Chapter XIII: French
Kahel
FRENCH—the language of love. Matagal ko nang gustong aralin 'to pero wala akong oras. Pangarap ko kasing makapunta sa Paris at magpa-picture sa Eiffel Tower. Naalala ko na naman ang lugar na iyon habang nakatingin ako sa magandang kotse sa harap ko. Malamang yari sa France 'to.
Drake was staring at me from the driver's seat. Nakatayo lang ako sa labas habang nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kaniya. Ang sasakyang dala niya ay sports car na pula. Bagong modelo at mula sa isang sikat na brand. High-end ang exterior, maging ang interior ay hindi patatalo.
"Your car is too fancy," naiinis kong puna. Napakamot ako ng sintido. "Masyadong agaw ng atensiyon."
"Do you want me to change cars?" Nakakunot pa ang kaniyang noo na tila seryoso sa tanong niya. "Mayroong ibang sports car ako sa mansion, papalitan ko na lang kay Alfred."
"Dinamay pa si Alfred, ampotek. Mag-commute na lang kaya tayo?"
"Hindi puwede. Sayang ang porma natin." Nagsimulang magsalubong ang kaniyang mga kilay habang nagkukuyakoy na sa puwesto niya.
Sa wakas, mukhang naiinis na si gago. Kaunting asar ko pa rito at tatamarin rin ito na gumala pa kami.
"At saka hindi mo pa sinasabi kung saan tayo pupunta," saad ko. Umupo ako sa upuan katabi ng puno. "May mga assignment pa akong hindi natapos kahapon."
"Kapag hindi ka sumama, babagsak ka sa P.E. class," diretso niyang sagot.
Napatayo ako sa upuan. Mabilis akong kinabahan. He used two of my most hated words in one sentence.
"P.E.? Bagsak?" pagtataka ko. "Anong ibig mong sabihin, ungas?"
"Kailan ka ba huling nag-check ng GC natin?"
"GC? Aling GC?"
"'Yong fanbase natin."
"Fanbase? Ulol, kailan tayo nagka-fanbase?"
"'Yong GC sa Humanities. 'Yong Procreation/Recreation group."
Tangina. 'Yong group chat namin sa Humanities ang tinutukoy niya.
Sa inis ko sa GC na 'yon ay nakalimutan kong naka-mute nga pala ito. Mabilis kong inilabas ang cellphone ko. Agad kong tinignan ang mga mensahe. Halos lumuwa ang mga mata ko.
"Takte, ano 'to?"
"Record ourselves daw sabi ni Mr. Castuera. Kailangan naglalaro ng sports while wearing anything but sports wear."
"The hell? Bakit ganoon?" Ang lakas talaga ng trip ng teacher namin. Paglalaruin kami ng sports pero iba dapat ang suot. Last time, pinag-jackstone niya kami sa gitna ng mall.
"Ewan ko riyan. Para yata maiba."
Aligaga na akong nakatayo habang iginagala ang mata ko kung saan may pinakamalapit na basketball ring.
"Kailan deadline nito, Drake?"
"Bukas."
"Ungas! Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Nagsimula siyang tumawa. Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan habang kinakawayan ako.
"Sabi naman sa iyo wala ka nang no choice, e. Tara na dali, puntahan natin ang soccer field sa kabilang bayan."
Tinitigan ko siya nang masama. Itinago ko ang cellphone ko. Padabog akong sumakay habang hindi inaalis sa kaniya ang tingin ko.
"Plinano mo ito, 'no?"
"Anong plano pinagsasabi mo, labo?"
"Sinadya mong huwag sabihin kahapon para mapilitan akong sumama sa'yo."
"Kahel, hindi ko na kasalanan na hindi ka nagbabasa ng GC." He stepped on the gas. Kinambyo niya ang reverse habang nakatitig sa rearview mirror. "Ikaw, ang scholarship mo, sige ka. You may lose it."
Hindi na ako nakasagot. He won this round. Inilagay ko ang seatbelt ko habang parang isang batang nakabusangot at nakatitig sa kaniya.
"What about the editing? We only have one day!"
"Kaya na ni Alfred 'yon."
"No!" sigaw ko. Napapreno siyang bigla dahil sa lutong ng pagkakasabi ko. "Ako na ang mag-e-edit. Mahiya ka nga kay Alfred. Ang laki-laki mo nang damulag, ibang tao pa gagawa ng project mo."
