin. Nakakalibog. Basa kami ng ulan pero para kaming nagliliyab sa apoy.

"Tangina ka Drake, magmamarka 'yan!"

"So that they'll know you're mine."

"A!"

"Moan some more, baby!"

"Tangina!"

We were like that for about five minutes. Umiikot ang mga ungol ko habang wala siyang ginawa kundi halikan ang bawat bahagi ng katawan ko. He ran his lips up to my ears. He bit it a little. Rinig ko ang malalim niyang paghinga. Ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan naming dalawa. Tuluyan nang naghamog ang salamin ko dahil sa ulan at pawis mula sa amin ni Drake.

Biglang may guhit ng kidlat na tumama hindi kalayuan sa amin. Pareho kaming natigilan.

"Sorry," bigla kong sambit. Ibinaba ko agad ang paa ko at lumayo sa kaniya.

"It's okay. We can continue in my house."

Inayos ko ang damit ko. Wala naman nang pang-itaas ang lalaking kaharap ko. Rinig ko pa rin ang malalalim naming hininga na tila tumakbo ng marathon. Mabilis akong napalayo sa kaniya.

"Hindi sa ganoon. Sorry, kasi nabigla lang ako."

"Anong nabigla ang pinagsasabi mo?"

He ran towards me. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat bago muling sinandal sa puno.

"Drake!"

"Nabigla ba ang ganito?"

Bigla niya akong hinalikan. Medyo mapangahas. Pinipilit kong iwasan dahil pinipilit niyang pagdikitin ang mga labi namin.

Napatigil siyang saglit.

I can still feel his arms pinning my body. Marahan ko siyang tinitigan. In the frame of my wet glasses, I could see him like a Renaissance painting. Bagsak na ang kaniyang buhok dahil sa ulan, hindi gaya ng brush-up niyang hairstyle lagi sa paaralan. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay, hindi dahil sa inis kundi dahil sa panghihinayang mula sa pagtanggi ko.

Ang mga mata niya ay nakakatitig sa akin na tila nagtatanong kung bakit ako nag-aalinlangan.

He moved closer. Slowly this time.

We were both looking at each other's lips. Napalunok ako ng laway pero lalo akong nauuhaw hanggang sa magdikit ang mga labi namin.

We kissed again. Mas malambing sa pagkakataong ito. Huli na nang mapansin kong hawak ko na ang mukha niya. Ginagantihan ko na ang kaniyang maiinit na halik. Sinasapo ko ang ibaba niyang labi patungo sa itaas. Nakapikit ako habang hinahabol ang aking hininga.

We were exchanging breaths like a river flowing to the sea.

Nang ako ay makabuwelo ay napatigil ako sa pagsimot sa mga labi niya. Iminulat ko ang mata ko. Nakangiti sa akin si Drake. We were breathing deeply at the same time... Mukha kaming sabik na sabik sa isa't isa.

"Ganito ba ang nabigla, Kahel?"

Napakagat ako ng labi. Kumurba pababa ang bibig ko. Napatingin ako sa putik na nasa aming paanan. Inalog ko ang aking ulo.

"We should go home."

"What the hell? Finish what you started, Robinson!"

"Sorry, hindi ko sinasadyang halikan ka."

"Bad trip naman, o! Dalawang beses, dalawang beses kang gumanti, Kahel!"

"We still have a project to do. May pasok pa tayo bukas."

Mabilis akong tumalikod. Pinulot ko ang payong ko ngunit hindi ko binuksan. Naglakad ako palayo ngunit ramdam ko ang mga yapak ni Drake sa aking likuran.

"Is it me? May ginawa ba ako?" bulyaw niya sa aking likod.

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa paghakbang habang humahagupit ang bagyo.

"Dahil ba fuck boy ako, Kahel? Nandidiri ka ba sa akin?"

"No—"

"Then what?" Tumakbo siya sa tabi ko at pinihit ang aking balikat paharap sa kaniya. "What is wrong, baby? Tell me, please!"

Inangat ko ang aking ulo. Hindi ko na siya tuluyang makita dahil inalis ko na ang salamin ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang takot ko. Ang pangamba kong iwan muli ako. Gaya ng ginawa ng huling taong minahal ko. Kung paano ako pinagtawanan sa paaralan. Kung paano ako iniwan sa ere ng aking kasintahan nang malaman ng lahat ang aking kasarian.

The hate messages I got in the locker room.

The bullying in the hallway.

The posts about me on social media.

The way no one stood up for me.

As I look at Drake, hindi ko mapigilang matakot. Lalo na sa mga taong nakapalibot sa kaniya. His elite friends are all well known in Metro Manila. Sa oras na malaman nila na may nabubuong relasyon sa pagitan namin ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang mga ibabato nila sa akin.

Ang pinakasikat na bachelor sa Maynila, iibig sa hamak na scholar who had to work multiple part-time jobs just to buy his Nursing books? Pathetic, Kahel! Pathetic!

Sa gitna ng ulan ay nakatitig ako sa mukha ni Drake. Isang taong tila maiiwan rin sa ere dahil sa sasabihin ko.

"Nothing is wrong. Let's just go home."

Marahan akong tumalikod. Mabagal akong naglakad. Bigla akong nilagpasan ni Drake. Mabigat ang kaniyang mga hakbang at ramdam ko ang pagtalsik ng baha dahil sa inis niya.

