Chapter 7


"Ano yung sinasabi ng anak ko na ninakaw mo?"

Ang talim agad ng tingin ni Ikay kay Luan. "First of all, hindi ko 'yon ninakaw, sir—"

"Ninakaw mo, ginastos mo, at hindi mo pa binabalik," putol ni Luan sa kanya.

"Ako ang tinatanong, di ba? Bakit papansin ka?" mataray na sabi ni Ikay kay Luan.

"Luan, tumahimik ka muna," warning ni Leo sa bunso niya. Umirap lang si Luan doon. "Ano ulit 'yon?" tanong niya kay Ikay.

"'Yon nga, sir. Ganito kasi ang nangyari . . ." kuwento ni Ikay. "One week ago, pumunta ako sa library ng uni para mag-research tungkol sa history ng Thai cuisine. Naghanap ako ng table sa library, then may nakita akong envelope. Malay ko bang kanya 'yon." Itinuro pa niya ng tingin si Luan.

"Anong malay mo? May payslip sa loob n'on! May pangalan ko! May phone number ko pati ng company! Paanong malay mo?" galit na bulyaw ni Luan na ikinaatras ni Ikay sa puwesto.

"E, sa hindi ko napansin, bakit ba?"

"Pero ginastos mo yung pera!"

"Babayaran ko nga kasi!"

"One week na, hindi ka pa bayad!"

"Kaya nga ako naghahanap ng work, di ba! Para matahimik ka na!" Bigla siyang bumaling kay Leo habang duro-duro si Luan. "Tapos, Sir Leo, lagi pa 'ko niyang pinupuntahan sa kitchen lab para maningil!"

"Pinagtataguan mo 'ko!"

"At saan naman ako magtatago, aber? Kung nagtatago ako, makikita mo ba 'ko sa kitchen lab?! Nakakaloka ka!"

"Pero ninakaw mo pa rin yung pera ko!"

"Wala nga—"

"TAHIMIK!" sigaw rin ni Leo at natahimik na naman sina Ikay at Luan. "Magkaharap lang kayo, nagsisigawan pa kayo."

Tumayo na si Luan at itinuro na naman si Ikay. "She admitted na kinuha niya ang sahod ko. If you want the receipt na nag-work ako nang maayos kay Ninong Clark, kunin mo sa kanya," sabi niya kay Leo. Patalikod na sana siya nang awatin ng ama.

"At saan ka na naman pupunta? Tapos na ba tayong mag-usap?" sita ni Leo.

"You need the money, di ba?"

Dinuro ni Leo ang anak sunod ang upuan nito. "Maupo ka diyan."

"May gagawin pa 'ko!"

"Uupo ka o ipapa-freeze ko ang bank account mo?"

"Daddy!"

"Upo!"

"Tsk!" Inis na inis na umupo si Luan at nakatikim pa tuloy si Leo ng talim ng tingin niya.

"Tinawagan ko ang Ninong Clark mo," sermon ni Leo sa anak. "Ten days kang nagtrabaho pero one hour lang ang ipinapasok mo sa five hours na usapan."

"Daddy, ang usapan, once matapos ang task, tapos na ang work. Kung kaya kong tapusin ang work within an hour, bakit ko kailangang mag-stay nang four hours pa?"

"For ten days, nakadalawang libo ka lang!"

"2,865 pesos! Almost 3 thousand!"

"At sumahod ka lang ng 287 pesos isang araw!"

"At least, I earned something! 'Yon naman ang point, right? I worked, I earned, everything's okay na!"

"Alam mo, bobo ka," biglang singit ni Ikay sa usapan ng mag-ama.

"Are we talking to you?" maangas na tanong ni Luan kay Ikay.

"287 pesos ang kinita mo sa isang araw, mabubuhay ka ba n'on?"

"I have my money." Itinuro pa ni Luan ang sarili at minata si Ikay. "At hindi ako nagnakaw ng pera ng may pera."

"Alam mo, kung ako ang papa mo, hindi kita bibigyan ng pera. Pinagmamalaki mo pa yung payslip mo, e hindi ka naman pala nagtatrabaho nang maayos." Umikot ang mga mata ni Ikay para lang tarayan si Luan bago siya humalukipkip.

