Chapter XII: Redundant

Kahel

REDUNDANT—a grammatical error when you use two words with the same meaning to describe or identify something. Parang si Drake, mayaman na, matalino pa, guwap—

Inalog ko ang aking ulo. Kung ano-ano na ang sinasabi ko sa panaginip ko.

I woke up to the fresh scent of expensive perfume. Iyong tipong hindi masangsang sa ilong. Kadalasan kasi ng mga pabango sa mall ay hindi ko maintindihan ang timpla. Pero itong pabangong ito, habang umiikot sa loob ng kuwarto, mas lalong nagpapaantok sa akin.

Iginala ko ang mata ko. Sa pader sa aking gilid ay nakalagay kung anong oras na.

"What the fuck! It's already nine PM. Monday na ba?"

"It's still Sunday. Ganiyan ka ba lagi tuwing gumigising, labo?"

Nakaupo na ako sa kama. Bukas ang bintana. Tirik na halos ang araw sa labas. Nakaramdam ako ginaw nang biglang mahulog ang kumot na nakatakip sa akin sa pagtulog. Napatingin ako sa aking dibdib. Napatakip akong bigla.

"Drake! Bakit wala akong damit?"

Tumatawa lang si Drake habang nakaupo sa bintana. May hawak pa itong kape na nakalagay sa mamahaling tasa habang nakatitig sa akin. Maayos na ang itsura niya. Bagong ligo at suot na ang mga damit na dinala ko kahapon.

"Ibinagay ko kay Alfred ang mga damit mo. Pinalaba ko lahat ang marumi mong damit. I noticed you hadn't taken a bath last night kaya isinama ko na."

Napatingin ako sa paligid. Malinis na ang buong kuwarto ko. Wala na ang mga tissue sa sahig. Maging ang punda ng unan ko at kumot ay bagong palit. Halatang bagong bili ang mga ito at amoy mayaman. Napatingin ako sa ilalim ng kumot. Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong suot na kahit ano.

"Pati brief ko?"

Tumango lang sa akin si gago. Nangingig pa ang tasa niya habang natatawa sa itsura ko.

"Tangina ka talaga, Drake!"

He watched me stood up, wrapped in my blanket. I tried going to my closet when suddenly I noticed something.

"Where the hell are my effing clothes?"

"Itinago ko."

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kaniya. Madapadapa pa ako habang natitisod sa kumot na pinipilit kong iangat sa baiwang ko.

"Give me back my clothes, Valentino!"

I was so mad at him that I had to hold the top of his shirt with my hands. Huli na nang napansin kong nabitawan ko ang kumot ko.

"Well, hello there," saad ni Drake. Wagas ang ngiti nito habang nakayuko sa harapan ko.

Mabilis akong lumuhod. Dinampot ko ang kumot at itinapis sa buong kong katawan.

"Manyakis! Malibog! Pakialamero!"

I was shouting things at his face. He put his cup down, then started squeezing my cheeks. Napanguso ako dahil sa ginawa niya habang magkasalubong pa rin ang aking mga kilay.

"You look so damn cute when you're angry."

Tinatangka kong kagatin ang mga kamay niya na nasa mukha ko pero pilit niyang iniiwas ang mga ito.

"Wala akong isusuot, ungas!"

"Kumalma ka nga," halakhak niya. "Turn around."

Masungit akong tumalikod. Malapit sa pinto ay ang paper bag na may tatak ng kumpanya nila. Napakamot ako ng ulo. Napabuntong hininga. Muli kong hinarap si Drake pero ubos na ang enerhiya ko upang pagalitan siya.

"Drake, hindi ko kailangan niyan. May mga damit na 'ko."

"Yeah, right, mga sira na ang damit mo. Mga brief mo nga butas."

"You went through my underwear?"

"My point is, according to the International Fair Claims Guide for Consumer Textile Products, assuming normal wear, you can expect most of your clothes to last somewhere between two and three years."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Mga damit mo, dated three years ago pa."

"So?"

"Basta, I bought you new clothes. Hindi ka ba masaya?"

"Do I look happy to you? Ibalik mo 'yong mga damit ko. They have sentimental value." I was stomping at hindi ko na alam anong ipantatakip sa harapan ko. "Ungas ka talaga!"

He let out a deep sigh. Hindi na siya nakipagtalo. Napahalukipkip na lang siya habang umiiling sa harapan ko.

"They're under your bed."

Kumaripas ako ng takbo. Tinapakan ni Drake ang tabing ko. Kusa itong nahulog. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napansin na nakahubo akong yumuko sa ilalim ng kama.

