Chapter XLIV: Athazagoraphobia (Finale)

Kahel

ATHAZAGORAPHOBIA—the intense fear of being forgotten.

The young Drake used to tell me about his greatest fear. Ang weird lang dahil habang bumubulusok ako pababa, ang mukha ng kalaro ko ang nakikita ko.

Right now, a series of our childhood memories are playing in my head.

"Are you afraid of dying?" minsan kong tanong sa kaniya habang naglalaro kami ng buhangin noong mga bata pa kami.

"Nope," nakangiti niyang tugon. Mabilis ko siyang nilingon, habang pinapatag ko ang kastilyong binubuo namin. Siya naman ay hindi ako tinitignan habang pinupuno ng buhangin ang likod ng laruang niyang truck. "Death is like a gift for me. The moment I die, I will no longer be in pain."

Sumikip ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Iyon 'yong mga panahong alam ko na ang tungkol sa sakit niya. Natulala ako sa kaniyang likod habang iniisip kung paano niya napagtanto ang mga bagay na iyon. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko nakontrol ang hawak kong pala at nasagi ko ang ginagawa naming sand castle hanggang sa gumuho ang isang bahagi nito. Ang ilan sa mga buhangin ay napunta sa damit ko.

"Naku, sorry," paumanhin ko agad.

"It's okay," mabilis na alo ni Drake.

Sa halip na asikasuhin ang kastilyong aming binubuo, inuna niyang pagpagin ang mga alikabok na nagkalat sa damit at sapatos ko.

"Drake, huwag mo nang linisin baka marumihan ka pa," aking alo. Pero patuloy pa rin siya sa pagpagpag sa mga suot kong pinaglumaan lamang ng aking kuya.

"Ayos lang, Kahel," tugon niya sa slang niyang pag-Tagalog. "You are wearing your family's keepsake, kaya dapat panatilihin mong malinis iyan."

I dunno, but at the moment, he made me feel that me, too, is blessed in life. Na kahit ganito ako, may pamilyang naghihintay sa akin sa bahay. That I should value the things I get from them.

Nginitian ko siya habang marahan siyang umaangat mula sa kaniyang pagkakayuko.

He smiled back. He was staring at me as if inaaral niya ang mukha ko. Matapos ang ilang segundo ay lumabas sa bibig niya ang isang kakaibang tanong.

"Kahel, will you remember me when I'm gone?"

Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ko.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi na rin niya ako hinintay na tumugon.

Napahiga siya sa buhangin at napatingin sa langit. "Tara, Kahel. Humiga ka rin."

I just followed his queue. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. I was so young. I was afraid of uttering words that he might misunderstood. Gusto ko siyang sang-ayunan pero ikadudurog ng puso ko kung sakaling lisanin nga niya ang mundo.

We just laid on the sand that afternoon. We were watching the cloudy sky, thankful because he made it through another day, alive.

We began counting clouds while imagining them as animated objects hovering above us.

He started laughing tuwing nagkakasundo kami sa hugis ng ulap at kung ano ang mga kawangis nito.

"Iyon, mukhang aso. Ito naman, mukhang elepante. Ay iyon mukhang balyena," saad ko habang binibilang ang mga ulap sa aking tapat.

While I was imagining things peacefully ay umalingawngaw sa aking tenga ang isang katagang bigla niyang ibinulong sa hangin.

"Sana huwag mo akong kalimutan kapag wala na ako, Kahel."

***

I'm still falling from the sky.

I opened my eyes.

"Grab my hand, Kahel, please!" sigaw ni Drake habang pinipilit akong abutin.

Gusto ko siyang abutin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hagkan. But, he is not the real Drake. And it hurts. Still, he deserves to live.

"Hindi na kita aasarin, Kahel. Magpapakabit na 'ko!"

O, God. He is begging now. He is so cute. Naiinis ako sa sarili ko dahil natatawa ako sa itsura niya kahit umiiyak ako.

Habang bumubulusok kami pababa, I could see those familiar clouds passing through me. May mukhang aso, hugis elepante at may kasing laki ng balyena.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

That's right, Kahel. Death is not something to be afraid of. Once you're gone, it will solve all of their problems, kahit hindi ka na humiling.

"I know what you're thinking, Kahel, and no, your death won't solve it all!" biglang sigaw ni Drake sa mukha ko.

Napatingin ulit ako sa kaniya. I could see that he was trying his best to reach me pero hindi niya pa rin ako maabot.

"Kahel! Hindi na ako mambababae! Ikaw na lang ang laging lalandiin ko!"

This idiot sounds really desperate right now.

Ayaw ko na siyang sagutin. Sa oras na iligtas niya ako ay paniguradong kukunin niya ulit ang maskara at siya mismo ang gagamit nito.

