Chapter 24


At dahil wala nga raw pasok si Ikay, walang magagawa si Luan kundi mag-adjust. Gusto man niyang gamitin ang motor, hindi na niya ginawa kasi nga, susunduin siya ng daddy niya kasama si Ikay gaya ng pakiusap niya.

Kaya nga umagang-umaga pa lang, nakabusangot na si Leo dahil nagpahatid sa kanya sa school ang bunso niya.

"Then before kami pumunta kina Ninang Jae bukas, magla-lunch muna kami ni Ikay sa bahay. Tapos I'll ask Ninang Mel if we can borrow Gaia kasi gusto sumakay ni Ikay sa horse."

"Banned si Gaia ngayon."

"Why?!" gulat na tanong ni Luan sa daddy niyang nagmamaneho.

"Hindi pa siya puwedeng ilabas. Nagagalit na nga sina Lola Liz mo kasi hinuli 'yon sa EDSA."

"But that's not my fault!"

"Hindi mo nga fault, pero bawal pa rin ilabas si Gaia. Pagagalitan tayo ng mga lolo d'on sa farm."

"But Ikay wants to ride a horse!"

"Bakit ba kasi pinipilit mong gawin 'yan, ha? Inutos ba 'yan ni Ikay?" naiinis nang tanong ni Leo nang lingunin saglit ang anak niya.

"No! But she wants to do that nga kasi! Kapag nakapag-horse-back riding na kami, magiging happy siya. Si Daddy, parang hindi nag-iisip."

"At ako pa talaga ang hindi nag-iisip?" Sabay habol ng sapok ni Leo sa bunso niya.

"Bahala ka! Kay Ninang Mel na lang ako magtatanong. Siya naman yung may horse, hindi naman ikaw."

Napapakagat na lang ng labi si Leo gawa ng inis at pinanggigilang hawakan ang steering wheel para lang hindi masapok ulit ang anak.

Kinuha ni Luan ang phone at tinext si Ikay ng good morning bago iyon itinago sa sling bag na kandong.

"Daddy, sabi pala ni Tita Sab kahapon, hindi raw qualified si Ikay maging girlfriend ko. Ikay felt bad tuloy kasi feeling niya, Tita Sab said that kasi she's poor," sumbong ni Luan.

"At kay Sab pa talaga nanggaling 'yan samantalang nag-boyfriend siya ng palamunin," naiinis na sagot ni Leo.

"Di ba, Daddy, puwede ko namang maging girlfriend si Ikay?"

"At paano naman tayo napunta diyan, aber?"

"Daddy, I like Ikay," nakangusong pag-amin ni Luan.

Napasulyap tuloy si Leo sa anak. "Like mo si Ikay, like ka ba?"

"She should!"

Umamba na naman ng sapok si Leo kay Luan. "Anong she should? Kaltukan kita diyan."

Sumalag naman si Luan kahit hindi pa umaabot sa kanya ang palo ng daddy niya. "Sabi niya, gusto niya yung mabait!"

"Gusto pala ng mabait, wala kang pag-asa. Hindi ka mabait. Maghanap ka ng pumapatol sa masama ang ugali."

"Mabait na nga ako ngayon, Daddy!"

Paghinto sa red na stoplight ni Leo, ang sama agad ng hilatsa ng mukha niya sa sinabi ng bunso.

"And what do you think sa pagiging mabait? Accessory? T-shirt na isusuot mo lang tapos mabait ka na? Tigil-tigilan mo ako sa kalokohan mo diyan, Luke Anakin. Mapapalo talaga kita kahit malaki ka na."

"Daddy, if I behave like Ninong Rico, mabait na 'ko agad."

"Aba, iba ka rin. At si Ninong Rico mo pa talaga ang napili mong role model, ha? Tingin mo ba, mabait 'yon, e siya nga ang nagpa-punish sa 'yo?"

"Ikay likes Ninong Rico kasi he's so nice nga raw. Saka binibigyan niya kami ni Ikay ng cookies every day."

