Chapter 15
Nakatingin lang si Luan sa wallet niyang mamagkano lang ang laman. Binigyan silang dalawa ni Ikay ng allowance galing sa Purple Plate: 250 pesos. Masaya na si Ikay roon at makailang beses pang nag-thank you dahil hindi pa raw iyon ang sahod, pero hindi si Luan.
Ano ba ang mabibili sa 250 pesos? Kulang pa nga iyon sa isang meal niya.
Sinundo sila ng service galing sa mga Lauchengco. Tuwang-tuwa si Ikay pagsakay sa kotse dahil pinabaunan pa siya ng cookies at bottled coffee, pareho sila ni Luan.
Magkatabi sila sa backseat dahil may tao rin sa harap maliban pa sa driver.
"Alam mo, super bait ng mga ninong saka ninang mo. Ikaw lang talaga ang abuso, e," sermon ni Ikay kay Luan. "May 250 pesos pang allowance saka cookies. Baon ko na 'to for two days, e."
"If you're poor, huwag mo 'kong igaya sa 'yo."
"Poor ka na rin ngayon, hello? Wala ka ngang pera," mataray na sagot ni Ikay at umikot pa ang mga mata.
"At least, hindi ako magnanakaw."
"Hindi ko ninakaw ang pera mo! Tinext kita, tinawag mo 'kong baliw!"
"Hindi ba?" sarcastic na sagot ni Luan kaya nahampas siya ni Ikay sa braso.
"Ang yabang mo talaga! Sobrang sama ng ugali mo! Sobrang opposite talaga kayo ni Sir Eugene!"
"Ikaw naman, papansin ka sa kuya ko," balik ni Luan. "Ang pangit mo tapos magpapa-cute ka d'on?"
"Pakialam mo naman kung magpa-cute ako? Palibhasa ang sama ng ugali mo."
"Hindi ka papansinin n'on!"
"Tinawag niya 'kong cute!"
"Tinatawag n'ong cute lahat ng mukhang aso!"
"Alam mo, nakakabuwisit ka."
"Mabuwisit ka hangga't gusto mo."
"Maglakad ka bukas! Hindi kita bibigyan ng pamasahe, yabang!"
Ramdam ni Ikay ang stress ng parents ni Luan dito. Sobrang tigas ng ulo, sobrang yabang, sobrang entitled, sobrang antipatiko—lahat na yata ng kasobrahan sa negative side, sinalo nito noong nagpaulan ang Diyos.
Pero may bagong envelope na siyang hawak . . . at para iyon sa one week na pamasahe nilang dalawa.
Hindi niya masasabing kapitbahay si Luan. Lalagpas pa siya ng dalawang phase at isang subdivision bago ito mapuntahan sa kanila. Alas-siyete ang pinakamagaang pasok niya para sa unang klase at hindi na niya ito mahihintay pa kung ito pa ang pupunta sa kanya. Wala na tuloy siyang choice.
"Mama, papasok na po ako sa school." Hinalikan niya sa pisngi ang mama niyang nag-aasikaso na rin ng baon nito at ng papa niya sa trabaho.
"Ingat ka, anak."
"Kayo rin po ni Papa. Ba-bye!" Saka siya lumabas ng bahay.
Madaling-araw at bago matulog na lang niya nakikita ang parents niya. Ang hirap ng trabaho, hassle pa sa biyahe papasok at pauwi. Matagal na niyang tinanggap na hindi sa lahat ng araw, nandoon ito buong araw sa bahay. At may mga araw na natatakot pa siyang nasa bahay ito buong araw kung hindi naman Sabado o Linggo. Natatakot kasi siya na baka wala nang trabaho ang mga ito at lalo siyang hindi makapag-aral.
Pero may trabaho na siya, at pagbubutihin na lang niya para hindi na kailangang magpagod pa ng mga ito para lang pag-aralin siya.
Sumakay siya ng tricycle at madilim pa kung tutuusin kahit na makakaya nang makita ang daan nang hindi nag-iilaw. Wala pa ang araw nang umalis siya ng bahay. Nangangasul pa ang langit kahit may parteng nagliliwanag na. Ang tahimik pagpasok niya sa subdivision nina Luan. Ang sabi niya, ibaba siya sa bahay na katabi ng Golden Seal, at doon siya mismo sa tapat ng kulay itim na gate ibinaba.
