Chapter X: Aphrodisiac
Kahel
APHRODISIAC—foods that increase the sexual urge. Pampalibog na kadalasang kinakain ng mga elderly people who are having a hard time having sex. Some known aphrodisiacs are dark chocolates, wine, oysters, other seafood, at marami pang iba. Minsan kong nabasa iyon sa isang libro.
Seafoods? May nalilibugan sa seafood? Inalog ko ang ulo ko habang tumatakbo.
Narating ko ang bahay na nakakatakot. Para sa iba ay mukha itong palayso. Gawa sa marmol ang labas. Kulay puti at berde ang pintura na parang laging bago. Kung tutuusin ay kasing-laki ng Olympiada ang mansiyon ng mga Valentino. Mas malaki pa nga ang lupain nila kung ikukumpara sa buong Intramuros. Napapalibutan ng bagong tabas na tapestry at mga bulaklak na halatang hindi basta-basta makikita sa Pilipinas.
"Para sa ikatatahimik ko."
Napalunok ako ng laway. Hawak ko ang dalawang gintong rehas ng gate ng mansion habang para akong paslit na nakadungaw sa loob. Medyo may kalayuan ang pinakamalapit na bintana. Siningkitan kong maigi ang mga mata ko to see clearly what's going on inside the window upang siguraduhin kung nagsasabi ng totoo si ungas na walang ibang tao ang sa bahay nila.
"Sinungaling talaga!"
Sa master's bedroom ay may nakita akong silweta ng isang babae. Nakatayo na tila may hawak na telepono. Palakad-lakad ngunit tila para siyang lumulutang dahil sa liit at bilis ng kaniyang mga hakbang.
Napatingin ako sa doorbell. Pipindutin ko na sana nang mapansin kong may gumalaw na CCTV camera sa itaas.
"Hi," bati ko. Kumaway pa ako. Mas maigi nang makita ako ng kung sino mang bantay kaisa mapagkamalang magnanakaw sa tahanan ng mga Valentino.
"Master Kahel?" tanong ng pamilyar na boses mula sa speaker na katabi ng CCTV camera. May katandaan na ang tono at medyo magaspang.
Inalala ko ang pangalan ng taong nagsasalita. Minsan nang naipakilala sa akin ni Drake iyon noong mga bata pa kami.
Sabi ni ungas dati, kapangalan ng butler nila ang butler ni Batman.
"Al–" Nasa dulo na ng dila ko at pilit kong inaalala. "Alfred?"
"Ikaw nga," tugon ni Alfred. Biglang naging masayahin ang tono nito nang makumpirmang ako ang kausap niya. "Kayong dalawa lang ni Master Drake ang tumatawag sa akin niyan."
Biglang bumukas ang gate. Mabagal at nakakatuwang pagmasdan habang tumitiklop sa harapan ko na parang origami na gawa sa bakal.
"Pasok po kayo! Gusto ninyo po bang tawagin ko si Miss Victoria?"
Bigla akong kinalibutan. Medyo sumakit ang pisngi ko. Naalala ko ang ginawa niyang pagsampal sa akin sa labas ng theatre.
"Naku, huwag na!" Sinensyasan ko siya sa CCTV. Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig sa akin mula sa mansion. "Alfred, puwede ba akong humingi ng favor?"
"Master Kahel—"
"'Tsaka huwag mo na akong tawaging Master. Hindi mo naman ako amo."
"Pero utos po iyon ni Master Drake simula noong mga bata kayo."
Ayan! Si ungas na naman ang may pakana.
"Anyway," pag-iba ko sa usapan namin. "Nasaan ka ba? Puwede ba tayong mag-usap nang personal? May pakiusap sana ako."
"Hintayin ninyo po ako sa lobby."
"A! Doon sana sa hindi makikita ni Victoria o ng kung sinumang nasa mansion ninyo."
Natigilan si Alfred. Rinig ko ang mahina niyang ubo na tila nag-iisip ng susunod niyang isasagot.
"Sa garden na lang po, Master Kahel. Malapit sa gazebo na puno ng sunflowers."
Biglang naputol ang linya. Napansin kong nagsisimula nang magsara ang gate hudyat na kailangan ko nang pumasok. Bigla kong naalala si Drake na masarap ang tulog ngayon sa kama ko.
"Tarantadong iyon. Pinagsisiksikan ang sarili sa bahay naming kakarampot, bukas naman pala ang bahay nila!"
Panay ako mura habang naglalakad sa magandang daanan na gawa sa dilaw na bricks. Pero kusang nawala ang inis ko. The path going to the garden is surrounded by lavenders and roses. May mga gumamela at santan pa nga na tadtad ng kulay pulang bulaklak.
Pero bigla akong natigilan. Pag-angat ng aking ulo ay natagpuan ko ang aking sarili sa ilalim ng isang estatwa, isang lalaki na tinatakpan ang kaniyang mata. Nakatayo na tila iniiwasan ng tingin ang kung sinumang nasa harapan niya.