"Nililigawan mo ba si Ikay?"

"E, sabi niya, gusto niya ng mabait. Dapat maging mabait muna 'ko. Tapos liligawan ko na siya."

"Okay, bigyan kita ng deal," sabi agad ni Leo. "Tatantanan mo si Ikay at 'yang mga kalokohan mo ngayon, then ibabalik ko ang bank account mo. Hindi ka na magwo-work sa Purple Plate."

Saglit na napasinghap si Luan at akmang magsasalita. Napaisip agad siya sa sinabi ng daddy niya.

Ibabalik na ang bank account niya. Ibig sabihin, may pera na siya . . .

"Hindi na 'ko magwo-work sa Purple Plate?" tanong pa ni Luan.

"Yes. Hindi ka na rin sasakay sa bus."

"Pero puwede kong sunduin si Ikay gamit yung bike ko?"

"Hindi. Wala nang Ikay para hindi ka nagkukulit nang ganyan."

Napasinghap na naman si Luan at napatingin sa harapan, nag-iisip na naman.

"Pass," mabilis niyang sagot. "Si Kuya naman nagbibigay kay Ikay ng pamasahe namin, so I can work on my remaining allowance pa rin naman. Ninong Rico makes our lunch sa café kaya okay lang kahit mag-bus muna kami ni Ikay. And besides, I can hold her hand kapag nasa bus kami."

Napangiwi naman si Leo nang tingnan ang anak namas pinili pa talaga si Ikay kaysa sa bank account nito.

"Isusumbong na talaga kita kay Ninong Clark mo. Gumaganyan ka na, ha?"

Binalewala naman ni Luan ang banta ng daddy niya at pumaling pa paharap dito. Sinilip niya ang digital watch na suot at kinalabit sa balikat ang ama.

"Daddy, out ko mamayang 11:45. Sunduin mo si Ikay sa kanila kahit mga 11, ha?"

Nangangasim na naman ang mukha ni Leo nang pumasok sa Gate 2 ng campus nina Luan.

"Huwag mo muna siyang dalhin sa lunch. Kakain kaming dalawa sa Purple Plate, e. Nagpaluto ako sa chef nina Ninang Jae ng pasta. Wala kasi si Ninong Rico ngayon."

"Ginutom mo pa si Ikay."

"Hindi siya magugutom agad! Saka 'pag nagutom siya, e di marami siyang makakain, right? Papagawa rin akong cake kay Ninang Mel mamaya, e."

"Napakaraming pabilin talaga," sarcastic na parinig ni Leo at lumiko ang SUV nila sa building mismo nina Luan.

"Magko-call ako mamaya, Daddy, ha?" paalala ni Luan at hinubad na ang seatbelt niya. "Doon ako muna sa may waiting shed malapit sa bulletin board ng Gate 3. Hintayin ko kayo ni Ikay."

"Oo na, oo na."

Pagbukas ni Luan ng pinto ng sasakyan, nagpahabol na naman siya ng pabilin. "Daddy, si Ikay, sa Belmont sila, ha! Doon daw sa tapat ng school!"

"Makasalita ka, hindi mo pa nga 'yon napupuntahan!"

"Ba-bye, Daddy! Hintayin ko kayo mamaya ni Ikay!" Isinara na ni Luan ang pinto ng sasakyan saka tinakbo ang papasok sa building nila.

Napapabuntonghininga na lang si Leo dahil sa inaakto ng bunso.

"Ay, naku naman talaga." Nagmaneho na siya paalis doon dahil asawa naman niya ang aasikasuhin niya sa bahay bago sundin ang utos ni Luan.

Dalawa lang naman ang anak ni Leo, pero ang pagod niya, parang meron siyang sampung anak—at sa isang anak lang niya nararanasan ang pagod na 'yon.

Noong kaedad ni Eugene si Luan, walang ganoong naging problema si Leo. Ang focus din kasi ng panganay niya, maliban sa school, nagpaplano na ng buhay pagkatapos ng graduation.