Pero alikabok lang ang tumambad sa akin. Wala ang mga damit ko roon. Wala akong saplot habang nakatalikod kay gago.

"I like the view from here."

Napatayo akong bigla. Tinakpan ko ng kamay ko ang palad ko. Tatakbo na sana ako kay Drake upang kunin ang aking kumot nang bigla niyang inihagis sa labas ng bintana.

"Wala ka nang no choice," halakhak niya.

"Walang choice! Wrong grammar pa! Redundant!" bulyaw ko.

Para akong bagong tuli na tumakbo sa mga paper bag na inihanda niya. Mangiyak-ngiyak na 'ko habang siya ay lalo pang lumapit sa likod ko.

"Marami riyang underwear. Meron ding blue shirt and pants which I think will match your eyes."

Kinuha ko kung anong una kong nadampot. Itinakip ko sa harapan ko. Pinagtatadyakan ko si Drake makabawi man lang sa inis ko. Puro tawa lang si ungas.

"Labas! Magbibihis ako!"

"Hey, I wanna watch."

"Labas!"

Binuksan ko ang pinto at sinisipa siyang itinaboy sa kuwarto. Sa labas ng pinto ay rinig ko pa rin ang mahina niyang mga tawa.

I grabbed whatever clothes I saw. Una kong nakita ang isang long sleeve na kulay pink na sinundan ng slacks na gray.

"Hindi naman 'to pambahay."

Sinunod ko ang ibang kahon. Inalis ko silang lahat sa lalagyan. Nanlulumo na ako dahil halos lahat ng dinala niya ay pang-alis at halatang mamahalin pa.

"Drake! Ano ba 'to?" bulyaw ko sa pinto.

"Just pick one. Aalis tayo, ipapasyal kita," tumatawa niyang sagot.

"And what makes you think na sasama ako sa'yo?"

"Dahil wala kang no choice?"

"Redundant na naman, ungas!"

He was laughing hard habang ako ay panay kamot sa aking ulo. Kinuha ko ang pinakasimpleng damit na nakita ko at agad na isinuot. Napahiga ako ulit sa kama dahil sa pagod. Nagsimulang kumalam ang sikmura ko.

"Great, hindi pa pala ako kumain kagabi."

Napatingin ako sa bintana. May napansin akong isa pang paper bag na malapit sa study table ko. Nakaamoy ako ng tinapay. Mabilis akong tumayo. Hawak ko pa ang tiyan ko bago dinampot ang bag. Umupo ako at inilapag sa lamesa bago ko marahang binuksan.

May mainit na sandwich sa loob. May lamang itlog, ham, and cheese. Gawa sa whole wheat ang tinapay. Maraming dressing at halatang sariwa pa ang lettuce sa loob. Kasama nito ay isang mainit na kape. Halatang pinabili pa niya sa malayo sa ganitong oras.

"Malamang inabala pa nito si Alfred."

May kadikit na sticky note ang kape. Kumurba pataas ang mga labi ko habang binabasa ang pamilyar na sulat-kamay ni Drake.

"Labo, eat well. —Baby Drake"

"Kung hindi lang ako gutom, hindi ko kakainin 'to," saad ko habang sinisumulan kong lantakan ang bigay niya.

Matapos akong kumain ay marahan kong binuksan ang pinto. Pagsilip ko sa labas ay walang bakas ni Drake. Nagtungo ako sa baba ng bahay at nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Para kaming nagkaroon ng grocery store sa sala.

"Wow, Kuya Kalim," bulalas ko. "Dami nating budget, a?"

"Hindi sakin galing 'to, Ed."

Natatawa si Kuya sa reaksyon ko.

"Kanino?"

"Sa mommy ng bisita mo."

Lumapit sa akin si Lila. May nakakuwintas pa sa leeg niyang mga 3-in-1 coffee. Ang isa niyang bulsa ang puno ng candy habang may lollipop sa bibig.

"Pakasalan mo na, Kuya," saad ni Lila sa'kin.

"Sino?"

"Sino pa ba?"

Itinuro nila pareho si Drake na nakatayo sa labas habang may kausap sa telepono.

"Kayong dalawa, tantanan n'yo nga 'ko." Napakamot ako ng ulo. Napatingin ako kay Kuya Kalim. "Okay ka lang na marami silang ibinigay, Kuya?"

"Oo naman," halakhak niya. "Alam mo, Ed, kung naranasan mo ang mangibang bansa, ang mga ganitong blessing hindi mo dapat tinatanggihan."