Kaya dito pa lang, mabuti nang sa akin matapos ang lahat.

"I love you," I mouthed. Walang tunog na lumabas sa bibig ko pero alam kong naintindihan niya ang sinabi ko.

"No! Don't fucking say that right now! I won't accept that at a time like this!" sunod-sunod niyang hiyaw habang nililipad ng hangin ang mga luha niya.

I just smiled back. Wala nang takot sa mukha ko. I'm enjoying the view, in fact. The galaxy with all its stars in the far background. The orange clouds surrounding my sight are like a picture frame. And in the middle of it all is Drake, with his magnificent wings, shirtless, hair dancing in the air.

Ang sarap niyang i-paint sa mga oras na ito. Pero ang hirap iguhit ng malungkot niyang mukha. Gusto kong patagin ang nakakunot niyang noo. Nais kong paghiwalayin ang magkasalubong niyang kilay gaya ng palagi kong ginagawa tuwing natutulog siya sa tabi ko.

I extended my hands towards him as if I were trying to wipe the tears from his face...

Wait?

I extended my hands?

Shit! I extended my hands!

"Got you!" bulalas ni Drake nang bigla niyang hatakin ang nakaunat kong mga kamay.

Bigla ko na lang namalayan na tumigil na ako sa pagbagsak. Yakap na niya ako at lumilipad na kami sa ere.

"Let me go! Let me fall! Hayaan mo na akong mamata—" I was screaming like crazy but his lips sealed my mouth.

I wanna push him away. Gusto ko pang magpumiglas pero niyakap niya ako nang mahigpit. I was screaming while our lips were still glued nang may maramdaman akong tubig na pumapatak mula sa mukha niya papunta sa pisngi ko.

Drake is crying.

Ramdam ko ang hagulgol niya habang hinahalikan ako.

I paused. I'm so unfair to him. Bakit ba lagi kaming ganito? Why does he always have to be sad for me to calm down?

Itinaas ko ang kamay ko. I slowly caressed his cheeks, wiping away the tears of memories rolling out of his eyes.

Minulat niya ang mga mata niya. He slowly lifted his lips from mine.

"A-akala ko k-kinalimutan mo na a-ako," garalgal niya. "I thought you forgot about my fear of being forgotten. I thought you forgot how much I love you at handa mo akong iwan mag-isa."

These familiar words!

Nanlaki ang mata ko. Chills ran down my spine. I totally get it now. Kung bakit niya ako gusto. Why he knows so much about my childhood. Why he still seemed familiar kahit hindi siya mismo ang batang kalaro ko. Why he always feels nostalgic kahit hindi siya amoy manzanilla.

I made a smile of ultimate relief. I let out a deep sigh. I understand everything now. Suddenly, parang hindi ko na pasan ang mundo.

"Sorry," saad ko agad kay Drake to calm his troubled heart. "I just don't want you to give away your life for my sake."

"And I don't want you to do the same, you dweeb!" bulalas niya bago niya sinubsob ang mukha niya sa balikat ko at niyakap pa akong lalo. I could feel tears spilling on my skin. Para siyang bata na humihikbi sa mga bisig ko.

I hugged him back. Hinayaan ko siyang kumalma sa bisig ko habang marahan kaming lumilipad pababa.

We were back in the aquarium. Nakatayo kami sa gilid ng tank. He folded back his wings pabalik sa katawan niya. He was still sobbing habang ayaw niyang alisin ang pagkakayakap niya sa akin.

"Drake, you can let me go. I won't run—"

"No!" sigaw niya habang lumulha pa rin. "I won't let you go after pulling a stunt like that!"

Hinayaan ko na lang siya. Ibinalik ko ang mga kamay ko sa kaniyang likod upang haplusin ito.

Marahan kaming nilapitan nina Matthew at Lance.

"That was cinematic," sabi ni Matthew.

"Gagsti, para kayong nasa anime!" dagdag ni Lance.

"O, kayo, ayos na ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila pero hindi ko sila maasikaso dahil mahigpit pa rin ang pagkakayapos sa akin ni ungas.

"Valentino, baka madurog mo si Ed," Matthew groaned.

"Oo nga, halos mayupi mo na, o," singit ni Lance.

"Shhh!" alo ko sa kanila. Nakadungaw ako sa balikat ni Drake dahil nakasubsob pa rin ang ulo niya sa balikat ko. "Hayaan muna ninyo siya. Just give him time."

Bigla kaming natigilang apat nang may marinig kaming malakas na pagaspas.

"So, what should we do with this?" sabi ni Kuya Tom na dumapo ilang metro lamang mula sa amin. Hawak niya ang maskara. "Someone has to make a wish."