"This statue—" Napakamot ako ng ulo. Inusisa ko ang bawat anggulo maging ang damit na parang suot ng rebulto. "It looks familiar."
"Ehem!"
Bigla akong napatalikod. Nakangiti pa ako sa pag-aakalang si Alfred ang nasa likuran ko.
"Hey, Mr. Homophobe."
"Victoria?"
She was as beautiful as ever. Ang kulot niyang buhok na tila umiilaw habang tinatamaan ng araw. Ang makapal niyang mga salamin na nagpapalaki pa sa bilog niyang mga mata.
"Aw! Aw!"
Kinurot niya ang pisngi ko at hinila ako patungong gazebo. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Ramdam ko ang inis niya sa habang pinaggigigilan niya ang pisngi ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Voctoria. Binitiwan niya ang mukha ko nang siguraduhing nasa loob na kami ng gazebo.
"Kailan? Paano? Si Alfred?" taranta kong tanong.
"Nyanya? Nunon? Ayfed?" naiinis na paggaya ni Victoria sa boses ko habang nag-me-make face.
Napahawak ako sa pisngi ko na namamaga na naman dahil sa ginawa niya. Tipong aambahan niya ulit ako ng sampal nang bigla kong takpan ang mukha ko.
"Sorry na!" sigaw ko.
"Huwag kang maingay!" tugon ni Victoria. Pero mas malakas ang boses niya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"
"Si Drake kasi, e!"
"Sabi nang 'wag kang maingay!"
"'Yong kapatid mo." Tinitigan ko si Victoria nang maigi. Pasigaw ang aking mga salita pero pinipigilan ko. "Sa bahay! Natutulog!"
Para na akong unggoy na nanggigil sa mga sinasabi ko habang pinoprotektahan ang pisngi ko.
"Oh? So? Hayaan mo siya roon! May kasalanan ka sa kaniya!"
"Quits na kami!" naiinis kong tugon. "Sinira niya t-shirt ko. Binasa niya ng laway mga unan ko. Pati ulam namin nakabase sa kaniya!"
"Hay naku! Totoo nga ang tsismis! Ang slow mo!"
Naririndi na 'ko. Maging si Lila at Kuya Kalim ay kahapon pa akong tinatawag na slow.
"A, basta! Kakaladkarin ko ang kapatid mo pabalik dito. May bahay naman siya!"
"Kapag ginawa mo iyan, I will hate you forever!"
Bigla akong natigilan. Nawala ang asim sa mukha ko. Hindi ko maintindihan ang reaksyon ni Victoria na mukhang apektadong-apektado sa amin ni ungas.
Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit siya nagalit sa akin sa teatro.
"Victoria, about what happened after our date."
"Nye, nye, nye! I will not listen to you!" Bigla niyang tinakpan ang mga tainga niya habang kumakanta na parang bata. "Pakikinggan ko lang ang paliwanag mo kung papayagan mong sa bahay n'yo matulog si Drake."
Napahampas ako ng mukha. Parehong spoiled brat nga itong dalawang ito. Tinatakpan ko ang bibig ko dahil naghahalo ang tawa at inis ko sa babaeng kausap ko.
Biglang may nag text sa cellphone ko.
Lila: Kuya, kain na.
Tinatakpan pa rin ni Victoria ang mga tainga niya habang nang-iinis sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin. Ni-replayan ko si Lila
Me: Mauna na kayo. Sabik na sa karne iyang si ungas. Pakainin ninyo nang marami.
Tinignan ko ulit ang babaeng kausap ko. Naalala ko ang kuwento ni Kuya Kyo na iba talaga ang nanay nitong si Victoria. Marahil walang nanay na nagpalaki sa kaniya para umasal nang ganito. Ganoon din kay Drake, busy masyado ang mommy niya. Mga batang spoiled brat na akala siguro ay puwede nilang gawin ang anumang gusto nila.
"Oo na," I sighed. As much as wanna drag him out of my house, naawa ako para sa kanilang dalawa ng kapatid niya. He deserves to feel how to be with a family, at least. Pero hindi pa rin ako pinapakinggan ni Victoria. Malamang dahil may takip pa rin ang mga tainga nito. Hinawakan ko ang mga kamay niya at inilayo sa gilid ng kaniyang ulo. "Victoria, pumapayag na ako. Just let me explain why I said those things about gay people."
Bigla siyang natahimik. Pinogian ko pa ang tingin ko. Nakataas ang kalahati ng aking labi at medyo siningkitan ko ang isa kong mata. Nakita kong muli ang mga mata niyang tila nagniningning at wala nang sama nang loob.
Ang pogi ko talaga!
"Hindi uubra sa'kin 'yan," biglang banat ni Victoria.
"Ha?"
"Tantanan mo na 'yang kaka straight-baiting mo Kahel, masama iyan."
"Aray!"