"Still, work is work. Nakaw is nakaw."

Umirap na naman si Ikay dahil hindi talaga paaawat si Luan sa pambibintang nitong nagnakaw nga siya.

"Hi, Dada!"

Sabay-sabay pa silang napalingon sa hallway kung saan galing ang boses.

"I forgot to tell Iyanne, half-day nga lang pala si Tita Pau. Anyway . . . oh! Pumunta ka, good!" pagturo niya kay Ikay.

"Hi, Sir Eugene!" kinikilig na bati ni Ikay at sumimple pa ng pagkaway sa bagong dating.

Kumunot agad ang noo ni Luan nang ituro ng kapatid niya si Ikay na napakalapad ng ngiti.

"By the way, Dada, she's Iyanne," pagpapakilala ni Eugene kay Ikay. "Iyanne, this is my dad, Leopold Scott. Siguro naman, nagkaroon na kayo ng short intro bago ako dumating. Wala si Tita Pau, so . . . that's it." Napatingin si Eugene sa relo niya. "And I'm an hour late?"

"Two hours na kami rito," sagot ni Leo.

"Oh! Really?" sagot agad ni Eugene sa daddy niya at napatingin kay Ikay. "You're early. Nag-lunch ka na?"

"Yes po. Bago pumunta rito," pa-cute na sabi ni Ikay at patango-tango pa nang kaunti.

"That's great! Magpapa-order ako ng meryenda maya-maya," nakangiting sabi ni Eugene. "Ay! Before I forgot, tumawag si Mimy, nagpapasundo sa airport. She was calling Luan, but this kid's not answering."

"Aw!" Napayuko si Luan nang batukan siya ng kuya niya. Ang sama agad ng tingin niya kay Eugene nang hawakan ang batok na natamaan.

"May work na ba si Iyanne? Or do I need to take care of her?" tanong ni Eugene kay Leo.

"Why do you have to take care of her?" naiinis na tanong ni Luan.

"Why are you asking?"

"I won't ask kung alam ko ang sagot."

"Tell me why you're asking and I'll tell you why."

"I asked first!"

"You asked first with that attitude? I'll keep my answer in me, kid. Fix your tone." Binalingan na lang ni Eugene ang daddy niyang natatahimik na lang dahil sinesermunan niya ang kapatid. "Anyway, going back to Iyanne. May work na ba siya?"

"Training," simpleng sagot ni Leo.

"I hope you're not being mean to her, Dada."

"Mukha bang inaaway ko?"

"Hmm." Sinilip pa ni Eugene si Ikay na nakangiti lang sa kanya. "She looked okay naman, so I'll observe na lang. Anyway, I called Mimy. Ako na ang susundo sa kanya sa airport."

"Bakit umuwi ka agad kung magsusundo ka pala?" tanong ni Leo.

"Just wanna check if nandito na si Iyanne. Tita Pau went home na pala, so I was expecting na ikaw ang magke-cater. Everything looks okay naman aside from this nuisance." Piningot niya si Luan na ikinasimangot agad nito.

"Kuya!" reklamo ni Luan habang hawak ang tainga.

"Tinatawagan ka ni Mimy, hindi ka sumasagot."

"Busy nga ako!"

"Ipapa-lock ko na ang account mo kay Ninong Clark."

"Bakit mo ba kasi pinakikialaman ang buhay ko?!"

"Ako na ang magla-lock ng account mo. Namumuro ka na sa 'kin." Dinuro na naman niya ang sentido ni Luan bago tiningnan si Leo. "Tatawag na lang ako ng delivery para sa meryenda. Pupunta na 'ko ng airport." Nginitian niya si Ikay na nakangiti lang din sa kanya. "Kapag inaway ka ng daddy ko, email ka lang. Pagagalitan ko 'yan."

"Hoy," sita ni Leo sa panganay.

"Alis na 'ko. Bye, Dada! See you ulit later!" paalam ni Eugene na naglakad na paalis.

Pigil na pigil ang ngiti ni Ikay kahit hindi na makita sa hallway si Eugene. Nakasimangot lang si Luan nang tingnan ang daddy niya.

