Chapter 7

Chapter 7

 Eat or else

  

"Ano ba!" Sigaw ko ng binagsak niya ako sa malambot na kama.

Tinignan ko ang paligid, puro pink at puti ang nakikita ko. Kahit papaano ay hindi niya ako dinala sa kwarto na may mga pang torture na gamit, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Clean yourself and get downstairs, breakfast's ready." Matigas nitong wika habang nakatitig sa'kin.

Tumiim ang bagang ko at bumangon, makakapag-almusal pa ba ako kung nandito ako sa bahay ng isang taong hindi ko naman kilala at tinatawag ako sa iba't-ibang pangalan? and worse? May portrait ng pagmumukha ko sa living area niya. Baka nga isang araw lang akong manatili rito mabaliw na'ko ng tuluyan.
    
"I'll wait you downstairs." Wika nito ulit at tumalikod. Isinara nito ang pinto at nawala na ang tunog ng metal taps.

Malakas akong bumuntong hininga at humiga sa kama. Nakakainis, paano na'ko makaalis dito? I've got no phone, nahulog 'yun ng hinabol ako ng baliw na balbas saradong lalaki na 'yon.

Napahawak ako sa tyan ko ng marinig ko na malakas itong kumalam. Shit, I'm starving. Pero hindi ako bababa! Malay ko ba kapag lumabas na ako sa pintuan ng kwartong ito ay bigla na lang sumabog ulo ko? 'Yung lalaking kasama ko sa bahay na ito ay hindi ko makapagkakatiwalaan at hindi dapat pagkatiwalaan kahit na anong mangyari.

Bumangon muli ako at lumapit sa malaking aparador, binuksan ko ang pinto nito at bumungad sa'kin ang maraming damit.

I cringe at the sight of the clothes, kumuha ako ng isang damit na nakasabit at sinipat ito. Electric blue short dress, simple lang ang design nito pero.... maikli, tumapat ako sa full body mirror at tinapat sa'king katawan ang dress. Punyeta naman, hindi ko pa naisusuot pero hanggang ilalim lang ng pwetan ko ang haba nito.
 
Umalis ako sa harapan ng salamin at bumalik sa aparador upang maghanap ng masusuot. Pero bigo akong makahanap ng matinong damit, puro dress na sobrang ikli 'di kaya naman mga sleeveless at crop tops.

Padabog kong sinara ang pinto ng aparador sa inis. Hindi na'ko magugulat kung yung baliw na lalaki kanina ang bumili ng mga damit na'to. Mas maayos pa yung mga damit na dala ko eh.

Tama, nasaan na nga ba ang mga gamit ko? Luminga ako sa paligid at hinanap ang duffle bag na dala ko kagabi. Tinignan ko sa  gilid, sa ilalim ng kama ko, maski sa banyo naghagilap na'ko pero wala pa rin.

Kumalam uli ang tyan ko, napahawak ako sa sikmura. Nagugutom na talaga ako.

"Ugh! I hate this!" Bulong ko sa sarili ko at lumabas sa banyo.

Mabilis akong naglakad sa pinto at lumabas, binagsak ko ng malakas ang pinto sa likod ko pero ng makaisang hakbang pa lang ako ay napatigil ako.

"Argh! Ano ba!" Sigaw ko at hinila ang jacket ko na naipit sa pintuan.

Napapadyak ako sa bwisit at binuksan uli ang pinto at hinila ang jacket ko. Nagugutom na'ko!

Magkasalubong ang kilay ko ng nilakad ko uli ang hallway. Nang marating ko na ang hagdan ay mula sa itaas ay nasilayan ko ang lalaking italyano na nakatayo sa pinaka ibaba ng hagdanan. Tuwid itong nakatayo habang nasa bulsa ang dalawa nitong kamay at seryoso ang mukha na nakatingin sa malayo.

Hindi agad ako humakbang pababa, nanatili lang ako doon at nakatingin sa seryosong mukha ng estrangherong lalaki na nasa ibaba ng hagdan. I can see his defined jaw through his faded beard, those sharp nose and his deep black messy curls.

Napasinghap ako ng biglang tumama ang matalas niyang tingin sa'kin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Tinitigan ko ba siya? Nahuli ba niya yung tingin ko? Baka iniisip niya nag-eenjoy ako sa itsura niya? Tss, that's gross.

Tinignan ko ito uli at nakatuon pa rin sa'kin ang maiinit niyang tingin. Umayos ito ng postura at tumingala. Bahagyang tumiim ang bagang nito at binigyan ako nito ng full view sa kanyang adam's apple. Nakita ko ang pagbaba at pagbalik ng kaniyang lalagukan. Napalunok ako sa ginawa niya, tumikhim ito kaya't napatingin ako sa kanya na nakatitig rin sa'kin.
Agad akong nakaramdam ng hiya at inis kaya inirapan ko ito.