"Tapusin na natin iyang putanginang project na iyan at nang makauwi na ako. You are hopeless, Kahel!"

Iniwan niya ako sa kanto. Nauna siyang umuwi ng bahay. Natigilan ako sa paghakbang habang marahang niyayakap ang sarili ko. Ninais kong huwag umuwi muna para mapag-isa kaming dalawa. Nakayuko ako sa baha habang nalalasahan ang maalat na tubig mula sa langit.

"O, lumabas ka pala?" bungad sa akin ni Mama nang makauwi ako.

"Si Drake po?"

"Nasa taas. Katatapos lang maligo."

May inabot sa aking bagong damit at malinis na tuwalya ang mama ko. Kung paano at bakit niya inihanda iyon ay hindi ko na alam.

Marahan akong nagtungo sa banyo at nagbabad sa ilalim ng shower. Hindi ko na alintana ang lamig dahil tila nasa kawalan ang isip ko dahil sa mga nangyari kanina.

Pumasok ako ng kuwarto. Bukas ang pinto. Nakasando lamang ako at tulala pa rin ako matapos ang lahat. Madilim sa silid at kita ko sa sulok si Drake na abala sa pag-edit ng video namin. Nakatalikod siya sa akin na tila walang pakialam na magkasama na naman kami sa iisang espasyo.

"Drake—"

Hindi ko naituloy dahil ibinagsak niya ang mouse ng computer niya. Senyales na naiinis siya sa akin.

Wala siyang pang-itaas. Nakatapis lang ng tuwalya ang kaniyang baywang. Magulo ang kaniyang buhok na halatang pinatuyo niya lang sa hangin. Nakaupo siya sa upuan na walang sandalan.

"Sorry, Drake."

Nakarinig ulit ako ng taktak ng mouse.

"Stop saying sorry and just go to sleep."

Hindi na ako nakakibo. Humiga ako sa kama at sinubukang magtakip ng kumot. Inayos ko na ang puwesto ko.

Pero para akong tinatawag ng ilaw ng monitor niya. Bahagya kong nilabas ang aking ulo sa kumot upang silipin siyang muli.

"Drake, tungkol kanina—"

"It doesn't matter. Magpahinga ka na, Kahel. Hindi ako galit."

Sinungaling.

Hindi na ako sumagot. Nakatagilid ako habang nakatitig sa kaniyang likod. Ang mabato niyang silweta na iniilawan ng computer sa madilim kong kuwarto.

Ramdam ko ang bawat gigil niya kasabay ng pagpindot sa keyboard. Every time he pressed a button, it was like banging in my ear.

I watched him for almost half an hour. He was just sitting there, never turning his head towards me. Walang tunog mula sa kaniya. Tanging ang mabibigat niyang daliri na tila pinagdidiskitahan ang inosente niyang keyboard.

Naalala ko ang ginawa niya para sa akin. How he stood there in the rain just to get my medications.

How I kissed him.

How he kissed me back.

How I pulled him closer.

And how I left him hanging.

"Tangina, self. Ano ba 'to?" bulong ko.

Mula sa kama ay kusa nang gumalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kunsensya o kailangan kong panagutan ang ginawa ko. Bumangon ako at lumapit sa kaniya.

"Fuck it! Bahala na!" Hinubad ko ang sando ko.

"Anong ginagawa mo, labo?"

Isiningit ko ang katawan ko sa harap ni Drake. Kumandong ako sa kaniya. I was facing him while he was in front of the laptop.

"Sorry na."

"I told you not to say sorry—"

Niyakap ko siyang bigla. Para akong bata na nakakalong sa kaniya habang magkaharap kami. Ipinatong ko ang ulo ko sa matikas niyang balikat. At first, he had no reaction. Ni hindi nga siya humihinga. Para siyang batang nagtatampo at hindi makakilos dahil sa ginawa ko.

"Hindi ako sanay na nagagalit ka sa akin, Drake. Para akong nalulunod."

He started moving. He pressed his lips on my bare skin. Huminga siya nang malalim. Ramdam kong sinisinghot niya ang naiwang amoy ng sabon na may halong gatas sa balat ko. Then he started working pero wala pa rin siyang imik.

Nakayakap sa matipuno niyang dibdib ang mga kamay ko habang ang kaniya ay patuloy sa pagtapos sa project namin.

But he was pressing the buttons lightly this time. We were there in front of his computer. Chest to chest. Skin to skin.

He acted like he was ignoring me. Pero ipinagpatuloy pa rin niya ang ginagawa niya kahit ganoon ang aming posisyon.

I kissed his neck. Sa magkadikit naming katawan ay ramdam ko ang mahina niyang tawa.

"Hindi ka na po galit, Drake Slater Valentino?"

"No po, Kahell Edknell Robinson."

"Happy ka na?"

"Opo," saad ni Drake. Tuluyan na siyang natawa. "Was I that scary, Kahel?"

"Opo, kaya."

"Sorry if I was so grumpy."

"Ayos lang, mali ko naman."

Ramdam ko ang malambot niyang pisngi sa aking leeg. Mga pisngi niyang binabanat pataas ng kaniyang nakangiting mukha dahil sa itsura naming dalawa.

Nakatulog ako habang nakakalong sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top