"Narinig mo ang kuya mo," paalala ni Leo. "Daanin mo pa 'yan sa tigas ng ulo, hindi ka talaga namin susuportahan ng mama mo kapag nainis sa 'yo si Kuya Eugene mo." Sunod niyang binalingan si Ikay. "At ikaw."

"Ay, sir! Yes, sir!" Napaayos ng upo si Ikay nang masita.

"Tapusin mo na 'yang pinagagawa ko at mag-usap tayo tungkol sa kinuha mo sa anak ko."

Napabuntonghininga na lang si Ikay sa narinig. "Okay po, sir."



♥♥♥



Sobrang liit nga naman ng mundo. Hindi inaasahan ni Ikay na kapatid pala ni Luan si Eugene. Mas lalong hindi niya inakala na daddy nito si Leo.

Maliban sa hindi naman kamukha ni Luan si Leo, hindi rin kamukha nito si Eugene. Mas magkahawig pa sina Eugene at Leo kaysa rito kaya ang laking gulat niya sa rebelasyong nalaman.

"Ninakaw mo ba talaga yung pera?" kalmadong tanong ni Leo kay Ikay na prenteng namemeryenda.

Panguya-nguya si Ikay nang mabilis na umiling. Mabigat pa siyang lumunok bago nagsalita. "Sir, magiging honest tutal wala naman ang anak mong intrimitido. Hindi ko po ninakaw ang pera niya."

"Ano yung sinasabi niyang ninakaw mo?"

Mabilis na kinuha ni Ikay ang phone sa cute niyang blue bear na backpack. "To clarify everything, sir, yes, napulot ko po ang envelope. Ginastos ko ang laman, aaminin ko pong nagastos ko ang laman. Pero hindi ko po ninakaw."

Pumunta siya sa inbox at ipinakita kay Leo ang thread ng message niya kay Luan.

"May phone number niya po sa loob ng envelope. Tinawagan ko 'yon, sir! Tinext ko pa nga siya, e!"

Napataas lang ang kilay ni Leo nang mabasa ang maikling convo sa text.


Hi! Ikaw ba si Luke Anakin Scott?
May napulot kasi akong gamit mo.
Puwede ka bang i-meet sa library?
 -Ikay

Baliw.


Sa ibaba ay wala nang reply option. This user has blocked you pa ang nakalagay kay Ikay.

"Ayaw niya 'kong kausapin kaya ginastos ko na lang yung pera," pag-amin ni Ikay. "Pero hindi ko 'yon ginastos na kasi nagalit ako sa kanya, sir. Papalitan ko naman yung pera. Wala lang akong pamalit sa ngayon."

"Saan mo ginastos ang pera?" tanong ni Leo nang iabot pabalik kay Ikay ang phone.

"Nagbayad ako ng loan ko, sir."

"Bakit ka may loan?"

"Yung papa ko kasi, sir, minimum wage earner lang siya. Sakto lang ang kita niya pambayad sa bills namin sa bahay saka sa amilyar. Si Mama ko po, siya ang nagbabayad ng pang-school ko saka mga pambiling uniform saka kitchen knife. E, magkano yung uniform ko, sir. Buti sana kung isang blouse lang. Magkano rin yung isang set ng kutsilyo."

"Hindi mo ba sinasabi sa kanila 'yan?"

"Alam naman nila 'yan, sir. Sabi nga ni Mama, siya na raw bahala sa school ko. Nag-offer na 'kong mag-stop na lang para mag-work muna, pero sabi nila na huwag na kasi sayang yung taon imbes maka-graduate ako agad. Kaya nag-loan na lang ako kasi mabigat na 'yong sa matrikula ko, sir. Ayoko nang ipa-shoulder kina Mama yung mga gastos sa project saka research."

"Wala ka bang laptop?"

"Ang mahal ng laptop, sir! Wala akong pambili!"

"Kahit secondhand?"

"Sir, kahit fifth hand pa 'yan, wala talaga," paliwanag ni Ikay. "Saka, sir, kahit gusto kong bumili, doon talaga ako sa priority muna. Uunahin ko pa ba ang laptop kaysa bayaran 'yong loan ko? May computer shops naman, sir. Hindi naman araw-araw, kailangan ko ng computer."