Papasikat pa lang ang araw nang mag-doorbell siya. Pero nakakaisang pindot pa lang, may nagbukas na ng gate.
"Good morning po, Sir Leo!" bati ni Ikay at saglit na yumuko. "Si Luke?"
"Tulog pa."
"E?" di-makapaniwalang tugon ni Ikay sabay kamot ng ulo.
"Pero aalis na 'ko, sir! 7 a.m. pa class ko!"
"Huwag ka ngang sumigaw. Ang aga-aga pa."
"Ay, sorry po." Napatakip agad ng bibig niya si Ikay dahil sa pagkapahiya.
"Hintayin mo sa loob. Nakaputi ka pa naman, baka kung saan ka sumalampak diyan."
Napapangiwi na lang si Ikay at payuko-yukong sumunod kay Leo papasok sa bahay ng mga Scott.
"Alas-siyete rin ang pasok ni Luan pero hindi naman siya ganito kaagang nagigising" kuwento ni Leo habang papasok sila sa bahay.
Alam na ni Ikay na sobrang yaman ng pamilya ni Luan. May-ari ng lending company ang papa nito, at sobrang daming perang natatanggap nito sa araw-araw. Pero hindi ito nakatira sa mansiyon. Mas magara pa nga ang bahay ni Clark sa mga ito.
Simple lang ang bahay na pinasok niya. Para ngang bahay lang din nila—o baka mas malaki pa ang bahay nila kahit nasa middle class lang sila.
Hindi niya tuloy maiwasang magkompara. Tanaw niya ang kitchen at dining area sa pintuan ng sala. Sa bahay kasi nila, hindi makikitang basta ang kitchen at dining area dahil nakahiwalay iyon ng floor division at magbubukas pa ng pinto bago mapasok.
Apat na hakbangan nga lang ang sala ng mga ito. Sa sala nila, nakakapaglatag pa sila ng apat na folding bed at dalawang double bed mattress kapag dumadalaw ang mga pinsan niya dati galing probinsiya. May maliit lang na parte ng banyo sa kaliwang gilid sa ilalim ng hagdanan.
Nakikita niyang nakasabit sa gilid ng hagdanan ang mga graduation picture at mga certificate doon. Hindi naiwasan ni Ikay na tingnan ang lahat ng graduation pictures doon. Tig-isang picture nina Eugene at Luan na mga preschool graduate pa. Kasunod ang magkatabing picture ng mga ito na graduate ng grade school. Doon niya masasabing hindi magkamukha ang dalawa. Parang anak ng magkaibang tao. Sunod ang apat na pictures ng mga ito sa Moving Up. Doon na mas naging firm ang mukha ng mga ito. Huli na ang dalawang magkasunod na graduation photo ni Eugene: isang dilaw ang neck part ng toga, at isang pang-master's na toga.
Pagtingin niya sa bandang kaliwa niya, napaangat siya ng mukha nang makita kung bakit hindi magkamukha ang dalawa. May family picture doon pero sobrang bata pa ng mga nasa picture. Sobrang hawig ni Eugene si Leo habang lalaking version naman si Luan ng babaeng katabi nito. Baby pa ang kandong ng babae at parang nasa grade school pa lang si Eugene.
Matagal na nga ang family picture na 'yon, sa isip-isip ni Ikay. Hindi na kasi baby ngayon si Luan, at parang kaedad na ni Eugene ang daddy nito na nasa picture.
Nakaupo siya sa malambot na sofa na katabi ng pinto at ilalim ng katabi rin nitong bintana. Tanaw-tanaw niya si Leo na naghahanda ng lulutuin nito.
Nabibilib na talaga siya sa bahay na iyon kasi wala pa siyang nakikitang maid. Unang beses niyang nakita si Leo, nagwawalis ito. Ngayong pangalawang beses, nagluluto naman. Sa yaman nito, dapat nasa mansiyon na maraming maid ito nakatira.
Napasulyap siya sa hagdanan nang makarinig ng naglalakad. Naibalik niya ang tingin nang mas matagal nang makita ang bumababa roon, at lalo pa siyang napaayos ng upo habang napapanganga nang may babaeng bumababa. Tikom na tikom ang bibig niya kasi parang nasa maling oras siyang pumunta.