Umasim ang mukha ko. Siningkitan ko siya ng mata. "E, anong sabi ni Mama?"

"Hay naku," tugon ni Lila. "Tignan mo doon sa kusina. Kausapin mo."

"Bakit, anong nangyari?"

"Basta."

Sinunod ko ang sinabi niya. Nakita ko si Mama malapit sa kalan. Nakatalikod sa akin na halatang umiiyak. Abala siya sa ginagawa niya. Sa kaniyang gilid ay ang ulam na kaniyang niluluto.

"Ma? Are you okay?"

Hindi siya sumagot. Pansin kong pinupunasan niya ang mga mata niya habang nakatalikod.

"Ayos ka lang ba, Ma? Gusto mo pang ipabalik ko ito sa mommy ni Drake?"

Narinig ko siyang suminghot. Itinaas niya ang suot niyang apron upang punasan ang kaniyang sipon.

"Ed, halika nga rito."

"Ma?"

Tinabihan ko siya sa kalan. Paglingon niya sa akin ay abot-tainga ang kaniyang ngiti. Tumatawa pa siya habang may hinihiwa na sibuyas.

"Alam mo ba ang mahal ng sibuyas ngayon?" sabi ni Mama. Itinuro niya ang sulok ng kusina. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. "Ang bait talaga ng mga Valentino. Tignan mo, nagbigay ng tatlong sako. Ang mahal na kaya ng kilo niyan sa palengke."

"Ma, seryoso ka ba? Akala ko ba ayaw mong gagastos si Drake?"

"Hindi naman si Drake ang gumastos, Ed. Mommy niya."

"Pero kasi, this feels so wrong—"

"What's wrong?" Pinutol ni Drake ang sinasabi ko. Nakatayo na siya sa aking likod habang iniikot sa kaniyang daliri ang susi ng kaniyang kotse.

Nakangiti siya sa akin.

"Ito, bakit ang daming binigay ng mommy mo?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni ungas. Napabuntong hininga ito.

"She wants to repay you for letting me stay for the night."

"Hindi ba parang sobra naman na?"

Napatingin si Drake sa mama ko. Nilingon ko rin si Mama. Bakas sa mukha niya na parang nahihiya na rin siya sa mga bagay na aming natanggap mula sa mommy ni Drake.

"Can we talk outside, Kahel?"

Nginitian ni Drake si Mama bago ako hinawakan sa kamay at niyayang lumabas ng bahay. Nakatayo kami sa ilalim ng puno. Ilang metro lamang sa amin ang kotse niyang mamahalin. Nang masigurado niyang walang nakagtingin sa amin ay binulungan niya na ako.

"I know you're a hard working person and you were raised in a way that you have to earn every penny."

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakahalukipkip ako sa harapan niya.

"But this did not come from me," dugtong ni Drake. "It came from my mom. She wanna thank y'all for letting me stay."

"By sending us the entire grocery store?" Napahampas ako ng mukha ko. "Takte, nahawa na ko sa kaka-English mo. Pero mali kasi ito, Drake. I don't want your mom to think na lahat may bayad."

"What do you mean?"

"Sa ginagawa ng mommy mo, parang gusto niyang iparating na bayaran kami. Welcome ka naman sa bahay namin. Sa pamilya ko."

"Really?"

Nagsimulang ngumiti si gago. He made one step closer.

"O-oo," nauutal kong sagot.

"Welcome ako—" His smile grew bigger. "Sa bahay n'yo?"

Tumango ulit ako. Lalo siyang lumapit.

"Welcome ako sa pamilya mo?"

Kinagat ko na ang aking mga labi. Pinigilan kong ngumiti.

"Oo—"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang muntikan na akong mapahiga dahil sa sobrang lapit niya. Sinalo niya ako mula sa baywang bago pa ako matumba.

"E, sa 'yo? Kailan ako magiging welcome?"

Hindi ako nakasagot. Ang guwapo niyang mukha ay nakatitig sa 'kin. His arms were supporting my weight. Napalunok ako ng laway.

I was so lost in his emerald eyes. Behind him are the colorful leaves of the tree, mixed with the bright blue sky. His golden hair was dancing in the wind as he made that darn freakin' smile.

"Ma!" sigaw ni Lila mula sa pinto. Sabay kaming napalingon ni Drake. "Ituloy mo na 'yang paghiwa mo! Mukha hindi na isasauli ni Kuya Kahel ang mga sibuyas." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top