Mabilis na napaalis sa pagkakayap sa akin si Drake. He immediately stepped in front of me at iniharang ang katawan niya sa pagitan namin ni Kuya Tom.

"Not one more step, Mr. Pegasus!" Drake roared.

Mabilis kong piningot ang tainga ni Drake na dahilan para mawala ang angas sa mukha niya.

"Aray, aray, mahal!"

"Masyado kang maangas. Hindi naman tayo inaano ni Kuya Tom."

"Pero kasi—"

Hinawi ko ang malaking katawan ni Drake sa harapan ko. I stepped forward. Nasa likod ko na ang tatlong kasama ko at kaming dalawa na lang ni Kuya Tom ang magkaharap.

"Kuya Tom, I get it now," saad ko. A smile sprouted from his face. "This is never a curse. It's a gift."

Nakita ko kung paano napabuntonghininga si Kuya Tom habang nakangiti sa mga rebelasyon ko.

"What do you mean, Ed?" singit ni Matthew mula sa aking likod.

"Ikaw, Mat!" sigaw ko. Mabilis kong nilingon si Matthew. "Ano ang paborito naming pagkain ni Lance noon nagde-date pa kami?"

"Teka bakit si Matthew ang tinatanong mo?" usisa ni Lance.

"Shhh!" saway ko. "Matthew, sagot!"

"That's easy. Kwek-kwek," natatawang tugon ni Matthew habang kinakamot pa ang ulo niya. "Minsan nakuwento mo na sa akin iyon sa library—"

"Never kong nakuwento sa iyo iyon, Mat," pagputol ko sa sinasabi niya. "Ano ang shoe size ni Lance, Matthew?"

Natulala siya sa tanong. Nauutal pa si Matthew bago sumagot, "T-ten... What the fuck? Bakit ko alam ang lahat ng ito?"

His mouth was wide open at para siyang nakakita ng multo.

"Matthew, naalala mo ba kung kailan ka naging tao?" tanong ko bigla. "Ikaw naman Lance, kailan sumakit ang bato mo?"

"It was a Friday the Thirteenth," sabay nilang bigkas.

Sa mga sagot nila ay lalo kong nakumpirma ang hinala ko.

"I was with you in the library when I first moved, Ed," saad ni Matthew.

"I was watching you cry inside the library when my planks started hurting," dagdag pa ni Lance.

Pareho silang nakanganga na tila ay nahuhulaan na ang pinupunto ko.

Binalikan ko si Kuya Tom na nakahalukipkip na sa aming apat.

"I get it now!" sigaw ko kay Kuya Tom. "I turn statues into humans by placing a part of the closest human's soul in them."

"What the hell?" sigaw ni Lance. "I was fucking myself in Fra—"

"Tumahimik ka nga, Valderama!" Mabilis na tinakpan ni Matthew ang bibig niya.

Pero agad kaming natigilang tatlo nang maalala namin si Drake. Kitang-kita ko kung paano kumurba pataas ang mga labi naming lahat. Mabilis kaming napalingon sa kaniya.

"W-wait—" nauutal na saad ni Drake. "D-does that m-mean—"

Lalo kong nilapitan si Drake. Hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"You're the real Drake Slater Valentino," alo ko habang unti-unting namamasa ang mga mata ko. Ramdam ko ang pamumugto ng sipon sa aking ilong. Maging ang labi ko ay nagsimulang manginig. "That day, noong mga bata pa tayo, habang naghihingalo ka sa bangka... dahil sa takot kong mawala ka, I think... I s-somehow managed to t-transfer your soul into Eros's statue, D-Drake."

In my hands is his face. I saw how his serious look of shock slowly turned into that of a fragile little soul. Tila gripo na bumuhos ang mga luha niya sa palad ko habang nagsisimula siyang humikbi.

"All this time?" saad ni Drake. He held my hands and pressed them even harder to his face. "It was me all along?"

"Oo, mahal ko," tugon ko.

Tumingkayad ako. Sapat lamang ang ginawa ko upang maabot ko ang tangkad niya. Nakatitig ako sa labi niyang nanginginig dahil sa magkahalong lungkot at saya. Ilang segundo pa ay marahan kong inilapat ang labi ko sa mga ito. Sinamahan ko ng pagmamahal ang dalawang emosyong kaniyang nararamdaman.

As my lips pushed against his, I felt him breathing slower, deeper, and more normally this time.

He held the back of my head. He pressed me on his chest. He hugged me tight.

"Nandito lang ako. I will grow old with you," malambing kong bigkas. "Hindi kita iiwan habang sinusulit natin ang natitira nating sandali sa mundo, Drake Slater Valentino."

