Chapter XIX: Bukkake

Kahel

BUKKAKE—Juice colored hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag kung ano ito. Siguro para sa mas simpleng terminolohiya, sabihin na lang nating ito ang tawag sa sabay-sabay na pagpapaputok ng baril ang maraming lalaki sa isang tao.

Tama! Putok ng baril. Sabay-sabay na putok. Ito ngayon ang nais kong gawin kay Lance. Kitang-kita ko silang dalawa ni Drake na nakaupo sa bleachers. Sa magkabilang dulo sila ng Ocean Park nakapuwesto habang tinatapos ko ang trabaho ko.

Pareho silang nakatitig sa akin. Si Drake na malaki ang eyebags na ayaw alisin ang kaniyang mata sa direksyon ko. Kulang na lang ay ipako niya ako sa kinauupuan kong bato bago pa ako makatakas.

At ang walang hiya kong ex. Nakasandal siya sa upuan niya. Nakadekuwatro ang upo ni buwiset habang magkasalubong ang mga kilay sa akin.

"Paalala po sa mga magulang, magsasara na po ang Ocean Park sa loob ng kalahating oras." Umalingawngaw muli ang boses ni Kuya Tom sa auditorium.

Nakaupo na ako sa parang isla sa gitna ng taas ng aquarium. Sa palibot makikita ang malaking stadium na kadalasang natatabunan ng yelo dahil dito nakatira ang mga alagang penguin ng parke. Nakatungtong ako sa malaking bato habang tubig na ang nasa aking harapan. May bakod hindi kalayuan sa akin kung saan ang mga bata ay panay ang kuha sa akin ng larawan.

Isa-isa nang nag-aalisan ang mga bata. Sa bawat pagkaunti ng mga tao ay lalong lumalamig ang paligid. Nababawasan na ang mga katawang humihigop sa lamig na dulot ng gabi.

"Ha-choo!" Bigla akong nabahing. Agad kong niyakap ang hubad kong katawan. Kasabay noon ay mga yabag ng paa na narinig kong humarurot patungo sa puwesto ko. Napatingala akong bigla. Drake and Lance were both running towards the water.

Handa na akong lumusong muli sana sa tubig upang pumunta sa pampang nang makarinig ako ng tilamsik at malakas na pagsisid.

"K!" sigaw ng ex-boyfriend kong gago. Lumalangoy na ito habang may hawak na kung anong nakasupot. "I have here a rash guard para hindi ka ginawin."

K? Kailan ko nga ba huling narinig iyon? Mahigit isang taon na siguro. Kitang-kita ko si Lance na basang-basa sa gitna ng aquarium habang matulin na lumalangoy. His arms flapped like butterflies. Napakaperpekto ng kaniyang mga galaw. No wonder, he was the ace of my previous team. Wala siyang pinagbago. Hindi niya inalintana ang suot niyang sweatshirt at fitted jeans makapunta lang sa kinauupuan ko.

"No," bulong ko. Unti-unti na namang pumasok sa ulo ang lahat ng troma na ginawa nang paglisan niya. Ang mga pangungutya. Ang mga masasamang usapan sa dati kong paaralan. "Don't come near me, you snake!"

Bigla akong napatayo. Nakalimutan kong suot ko pa pala ang mermaid tail na siyang dahilan para matumba ako at mahulog sa tubig.

I started to panic. Sa sobrang gusto kong huwag mapalapit sa dati kong nobyo ay hindi ko magawang palutangin ang katawan ko.

"Diyan ka lang, K! Malapit na ako." Malakas ang boses ni Lance habang iniinda niya ang tubig na pumapasok sa bibig niya.

I saw him rushing towards me like a shark. Para siyang mabangis na halimaw na nagpapanggap na mabuting tao patungo sa direksyon ko.

"No!" sigaw ko na. Ipinikit ko ang aking mga mata. "Not anymore, Lance Gabriel Valderama."

I tried my hardest to find my equilibrium. Kinalma ko ang mga galamay ko.

