Chapter XI: Labo

Kahel

LABO—ito ang tawag niya lagi sa akin. His own way of mocking me. Normal na kay Drake na idugtong ito sa mga sentences niya tuwing kausap ako. Ang alam ko ay ipinanganak na ako na ganito. Mas malinaw na nga ang mga mata ko ngayon kaysa noon.

Pagpasok ko sa bahay ay nakahilata si Lila sa sofa. Abala ito sa paglalaro ng cellphone niya habang nakabukangkang sa tapat ng electric fan.

Si Kuya Kalim ay nanonood ng TV. May bote ng beer sa harapan niya habang hindi inaalis ang mata sa Korean drama na minsan ko nang napanood.

Habang si Mama naman ay bumababa ng hagdan. Maingat ang mga hakbang at tila may bitbit na kung ano.

"Nasaan si Drake?" bulalas ko. Napasigaw ako mula sa pinto.

Napalingon silang lahat sa akin. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nila. Napaayos ng upo si Lila. Napakunot ang noo ni Kuya. Maging si Mama ay halos matapon na ang dala niya.

"Nasa taas, nilalagnat," sagot ng nanay ko. May hawak siyang maliit na batya na may nakasabit na basang tuwalya. "Kanina ko pa kinakatok pero ayaw akong pagbuksan."

Tumakbo ako sa direksyon ni Mama. Kinuha ko ang dala niya at inalalayan siyang pababa.

"Kumain ba siya noong sinabawan, Ma?" Inilapag ko sa lamesa ang batya.

"Oo. Nakatatlong mangkok nga siya bago siya biglang nahilo."

Kumaripas ako pataas. Sinundan nila akong tatlo ng tingin hanggang sa marating ko ang aking kuwarto.

Naka-lock ang pinto!

"Drake?" kalampag ko. "Ayos ka lang ba?"

Hindi sumasagot si gago.

Sinimulan na akong kabahan. Naalala ko na naman kung gaano kabrutal si Victoria at ang maaring gawin niya sa akin sa oras na malaman niya ang ginawa ko.

Muli akong kumatok. Kinakabahan ako dahil sa maaring mangyari sa kaniya at baka ipakulong pa ako ng mommy niya.

Malamig sa bahay namin. Pero sa mga pagkakataong ito ay ramdam kong namamasa sa pawis ang kilikili ko.

Pinipilit kong buksan ang kandado nang makarinig ako ng kulansing ng susi sa aking likod.

"Hala ka, anong ginawa mo kay Drake?" Nakataas pa ang kilay ni Lila. Hawak niya ang susi ng kuwarto habang inaalog sa mukha ko.

"Wala!"

Mabilis kong inagaw ang susi kay Lila. Hindi ko na siya sinagot bago ako pumasok at muling kinandado ang pinto.

Hinihingal na ako sa loob when I noticed something. Amoy chlorine sa loob ng kuwarto.

Sensitibo ang ilong ko. Ipinanganak akong ganito. Even as a kid, I could smell even the slightest burnt toast in our kitchen. Hindi ko na napansin ang amoy nang mapagtanto kong walang ilaw.

"Bakit ang dilim dito?"

Sarado ang bintana. Gabi na nang makauwi ako at patay ang ilaw. Tinangka kong kapain ang switch nang marinig ko ang namimilipit niyang boses.

"Ah! Don't turn on the lights," garalgal ni Drake mula sa direksyon ng aking higaan.

"Paano kita makikita niyan?" Sa boses niya ay mukhang may masakit talaga sa kaniya. Kinakabahan na 'ko. Napakagat ako ng labi. Napasabunot ako ng ulo. Marahil ay nahihiya siya sa itsura niya. Marahil ay puno na ng pantal ang kaniyang balat dahil sa nakain niya. "Kumusta ang allergy mo?"

"Allergy?"

"Oo, 'di ba allergic ka sa seafood?"

"A, e—"

"Ayaw mong paandarin ang ilaw kasi namamantal ang balat mo, ano? Okay lang 'yon. Tayo lang naman dito," giit ko. "Teka, paandarin ko para mabigyan kita ng first aid."

"Huwag!"