Tinawanan na lang niya ako. Nagsimula siyang magpatugtog. Napahinga na lamang ako nang malalim. Pero sa totoo ay kinakabahan na ako. Hindi naman major subject ang P.E. but failing that could ruin my scholarship.
"That's what I like about you," sabi ni ungas.
"Ano?" Hindi ko siya gaanong marinig dahil sa musika.
"You—" Pinahinaan niya kaunti ang tugtog. "You hate taking advantage of others, unlike—"
Biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakakonekta ito sa bluetooth ng kotse at agad niyang sinagot.
"Bonjour? (Hello)"
Mabilis akong napatiklop. French nga pala ang mother tongue nitong si ungas. Naalala ko ang mga panahong hirap ko siyang kausapin noong mga bata pa kami dahil hindi pa siya marunong mag-Tagalog.
Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya.
"Drake, mon fils. (Drake, anak)" sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya.
Napatingin sa akin si Drake. Nakita niya kung paano nanlaki ang mata ko habang nabobosesan ang mommy niya.
"Do you wanna speak with your mother-in-law?" bulong sa akin ni gago. Sinesenyasan pa niya ako habang pinapalakasan ang volume.
"Gago, umayos ka. Tatadyakan kita," bulong ko mula sa passenger seat. Tinaasan ko siya ng middle finger habang tinotodo niya ang speaker.
"Tout va bien? (Is everything okay?)" seryosong bigkas ng mommy ni Drake. Kinagat ko ang mga labi ko upang hindi niya ako mapansin.
"Je suis avec le vœu (I'm with 'The Vow')" nakangiting tugon ni Drake. Nilingon niya akong saglit at kinindatan.
"Le vœu? (The Vow)," bulong ko. Nagtataka ako sa ibig-kahulugan ng mga salitang iyon. "May French din pala ang 'Labo' na tawag niya sa akin, tangina."
Rinig ko ang sunod-sunod na tili ng mommy ni Drake. Ramdam ko ang ngiti niya sa kabilang linya habang panay naman ang sulyap sa akin ni ungas.
"Orange (Kahel)? Puis-je lui parler? (Can I talk to him?)" sagot ng mommy ni Drake. Napapikit akong bigla dahil alam kong ako na ang tinutukoy niya. Siya lang ang tumatawag sa akin ng 'Orange'.
"Il ne veut pas. Il est timide. (He doesn't want to. He is shy.)"
"Okay lang iyon," biglang nag-Tagalog ang mommy ni Drake. "Kahel, are you there?"
"Je suis sur la route.(I'm on the road)," tugon ni ungas. Pilit niyang inaabot ang kamay ko na iniiwas ko sa kaniya. "Pouvons-nous parler plus tard, Ma? (Can we talk later, Ma?)"
"D'accord chérie (okay, dear)."
"Merci maman (thanks, Ma)."
"Orange, bisita ka naman minsan sa bahay."
"He will, Ma."
"Let's talk soon, Drake. It's very important. Il s'agit de LA BALLE. Conduire prudemment. Je t'aime. (It's about THE BALL. Drive safe. I love you.)"
Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ni Drake. Kusang naputol ang linya. Tila may binanggit ang mommy niya na hindi niya ikinatuwa.
"O, napano ka?" maangas kong tanong.
"Hay naku, labo. Kung puwede lang ikaw na lang ang isama ko."
"Isama saan?"
Napabuntong hininga na lang siya.
"Ang lalim noon, a," saad ko. Hindi niya ako sinagot. Umayos ako ng upo at tinitigan siyang mabuti. Ramdam kong may iniisip siyang problema dahil tila nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. "Kumusta na pala ang mommy mo?"
"She's okay. Busy pa rin sa trabaho." Unti-unti nang bumabalik sa dating tono ang boses niya. "Alam mo bang nakita ka niya noong pumunta ka sa bahay kahapon?"
Naalala kong bigla ang babaeng may kausap sa telepono sa master's bedroom bago ako papasukin sa gate ni Alfred.
"Nagtatampo nga siya, hindi ka raw lumapit sa kaniya," dagdag pa ni Drake.
"Ayaw ko lang abalahin ang mommy mo. Busy 'yon, alam ko."
Kilala ako ng mommy ni Drake. Kung gaano ako kadalasan pagtripan nitong si ungas, ganoon naman ako ka gusto ng mommy niya. Hindi ko kinausap si Tita Cherry sa mansion dahil alam kong hindi ako tatantanan noon. Naging paborito ako ng mommy niya mula nang maging kalaro ko si Drake noong mga bata pa kami.