I started to float. I took advantage of my mermaid tail. I swam faster than my good for nothing ex boyfriend.

Narating niya ang gitna ng aquarium. Wala na siyang nadatnan sa batong kinauupuan ko kanina.

Nakita niya ako sa kabilang bahagi na ng auditorium. Mabilis akong umahon at agad kong hinubad ang buntot ko.

"Tangina mo!" sigaw ko kay Lance. "Sa oras na dumikit ka sa 'kin, susuntukin kita, gago!"

I was shouting at him. My eyes were burning like hot iron habang basang-basa siyang umaahon sa pinanggagalingan ko.

Pero biglang nawala ang inis sa mukha ko. Behind Lance, I saw Drake. He was staring at the water. His chest was breathing so deep. Kahit sa layo ng puwesto ko ay ramdam ko ang takot niya.

"Don't tell me—" I told myself. Then, I remembered what happened when we were kids. How we were thrown at the sea when we were being kidnapped. "He... he's still afraid to swim?"

"K!"

Bumalik ako sa katinuan. Nakita kong palangoy na naman si Lance patungo sa direksyon ko.

I left my tail. I ran with only my trunks on.

Inikot ko ang auditorium. Hindi ko ininda ang madulas na sahig. Sapat na ang hangin sa baga ko upang hindi ako hikain.

Kailangan ko siyang mapuntahan agad.

Drake was starting to shake. Hindi niya maalis ang tingin niya sa tubig. Last thing I want him to remember is the trauma on that day.

Ang masamang araw na iyon.

"Drake!" sigaw ko. Bigla siyang napalingon. "Tara, dali!"

I grabbed his hand. Hinatak ko siya patalikod sa aquarium.

He was silent as we ran. He was just staring at me.

Sinasabayan ng paa niya ang mabilis kong pagtakbo. Pinakiramdaman ko ang malamig niyang balat. Mas mainit pa ang kamay kong ilang oras na nakababad sa tubig kaysa sa mga palad niya.

"B-reathe slowly," saad ko habang tumatakbo kami.

"Kahel, I'm okay now."

"Don't look back. Keep running. Huwag mo nang alalahanin ang mga nangyari noon."

"Kahel, I'm—"

"Nandito lang ako, Drake, just like—"

Bigla siyang huminto. Sa laki ng katawan niya ay hinatak niya ako payakap sa kaniya upang pati ako ay mapatigil sa pagtakbo.

"It's okay, Kahel. I'm okay."

Napasubsob ang hubad kong katawan sa malaki niyang dibdib. I could feel his chest rising and falling. He was breathing slowly and deeply, just like I told him to.

Maging ang malamig na hangin na kanina pa bumabalot sa akin ay unti-unting umiinit. His arms were enveloping my topless body as he tried to squeeze me more.

"Drake, too... tight."

"Oh, shit! I'm sorry."

Mabilis niya akong binitawan. Nakangiti kami sa isa't isa habang sabay ang aming malalamin na paghinga.

Then I saw his eyebrows frown. Tila may naalala siyang bigla.

"Sino iyong lalaking iyon?" mataray niyang tanong.

Napatingin ako sa sahig,

"Saka sino si K?"

Napasipol ako. Sa langit naman ako napatingala.

Muli na namang humangin. Napayakap ako sa katawan ko.

"Badtrip, naiwan ko ang damit ko sa loob."

"E 'di, balikan natin."

Hahatakin sana niya ako pabalik nang bigla ko siyang pinigilan.

"Huwag na, next time na lang. May ahas kasi sa loob."

"Ahas?"

"Ahas, serpiyente, taksil, Hudas. Ahas!"

"Now, you really got me curious. Who on earth is that guy?"

"Huwag nang maraming tanong."

"At saka sino si, K?"

"Ang kulit naman nito—"

"D!"

Natigilan ang paglalakad namin nang biglang sumulpot si Rebecca mula sa kanto.

Agad kong binitiwan ang kamay ni Drake.