Buntonghininga at pagkamot ng ulo ang naging sagot doon ni Leo. Hindi rin niya alam ang gagawin kay Ikay dahil wala naman itong qualifications ng mga kailangan niya para sa secretary ng anak.

"Saan ka nakatira?" tanong ni Leo.

"Sa Belmont, sir."

"Doon sa tapat ng school malapit dito?"

"Yes, sir."

"Malapit ka lang pala." Sumilip si Leo sa suot na digital watch. "Hindi pa bumabalik si Eugene. Tapusin mo na 'yang meryenda mo tapos umuwi ka na."

Napatingin naman si Ikay sa relo niyang suot. "Pero 3:23 pa lang, sir. Okay na 'ko sa mga folder, sir?"

"May klase ka bukas?"

"Morning, sir. 12, uwi na po ako."

"Pumunta ka rito bukas after class. Kakausapin ko muna yung isa pang may-ari dito, baka mabigyan ka ng ibang trabaho." Umiling si Leo. "Hindi kita babayaran sa trabahong hindi mo kayang gawin."

"Pero, sir—"

"Tatanungin ko muna 'yong co-owner dito kung may libre siyang time para makausap ka."

"Okay po, sir."

"Sige na, umuwi ka na."

Tumayo na si Ikay at kinuha ang mga gamit niyang kanina pa niya katabi.

"Ito."

Nagulat naman si Ikay nang abutan siya ni Leo ng buong isanlibo na hinugot nito mula sa wallet.

"May ipapabili kayo, sir?" tanong pa niya.

"Kunin mo."

"Okay po, sir." Kinuha naman ni Ikay ang isanlibo.

"Uwi na."

"Uh . . . uwi na 'ko?" naguguluhang tanong ni Ikay.

"Oo nga," naiinis nang ulit ni Leo.

"Hala, sir!" Napatingin si Ikay sa perang hawak. "Hindi na ba 'ko babalik dito, sir?"

Napahalukipkip na naman si Leo at nairita na naman. "Pinababalik ka nga bukas ng tanghali, ano ba? Nakikinig ka ba?"

"Ay, oo nga pala! Sorry, sir, nakalimutan ko."

"Kasasabi ko pa lang, nakalimutan mo na agad?"

"Hindi naman sa gano'n, sir! Na-shookt lang ako sa pera. Akala ko, may ipapabili ka." Itinaas na naman ni Ikay ang isanlibo. "Pero para saan 'to, sir?"

"Sahod."

Pigil ang ngiti ni Ikay nang pandilatan si Leo. "Grabe, sir, isanlibo, nagbilang lang ako ng folder? Susuklian ko ba kayo?"

"Uuwi ka o paglilinisin kita nitong buong building?"

"Ay, eto na nga, sir, naglalakad na nga po ako, di ba?"

"Umuwi ka nang maaga, baka mag-bar ka pa!" sermon ni Leo nang makalayo si Ikay.

"Hoy, sir! Wala nga akong pamasahe, magba-bar pa 'ko?" Sabay lapad ng ngiti ni Ikay at iwinagayway sa hangin ang pera. "Pero thank you sa sahod, sir! Kaya pala secret, hahaha!"

Tuwang-tuwa naman si Ikay nang makaalis sa office nina Leo.

Malaki na ang sahod niyang isanlibo para sa trabahong hindi nga niya alam kung trabaho ba talaga. Naghiwa-hiwalay lang kasi siya ng folders base sa category n'on.

Masungit si Leo, naisip niyang may pinagmanahan si Luan. Pero kompara kay Luan, di hamak na mas mabait si Leo kaysa sa binata. Napapangiti na lang siya sa bigay nitong isanlibo na sahod daw niya.

Iniisip na niya kung saan niya gagastusin iyon. Hinahati na niya ang isanlibo sa utak. Hulog sa loan, bayad sa computer shop para sa typing, bayad sa print, pamasahe para sa research, meryenda . . .

Pag-uwi niya sa kanila, inaasahan na niyang wala siyang maaabutan. Halos buong araw na nasa trabaho ang mga magulang niya. Uwian man ng hapon, hindi pa rin makakauwi nang may araw pa dahil hirap makahanap ng sakayan. Kahit ang tatay niyang driver, kapag tapos nang bumiyahe, kailangan pa ring ibalik ang truck sa factory at sasakay ng dalawang biyahe ng jeep bago pa makauwi.