Ibinaba ko ang kamay ko. Hindi ko na itinuloy ang pagpindot sa switch.

"Paano kita gagamutin niyan, ungas?"

"Come here."

"Itong ilaw muna!"

"Just come here."

"Wala nga akong makita."

"Kahel naman, kuwarto mo hindi mo kabisado?"

"Ito na!" Taragis, ang arte talaga nito. Marahan ang aking hakbang habang sinusundan ang pader mula sa pinto papunta sa kama ko. Ilang lakad pa ay nakaramdam ako ng mga gamit na tissue sa paanan ko. "Bakit ang daming tissue rito? Sinisipon ka ba?"

"A, e—achoo!" Rinig ko ang pagbahing niya sa kadiliman. Sumisinghot pa kahit parang wala naman siyang uhog. "Oo. Sorry nakalimutan kong linisin ang mga bakas, este mga kalat ko."

Hindi ko na lang siya pinansin. Baka lalo akong ma-guilty dahil sa allergy niya. Hindi naman sobrang dilim sa kuwarto. Sapat pa ang sinag ng bilog na buwan mula sa siwang ng bintana upang maaninag ko ang nakakumot na binata sa aking kama.

Inunat ko ang aking kamay. Tinantsa ko kung nasaan ang kutson bago ko binalak umupo at tabihan si Drake.

Pero bigla niya akong hinatak na dahilan upang mapahiga ako sa tabi niya.

"Drake!"

Inalis niya agad ang kumot. Sumampa siya sa akin at dinaganan ang mga braso ko. Sapat lamang ang mahinang liwanag mula sa labas upang makita kong wala siyang pang-itaas.

"What did you put in my food?"

Ako naman ang hindi makasagot. Seryoso ang titig niya sa akin. Ramdam ko ang puwersa sa kaniyang katawan.

"Sorry, hindi ko alam na allergic ka sa seafood."

"Allergic?" Mabilis na nagliwanag ang mukha niya.

"Oo, galing ako ng bahay ninyo. Binigayan ako ng Alfred ng first aid kit."

Panandalian siyang hindi sumagot. Halatang naiinis ito. Nakatitig lang sa akin ang mga matatalim niyang berdeng mga mata na tila gusto akong parusahan. Sa dilim ng kuwarto ay tanging sikada na lamang ang maririnig kong tunog. Habang nakatitig ako sa kaniya ay ramdam ko ang paglunok niya ng laway.

"You could have killed me, Kahel," natatawa niyang bigkas. Malalim ang kaniyang boses pero ramdam kong nakangiti siya sa harap ko.

"Sorry na nga."

"Alam mo ang dami mo nang kasalanan sa'kin. Noong isang araw, napaka-homophobic mo. Ngayon, kung ano-ano pang inilagay mo sa pagkain ko."

Hindi ako makakilos. He slowly came closer. The last thing I knew was that his breath was brushing on my neck. Ramdam ko ang mainit niyang hininga habang marahan siyang tumataas patungo sa tainga ko.

"May masakit ba sa'yo? Do you want me to call Kuya Kyo?" I decided to change the atmosphere. His manly hormones are starting to get the best of me. "Malamang mas maraming gamot 'yon!"

"Shh," bulong niya. "The last thing I want tonight is for you to mention another guy's name."

Para na akong pinagpapawisan. Ramdam ko ang mainit na singaw mula sa kaniyang katawan as he rubs his chest and abs above me. Ang matambok niyang dibdib na kumikiskis sa manipis kong t-shirt. Ang mga matitigas niyang braso na dumadampi sa malamig kong balat.

"Drake, anong—" Ramdam ko na rin ang paglabas ng init sa katawan ko. "Anong ginagawa mo?"

"Making you pay."

Napakagat ako ng labi. Hindi ko mapigilang mapapikit habang ang mabango niyang amoy ay kinakarinyo ang buo kong katawan. He started rubbing his legs to mine. May init sa bawat hagod. Mapusok ang bawat dikit. Sa bawat segundo ay lalong tumataas ang hita niya sa hita ko.

"May first aid ako. Gamutin na natin 'yang allergies—"

"Kainis!" bulalas niya. I can feel the desperation in his voice. "Bakit ngayon ka lang kasi umuwi? Kung mas maaga ka lang dumating hindi sana nasayang ang mga tissue."