"Malayo pa ba tayo?" pag-iba ko sa usapan namin.
"Malapit na, la vœu," halakhak niya.
"Ano ibig sabihin ng la vœu?"
"Secret."
"Tanginang 'to," bulong ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong isalin sa Tagalog. Nakailang subok na ako ngunit hindi ko makuha ang spelling. Iba kasi talaga ang spelling kung ikukumpara sa pagkakabigkas kapag French. "Anong spelling no'n, ungas?"
"K-A-H-E-L, la vœu."
"Hindi funny ang joke mo."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Panay ang halakhak niya. Samantalang ako ay hindi masakyan ang joke niya.
"We're here." Narating na namin ang napili niyang lugar.
Mabilis akong bumaba. Nakasandal ako sa kotse. Sa harapan namin ay isang malaking soccer field na walang katao-tao. Halatang bagong tabas ang mga damo at bagong pintura ang mga silya.
"Teka, ganiyan ba kaayos dito dati?" pagtataka ko dahil ibang-iba ito nang bisitahin ko noong nakaraang Pasko.
"Baka may nagpaayos," halakhak ni ungas.
Hindi ko na lang siya pinansin habang naglalakad siya papunta sa harap ko. Agad niya akong hinarap at idinantay ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng kotse at ikinulong ako sa pagitan ng mga bisig niya.
"So, do you wanna play soccer or do something else?"
"Drake—"
Mabilis akong natigilan nang bigla niyang inilapit ang mukha niya. Nakatitig siya sa akin habang nararamdaman ko ang hininga niya sa aking pisngi.
"I can teach you some French."
"French?" Mabilis akong natuyuan ng lalamunan.
"French ki—"
Bigla kaming nakarinig ng busina. Sabay kaming napalingon. Sa aming likod ay dumating ang isang pamilyar na sasakyan.
Agad na nagliwanag ang mukha ko. Umasim naman ang kay Drake.
"Senpai!" sigaw ko. Agad kong itinulak si ungas sa aking harapan upang salubungin si Kuya Kyo.
Ipinarada niya ang sasakyan. Nakangiti siyang bumaba habang may hawak na tila isang camera drone.
"Hi, Ed," bati ni Kuya Kyo.
"Para saan iyan, Kuya?" Nilingkisan ko siya agad. Mabilis na lumapit sa amin si Drake na magkasalubong ang kilay sa amin ng katabi ko.
"Pinakiusapan ako ni Drake, para raw sa project ninyo."
"Sana pala hindi na lang kita pinatawag," bulong ni ungas.
Tinawanan lang siya ni Kuya Kyo kahit halata sa mukha ni Drake na naiinis na siya.
"Here are your shoes. Pinabibigay ni Alfed," sabi ng isa pang boses mula sa sasakyan ni Kuya.
"Kuya Kalim?"
Marahang pumunta sa aming tatlo ang kuya ko at tinabihan si Drake. May dala siyang dalawang pares ng soccer shoes habang inaabot kay ungas.
"Kahel, do you even know how to play—" napatingin sa akin si Kuya Kalim. Nakita niyang nakayakap ako kay Kuya Kyo. Mabilis na umasim ang mukha ng kapatid ko.
Pareho na silang dalawa ni Drake na masama ang tingin sa amin. Nanlilisik ang mga mata nila. Sa akin nakatitig si Drake at kay Kuya Kyo naman si Kuya Kalim
"Senpai, o," saad ko habang nagtatago sa likod niya.
"You are so dense!" bulalas ni Drake. Hinatak niya ako palayo kay Kuya Kyo.
I was pouting like a child as Drake dragged me away from my favorite person. Kinakawayan ko si Kuya Kyo na natatawa na lang sa itsura namin ni Drake.
Napatingin ako kay Drake.
Para siyang batang nagtatampo na inagawan ng candy.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Kuya Kyo. Agad namang tinakpan ni Kuya Kalim ito para hindi ko mangitian. Para rin siyang bakod na tila ayaw akong patawirin sa taong nasa kaniyang likod.
Kitang-kita ko kung paano tanguan ng kapatid ko si Drake na tila sang-ayon silang paghiwalayin kami ng crush ko.
Napalingon ako ulit kay Drake. Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito. Hindi ko sigurado pero mukhang nagseselos si gago.
Hay naku. Ito na naman ako sa mga guni-guni ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top