Alam niyang may girlfriend noon ang anak at kilala rin naman niya ang babae, pero hindi na rin niya alam ang nangyari six years ago. Wala siyang nabalitaang naging girlfriend ni Eugene pagkatapos ng breakup nito sa unang kasintahan. Kung tanungin man niya ang anak tungkol doon, ngingitian lang siya nito at biglang babaguhin ang topic, laging umiiwas. Hindi na lang siya nagtanong pa mula noon. Kahit din naman ang asawa niya o si Clark, walang nababanggit.

Ngayon, kung anong ikinatahimik ni Eugene pagdating sa girlfriend nito ay siya namang ikinaingay ni Luan sa balak daw nitong ligawan. Hindi na tuloy niya alam kung seryoso ba ang bunso sa ginagawa o nito o naglalaro lang.

Kaya nga pag-uwing pag-uwi niya sa bahay, tinanong agad niya ang asawang bagong ligo nang maabutan niya.

"Good morning, love!" bati ni Ky na nakatuwalya at may balot ang ulo. "Saan ka galing?"

"Yung anak mong makulit, nagpahatid sa school."

"Aw, si Dada, hinatid ang baby niya sa school . . ."

Nakangiting sinalubong ni Kyline ng yakap si Leo bago siya nito hinalikan sa labi.

"Saan ka ngayon?" tanong ni Leo na pinauulanan ng halik ang pisngi ng asawa.

"Sa factory ako ngayon. Titingnan namin ni Engineer Pelayo yung bagong dating na machine."

"Kasama mo si Eugene?"

"Yep! Doon niya ako susunduin sa gate ng planta."

"Good."

"You stay sa office?" Saglit na lumayo si Kyline at pinindot-pindot ang tungki ng ilong ni Leo habang nakatitig dito.

"Susunduin ko si Ikay mamayang lunch, so nope."

"Si Ikay?" kunot-noong tanong ni Kyline.

"Oo, pinasusundo ng bunso mo. Sabay raw silang pupunta sa Purple Plate ngayon. Ayaw pasakayin ni Luan ng bus mag-isa si Ikay, baka nga raw bastusin ulit."

"Aww . . . ang sweet ng baby ko talaga."

"Hindi niya girlfriend 'yon."

"Oh! Hindi pa?" di-makapaniwalang tanong ni Kyline.

"I thought they're together na."

"Gusto nga raw ni Ikay, yung mabait."

Ngumuso naman si Kyline at nang-aamo ang tingin. "Mabait naman yung baby ko, love, di ba?"

Pilit na pilit ang ngiti ni Leo sa tanong na 'yon ng asawa at pinili agad sa utak ang tamang isasagot dito.

"Lalamigin ka na, love. Naka-towel ka lang," paglipat ni Leo ng topic. Pinatalikod niya si Kyline, hawak ito sa baywang habang tulak-tulak papuntang walk-in closet nila.

Siya ang nagpalaki kay Luan. Sa dalawang anak niya, mahahalatang ito ang madalas niyang paboran. Ang kaaway niya lagi ay ang panganay dahil lagi rin siyang inaaway ni Eugene. Pero madalas sa madalas, kapag inaaway siya nito, malamang na siya ang mali.

Hindi kayang tiisin ni Leo ang mga anak, alam na alam 'yon ng mga nakakakilala sa kanya at sa pamilya nila, lalo na ang buong barkada niya.

Kung wala lang ang mga ninong at ninang ni Luan, o kahit ang panganay niya, malamang na hindi rin naman mapuputol ang bank account nito.

Ayaw na lang niyang sabihin sa bunso, pero noong ipina-freeze ni Jaesie ang bangko ng anak sa tulong ni Clark, kinabukasan din naman, ipinabalik niya 'yon dahil wala nga raw itong pera—at wala naman talaga itong kapera-pera maliban sa allowance na bigay niya.