Hinatak niya ulit ang pisngi ko. Pilit niya akong pinaupo sa ilalim ng gazebo. Agad siyang pumuwesto sa harap ko. Nanlilisik ang kaniyang mga mata na tila nag-aabang talaga ng aking paliwanag.
"Well?" usisa ni Victoria.
Napalunok ako ng laway. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Napansin ko ang marami pang rebulto ng mga tao na kakaiba ang posing. Ibinalik ko kay Victoria ang tingin ko.
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat—ang bullying sa akin noong high school. Kung paano ako iniwan ng ex ko. Kung paano ako kinutya sa swimming team. At kung bakit ko kailangang magpanggap na straight sa college.
Inabot siguro ako ng isang oras kakapaliwanag sa kaniya.
***
"Wah!" umiiyak si Victoria sa harapan ko. "Bakit ngayon ka lang kasi nagkuwento? Hindi ko alam na may ganoon ka palang pinagdadaanan!"
"Victoria—"
"Nasampal pa tuloy kita." Para siyang bata na nagdadabog sa simento. "'Yong pisngi mo!"
Sinimulan niyang haplusin ang mukha ko. Kung gaano siya karahas kanina, ganoon naman siya ka kalambing sa paghawak sa pinsgi ko.
"Simula ngayon, kakampi mo na ako!" bulyaw niya sa mukha ko. "No more Team Drake! Team Kahel na 'ko!"
Ayos may bago na akong kakampi. Kailangan kong baitan pa!
"Actually, kasalanan ko rin naman," tugon ko. Abot tainga pa ang ngiti ko. "Hindi tama na yayain kitang manood ng stage play para lang layuan ako ng kapatid mo."
Tumigil na sa pag-iyak si Voctoria. Pinunasan niya ang kaniyang mga pisngi. Sinisinghot pa niya ang kaniyang uhog habang kinaklaro ang kaniyang lalamunan.
"Hindi mo ba talaga siya gusto?"
Bigla akong natahimik sa tanong niya. Kusang kumurba pababa ang labi ko.
"Iyon?" Pilit ang aking mga tawa. "Sa dami ng mga naging babae noon? Sa kanila na lang siya!"
"Actually, Kahel—"
"Anyway, since nandito na rin ako at mukhang hindi ko naman siya mapapauwi, puwede bang pahingi na lang ng mga damit niya? Wala na kasing damit si ungas."
Hindi na natuloy ni Victoria ang mga sinasabi niya. Sa totoo lang ay ayaw ko ring marinig. Kung totoo man o hindi ang mga hinala ko, mas maigi nang huwag akong umasa.
Hinatid ako ni Victoria pabalik sa gate. Dinungaw ko ulit ang babae sa bintana ngunit halatang may kausap pa rin sa telepono. Iniwan ako ni Victoria sa labas ng bahay nila. Pinatawag ni Victoria si Alfred. Dala nito ang isang paper bag na puno ng ilang pirasong damit ni Drake.
"Also, Master Kahel, ito ang—"
"Kahel nga, walang Master."
"Here is the first aid kid just in case. Pinabibigay ni Miss Victoria. Meron po riyan para sa allergies."
Padabog kong inayos ang mga gamit ni ungas. Para akong utusan niya dahil sa pinaggagagawa ko.
"Dapat talaga hindi na siya sa bahay natulog, e. Mag-isa tuloy si Victoria rito."
"Wala po talaga siyang susi at nagbakasyon kaming lahat noong dumating siya."
"Oo na Alfred, huwag mo nang pagtakpan ang Master Valentino mo. Malaki na 'yon!"
Tinapiktapik ko ang balikat ni Alfred. Natatawa pa ako habang pabirong binabanggit ang pangalan ni ungas. Tuwang-tuwa akong bina-backstab si ungas sa harap ng butler niya.
"Also, Master Kahel," pagputol ni Alfred sa mga tawa ko. "Please make sure Master Drake doesn't eat any seafood. He gets severe reactions. Malakas magdulot ang seafood sa kaniya ng—"
Para akong biglang nabingi. Hindi ko na naintindihan ang mga sunod na sinabi niya.
Natigilan ako sa katatawa.
Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig.
Napatingin ako kay Alfred. Seryoso ang mukha nito.
Napatingin ako sa first aid kit.
Naalala ko ang pinapakuluang sabaw ni Mama.
Naalala ko ang shrimp flavored broth cubes na inihalo ko.
Napatingin ako sa cellphone ko.
Nakita ko ang text ni Lila kanina na kakain na. Nakita ko ang reply ko na pakainin si ungas.
Kinabahan ako na baka malamang ay ina-allergy na si ungas sa mga oras na ito.
Naisip ko kung gaano magiging kabrutal si Victoria sa'kin sa oras na malaman niya ang ginawa ko.
Napahawak ako sa pisngi ko.
Medyo ramdam ko na ang sakit.
Kumaripas ako ng takbo pauwi ng bahay.
"Bad trip!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top