Kapag ganoon, alam na niya ang gagawin. Magsasaing para sa hapunan, magluluto ng ulam na meron sa ref nila, at maghihintay na makauwi ang mga magulang niya. Madalas na mag-isa lang siyang kumakain tuwing nasa bahay. Tuwing Sabado at Linggo lang sila nagkakasabay-sabay sa pagkain. Sanay siya sa ganoong buhay dahil hindi naman mayaman ang pamilya niya.

Gusto na niyang maka-graduate agad para makapagnegosyo. Wala siyang balak maghanap ng trabaho sa kompanya dahil nasa opisina ang trabaho ng mama niya at wala namang ipinagbago ang buhay nila mula pa noon. Pitong taon na itong office clerk, hindi na tumaas ang posisyon sa trabaho kahit ang suweldo. Pero kahit ganoon, ipinagpapasalamat pa rin na may trabaho pa rin ito kaysa wala.

Nang matapos makakain, bumalik na siya sa kuwarto niyang sapat na para sa kanya. Hindi iyon ganoon kalaki. Ang kama niya ay sakto lang sa sukat ng tatlong panig ng dingding; sa bandang ibabaw ng kaliwang gilid ang bintana na mahaba ang railing kaya madalas niyang gawing tambayan. Katabi ng kama ang maliit niyang mesa na puro naka-organize na pen holder, may A4 corkboard na may mga nakatusok na notepads, at ilang notebooks sa gilid.

Malinis ang kuwarto niya. Sa kabilang dulo ng higaan ang wooden cabinet niyang hindi rin ganoon karami ang laman.

Naghatak na siya ng wooden chair sa di-kalakihang study table at naglista ng gastusin na kakasya sa isanlibo.

"Pamasahe," unang-una niyang banggit sa gastos. "Loan muna, then . . . print."

Kahit anong hiling niyang sana ay groupings na lang sila sa menu planning, hindi iyon napabigyan at nag-individual project pa rin ang prof nila. Willing pa naman siyang gawin ang lahat ng research basta ba hindi kanya ang gastos.

Madali lang sana ang menu planning kung hindi na niya kailangang mag-research at magpa-print. Kaya rin sanang gawin sa phone ang research kung hindi niya kailangan ng gumawa ng original recipe gaya ng request ng prof nila. Magka-copy-paste na lang sana siya kung hindi iyon kailangang lutuin para malaman kung posible ba ang recipe na maibenta.

Iniisip pa lang niyang gagastos muna siya sa pagbili ng ingredients bago iyon lutuin sa school, nanlalata na siya. Hindi naman siya master chef para magluto ng masarap sa unang attempt pa lang.

Binuksan niya ang phone at nag-chat sa mga kaibigan.


Ikay
Mga bading, may naisip na kayong recipe?

Nic-Nic
Ako meron na

Ikay

Ano sayo Nic?

Nic-Nic
Yung potato na sliced tapos buttered saka baked. Di ko pa alam ihahalo liban sa mozzarella saka parmesan pero baka gawan ko ng red sauce. Appetizer lang naman
Ikaw @Dyosang Santi
Online ka ba?

Dyosang Santi
Online ako gaga
Namimili pa ko. Dessert napunta sakin, mga bakla
Mango soufflé siguro gawin ko. Wala kong ibang maisip talaga pramis.
Ikaw ikay?

Ikay

Wala pa ngaSteak napunta sakin dibuh?

Nic-Nic
Uu nga pala
Ritskid ka ba? hahaha
Keri yata teh kahit di A5 wagyu

Ikay

Pero te may ibang lasa talaga yung wagyuMapapansin agad yun ni Mam tangek

Nic-Nic
Bili ka na lang ng murang steak tas sabihin mo nagoyo ka

Dyosang Santi
Gaga! Edi lalo syang ibinagsak ni mam
Di sya mamurong tumingin ng karne hahaha

Ikay

Bahala na sa steakPag walang wala na talaga ket yung mura na lang sa supermarketTingnan ko muna budget ko kung kakayanin


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top