Nakasuot ito ng black satin na pantulog. Manipis ang strap ng damit nito at halos kita ang buong dibdib. Kaunting yuko lang, lalo pang makikita ang kung ano lang ang kakapirasong balat na natatakpan sa dibdib nito. At sobrang ikli lang n'on. Nanlalaki ang mata ni Ikay dahil kita na kahit ang panty nito sa paglalakad pa lang.
Ang gulo pa ng buhok nito na takip-takip ang kalahati ng mukha—pero iyon bang klase ng gulo na ang sexy tingnan dahil may wave na nabubuo. Nakapikit pa nang kaunti ang babaeng sobrang kinis ng balat. Paglagpas nito sa sofa kung nasaan siya, napa-wow nang walang boses si Ikay dahil sobrang bango nito kahit bagong gising lang.
"Love, pahinging water . . ." basag ang boses na sabi nito.
Napapasapo ng dibdib si Ikay, hindi niya alam kung nasa tamang bahay pa ba siya.
Ang sexy ng babae.
Bumalik ang tingin niya sa family picture. Parang ganoon ang edad ng babae sa picture . . . at malalaki na ang anak ni Leo.
Nakauwi na ba ang mama nila?
Nanlalaki na ang mata ni Ikay kung sino ba ang sexy na dumaan sa harapan niya. Wala pa siyang nakikitang fifty years old na babaeng ganoon ka-sexy.
Sumisimple ng sulyap si Ikay sa kitchen. Kinakabahan na siya dahil baka may kabit si Leo at siya pa ang unang nakakakita sa umaga. Napangiwi pa siya nang halikan ito ni Leo sa pisngi at sa labi kaya napaiwas na siya ng tingin.
"Yung anak mo, may sundo," biglang sabi ni Leo nang abutan ng baso ang babae.
"Si Eugene?" tanong nito saka uminom.
"Si Luan."
"Really? Barkada niya?"
"Babae."
Numakaw na naman ng tingin si Ikay. Doon lang napaayos ng tayo ang babae at bagsak na ang buhok nito kaya hindi na nahaharangan ang mukha. Nanlaki pang lalo ang mga mata ni Ikay nang kamukhang-kamukha nito ang babae sa family picture.
Shet, siya yung mama nila!
"Hi!" masayang bati nito at kinawayan pa siya.
"Good morning po!" mabilis na bati ni Ikay at tumayo pa para mag-bow.
"Oh my God, sorry, hindi ko alam na may visitor."
"Okay lang po. Susunduin ko lang po si Luke."
"Shocks. Wait, ha? Gisingin ko lang." Ilang na ilang ang mama nina Luan nang bumalik sa may hagdanan. Takip-takip nito ng nakakrus na braso ang dibdib at nahihiyang nginingitian siya. "Sorry, nakapantulog pa 'ko. I didn't expect na may bisita nang ganito kaaga."
"Okay lang po talaga. Hintayin ko na lang po si Luke."
Hindi mawala ang panlalaki ng mga mata ni Ikay kahit nakaakyat na ang mama ni Luan sa second floor. Hindi siya makapaniwala na hindi mukhang matanda ang asawa ni Leo. Akala pa naman niya, may kabit na ang papa nina Luan at nakikita pa niya.
Paulyap-sulyap tuloy siya kay Leo sa kusina na nag-aasikaso roon. Naisip tuloy niya, baka kaya ito ang laging nagtatrabaho sa bahay ay dahil ganoon kaganda ang asawa nito. Parang nakakahiyang utusan na maglinis o kaya maghugas man lang ng plato.
Ilang sandali pa, napatingin ulit si Ikay sa may hagdanan. Pababa na naman doon ang mama nina Luan. Nakasuot na ito ng white satin robe at nakatali pa nang maluwag ang buhok papaling sa kanang balikat.
"You're early. Nag-breakfast ka na?" tanong nito nang lumapit sa kanya. Kahit boses nito, sobrang lambing.
"O-Opo. Nilutuan po ako ng mama ko ng almusal."
"Aww, that's so sweet." Tumabi agad ito sa kanya kaya napaurong siya sa sofa para dumistansya. "I don't know how to cook kasi, kaya daddy namin ang laging nasa kitchen," pagtukoy nito kay Leo. "You're a chef ba? Ang pretty mo naman." Hinawak-hawakan pa nito ang balikat ng chef's uniform niya at inobserbahan siyang maigi. "Dada, chef ang girlfriend ng baby ko. So cuuute!"
HUWAT?!