Padabog akong humakbang pababa sa mahabang hagdan. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay ramdam ko ang nakakapaso nitong tingin kaya nakayuko lang ako habang bumababa, mas binilisan ko na rin para matapos na itong tingin niya sa'kin. Nang nasa tatlong hakbang na lang ako pababa ay inilahad nito ang kaniyang kamay. Tinignan ko ang kamay niya ng nagtataka, lumpo ba ako at kailangan pa ng alalay? Mamamatay ba ako kapag nadulas ako sa tatlong hakbang na'to?
     
Tinignan ko ang lalaki at inirapan. Sanay ako sa ganitong trato sa'kin, pero wala ako mansyon para alalayan pa at magpakasosyal. Nang hindi pa rin nito ibinababa ang kaniyang kamay ay itinabig ko 'yon.

"Nagugutom na'ko " Wika ko at nilagpasan siya. Bwisit talaga.

Naiinip akong sinusundan ang lalaki, well dapat naman talaga siyang mauna kasi una sa lahat bahay ko ba 'to? Hindi 'diba kaya kahit inip na inip na'ko sa haba ng mga daanan na tinatahak namin ay tinitiis ko.

"Bahay ba 'to o museum?" Panunuya ko dahil sa layo ng nilalakad namin.
 
"Let's eat." Tumigil ang bulto ng lalaki. Tumayo lang ako sa likod nito at inamoy ang mabangong aroma ng kape at cinnamon. Sumilip ako mula sa likod ng lalaki at nakita ang isang napakahabang lamesa sa gitna ng silid.

Nilanghap ko muli ang amoy at kumalam agad ang sikmura kong walang laman. Napatingin ako sa lalaki na tinitignan ako mula sa kaniyang balikat, mabilis akong lumayo at sinimangutan siya.
 
"Nagugutom na'ko, tara na." Wika ko at naglakad na. Sumunod rin siya sa'kin.

Mabilis itong lumapit sa upuan at hinila iyon, napapikit ako sa bwisit. Lahat talaga ng bagay na mayroon sa bahay na'to ay nakakapagpaalala lang sa'kin sa lugar na inalisan ko.

I glared at him, "Marunong akong umupo mag-isa, okay?" Inirapan ko itong muli sa hindi ko mabilang na pagkakataon.

Tinapik ko ang kamay nito at tinanggal din niya agad ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at umikot na papunta sa upuan niya. Mabuti naman.

I confidently pull the chair but I stucked. Hindi ko mahila ang upuan dahil yari ito sa kahoy at ang bigat nito. Tinignan ko ang lalaki at nakaupo na ito. Sinubukan ko uling hilain ang upuan pero lumikha lang iyon ng matinis na ingay na masakit sa tenga.

Napakagat ako sa labi at tinignan ang lalaki na naglagay ng serviette sa kaniyang kandungan. Napabuntong hininga na lang ako, dapat pala nagpatulong na lang ako.

"Let's eat," Aniya ng hindi nakatingin, napatiim bagang na lang ako at umupo.

Tinignan ko ang kabuuan ng silid, para akong binalik sa nakaraan, in victorian era. Tumingala ako at nakita ang isang grandisong chandelier na may mga bilog na disenyo sa gilid, iyon siguro yung bumbilya. Sa pader ay may mga paintings at iba't ibang sculptures. Walang nakabukas na ilaw rito pero dahil sa napalaking bintana sa upuan sa likod ng lalaki ay naliliwanagan na ang buong lugar.
 
"You are far from the table." Tinignan ko ang lalaki na nakakunot ang noo.

Tinignan ko ang sarili ko bago bumaling ulit sa lalaki, "Ganito ako kumain eh." Dahilan ko at kinuha ang plato na may lamang pagkain.

I heard him hissed and stood. Naglakad ito sa likuran ko at mabilis na itinulak ang upuan ko.

"Ahh!" Tili ko dahil muntik ng sumubsob sa mukha ko yung pagkain.

"Ano ba bakit hindi ka nagsasabi?!" Bwisit na bwisit kong bulyaw sa kanya.

"You can't eat well in that position." Seryosong saad niya. Inirapan ko ito sa bwisit at kinuha ang tinidor sa gilid at nagsimula ng kumain.

Habang sumusubo ako ay nakikita ko sa gilid ng tingin ko na tinititigan lang ako nitong lalaking 'to. Naiilang ako na naiirita kaya malakas kong ibinagsak sa mesa ang tinidor ko.

"What's your name? " I said in gritted teeth. He sipped on his coffee and wipe his mouth before speaking.

"Zak," Pakilala nito at nakatitig pa 'rin sa'kin. I rolled my eyes in the back of my head before giving him a fake smile.
 
"Hello, Zak. Would you mind if you mind your own business and don't you dare stare at me while eating? Because it bothering the shit out of me." Wika ko ng nanggigigil. Ilang sandali ako nitong tinignan bago tumango. Buti naman nakainitindi siya sa pagkakataong ito.
 
