Stolen


Pandemic days, sobrang limitado ng lahat ng galaw, sobrang dalang ng reservation, sobrang strict ng protocols sa pag-book ng locations . . . and there I was taking photos for a very unique wedding couple.

Nasa botanical garden kami ng clubhouse sa Celina Homes. It was rented by Kyle Anthony Tsu para sa wedding ng kapatid niya. And yes, I was taking his photos along with the groom.

And this is the first time na nakapag-shoot ako ng wedding photo na ang suit ng groom ay isang black gown. Well, hindi naman literally grand gown. Mukha itong tuxedo na may mahabang cape. And the groom was wearing makeup and four-inch pumps.

"Kyle! Tara dito, dali!"

Sobrang excited ng groom, masayang-masaya siya, as a matter of fact. Para ngang nasa photoshoot ako ng modelling agency kaysa pre-wedding pictorial.

I must say, marunong mag-project ang groom. His feminine side is really evident and ako ayokong mag-stereotype. If he's gay and he's getting married to a girl, it's fine. Hindi ko naman business mangialam sa kasal nila aside sa photography.

"Joey, nag-chat na 'ko kay Kim, si Cheche ang sumagot. Pababa na raw sila."

"'Yaan mo muna sila d'on! Keri lang 'yan, wala pa naman si Father."

Joey is the groom. Bretman Rock vibes all over him, and he was tall. Nasa 5'8 ako, pero hindi man lang ako nakaabot sa noo niya. Ipasok na natin sa idea ang suot niyang heels and I managed to take a good shot of him like he was projecting for the next top model magazine issue.

He was stunning in front of the camera, I must say. I was looking forward to a better result after the editing.

May enough dimension ang garden para makakuha ng magandang shots. Although mahigpit sa protocol, nakapag-sanitize lahat. Before the wedding, naka-book na kami for a seven-day stay sa nearest house para masiguradong negative ang lahat ng wedding attendees, from visitors to staff. Sa area namin, okay lang na walang face mask. Then paglabas, kailangang ibalik.

Everything was perfectly planned kahit na strict pa rin sa quarantine guidelines.

Two years ago pa ako unang nakapag-photo shoot for a wedding after kong maka-graduate ng multimedia arts. Nag-resume lang ang business ng team noong end of the year kahit may pandemic pa. Unang beses kong maka-encounter ng wedding na hindi siya yung typical wedding na nabo-book sa studio namin.

"Baklaaaa! Ready na us!"

I was trying to capture every single moment of this wedding. The genuine reactions, the smile on their faces since important day ito ng pamilya at kaibigan nila.

I turned around and took a quick shot. And there I was, looking at my camera's screen, captured a sweet smile of a beautiful lady.

Beautiful is an understatement, though. It was magical.

Sobrang rare ng moment na natatagalan ako sa pagtingin sa screen ng camera ko. I don't know, I can't explain.

Maybe the lightings of the 2 p.m. sun? Or her ombre hair's full waves? O baka sa pink dress? Or the angle of the shot?

Hinihimay ko kung saan ba ako nagagandahan. Sa shot ba o sa rumehistro sa shot.

Pag-angat ko ng tingin, pinanlalakihan lang niya ako ng mata.

"Hi," matipid na bati ko. "I-I'm . . ."

"Hi, Kuya Pogi, ikaw ba yung photographer?" tanong ng babaeng sumingit sa likuran niya. Maikli ang buhok at nakasuot din ng pink dress. Lumapit siya sa akin at nakisilip sa camera ko.

Out of reflex, bigla kong inilayo ang gamit ko na para bang may nabisto siyang hindi niya dapat makita.

"Ay, grabe. Bawal makita?"

"Oh! I'm—I'm sorry, ma'am." My heart was beating double time at kung puwede lang akong lamunin ng lupa, malamang na nagpalamon agad ako. "I mean, puwesto na po kayo doon sa flower arc para sa shot."

"Babes! Tara, tayo muna!" Mabilis siyang tumakbo sa likod ng babaeng una kong nakuhanan ng picture. Pagsulyap ko, may hatak-hatak na itong babaeng nakasuot ng white formal suit na parang pang-office. But she was wearing a veil and holding a bouquet so ia-assume ko nang iyon ang bride.

At hindi naman ako nagkamali.

"Kuya, dito ba?" tanong ng isa sa bridesmaid named Cheche. Katabi niya ang bride . . . na hindi halatang bride named Kim.

"Yes, urong lang kayo nang kaunti kasi medyo against the light tayo."

"Kuya, ano name mo?"

"Jeremiah."

"Single?"

Natawa na lang ako nang mahina imbes na sumagot saka itinutok ang camera ko sa tapat para gawin ang trabaho ko. "Ma'am Kim, urong po tayo nang kaunti sa right."

"Jeremiah, kung single ka, may rereto ako sa 'yo. Mahilig sa cute 'to. Mamsh Maggie, tara here! Meet Jeremiah."