"Ha?"

"Wala! Why are you so damn dense?"

Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko. Humiga siya sa aking tabi at nagtalukbo ng kumot. Ilang minuto siyang tahimik. Nagpapakarimadaman kaming dalawa dahil pareho kaming walang imik.

He was just quiet there beside me while I was so worried about about his allergy. Napaupo ako sa kama at akmang tatayo na 'ko.

"Papaandarin ko na ang ilaw para mahanap ko ang gamot mo."

"Kahel, don't."

"Pero 'yong allergy medications mo."

"Kahel, please?" He sounded nicer this time.

Napaupo ulit ako sa gilid ng kama. Nilingon ko siya sa likod ko. Sa madilim na kuwarto ay nakita ko ang ulo niya na nakalabas sa kumot. Nakatitig sa direksyon ko habang hindi ko maipinta ang kaniyang reaksyon.

"Fine!" I sighed.

"Tabihan mo ako, please?" He said this while pouting his lips.

"Lakas mong mang-guilty ampota."

Nasa kaniya na lahat ng unan ko. Nasa ulo niya ang isa at hindi ko alam saan niya nilagay ang pangalawa. He tucked himself in my blanket while his huge body was crawling up like a baby.

"Umayos ka ng higa mo, unga–"

Sisitahin ko na dapat siya habang nakatagilid ako sa kaniya. But his puppy dog eyes were staring at me from the darkness in my room. Those luscious green eyes, as if asking me not to be mean to him this time. Balot na balot siya ng kumot habang nakaharap sa 'kin.

"Can you lay down properly, Drake Slater Valentino?" I asked. My voice was softer.

Kita ko ang pagkurba ng kaniyang labi. Umayos siya ng puwesto habang hindi inaalis ang tingin sa direksyon ko.

"I like it when you call my complete name."

Hindi ko na lang siya sinagot. I removed my glasses and put them on top of my bed. My head is uneven while facing him in bed. Sinimulan kong unanan ang isa kong braso. Napapapikit na ako nang bigla niyang inalis ang unan sa kaniyang ulo at iniabot sa akin.

"Here. Sorry for barging into your house," he said. "I just wanna stay here. Malungkot kasi masyado sa bahay."

I remembered his mom. Naalala ko ang sinabi ni Alfred na wala talagang susi si Drake nang dumating ito. And based on what I can recall, there was a lady inside the house who was busy talking to someone over the phone. Kahit doon siguro natulog si Drake, malamang ay wala rin siyang gaanong nakakausap.

"Ayos lang," sagot ko. Kinuha ko ang unan na ibinigay niya. Ulo naman niya nga 'yon ang walang pinapatungan. "Paano ka?"

"I can sleep facing down."

Dumapa siya sa kama. Inunanan niya ang malalaki niyang braso at muli akong nilingon. His back was like a sculpture as the moon lit his body. Napakaperpekto ng likod niya. Every piece of those muscles was so evenly cut, just like the things I see in my anatomy books. We were in that position as time passed.

"Drake," I whispered. His green eyes were so fixed on me and there was something in his stare that kept me locked in. "Sorry, hindi naman ako homophobe—"

"I know."

I can feel myself inching closer to him. Gusto kong mas marinig ang sagot niya dahil tila mas lalong humihina ang mga ito. Sinimulan na akong dalawin ng antok. Kusa nang pumipikit ang mga mata ko.

"Hindi ko sinasadya ang sinabi ko kay Victoria sa teatro."

"I know, baby."

May mga sinasabi na siya na tila guni-guni ko na. Lumalapit ako lalo.

"And I don't mean putting things on your food."

"I know, and it's okay." We were just a few inches apart. Nakangiti siya sa direksiyon ko as I slowly dozed off.

Nakarinig ulit ako ng kaluskos ng mga ahas. Pero hindi ko na pinansin. Baka kasi panaginip lang ang lahat.

Nakatulog na ata talaga ako. Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya. His smile was still there before everything went blank. Hindi ko sigurado pero tila may sinabi pa siya bago ako makatulog.

"It's okay, labo. Labu... Love-u... Love you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top