***

Several years passed and somehow, hindi na ako sinumpong ng kakayahan ko. Ganoon din sina Matthew and Lance. Drake managed to reconcile with his father at hindi ko maipinta ang tuwa sa mukha ni Tita Cherry nang malaman niya ang totoo. Ang mga kriminal na ginawa kong bato ay kusa na ring naging tao at agad namang nabigyan ng tamang hatol. Kung papano sila bumalik sa tunay nilang anyo, marahil ay si Kuya Tom rin ang may kagagawan.

Biglang nawala si Kuya Tom noong araw na iyon sa Poseidon Ocean Park. He vanished along with his mask. His attorney approached me one day with his Last Will and Testament. He left all his assets in my name. There was also a letter from him saying that he would be the one to make the wish in the mask. Nalaman ko rin sa liham na iyon na siya rin ang may pakana kung bakit kami nanalo sa raffle sa mall papuntang France. How he has been watching me since my father died and how responsible he felt when I've awakened my eyes in exchange for someone important to me.

In exchange, I put his money to good use. I used some of his money to finish school at tulungan ang pamilya ko. I shifted course. From Nursing, I transferred to Business Management so that I could keep Kuya Tom's legacy. Aside from maintaining his business here and abroad, nagawa ko ring palaguin ang mga ito. I started my own scholarship. I called it "Tiyaga at Talino Scholarship Foundation". Its goal is to support bright students who had to go to part-time jobs so that they could complete their studies.

Kuya Kyosuke and Kuya Kalim had their wedding last week. Syempre ako ang best man, and we had to tie Drake to his seat during the wedding ceremony dahil panay ang usok ng ilong niya tuwing nilalapitan ko si Kuya Kyosuke sa altar upang asikasuhin ito.

Nagkatuluyan din sina Lance at Matthew. Lance was so awkward at first, but Matthew has been insisting na hindi niya kaugali si Lance. Somehow, Matthew still has the personality of the person he was actually molded from, ang estatwa ni Matthias Rodriguez na founder ng high school namin. Going back to my theory, that is probably why ang gaan kong kausap si Matthew noong una ko siyang kakilala. He may have had the part of Lance that I fell in love with.

"O, ayan ka na naman. Ang dami mong iniisip. Tulungan mo na ako dito, mahal." Drake cut my thoughts off by forcing my ideas back to the ground. Nakanguso siya habang nagtatampo ang tingin sa akin.

Natatawa ko siyang nilingon. Pareho kaming shirtless habang nasa magandang beach sa isang isla sa Baler, Aurora. May malaking parola sa gilid. Sobrang puti ng buhangin. Ang lupa sa aming likuran ay puno ng halamang pampas. At sa aming harapan ay malalakas na alon na sinasayaw ng hanging amihan. Sa malayo ay ang araw na lumulubog sa makasariling kanluran.

Hawak ko ang photo album namin. May mga larawan ng aming kabataan sa unahan na halos mapuno na namin sa mga nagdaang taon. May malakas na hanging dumaan na dahilan upan maihip ang makapal na pahina ng photo album pabalik sa larawan namin sa tapat ng Eiffel Tower.

"Badtrip naman," bulalas niya bigla. Mabilis ko siyang nilingon.

I saw how the wind made his sand castle fall. Napa-pout lalo si Drake sa inis.

"Hindi talaga tatayo iyan," halakhak ko. "Ang lakas ng hangin, o. Bakit ba kasi tayo dito nag-beach? Tayo lang ang tao—"

"Para ma-solo kita," mabilis na dugtong ni Drake. Bigla niya akong tinalunan na naging dahilan upang mapahiga ako sa buhangin habang nakapatong naman siya sa akin. "At saka, you know, we haven't had an intimate moment in a while, and walang tao sa beach na ito... so... baka puwedeng dito—"

"Manyak ka talaga!" bulalas ko. Sinimulan kong pingutin ang dalawa niyang tenga. Panay ang aray niya habang natatawa sa ginagawa ko.

Agad naman niya akong kilitiin sa tagiliran na siyang nagpabitiw sa pagkakapingot ko sa kaniya. Ako naman ang humahagalpak. Panay ang balikwas ko sa buhangin katatawa na halos magdulot na ng usok alikabok na nabubulabog ko.

Pareho kaming natigilan sa paghaharutan. Sabay ang pagtaas-baba ng mga balikat namin dahil sa hingal.

"You know, kahit wala na iyong powers mo, you still make me hard," banat ni Drake.

"Ungas!" halakhak ko.

In unison, we slowly grabbed each other's faces. He gently kissed my lips as my hand moved towards his sculpted back.

As the last twilight beamed, he rested his head on my chest. I know he can hear my used-to-be troubled heart pounding. Kalmado na ang puso ko ngayon, dahil nahanap ko na ang kahati nito.

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top