Napalingon naman ako sa kaliwa at sinundan ng tingin ang babae kanina.

Maggie. Cute name.

"Mamsh Che, sampalin kita diyan. Binubugaw mo na naman ako."

"Matagal ko nang friend ko 'yan, mamsh! Di ba, Jeremiah? Oo ka na lang, ser."

Napangiti na lang ako at napailing. Nagtatawanan na lang sila habang sunod-sunod kong pinindot ang shutter.

I was taking their shots, and what I love about photos was the concept of capturing and keeping the wonderful memory in every shot.

Pumuwesto kami sa wooden arc na puro bulaklak. And I must say, this is a really unique wedding. Simple lang ang makeup ng bride compare sa groom na makapal ang eyeshadow at lipstick. Although mahaba ang kulot na buhok ng bride, nararamdaman ko na mas aloof siya kaysa sa groom niyang queer. Ngingiti lang siya, hahawakan ang kamay ng groom, at minsan, titingala. Yuyuko naman ang groom at hahalikan siya nang mabilis sa labi at inaudible na magsasabi ng I love you, Kim.

Ayokong magtanong if gay and lesbian ba ang ikakasal ngayong araw, pero ganoon kasi ang nakikita ko. Kung may isang bagay man akong ikinabibilib, iyon ay lahat ng attendees, wala akong naririnig na negative words sa kanila sa setup. Masaya lang silang lahat. And the greatest part of it was they carried a cute baby boy with them. Parents na rin ang mga ikakasal.

Ang saya nilang panooring lahat. Ang saya nilang kunan ng shots. We were enjoying the moment, and I don't feel like I was just a nameless photographer in a wedding na tinatawag na kuya o manong o sir. Para akong matagal na nilang kaibigan na hinahatak nila sa kung saan-saan para lang kunan sila ng picture.

Although I was paid for it, pero lahat—the experience was fun. At hindi pa simula ng kasal.

Tatlo kaming photographer, isang videographer, at dalawang PA mula sa studio. Ako ang naka-assign sa pre-wed and reception pictorial at ang iba ko nang kasama ang sa wedding procession.

May isang oras pa para makapag-edit ako nang mabilisan for reception's quick slides. Nakapuwesto ako sa gilid ng garden habang ongoing ang wedding. Katabi ko ang sound operator habang nag-aayos ako sa laptop ng output.

Ang hirap pumili ng shots, sa totoo lang.

"Alam mo, Kim, di naman lingid sa kaalaman mo na si Kyle talaga ang mahal ko. Akala ko nga sisigaw siya ng itigil ang kasal kanina. Akala ko lang pala 'yon. Buti ang tagal mong bumaba kanina, ang daming picture naming dalawa."

"Hahahaha!"

Napahinto ako sa pagpili ng photos at napatingin sa stage dahil sa wedding vow ng groom. Hindi ko nga mabilang kung ilang shot nila ng kuya ng bride ang pinagpipilian ko ngayon. Nagtatawanan ang lahat at kahit ako, natawa rin nang mahina dahil doon. Mahirap pumili kasi magandang lahat.

Kung hindi ko lang alam na babae ang bride, baka isipin kong ang ikakasal ay itong Kyle at si Joey.

"Ito si Bakla, di na sinunod yung wedding vow nya, kaloka." Napatingin naman ako sa harapan ko. Nagulat ako kasi hindi ko agad napansin na doon pala nakaupo ang mga bridesmaid.

"'De, charot lang po. Okay, serious na. Naiiyak kasi ako, ano ba 'yan?"

"Hulas na makeup ni Mamsh Jo," sabi ni Maggie. Siya ang kanina pang nakasunod sa bride at groom and if I'm not mistaken, siya ang makeup artist ng mga ikakasal.

Kinuha ko na naman ang camera ko, at kahit nage-edit pa rin ako ng shots para sa slides mamaya, kumuha pa rin ako ng picture kahit na iba dapat ang gumagawa nito dahil tatlo naman kaming photographer sa area.

Sweet si Maggie. Minsan, sarcastic nga lang. Pero sobrang maalaga siya sa mga nasa paligid niya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses siyang nagtanong kung kumusta na lahat ng attendees sa wedding.

Marami-raming um-attend na eye-catching but she was different—o baka for me lang.

"P're, ganda ng ngiti, a. Sino 'yan?"

Napaupo ako nang deretso nang banggain ni Gary ang balikat ko. Inilayo ko na naman ang camera ko para hindi niya makita.

"Wala. Doon ka na nga! Tapos ka na ba sa shots?"

"Ikaw? Tapos ka na ba sa editing?"

"Patapos na. Tatlong photo na lang ang ia-add sa file. Lumayas ka na nga rito! Baka hanapin ka na d'on sa stage."

"Sus!"

Napapailing na lang siya sa pagtataboy ko. Kukuha pala siya ng stand. Nasa likod ko lang ang bag para sa equipments namin.