Napaurong at nanlaki ang butas ng ilong ni Ikay sa narinig niya.
Girlfriend?! Sino?!
"I'm Kyline. But you can call me Mama. What's your name?" nakangiting tanong nito.
"Uh . . . I-Ikay po."
"Ikay? Real name mo yung Ikay?"
Mabilis siyang umiling. "Nickname ko lang po. Iyanne Kaye po ang name ko."
"Oh! Iyanne Kaye. That's cute. Ikay."
Naninigas si Ikay sa puwesto niya kasi hinahagod-hagod pa nito ang buhok niya habang hawak siya sa kaliwang kamay.
"Same kayo ng school ni Luan?"
Luan. Lagi niyang naririnig na Luan ang tawag kay Luke.
"Uh, yes po. Bale magkaiba po kami ng hall. Sa engineering po siya tapos sa culinary po ako."
"Oh . . . pero pinupuntahan ka niya?"
"Yes po, tuwing uwian."
"Oh my God! Dada, pinupuntahan siya tuwing uwian ng baby ko!" Biglang tumili si Kyline at halatang kilig na kilig. Nagpapadyak pa siya sa sahig habang nanggigigil sa hangin.
"Ay, h-hindi po ako . . ." Nahihiya na si Ikay umamin na nagnakaw siya ng pera. Tuwang-tuwa pa naman ang mama ni Luan sa sagot niya. "Ano po . . . sa ano po . . ." Napalingon siya sa kitchen para manghingi ng tulong kay Leo, pero pinandidilatan lang nito ang mesa at patay-malisyang nakikinig habang nag-aasikaso.
"How old are you?"
"T-Twenty po."
"OMG! Same age lang pala kayo ng baby ko."
Sabay pa silang napatingin sa hagdanan nang bumaba na roon si
Luan na may bitbit nang bag. Nakasuot na rin ito ng itim na T-shirt, itim na cargo pants, at boots. Magulo pa ang basang buhok nito at ang sama ng tingin umagang-umaga.
"Luan, bilisan mo, may pasok pa kayo ni Ikay," utos ni Kyline.
Ang sama ng tingin ni Luan kay Ikay bago ito umirap. Napasimangot na lang din si Ikay dahil umaariba na naman ang kasungitan ng binata.
Nakasunod lang sila ng tingin sa kitchen. Paghinto roon ni Luan, sumahod agad ang kamay nito sa daddy niya.
"Baon ko."
Dinampot naman ni Leo ang lunch bag na inihanda niya sa mesa.
"What's this?" di-makapaniwalang tanong ni Luan nang kunin ang lunch bag.
"Baon mo," sagot ni Leo.
"Daddy!" dabog ni Luan. "Pera!"
"May work ka. Doon ka kumuha ng pera."
"Pamasahe!"
"Nandoon kay Ikay, kunin mo."
"No!" Paglingon ni Luan sa mama niya, nanghingi agad siya ng tulong dito. "Mama!"
Tiningnan lang siya nito pero walang sinabi. Inis na inis tuloy na binitbit ni Luan ang lunch bag niya at tiningnan si Ikay.
"Pera ko," sabi agad ni Luan.
"Wala! Pamasahe lang ang meron ako," mataray na sagot ni Ikay. Tumayo na rin ang dalaga at naiilang na nagpaalam. "Papasok na po kami."
May pang-aamo sa tingin ni Kyline nang sapuin ang pisngi ni Ikay. "Ingat kayo sa biyahe, darling." Hinarap naman nito si Luan. "Ingatan mo si Ikay, ha? Go ahead na, baka ma-late pa kayong dalawa."
Umirap lang si Luan at nauna nang lumabas ng bahay nang walang paalam.
Pilit naman ang ngiti ni Kyline kay Ikay dahil sa asal ng anak. "Sorry, Ikay, sana di ka sinusungitan ng anak ko. Ganyan lang talaga siya."
"Okay lang po. Sanay na po ako. Alis na po kami."
Hinatid pa sila ni Kyline sa kalsada bago sila sabay na naglakad ni Luan papuntang hintayan ng bus.
"Hindi ka man lang nagba-bye sa mama mo," sermon ni Ikay.
"Wala kang pake."
"Tsh. Suwerte ka sana sa magulang, malas ka lang na anak. Bilisan mo, baka mahaba na ang pila doon, baka wala na tayong masakyan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top