"Oh no, you don't," sabi ni ungas. Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Worse, he put the same hand on my shoulders like we were about to dance tango.

Natigilan sa pagtakbo si Rebecca.

"How on earth do you keep finding me?"

"We used to date here, remember?"

"Used to," sabi ni Drake. "Next time na lang tayo mag-usap. Ihahatid ko pa ang boyfriend ko."

"Boyfriend?" matinis na tanong ko.

"Boyf—?" nauutal na tanong ng babae niya.

"Oo, boyfriend," sagot ni Drake sa aming dalawa.

"Taranta—"

"Shh!" He leaned closer to me. He whispered, "Sakyan mo na lang. Tignan mo reaksyon niya."

Napatingin ako kay Rebecca. Para siya iyong character sa mobile game na na-stun dahil sa narinig niya.

"Now's our chance." Bigla akong hinila ni Drake patakbo sa parking lot.

Hindi naman mahirap hanapin ang sasakyan niyao dahil iyon ang pinamukhang mamahalin sa lahat.

As usual, he led me to my passenger seat. Mabilis niyang pinaandar ang makina. Biglang bumuga sa hubad kong katawan ang lamig ng air conditioner.

"Wala ka bang ekstrang damit diyan?" nanginginig kong tanong.

"Meron, pero mamaya na."

"Bakit mamaya pa?"

"I like to see you naked. Ha-ha."

Bigla kong sinapak ang braso niya.

"Ito namang si boyfriend, hindi mabiro."

"Gago, hindi mo ako boyfriend. Ilalabas mo o ilalabas mo ang damit?"

He stepped out of the car. He opened the trunk, then brought back a box.

"Ta-da!" He looked so proud.

"Ungas! Bakit dala mo mga damit ko from Tarlac?"

"Remember when I had Alfred number 1 clean your room? I had your old clothes hidden in my trunk; ido-donate ko sana sa charity ang mga luma mong damit hanggang sa nakalimutan ko na."

He started driving. Nakanganga lang ako sa kaniya. Ang daming umiikot na tanong sa ulo ko dahil sa mga sinabi niya.

"Alfred number one? Bakit may number one? Saka sinong nagbigay ng permiso sa iyo na ipamigay mo ang mga damit ko, unggoy?"

"Grabe, quiz bee ba ito? You have so many questions." He started laughing. His eyes are still on the road. "I call him Alfred number 1 dahil siya ang original butler namin."

Abnormal talaga 'to.

Hindi ko siya pinansin habang sinisimulan kong isuot ang damit ko.

"'Tsaka, I need to give your clothes away dahil luma na nga iyan. Pinapalitan ko na ang mga damit mo sa bahay."

Hinigpitan ko ang yakap sa kahon. Tinitigan ko siya nang masama.

"Ha-ha!" Nilingon niya akong saglit. "Fine, I won't give them away. Just be sure to leave them in the car before I drop you off at your dorm."

"Ayaw ko nga, baka ipamigay mo, gago!"

"No, promise, I won't give it away anymore. Who would have thought na mapapakinabangan natin iyan in emergency situations like this?"

"Ulol!"

"Oo nga. Hindi ko na ipamimigay. Mamili ka, sasakay ka susunod sa kotse kong hubad or—ay teka, iuwi mo na pala mga damit mo. I prefer you naked in my car."

"Ayan!" Hinagis ko sa back seat ang mga damit ko. "Keep them all here just in case."

He was laughing. I was glaring at him.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Napakagat ako ng labi. May bigla akong naalala.

"Pakshet, 'yong assigment ko sa Humanities. Naiwan ko sa bag ko sa employee locker room sa Ocean Park."

"Sige ipapakuha ko na lang."

"Kanino?"

"Kay Alfred."

"'Di ba, nasa Tarlac 'yun?"

"No, baby. I'll ask Alfred Number 2 to pick it up for you. He's the butler I have in my place near the school."

Abnormal talaga ampota. Alfred ang tawag niya sa lahat ng butler niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top