"I love you, Kimberly Tsu-Regidor, and from now on, you will hear those words every day for the rest of your life kahit annoying na for you . . ."

Nagpapalakpakan na sila kaya nagmadali na ako sa pagtapos sa slides para mai-ready na ang file sa reception.

Sina Gino ang bahala sa video kaya after kong matapos ang slides, kailangan kong bumalik sa pagkuha ng shots para sa paghagis ng bouquet. Maghahati kami ni Gino sa area para makuha lahat ng magagandang angle.

Everyone was excited, lalo na ang ladies, syempre. Ito ang madalas abangan sa kasal. Sa bandang likod ako nakapuwesto. Nasa gitna lahat ng single and not-yet-married girls na gustong makisalo ng bulaklak.

It Might Be You was playing in the background and it wasn't enough to change the competitive mood of the ladies.

"Wishing there would be someone waiting home for me . . ."

I was smiling the whole time because the bride looked like a pitcher sa isang baseball game. She smirked and bit her lower lip like she was about to throw the elegant flower like a ball. What was funnier about the setup? The ladies looked like they were about to catch for a freaking rebound.

Kung hindi lang kami nasa kasal, feeling ko, para akong nasa paliga ng basketball.

"Ready?" sigaw ng bride.

"Bakla, throw mo na, dali!" sigaw ng groom sa asawa niya.

"Aaaay!"

"Ayan na!"

"Hala!"

Nagkakasigawan na sa buong lugar, naghahalo ang panic at pagtawa. Sunod-sunod ang shot ko.

"Whoah!"

"If I found the place would I recognize the face?"

Saglit lang akong nagbaba ng camera para sana silipin ang kuha ko, kaso may kung anong bumangga sa akin kaya niyakap ko agad bago pa kami matumbang dalawa at inilayo ko ang camera bago ko pa mabitiwan at malaglag.

"Aww!"

"MAMSH MAGGIE!"

Sunod-sunod ang tilian nila at ang sumunod ko na lang na nakita ay sina Gino at Gary na sunod-sunod ang tutok sa amin ng camera. Nakatingin silang lahat sa puwesto ko—o namin ng nasalo ko. At mukhang sabay pa kaming nagulat pagtingin namin sa isa't isa.

"Something's telling me it might be you . . . Yeah, it's telling me it might be you all of my life . . ."

"Ay, sorry!" Mabilis siyang lumayo sa akin habang yakap-yakap ang bouquet na naglalaglagan na ang petals. "Sorry, nasaktan ka ba? Natapakan ba kita?"

Mabilis kong hinawi ang buhok niyang halos mapunta na sa pisngi niya. Inipit ko agad iyon sa tainga niya para hindi siya mahirapan na naghahatak ng laylayan ng dress at buhok nang sabay.

"Ay! 'Yan na nga ba sinasabi ko e!"

"Yiiieee!"

"Hoy, 'wag kayong ganyan!" sabi ni Maggie paglingon niya sa mga nakatingin sa amin. "Mga malisyosa kayo, ha." Ibinalik niya ang tingin sa akin at hindi kayang itago ng makeup niya ang namumula niyang mukha. "Sorry, ha? Ito kasing mga 'to e."

"Okay lang. Ikaw, ayos ka lang ba?" Tinulungan ko na siyang maghatak ng dress niyang kung sino-sino na ang nakatapak.

"Yeah." Ipinakita niya sa akin ang bouquet ng bride na nasalo niya. "Thank you, ha. Muntik na 'kong mahulog. Buti nasalo mo 'ko."

"Yeah. Who wouldn't?"

"Ha?"

"I mean, at least safe ka."

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya pero pigil na pigil pa habang nag-iipit ng buhok sa tainga. "I'm Maggie pala."

Tumango lang ako. "I know. Ikaw din yung makeup artist?"

"Yes. Beshie ko yung groom."

"Pansin ko nga." Itinaas na naman niya yung hawak niyang bulaklak na lagas-lagas na ang petals. "Maghahanap na siguro ako ng aasawahin. Sayang pagsalo ko e. Gusto mo ba?"

Bigla akong natawa nang mahina sa sinabi niya. "Ha?"

"'De, joke lang. See you sa reception, ha?" Tinuro niya naman ako. "Ikaw, kanina nahuhuli kitang nakatutok sa 'kin. Akala mo, di ko napapansin, ha."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Mamsh Maggie! Congrats!"

Naglakad na siya palayo sa akin para salubungin si Cheche na palapit sa kanya.

"Kukunin ko sa 'yo yung mga picture ko, ha! See you later, Jeremiah."

Natulala na lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pinanonood sila.

Ako ang dapat kumukuha ng memory sa kasal na 'to pero bakit parang ako ang nakuha?

May bumangga na naman sa balikat ko pagkalayo niya.

"Lapad ng ngiti, p're, a."

Natawa na lang ako nang mahina. "'Ganda niya, 'no?"

Mukhang extended ang reason ko para gumamit pa lalo ng camera.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top