I wiped my mouth with serviette and burped, "Excuse," Wika ko at halos batukan ko na sarili ko. Nakakainis kapag lumaki ka sa pamilyang may 'Etiquette' na sinusunod sa lahat ng kilos.

Ibinaba na rin nito ang kaniyang kubyertos at bumaling sa'kin. Tinignan ko din ito. Diretso itong nakatingin sa'kin, bumababa ang tingin niya sa plato ko at muling bumalik sa'kin. Nairita ako sa ginagawa niya.

"What? " Iritado kong tanong.
 
"Finish your meal. " Aniya at umayos ng upo. I puffed an air out of my mouth and rolled my eyes.

Tinignan ko ang plato ko na may naiwang isang slice ng toast bread.
    
Humalukipkip ako, "Salamat sa pagkain, pero I won't eat that." Wika ko ng may pagkadisgusto sa natirang pagkain.

"Why?" Nagtataka nitong tanong.
    
Kumunot ang noo ko, "I don't eat breads, I hate breads." Maarte kong sagot.
 
"As far as I can remember, adori il pane, Risa." He spoke in his thick italian accent. My blood pressure rises at the unknown name he called me.

"Ciao! Sir Zak. But I don't speak Italian." I said sarcastically.

"Rephrase that," I point my finger to him.

"Nagsasalita ako ng Italian but only a little. So please kindly explain what did you say," I raised a brow at him. He sighs and look at me intently, I stared at his adam's apple again.

"I said you love bread before." Sagot niya at bahagya akong natawa. At saan naman niya nakuha ang impormasyon na 'yon?
 
"Kahit kailan hindi ko magugustuhan ang tinapay." Tawa ko at umiling, baliw ba siya? hindi niya ako mapapakain niyan.

"Eat," Matigas nitong sabi.

"Sorry, I didn't hear you." Wika ko at umarteng hindi siya narinig. He sighed harshly.

"Ubusin mo ang nasa laman ng plato mo." Giit niya.

"Oh, yeah..." I mocked him secretly. Pasok sa kabilang tenga labas naman sa isa.

"Risa..." Wika niya sa malalim na boses. Bakit niya ako tinatawag sa hindi ko naman pangalan?Bigla akong nainis kaya bilang ganti ay inilayo ko padabog sa harap ko ang plato.
  
Nang-aasar ko itong tinignan, "Oops..." I open mouth in fake shock and gasps,

"My bad, hindi ko naman talaga gustong gawin 'yun kaso ayoko ko kasing kainin yan eh." I said sarcastically and gave him a grin.

"Eat that or else," He said in gritted teeth, his brown eyes are turning darker.
 
"Or else what, Zak?" Wika ko ng nanunuya at tinawanan siya ng makita ko ang kuyom niya sa kaniyang kamay.

Ilang sandali pa ay tumayo ito at mabilis na naglakad palapit sa'kin. Hindi agad ako nakakilos sa marahas niyang paghila ng upuan ko at pinaharap sa kanya.

He slammed his hands on the sides of my chair and lean closer to my face. My breath hitched when he put his knee between my thighs. He held this burning gaze upon me and his chest are breathing heavily. He gave me a full vision of his body by his loose polo. I was paralyzed at my chair, his curls are tickling my forehead.

Kinuha nito ang plato sa lamesa at inilagay sa harap ko. My heart race faster. What is he doing?

"Eat," He commanded, I didn't move a single inch and I was just staring at him like a fool.
 
"Swear, my angel." Aniya ng nakatiim ang bagang at mas lumapit pa sa'kin. Bahagya akong napapikit sa ginawa niya, halos magdikit na ang mga noo namin sa lapit niya.

"Eat or else... " Aniya at hindi itinuloy ang kaniyang pangungusap. Mariin itong pumikit na tila nagpipigil. Dumilat ito at natanggap ko ang mas matalas ngunit namumungay nitong mga tingin.
   
Nanginginig kong kinuha ang tinapay tinignan ko si Zak na nakatingin pa rin sa'kin at tila hinihintay ang pagkagat ko sa tinapay. Ibinato nito ang plato sa lamesa kaya nabasag ito pati ang baso roon. Marahan akong napatalon sa gulat sa ginawa niya.

Napapikit ako at dahan-dahang kumagat sa tinapay, tumunog ang malutong nitong crust. Nalasahan ko ang matamis na palaman nito.

"Good girl," He whispered huskily to my ear. Lumayo ito at tumayo ng tuwid.

Naibuga ko ang malakas na hangin na kanina ko pa pinipigilan. Napatingin ako sa kanya ngunit umiwas lang ito ng tingin at tumalikod na. Naglakad ito palabas ng silid at iniwan akong nakatulala doon at hinahabol ang aking paghinga.

Ang sarap pala ng tinapay, lalo na kapag french toast...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top