At masasabi niyang hindi pa ginagalaw ni Luan ang kahit anong debit at credit cards nito dahil hindi man lang nito alam na magagamit na nito ang allowance anumang oras.

Wala siyang alam kung magkano ba ang perang hawak ng anak niya, pero sigurado siyang marami itong inuutusan para lang masunod ang gusto.

Hinatid niya ang asawa sa meeting place nito at sinalubong doon ang panganay niyang kasama ni Kyline sa trabaho.

"Good morning, Dada!" Niyakap agad siya ni Eugene at tinapik-tapik sa likod bago niya ipinagkatiwala rito ang asawa.

"Ingat kayo ng mama mo sa work, ha? Magsuot ng hard hat."

"Yes po."

"Bye, love. Ingat sa biyahe pauwi," paalam ni Kyline at hinalikan niya ito sa labi bago siya naunang magpaalam na umalis.

Puwede niyang piliin na mag-opisina o pumasok araw-araw sa malayong kompanya, pero mas pinili niyang manatili roon sa opisinang likod lang talaga ng bahay nila.

Mas gugustuhin pa rin niyang manatili sa bahay at hintayin ang pamilya niyang makauwi kaysa naroon siya sa malayo, kahit pa sabihing trabaho ang ginagawa niya. Hindi niya kahit kailan ipararanas sa pamilya niya na uuwi sa bahay na wala roon ang tatay nila.

Mabilis ang oras. Sa biyahe pa lang, nakaubos na siya ng dalawang oras. Hindi na nga siya nakabalik sa bahay. Mula sa planta sa Laguna, dumeretso na agad siya sa Las Piñas para sunduin si Ikay gaya ng utos ng bunso niya.

At habang nasa biyahe, tinawagan niya si Clark para ito naman ang utusan niyang magbantay sa opisina nila.

"Clark."

"Bakit? Problema?"

"Si Luan, nag-utos."

"Ano na namang utos ng mahal na prinsipe?"

"Susunduin ko kasi si Ikay tapos ihahatid ko sila sa Purple Plate ni Luan. Hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik sa office."

"Gago ka ba? Tingin mo sa 'kin, wala ring anak na susunduin?"

"Si Sabrina?"

"Nasa mama niya."

"Nag-away kayo?"

"Gago, hindi. Magpapa-salon nga raw. Papa-pedi rin siya ngayon, mahaba na raw kuko niya sa paa."

"Pauwiin mo! Sabihin mo, sunduin niya sina Rex."

"O, e di, sabihin mo 'yan kay Mame Tess. Kayo mag-usap."

"Tsk!" Napapahimas na lang ng noo niya si Leo. "Sabado pa naman ngayon, day off ni Pau."

"Sana kasi isinara mo muna yung office!"

"Isasara ko naman dapat kaso nagpahatid nga sa planta si Ky. Naabutan na 'ko sa biyahe." Napasilip si Leo sa relong suot. "Susunduin ko pa si Ikay. Quarter to 12, uwian na ni Luan. Magbubunganga na naman 'yon kapag late siyang nasundo."

"Yung anak mo talaga, manang mana sa pinagmanahan," sarcastic na sabi ni Clark. "Bakit ba kasi kailangang sunduin si Ikay?"

"E, nililigawan nga kasi nitong makulit na Luan 'to."

"Ayuuuun! Kaya pala kung makadayo sa bahay para sa laptop ni Ikay, parang bukas kami 24/7."

"Nasa school ka na ba? What time uwi nina Rex?"

"Papunta pa lang ako, sasaglit muna ako sa office. Isasara ko ba muna?"

"Oo nga. Resume na lang tayo sa Monday. Sa bahay raw magla-lunch bukas si Ikay. Inaya ng bunso ko, e."

"'Apakaraming request! Ano? Danas mo na mga pautos mo sa 'kin dati, 'no?"

"Ulul. Magsara ka na lang ng office diyan."

"Psh! Sunduin mo na future daughter-in-law mo. Aliping-alipin pa rin ng bunso kahit kailan. Babush!"


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top